Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

10

2.4K 197 66
By dark19

Daphne's POV

Sobrang dilim!

Sakit.

Takot.

Galit.

Hiling na sana mabuhay ako.

Hindi ko na mabilang yung ilang kahoy at matutulis na mga bato ang naapakan ko na bumabaon sa mga paa at binti ko. Kagat ko ang labi ko sa pagpipigil sa mga paghikbi ko pero pilit itong umaalpas. Panay hiling ko na sana masagip ako nina kuya.

Iba ibang boses ang naririnig ko sa di kalayuan. Mga babae at mga lalake na naghihiyawan sa saya dahil sa paghabol nila sa akin.

Anong kasalanan ko sa kanila?

Mayamaya ay nag iba ang pakiramdam ko. Parang namigat ang mga binti ko habang nanlalamig ang ang buong sistema ko na wari ba na nilalagnat na may kasamang malalang trangkaso ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Bumagsak ako. Hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko. Ibigin ko mang gumalaw ay hindi ko magawa at hindi ko na namalayan ang buong paligid ko. Wala na kong marinig.

Para akong nagising sa malalim na pagkakatulog ng marinig ko ang marahas na pagkapunit ng damit ko at pagdampi ng mga labi nya sa leeg ko at kung saan saan sa parte ng katawan ko.

"P~please....Maawa ka...." umiiyak na pagsusumamo ko habang wala akong lakas na pilit syang itinutulak paalis sa ibabaw ko. Sa mga oras na ito ay diring diri na ko sa sarili ko at hindi masukat ang galit na bumabalong sa pagkatao ko para sa nilalang na lumalapastangan sa akin ngayon. Wala syang naririnig. Hindi nya naririnig ang bawat pagsusumamo ko na huwag nyang gawin ito sa akin.

At yung parte na yumanig sa pagkatao ko ay yung parang may sinaksak sila sa parteng balakang ko at parang halos bumaoon iyon sa buto ko.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa bangungot na iyon. Nilalabanan ko at pilit pinapahupa ang mabilis na pintig ng puso ko dahil sa takot. Mga ilang saglit ay napahawak ako sa parteng balakang ko. Napabuntong hininga ako. Magaling na ito, iyan ang sinasaksak ko sa isip ko para hindi ko maalala yung sakit na nanuot dito noon.

Napatingin ako sa wallclock sa kaliwang bahagi ng kwarto ko. 11:30pm palang. Napabuntong hininga ako at inabot yung cellphone ko sa gilid. Dating gawi.... kailangan kong magpaantok ulit at piliting iwaksi sa isip ko ang mga bagay na nangyare noon.

Napataas ang kilay ko ng mabuksan ko yung mensahe na galing kay Roi.

'Wag mo nga akong isipin ng makatulog ako.'

Sa inis ko dahil sa pagiging feelingera ng hudas barabas na 'to ay napilitan akong magreplay sa katangahan nya.

'WAG KASENG MAGDROGA PARA MAKATULOG KA! FEELING NITO!'

Ayan capital letters lahat para damang dama nyang impakta sya. May isang linggo na kaming di nagkikita nitong si Roi dahil umuwi daw sya sa kanila sa Manila. Pero kahit ganun ay consistent ang lola mo sa panliligaw. Kahit hindi ako nagtatanong ay nag a-update pa din sya sa akin sa bawat galaw nya.

Mayamaya ay tumatawag na sya at pagkasagot ko ay imbis na hello o hi ay yung halgapak na tawa nya ang sumalubong sa akin.

Napaikot sa ere ang mga mata ko.

Bakit ganito ang taong ito?

"Happy ka? Sana lahat noh?" sarcastic na tanong ko na syang kinatawa nya lalo.

Napakamapang asar nya talaga!

"Napakamaldita mo kamo hindi akma sa ganda mo..." banat pa nya.

"Roi nagpapaantok ako huwag mo nga akong galitin!" napasandal ako ng maayos sa headboard ng kama ko at yinakap yung unan.

