Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.3M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 352

665K 24.6K 50.2K
By eatmore2behappy

A/N: Hindi umabot yung additional chapter.

I was hoping for more.

Sana ma-enjoy niyo pa rin. Maraming salamat guys sa pagsuporta kahit matagal ang update.

Culprit in red

Jay-jay's POV

Gusto kong manuntok. Gusto kong manuntok ng horoscope. Gusto kong suntukin ang muka ni Aries the horoscope.

Gigil mo si Ako.

Hindi ko alam kung proud ba siya na andito na ang kotse niya na galing sa TATAY ko. O nahihiya siya dahil lahat kami ay nakapaligid sa sa kanya at sa bagong kotse niya.

At hindi lang basta-basta kotse. Mamahalin, at nakikita kong ginagamit sa mga telenovela sa tv. Yung sinasakyan ng mga mayayaman.

"Nice car." Sarcastic na sabi ni Kuya Angelo sa kanya habang hawak ang mga papers ng kotse.

Kumpleto na sa papeles. Rehistrado at my plaka ng nakakabit.

"P-paano na yung dating kotse ni Aries?" Naiilang na tanong ni Tita Gema.

"I will still use it—."

"Wag na. Nakakahiya naman sa bago mong kotse." Putol ni Kuya sa sagot ni Aries.

Napakamot nalang sa ulo ang kapatid kong hindi nahulaan ang sariling kapalaran niya ngayon araw na to.

Buti nga.

"Hindi na ba maibabalik yan?" Tanong ni Mama.

"Gustuhin man natin saan natin ibabalik? Sa bumili o sa binilhan? Either way, none of them will accepted it." Sagot ni Kuya.

Napanguso ako ng makita ang sarili kong reflection sa katawan ng kotse dahil sa sobrang kintab. Para tuloy ang sarap kumanta, ala Lea Salonga.

Who is that girl I see?

"Mas mabuti siguro kung mamaya nalang natin pag-usapan ang gagawin sa kotse. Mahuhuli na sila sa school." Sabi ni Tita Gema at sumang-ayon naman si Kuya.

"I will talk to you later." May pagbabantang sabi ni Kuya kay Aries bago siya hayaang lumapit sa bagong kotse niya.

Napansin ni Kuya ang hindi ko paggalaw sa kinatatayuan ko. Pinagtaasan niya ko ng kilay.

"Hatid mo ko." Pakiusap ko.

Tinuro niya ang bagong kotse ng kapatid ko. "This car is from your Dad. Ayaw mo bang maamoy ang pera ng Tatay mo?"

Halatang nang-aasar siya. Napasibangot ako sa kanya na kinatawa naman niya.

Hindi nakakatuwa.

"Ayoko dyan."

"Paano ka papasok?"

"Kung hindi mo ko ihahatid, lalakad. Pwede ring tatakbo, gagapang o kaya gugulong. Kung anong option available."

Agad niya kong inambaan ng batok kaya mabilis akong lumayo sa kanya at iniharang ang mga braso ko.

"Ihatid mo na kasi ako." Pangungulit ko.

Tinignan niya si Aries mula sa loob ng kotse. Napailing pa siya bago maglakad papasok ng bahay. Buong akala ko ay hindi niya tutuparin ang pakiusap ko pero agad akong napangiti ng marinig ang sinabi niya.

"Kukuhanin ko lang ang susi."

Napapalakpak ako sa tuwa at mabilis namang napairap ng mapansing nakatingin sakin si Aries. Napailing siya bago paandarin ang bagong kotse paalis.

Ma-flat sana gulong.

Hindi rin naman nagtagal ng lumabas na si Kuya at pasakayin niya ko sa kotse niya. Mabilis ko namang kinabit ang seatbelt.

Habang nasa byahe kami panay ang tingin ko sa mga kasabayan naming sasakyan. Pati na rin sa abot tanaw kong sasakyan ni Aries. May ilang mga motorista ang napapatingin sa sasakyan niya. Halata kasing bago.

"Hanggang kailan ka naman magagalit kay Aries?" Tanong ni Kuya ng huminto kami dahil sa red light.

"Hindi ko alam. Pang-aagaw nga ng jowa umaabot ng taon, pang-aagaw pa kaya ng Tatay?"

Bahagya siyang tumawa. "Childish Jay-jay."

"Hindi mo ko masisisi, Kuya."

"I know, I know. Matagal mo ng inaasam na makita ang Papa mo tapos malalaman mong nakakausap pala siya ng kapatid mo." Pangunguna niya sa sasabihin ko.

Nag-thumbs up nalang ako at pekeng ngumiti. Napailing siya bago ibalik ang paningin sa daan.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng mag-ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha yon at bumungad sakin ang pangalan ni Yuri. Tumatawag siya na bahagya kong pinagtaka.

Sinagot ko nalang ang tawag.

"Hello—."

["Keifer! Help me! Someone is in my house!"] Sigaw niya mula sa kabilang linya.

Napatakip ako sa bibig ko ng makarinig ako ng putok ng baril. Hindi lang isang beses yon at iba-iba din ng tono na mukang mula sa iba't-ibang distansya.

"Y-yuri! Anong nangyayari?"

["Jay? Is this Jay-jay? Oh fvck!"] Sagot niya at pinatay ang tawag.

"What is that Jay?" Tanong ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.

Sinubukan kong tawagan ang number ni Yuri pero walang sumasagot na kinabahala ko. Ilang beses ko pang ginawa yon pero wala pa rin sagot mula sa kanya.

"Ano bang nangyayari?" Inis na tanong ni Kuya.

"Puntahan natin si Yuri, masama ang kutob ko. Please" Takot na pakiusap ko.

"Sabihin mo muna kung anong nangyayari."

"Nanghihingi siya ng tulong... T-tapos... Tapos... May putok ng baril." Tarantang paliwanag ko.

"Ihahatid muna kita, ako na ang pupunta sa kanya."

Umiling ako. "Ngayon na Kuya! Sige na!"

Sunod-sunod siyang nagmura bago paikutin ang manibela. Sinabi ko sa kanya ang eksaktong sinabi ni Yuri. May ibang tao sa bahay niya.

Ang bahay sa rooftop ng building ang una kong naisip. Mabilis na nagmaneho si Kuya papunta don. Tahimik akong nagdadasal sa kaligtasan ni Yuri at sa kaligtasan na rin namin dahil mukang maaga ako mamatay sa dami ng sasakyang in-ovetake-an ni Kuya.

Kapit lang kaluluwa.

Pikit mata ko nalang hinintay ang paghinto ng sasakyan. Sa parking kami ng building niya huminto. Lakad takbo ang ginawa ko palapit sa elevator. Kasunod ko lang si Kuya at mabilis naman kaming nakasakay.

Napansin ko ang itim na bag na dala ni Kuya habang paakyat ang elevator. Dahil nauna akong bumaba hindi ko na napansin kung may dinala ba siya o kung may kinuha siya sa mula sa kotse.

Padating namin sa floor ng bahay ni Yuri napansin ko agad ang sira-sirang mga gamit. May mga basag ding baso o kaya paso ng bonsai. Nagtatakbo ako paloob pero isang nakaitim na lalaki ang sumalubong sakin. Napatitig pa siya nung una hanggang sa itaas at itutok niya sakin ang hawak na baril.

Literal akong nanlamig at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Naipikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay ang pagkamatay ko pero may humatak sakin at yumakap mula sa baywang. Pinaikot niya ko at papunta sa likod niya.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Napasigaw nalang ako sa sunod-sunod na putok ng baril. Nakatakip ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko.

Ano ba?! Anak naman ng tokwa.

"Nakatakas!" Inis na sabi ni Kuya matapos huminto ang barilan.

Umayos ako ng tayo at ganon nalang ang gulat ko ng makitang may hawak na baril si Kuya Angelo. Hindi lang basta baril. Alam kong maraming bala yon at kamuka non ang mga baril sa SWAT movie na napapanood ko.

"Ano yan? Saang galing yan?" Tanong ko at naalala ko ang itim na bag na hawak niya kanina.

"Mamaya na tayo mag-usap. Bumalik ka na sa kotse, ako na bahala dito." Sabi niya at nagsimulang maglakad.