"Okay, sorry. Magtitino na...... bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nya at bigla akong napakagat sa ilalim na labi ko. Kainis! mula sa mapang asar na boses ay bigla naman syang naging sweet!

"Nagising kase ako... ikaw bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ng kalmado lang baka magmukhang naglalambing ako ng pabalik sa kanya.

"Hmmm.... namimiss na kita eh. Baka sa party na tayo magkita kase sasama ang mga magulang ko sakin dyan sa Cebu." saad nya. Ang sinungaling ko kung sasabihin ko na hindi ko hinahanap hanap ang presensya ng barabas na 'to!

"Ipapakilala kita..." excited na sabi nya na syang kinakabog ng puso ko sa samut saring emosyon. Hindi ko alam bakit na-touch ako kay Roi sa idea na ipapakilala nya ko sa mga magulang nya. Kaso......

"Nakakahiya..." halos pabulong na sabi ko habang kagat ko na yung kuko ko sa kamay ko. Hindi akma ang kagaya ko na isang rape victim kay Roi. Hindi matutuwa ang mga magulang nya.

"Huh? Bakit naman? They will like you... ikaw pa lang yung ipapakilala ko sa kanila... kaya kilabutan kang busted-in ako!" masaya at mayabang nyang saad kaya napaikot sa ere ang mga mata ko. Napakayabang!

"Bakit parang utang na loob ko pa?" sarcastic na tanong ko na syang kinatawa nya ulit sa kabilang linya. Napaka talaga wala na kaming normal na usapan sa totoo lang.

"Daph bawasan mo nga yang kamalditahan mo..." pang aasar pa nya. "Wag ng magsungit... Miss mo na ko?" usisa nya at parang umurong ang dila ko sa biglang paglukso ng puso ko sa kaba at taranta.

"U-uuwi ka naman eh..." nasabi ko na lang.

"Gusto mo umuwi na ko dyan ng mas maaga?" masayang tanong nya.

"Spend more time with your family..." mahinang pagalit ko na kinatawa nya.

"Tinatakwil na ko ng Dada at Mommy ko at sabi nila kapag niloko kita ay wag na wag na daw ako babalik dito sa pamamahay namin.... " tuwang tuwang kwento nya na kinangiwi ko. "Sabi ko papaampon na lang ako sa mga magulang mo para habang buhay na tayo na magkasama."

"Ayos may taga laba kami..." sabi ko para panlaban sa emosyon na dumadapo sa puso ko sa mga oras na ito. Hindi kase ako karapat dapat sa kagaya ni Roi. Kawawa sya dahil magiging tampulan sya ng lait kapag naging kami.

................
Anong klase ito?

Heto lang yung ginagawa ko for 3 days straight! Ang samahan itong si Kaia sa unit nya dito sa hotel habang busy sya sa pagtatrabaho. Wala akong ginagawa.

Napasunod ang tingin ko sa kanya ng ilabas nya yung sampung bote ng wine na may iba't ibang label date. May magnetic aura ang babaeng 'to na tipong ang hirap ignorahin. Maganda sya. As in maganda kahit na anong anggulo at kahit sa mga oras na ito na gulo gulo ang buhok nya dahil sa bara barang pagtali nya sa mahabang buhok nya.

Mukha syang modelo na susundan mo talaga yung bawat kilos nya. Ang lakas pa ng dating dahil isa syang wine maker.

Mayamaya ay may binaba syang dalawang wine glass.

"Try natin...." saad nya at naupo sa katapatan ko.

Pinagsalin nya ko ng wine sa wine glass na nilagay nya sa harap ko.

"Naniniwala ka ba sa kasabihan na yung lasa ng first kiss mo sa taong mahal na mahal mo ay parang lasa ng isang matamis na wine?" tanong nya na kinatigil ko. Hindi ko alam. Wala naman akong naging karelasyon. Bigla ko tuloy naalala si Roi. Hahalikan daw nya ako kapag naging kami.

Ang lakas makademonyo ng isip talaga!

Napaangat ang tingin nya sa akin ng hindi ako nakasagot.