Pero hindi ako pumayag. Agad akong sumunod sa kanya at sunod-sunod siyang nagmura. Pipilitin pa sana niya kong bumalik pero nakarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Napasigaw ako pero agad din niyang tinakpan ang bibig ko.

Hindi ko na namalayan ang pagbatak niya sakin papunta sa isang sulok.

"Stay here. Wag kang lalabas hanggat wala ako." Utos niya pero hindi na hinintay ang isasagot ko.

Napaupo nalang ako kagaya ng sinabi niya. Nakakarinig pa rin ako ng putok ng baril. Sa hindi kalayuan ay ang pagbabasag ng kung anong mga gamit.

Gustohin ko mang manatili, hindi ko magawa. Pakiramdam ko kailangan kong puntahan si Yuri. Pakiramdam ko, kailangan ko siyang mahanap ngayon bago pa may mangyaring hindi maganda.

Suntok sa buwan akong lumabas sa pinagtataguan ko. Una kong naisip ang kwarto niya kaya don ako nagpunta. Paminsan akong yumuyuko kapag nakakarinig ng putok ng baril.

Wag naman po sana akong tamaan.

Matapos ang pagtakbo ko habang nakikipagpatintero sa bala narating ko ang kwarto niya pero wala akong ibang nakita don. Sandali kong pinagmasdan ang loob ng kwarto ng mapansin ko malinis yon at wala ang mga gamit niya.

Mga magnanakaw ba ang mga nakapasok dito? Baka ninanakawan nila si Yuri tapos nahuli sila kaya eto sila ngayon at nagbabarilan.

Mga mgnanakaw pala sila. Kaya pala naka-itim ang kasalubong namin kanina. Mukang marami sila at hindi ko alam kung may kasama ba si Yuri dito sa bahay. Sandali kong naisip yung mayordoma nilang naka-kimono pero parang wala naman siya dito.

Kung andito siya hindi makikipagbarilan si Yuri. Hihingi ma agad ng tulong yon.

Sandali akong natigilan sa naisip ko. Bakit may baril si Yuri?

And speaking of baril, natigilan ako ng makarinig ako ng kasa ng baril mula sa likod ko.

"Hands up." Utos ng tao sa likod ko at sinunod ko naman. "Turn around."

Ayoko sanang sundin pero ginawa ko pa rin. Unti-unti akong umikot habang nakataas ang dalawang kamay. Nanginginig ako habang ginagawa yon.

Bahagya akong natigilan ng makita ang may hawak ng baril na nakatutok sakin. Isang babae at may kulay ang buhok niya. Ito yata ang ginger red na nakikita ko sa internet. Bigla kong naisip yung babae sa mall na nasabunutan ni Yuri.

Bahagya ko siyang pinagmasdan pero dahil sa suot niyang mask hindi ko siya makita ng maayos. Kita ko ang mga mata niyang kulay brown at muka ding matangos ang ilong niya.

"What is your name?" Tanong niya at halatang hirap siyang mag-english. "I said, what is your name?" Pag-uulit niya.

Nilapit niya ang baril sa muka ko kaya natakot ako ng husto. Nataranta ako at bahagyang napaatras.

"Ano! Name! Name!" Tarantang sagot ko. "Name! Kokey—I mean, Jay-jay!"

Meron siyang tinignan sa isang kamay niya. Palagay ko ay cellphone yon. Tinaas niya yon at pinantay sa muka ko. Panay ang swipe ng hinlalaki niya. Pero ng hindi makita ang hinahanap binaba niya yon kasabay ng baril.

"I'm sorry, I thought you're an ene—." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng sipain ko siya ng malakas sa tyan.

Nabitawan niya ang mga hawak. Tumilapon siya at tumama sa pinto ng kwarto ni Yuri bago bumagsak.

"Ang lagay sorry-sorry nalang? Tinutukan mo ko ng baril, ulowl!" Inis na sabi ko at agad sinipa ang baril palayo sa kanya.

Agad siyang tumayo at tinignan ako ng masama.

"I guess you are an enemy." Sabi niya at agad na sumugod sakin.