"Hindi pa?" tanong nya kaya nahihiyang napailing ako. Napatawa sya.

"Okay lang yan... atleast nauna mong tikman ang wine kaysa doon para sa future may reference ka..." natatawang pang aalaska nya. Napasimangot lang ako sa kanya. Hindi ko sya mawalanghiya gaya ng kay Roi dahil itong nilalang sa harap ko ay pamangkin ng may ari ng hotel na 'to.

Tinuruan nya ko ng proper na pagtikim ng wine para daw alam ko ang mag appriciate ng bawat ditalye ng lasa nito batay sa tagal ng pagkakaimbak nito. Namalayan ko na lang na nag eenjoy na ko habang nasa paligid ko sya. Ang lakas kase makabestfried ng awra ni Kaia sa totoo lang.

"Anong itsura ni Callen?" tanong ko at muntikan na sya masamid at ang baboy dahil sa pagkabigla nya ay naibalik nya yung wine na nasa bibig nya doon sa mismong baso nya. Bwisit na 'to.

"Nakakadiri naman kung ise-save ko sa cellphone ko yung pagmumukha nya." simangot nya sa akin ng maibaba nya yung wine glass.

"Damot." anas ko.

Natawa sya habang naiiling.

"Sa mga pinsan ko sa side ng Altamirano?" saad nya bago napatingin sa akin. Seryoso ang mga mata nya.... napabaling sa ibang direksyon ang mga mata ko. Nakakailang syang tumingin.

"She's a mess. Walang may ibig na mainvolve sa kanya...." saad nya na kinaangat ng paningin ko sa kanya mula sa pagkakaiwas ko kanina.

"She can hurt everyone in a snap kapag nasaktan yung mga taong mahahalaga sa kanya at kaya nyang mas higit doon kung paano nasaktan yung taong mahal nya..." napalunok ako dahil sobra ang pagkakatitig nya sa akin habang seryosong nakatingin diretso sa mga mata ko.

Mayamaya ay napalingon kami sa may pintuan ng tumunog ang pagbukas nito ng maaccess yung passcode.

Napatulala ako sa pumasok.

"Ate hinahanap ka na ni Mommy! Napakagala mo!" sigaw ng lalake.

Poker face na tumingin dito si Kaia dahil hindi nya napansin na nandito ako at akala nito ay ate lang nya ang nandito.

"May bisita ako Arthy...." saad ni Kaia at nanlaki ang mga mata ng makita ako nitong bagong dating at mga ilang saglit ay nagpanic ako dahil papakaripas sya ng takbo sa akin at tuwang tuwa ang mga mata nya.

"Girlfriend ni Ate Callen! Naaalala mo ako? Ako yung nagbigay sayo ng libro noon sa hospital!" masayang turan nya pero bago sya makalapit sa akin ay hila na ni Kaia ito sa kohelyo palayo sa akin.

Ano daw? Girlfriend nino?

Napalunok ako para ibsan yung taranta dahil papatakbo ba naman sya sa akin.

"Hindi mo narerecognize yung boses ko? Ako ang nagdescribe sayo ng kulay ng langit noon at sayang nga nung araw ng aalisin yung benda mo sa mga mata eh pinauwi na ko nina Mommy sa Italy." saad nya ng hindi man lang pinuputol ang tingin nya sa akin. Mahabagin langit nakakalunod ang kulay itim ng mga iris ng binatang ito.

Naalala ko sya pero lintik ayaw humupa ng taranta ko dahil sa inasal nya. Parang yayakapin nya kase ako! Napatango na lang ako at napasandal ng maigi sa kinauupuan ko.

"Natapos mong basahin yung book na naibigay ko sayo? Sabi na makakakita ka eh..." masayang saad. Napangiti si Kaia at binitawan na ang kohelyo nito.

"Oo... paborito ko sya.... maraming salamat." bawi ko at ngumiti. Ang gwapo nya at malaki ang pagkakahawig nila ni Kaia.

"He is my younger brother, Arthy.... Arthy she's your Ate Daphne." pagpapakilala ni Kaia sa amin.

Kinuwento nya yung about sa librong binigay nya sa akin regarding sa diyos ng Egypt na si Horus iying librong binigay nya. Sa totoo lang naging pabirito ko iying libro na binigay nya sa akin at sobrang natuwa ako sa maiksing sulat ni Arthy sa akin sa huling pahina nung libro.

Hanggang sa natapos ang maghapon ko sa trabaho na kakwentuhan ko silang magkapatid at sila pa ang naghatid sa akin. They are fun to be with. Parang hindi anak ng bilyonaryo dahil ang simple lang nilang magkapatid. Napakadaldal ni Arthy habang si Kaia naman ay kalmado ang personality.

Panay panay ang kwento ni Arthy sa akin about Callen at kung gaano nya kaidolo yung pinsan sa lahat ng bagay na syang kinangingiwi ni Kaia. Natatawa ako sa reaksyon ni Kaia. May hint na ko sa ugali ni Callen dahil lagi itong kinukwento sa akin ng mag asawang Altamiro kapag may ginagawa itong kalokohan at sa pagkakakwento ni Ma'am Cyrll sa akin ay sa side ng mga Mondragon nagmana ng pag uugali ito... sa side ng Nanay ni Ma'am Cy.

"Nandito na po ako!" sigaw ko at napasenyas si kuya na busy sa web meeting nya dito sa salas namin kaya nagdiretso ako kay Papa na nagbabasa ng dyaryo sa may hapagkainan namin at si Mama naman ay busy sa paggagayat ng mga gulay na lulutuin nya. Inalukan nya ko ng miryenda pero tumanggi ako dahil ang dami ko nakain dahil sa libre ng magkapatid sa akin bago mag uwian kanina kaya dumeretso na ko sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pintuan ay napamulagat ako sa nadatnan ko.

"Roi!!!!!!!" masayang tili ko kaya nabigla sya ng bangon mula sa mahimbing nyang pagkakatulog habang nakadapa sa may ibabaw ng kama ko. Napatawa ako dahil ang pula ng mga mata nya dahil sa biglaan paggising nya dahil sa tili ko. Narinig ko na napatawa sina Mama mula sa kusina marahil sa pagtili ko.

Nang marealize nya ay napasimangot sya sa akin at muling nahiga at pumikit. Namiss nya daw ako pero ang hinayupak ganito ang reaksyon!

"Wag kang maingay..." reklamo nya. Binaba ko yung bag ko sa isang gilid at natatawang naupo sa gilid ng kama ko habang hinuhubad ko naman yung relo ko at earings ko.

"Ay! Kahiya talaga mag ingay sa sariling kwarto noh?" saad ko at nilingon sya. Hindi sya makamulat sa sobrang antok.

Habang naghahanap ako ng damit na pambahay ay panay ang kausap ko sa kanya at hindi sya makasagot sa sobrang antok.

Sobrang nasanay na ko sa presensya ni Roi dito sa pamamahay namin sa di ko malamang dahilan gayong maiksi palang yung panahon na nakilala ko sya.

"May pasalubong ka sa akin?" baling ko habang hawak ko yung pamalit ko at yung tuwalya.

Tinuro nya yung bagpack nya na nasa ibaba ng kama.

Napangiti ako at sinabi ko na after ko maghalf bath ay uusisain ko yung dala nya.

Pagbalik ko sa kwarto ay napakahimbing ng tulog ni Roi. Bakit kaya puyat na puyat itong taong 'to? Napa indian seat ako sa harap ng bagpack nya at binuksan iyon. Sa maiksing panahon ay sobrang invade-an na yung ginagawa namin sa property ng bawat isa at medyo nalulugi ako dahil napapansin ko na may ilan ilang damit na syang naiiwan dito sa cabinet ko! Kaya yung ibang damit ko na kakatiklop lang ni Mama ay nilalagay na lang nya sa table ko dito sa kwarto at yung computer ko ay nilagay na lang sa salas! Kakahiya sa may sariling kwarto eh!