Napaiwas ako ng ambaan niya ko ng suntok pero nasundan yon ng isa pang suntok. Tinamaan ako malapit sa panga. Mukang napasubo ako at marunog siyang lumaban.

Hindi pa nakakabawi ng sipain niya ko sa tyan. Agad kong hinawakan ang binti niya para batakin at mawalan siya ng balanse. Natumba siya kaya kinuha ko ang pagkakataon para takbuhan siya.

Wala akong laban, muka siyang marunong ng karate.

Malapit na ko sa pinto ng hablutin niya ang paa ko kaya napadapa ako. Sinubukan kong bumangon ulit pero naibabawan na niya ko. Sinuntok niya ko sa muka at nasundan ng dalawa pa.

"Fight me, btch!" Sigaw niya sakin.

"Ikaw ang btch! Taninga mo!" Sigaw ko at hinablot ang buhok niya.

Napasigaw siya dahil sa sakit. Mabilis ko siyan inababawan at sunod-sunod na pinagsasampal.

Fight me daw eh.

Nakailang bawi din ako ng sampal at suntok sa kanya. Kung hindi lang niya hinaharang ang mga braso niya baka dumudugo na ang nguso niya sakin.

Napasigaw ako ng suntukin niya ko sa tagiliran at mabilis niya kong sinabunutan. Nagawa na naman niya kong ibabawan at suno-sunod na pagsusuntukin sa muka. Dahil mahaba ang buhok niya agad kong nahablot na naman yon.

Nauwi sa sabunutan na may kasamang suntukan at sampalan ang eksena namin. Hanggang sa magsalita siya ng salitang hapon, pero hindi ko naman siya maintindihan kaya pinagmumura ko siya in tagalog.

"Maldita ka! Patutok-tutok ka pa ng baril!" Gigil na sabi ko.

Nagawa ko siyang itulak palayo sakin. Agad akong tumayo at ganon din siya.

Inayos niya ang buhok bago itaas ang dalawang kamao. Inayos ko din ang buhok ko at tinaas din ang dalawang kamao ko. Para kaming nasa video game na hinihintay ang player na pinduin ang controller.

"Who the fvck are you?" Tanong niya sakin.

"Hulaan mo, gago!" Sagot ko na halatang hindi niya naintindihan.

Muka din siyang nainis. Agad siyang umatake. Akala ko susuntukin niya ko pero nagpalipad siya ng sipa. Agad kong naisangga ang braso ko pero hindi sapat yon kaya tumumba pa rin ako. Agad siyang lumapit sakin pero nagawa ko siyang sipain sa tyan.

Tumilapon siya. Mabilis akong tumayo at ganon din ang ginawa niya pero sa pagkakataon na to hawak na niya ang baril na sinipa ko kanina.

Amputa! Talo na!

Bago pa niya matutok sakin yon, agad ko siyang sinugod at niyakap sa katawan bago pabagsakin sa sahig. Nauwi sa wrestling ang laban namin. Dahil sa pagod at hingal hindi ko namalayan ang pag-ibabaw niya sakin.

Kinasa niya ang baril at akmang itututok sakin. Pero may humampas sa batok niya at nawalan siya ng malay. Bumagsak siya sa tabi ko at mabilis akong bumangon. Agad kong tinignan ang may gawa non at agad ko siyang nayakap ng makilala ko siya.

Yuri.

"Mabuti naman ayos ka lang." Sabi niya sakin at niyakap din ako.

"Ano bang nangyayari? Sino tong mga tao na to? Ano bang kailangan nila sayo? Ninakaw ba nila mga gamit mo?" Sunod-sunod na tanong ko matapos humiwalay sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa isang kamay niyang may hawak na baril.

"Wala ng oras para magpaliwanag. Let's go." Sabi niya at akmang hahatakin ako pero pinigilan ko siya.

Amoy na amoy ko ang gasulina at sunog na bagay mula sa kung saan. Halatang hindi yon kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Naamoy mo?" Tanong ko at suminghot-singhot din si Yuri.

"Smells like something is burni—."

Natigilan kami pareho ng mas naging malakas ang amoy. Bukod don, may usok na sumisilay sa kisame at pader.