Kaya ok lang itong halughugin itong bag nya.

Parang pumalakpak ang mga tenga ko ng makita ko yung pasalubong nya sa akin. Strawberry jam!

"Baguio?" excited na tanong ko sa kanya at hindi sya makamulat habang tumatango bago nagtalukbong ng unan sa mukha nya.

"Naman Daph..." mahinang reklamo nya at pigil na pigil ang inis nya kaya natatawa ako. Ang sarap talagang gumati sa taong 'to.

"Bakit puyat na puyat ka?" tanong ko habang inuusisa ko pa yung ibang snacks na dala nya at yung iba dito ay yung mga hiningi ko sa kanya.

Nag alis sya ng talukbong na unan sa mukha at pokerface na napatingin sa akin.

"Naging baby sitter ako ng anak ng crush ko dati." saad nya at ngumisi sa akin. Napataas ang isang kilay ko. Crush?

"Pinaganda mo pa... baka ex kamo..." sabi ko at napatawa sya.

"Wag kang mag alala kapag naging tayo mas magpapakapuyat akong alagaan ka... Ang bilis magselos..." mayabang na saad nya.

Hayop na yan!

"Mas alagain ka kaysa sa akin Roi... isang gene na nga lang ang pinagkakapitan mo para masabing normal ka pa eh..." bara ko na kinatawa nya.

Napabangon sya sa kama at binato sa akin yung unan habang natatawa.

"Ang hirap naman maglambing sayo.... di ka naman maganda." bara nya sa akin.

"Ma! Ang panget mo daw sabi ni Roi!" sigaw ko na kinalaki ng mga mata ng nilalang sa harap ko. Akala nya huh! Magkamukha kaya kami ni Mama.

Kaia's POV

Hayup na yan! Napakahirap umakto ng kagalang galang sa harap ng nililigawan ng pinsan ko. Para akong sinasakal. Pauso kase ang hayop dapat daw ay maganda ang maging impression nito sa amin. Naman! Wala nga kaming mukhang maiharap sa madla dahil sa mga katangahan nya tapos ngayon pa nya naisip ito!

"Hindi ka kinakabahan sa pagbabago ni Callen?" tanong sa akin ni Ishan after nyang maidiscuss sa interior designer yung magiging set up nito mesh hall para sa darating na party dito sa hotel nila Tita Roian sa makalawa.

"Sino bang hindi?" sagot ko at napairap ang mga mata ko sa taong kararating lang na syang kinatawa ni Ishan.

Bakit kaya ayaw pang magresign ng babaeng 'to? Hindi na ko natutuwa sa kanya eh.

Halos ihataw nya sa braso ko yung mga dokumentong hawak nya.

Limot na ba nyang panganay na anak ako ng amo nya?

"Revise it and send it to me next week sharp." saad ko at binalik sa kanya yung mga dokumento. Salubong ang mga kilay nya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Feeling maganda ang amp!

"Review it first! Wynter ang layo nitong Cebu gago ka ba?" halos dumagundong sa buong hall yung boses nya na kinangisi ko.

"And? Magresign ka na kung ayaw mo na itong trabaho mo..." suwestyon ko. Laging nagmamaganda!

Nagngangalit yata ang mga ngipin nya habang nagpipigil ng galit na nakatitig sa akin.

"Okay fine! I'll be staying here in Cebu for revision of this document at lahat ng expenses ko? Deducted sa sweldo mo at may approval na mula sa Dada mo." ngising saad nya at napairap bago ako tinalikuran at halos madurog ang ear drums namin ni Ishan dahil sinasadya nyang patunugin sa paglalakad nya yung hayop na heels nya!

"Tang inang Jillian yan! Hayop!" frustrated na saad ko. Wala syang makukuhang anuman na sa sweldo ko! Magcup noodless na lang sya! Sasakalin ko talaga sya kapag executive pa ang kinuha nyang kwarto dito!

"What's wrong with her? Parang mas okay pa itong nililigawan ni Callen." saad ni Ishan na kinalingon ko. Sa statement nya parang nililigawan ko si Jillian!

"Never in my wildest dream na magkakagusto ko sa gagong yan." mariin kong sabi kay Ishan.

"Bakit ka nagagalit? Di ba nga? Since high school ayaw mo sa kanya...hmmp!" At panay ang bulong ni Ishan bago ako iwan dito. "Bobong defensive!"

Aba't!

Napabuga ako ng hangin at napailing.

"Mukhang malaking party ang magaganap?" napalingon ako sa nagsalita. Yung anak ng senador.

Hindi ako umimik.

"Don't worry... hindi naman ako manggugulo. Ayokong masira ang imahe ng tatay ko lalo na at mataas na posisyon yung gusto nya." saad ni Axcel

"Why you here?" walang ganang tanong ko.

"For her." prangkang sagot nya. Napaayos ako ng tayo. "Don't be like that Reigh, Nasa kanya yung nag iisang bagay na nagpapaalala sa akin kay Jairus. And that's my goal....yung manatili sa akin ang mga yun." seryosong saad nya.

"Hindi sya ibibigay ni Callen sayo ng basta basta." saad ko. Parang hindi nya kilala yung isa.

"And? Hindi kakayanin ni Callen na panindigan ang taong iyon sa lahat.... she's a rape victim." malamig na saad nya na kinatulos ko.

Napatingin ako sa kanya.

"May alam na ba ni Callen?" nang uuyam na tanong nya.

Daphne's POV

Walang media ang pinayagan na macover ang party na 'to batay din sa ibig ng mag asawang Altemirano lalo na at naririto din ang malalaking angkan ng mga kaibigan nila. Dumating din ang pamilya ni Ma'am Cy sa mother's side nya. Ang mga Mondragon. Nakakalula. Pero hindi ako doon naano kundi ito ang araw na makikita ko na si Callen!

Nakakahiya at sya na lang sa pamilya ng Altemirano ang hindi ko napapasalamatan ng personal. Nakatitig ako sa malaking portrait na may taklob na malaking telang puti at bubuksan lang ito soon na formal ng ipapakilala yung bunsong anak nina Ma'am Roian bilang kapalit nya sa pagpapatakbo sa mga hotels nila maliban kay Sir Yuan.

Nagulat ako at namangha ng biglang may nagpop out na mga logo ng naglalakihang kumpanya sa Pilipinas sa bawat stage event led screen na nakadisplay sa bawat poste ng hall na ito. May lumitaw na Santillan Empire, Mayroon yung sa pinagtatrabahuhan ni Kuya, ang pinakamalaking construction firm dito sa bansa na pagmamay ari ng mga Fajardo. Mayroon din na angkla ng barko at may nakalagay dito na Ricafort. Mayroon din ang mga Arcelo. Yung pagmamay ari ni Sir Yuan na Samaniego Group ay nakalagay din doon.Lumitaw din yung logo ng wine na laging tine- taste test ni Kaia nung nakaraan at katabi noon ang kumpanyang pagmamay ari ng mga Reigh. Mayroon sa may malapit sa malaking screen ay ang Tower Group of Company na alam ko ay sa mga Altamirano at Mondragon. Sa paglitaw ng mga logo ng mga ito ay mabibingi ka sa lakas ng palakpakan ng mga bisita at lahat sila ay napatayo. Nakakalula ang mga kumpanyang ito!

Lalong lumakas ang palakpakan ng lumitaw ang logo ng Kaye Group of Hotels and Resorts.

Grabe ang yayaman ng mga taong ito at lahat sila ay mga bilyonaryo!

Mayamaya ay tumunog yung parang intercom....

"Santillan Empire!" at tumutok yung spotlight sa may entrada ng hall at napatulala ako sa mga nilalang na nagdatingan at binibigyan ng atensyon ng buong paligid. Mga may lahing espanyol ang mga ito batay sa itsura nila. Ang gandang lahi!

Napatingin ako doon sa lalake. I know him! Lagi syang laman ng mga magazines! Yuji Arcelo! Ang gwapo pala nya sa personal at hindi nakakabawas sa kagwapuhan nya itong sya ang may karga sa unico hijo nya at ang ganda din ng asawa nya na nasa tabi nya.

Ang ganda din ng kapatid nya at ayon sa balita ay malapit na din itong manganak. Yung ibang Santillan ay hindi ko na kilala pero ang gaganda at ang gugwapo nila.

Mayamaya ay tumutok ulit sa entrada at pinakilala ang mga ito ay ang mga Fajardo! Sina Doc Yuri kasama ang pamilya ni Ma'am Shann! Kainis ang gandang lahi din ng mga 'to! Yung anak nilang babae ay masayang nakakapit sa braso ni Doc Yuri. Nameet ko na iyon si Ma'am Ishan noong napagkamalan ko syang aplikante at sobrang nakakahiya iyon! at napatingin ako ng may babaeng nasa kabilang bahagi nya at sa kabila naman ay Ma'am Shann.

"Manliligaw ni Ishan yata yun..." rinig kong saad ng katrabaho ko. Bagay sila.

Tumaas ang balahibo ko ng dumating na itong pamilya nina Kaia. P-parang ibang tao silang magkapatid ngayon dahil ang seryoso ng mga mukha nila. Wow! Ang gaganda din ng mga magulang nya at kamata nilang magkapatid ang isa dito. Mayamaya ay naalala ko yung nasa tabi nya. Yung duktora! Isa sya sa tumulong sa akin dati! Last time na nakita ko sya ay noong paalis na ko ng bansa at yung pangako nya.

"Iisa- isahin natin sila."

Napalunok ako.

Para kaseng papatay sya.

Mayamaya ay natigilan ako.

"Ricafort."

Yung kulay ng mga mata nila!

Wow!

Nangunot ang noo ko dahil sa nilalang na naglalakad sa isang gilid at kamata nya ang mga kasama.

R-Riyon?

P-paanong....?

Why she lie to me?

Para akong nablangko at hindi ako makapag isip ng maayos.

"Excuse me?"

Kahit parang lutang ako sa pagkabigla ay nilingon ko ito.

Kasama sya ng mga Santillan.

"Sabi ni Tita Roian ay matutulungan mo ako sa paghahanap ng kwarto na laan para sa amin na mga Santillan...sorry alam ko na you here for the party at off duty ka.... I'm badly need to know kase yung kapatid ko ay nilalagnat habang papunta dito sa event." he said with apologetic face. Napalunok ako at sinabi ko na okay lang at si Ma'am Roian naman ang nakisuyo.

"Kuya Dilaw....." saad ng isang dalagitang babae at yumakap ito buhat sa likod nitong kuya nya.

Dilaw? Dilaw ang pangalan nito? Hindi napag isipan?

Napatingin ako doon sa kapatid nyang babae at talagang masama ang pakiramdam nito dahil namumutla na ang itsura nya. Isinantabi ko muna si Riyon... ayoko ng huling naiisip ko!

Habang naglalakad kami papunta sa elevator ay napapangiti ako dahil ang sweet nitong lalake sa kapatid nya.

Mayamaya ay nakahabol sa amin si Doc Art bago kami makapasok ng elevator.

"Red..." tawag nito at nakangusong lumipat ang yakap nito kay Doc.

"Tita my head hurt." reklamo nito

"Gosh..." anas ni Doc at nakaalalay na ito sa nakayakap sa kanya.

"Pasunod na din po sina Mommy kinausap pa po kase ni Tita Carol." saad nitong binata at napatango sa kanya si Doctora.

"Jaune text your Tita Gale... pakisunod kamo nung bag ko..." saad ni Doc at napatango itong binata sa kanya.

Napasinghap ako ng napalingon sya sa gawi ko at napangiti sya ng nakilala ako.

"Daph! How are you?" masayang bati nito habang nakaalalay ng yakap sa dalagang masama ang pakiramdam.

Napangiti ako at sumagot na okay lang ako. Habang lulan kami ng elevator ay parang nagka-catch up kami sa magagaan na pangyayare noon at marahil ay hindi lang nya ma-open up yung trahedya nangyare noon marahil bilang respeto dahil may kasama kami ngayon.

Nang maihatid ko sila sa designated room nila at papaalis na ko ay hinatid ako ni Doc hanggang sa pintuan.

"Tomorrow pwede bang magreport ka sa akin? It's about two years ago..." halos pabulong nya at ewan parang ginapangan na naman  ng takot ang buong sistema ko at wala sa loob na napatango sa kanya.

Pabalik na ko sa hall at lulan ng elevator pababa ay napasandal ako sa dingding nito at napapikit ng mariin.

Yung mga boses ng mga taong iyon ay nagbabalikan lahat sa ala ala ko at pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyare.... winawaksi ko sa isip ko ang pandidiri ko sa katawan ko sa mga oras na 'to..

Hindi ako pwedeng magmental breakdown sa mga oras na 'to.

Roi.

Kinuha ko yung cellphone ko at nagtext sa kanya.

Gusto ko ang kaingayan at boses ni Roi sa mga oras na 'to. Kapag nasa paligid ko sya ay kumakalma ako.

'Nasaan ka?'

Hindi ko mawari kung bakit ngayon ako inaatake ng anxiety at depression ko. Walang pinipiling oras!

Napatindig ako ng magbukas yung elevator sa 16th floor at pumasok yung guess namin na anak nung Senator.

Natigilan sya ng makita ako at pinasadahan nya ko mula ulo hanggang paa at muling natuon ang paningin nya sa mga mata ko. Nag alangan man ako at natakot ay magalang pa din akong ngumiti sa kanya.

"Good evening Ma'am." bati ko.

Napangiti sya at humakbang papasok.

"Good evening din.... Wow! Your dress suit  you very well. Sabi na mas maganda ka kaysa naka uniform ka eh.... and please stop calling me Ma'am... just Axcel. " ewan biglang gumaan ang loob ko sa kanya ngayong naging friendly ang boses nya sa akin.

Napangiti ako.

"Anong floor ka?" tanong ko.

"Sa lobby ako... susunduin ko yung dalawang kaibigan ko... mga taga gubat kase hindi marunong gumamit ng elevator." natatawang biro nya.

Natawa ako at naramdaman ko na simpleng tao lang din sya despite na senador ng bansang ito ang ama nya.

"Pagpasok ko kanina you look upset? Hindi bagay sayo... ang ganda kaya ng mga mata mo para malungkot." saad nya at parang nag aalala sya.

"W-wala yun... may naalala lang ako..." nakangiting saad ko.

"There! Dapat ganyan. Just smile and it really suit you.... nga pala..." mayamaya ay nilahad nya yung cellphone nya sa akin.

"Can I have your number? Textmate tayo..." nakangiting saad nya at napasimangot ako. Napatawa sya sa akin.

"What? Dali na... Hindi kita sasaktan noh! Saka hindi ako masamang tao... Nakikipagkaibigan lang ako." at ng makita ko na parang nangingislap ang mga mata nyang nakatitig sa akin at parang masaya syang kausap ako ay napabuntong hininga ako at binigay ko sa kanya yung number ko.

Bago pa ko lumabas ng elevator ay nagcheer pa sya sa akin at i-enjoy yung party na dinadaluhan ko.

Saktong pagpasok na pagpasok ko sa hall ay syang mismong turn over na ng posisyon ang nadatnan ko. Halos malaglag ang puso ko sa samu't saring emosyon ng inalis na yung telang nagkukubli doon sa malaking portrait!

Sa mga oras na ito ay ang unang naisip ko ay napaglaruan ako!

Liar!

............................

Super duper busy ni Author hahahaha sorry na!

Please vote and comment pa din kayo.

Violent reaction regarding the story please...

thank you for reading.

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

727K 25.4K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 60.2K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...
283K 4.9K 24
Dice and Madisson
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...