"Shit! They're burning the house!" Sigaw ni Yuri na nagpataranta samin.

Tatakbo na sana kami paalis ng maalala ko ang babae. Agad kong pinigilan si Yuri.

"Paano siya?" Tarantang tanong ko.

Oo, nagsapakan at tadyakan kami pero hindi naman ako masamang tao para hayaan siyang maiwan dito at maluto sa apoy.

Hindi na nakapag-isip si Yuri. Agad niyang nilapitan ang babae at inasikaso. Kinuha din niya ang baril at cellphone sa sahig.

Tinulungan ko siyang ipasan sa kanya ang babae. Dali-dali kaming tumakbo palabas ng kwarto niya.

Bigla kong naalala si Kuya. Baka maiwan siya dito at kung anong mangyari sa kanya.

"Kuya! Kuya Angelo!" Tawag ko sa kanya habang naglalakad.

Ilang beses akong napaubo dahil sa amoy ng usok. Ilang beses akong napayuko at napahinto pero hindi ako pwedeng magtagal.

Ganon nalang ang gulat ko na makitang nilalamon ng apoy ang kabilang bahagi ng bahay. Dahil gawa sa kahoy at papel, mas mabilis kumalat ang apoy.

"Kuya Angelo!" Tawag ko ulit at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang tumatakbo palapit samin.

Niyakap ko siya at ganon din siya sakin. Pinagmasdan ko siya kung may tama ba siya pero mukang wala naman. Hawak pa rin niya ang baril na dala niya.

"Umalis na tayo!"

Agad kaming naglakad paalis. Malapit na kami sa elevator pero isang malakas na pagsabog ang narinig namin. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa sahig at ang katawan ni Kuya sa ibabaw ko.

Isa pang pagsabog ang narinig ko at tuluyan ng nilamon ng malaking apoy ang bahay. Agad na tumayo si Kuya at binuhat ako. Hindi na ko nakapalag dahil sa pagkalito sa gagawin.

"Hindi na gumagana ang elevator. Sa Fire Exit na tayo." Sabi ni Yuri at nanguna sa pagtakbo.

Hindi ko maiwasang titigan ang bahay bago magsara ang pinto ng fire exit. Alam kong mahalaga sa pamilya ni Yuri ang bahay na yon. Gusto kong magalit sa mga taong sumugod dito. Nagnakaw na nga nanunog pa ng bahay.

Alam kong malayo pa ang ground floor dahil galing kami sa rooftop. Kita ang pagod nila pero hindi nila alintana yon. Mahalaga lang na maka-alis kami.

"Damn it! Pag-uwi natin mag-diet ka na Jay!" Inis na sabi ni Kuya.

Hindi nalang ako sumagot dahil baka lalo lang siyang mainis at mas ikapagod pa niya.

Matagal-tagal din bago kami nakarating sa parking. Agad kaming sumakay sa kotse ni Kuya. Hingal kabayo silang pareho habang nasa loob ng sasakyan.

Dinig na dinig ko ang ingay ng bumbero at ambulansya sa labas ng building.

"Care to explain?" Tanong ni Kuya kay Yuri.

Sandaling inayos ni Yuri ang pagkakahiga ng babae sa tabi niya.

"Umalis muna tayo dito."

Agad na nagmaneho si Kuya. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Tulala pa rin ako dahil sa mga nangyari.

Galing lang naman kami sa barilan, nakipag-sapakan at wrestling ako sa babaeng hindi ko naman kilala at muntik na kaming matusta ng apoy. Masyadong mabilis ang lahat.

Napatingin ako sa bag ko ng marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Mabuti nalang pala at iniwan ko ang bag ko sa kotse. Malaman na nawala na to kanina dahil sa mga pinaggagagawa ko.

Nakita ko ang pangalan ni Keifer sa screen. Nag-alangan pa ko kung sasagutin ko ba o hindi. Pero alam kong nag-aalala siya kaya sinagot ko na rin.

["Jay-jay!"] Boses ni Ci-N ang bumungad sakin. ["Saan ka na? Gumugulong na si Keifer sa pag-aalala."] Sabi niya at tumawa.

"Ci? Pwede mo bang ibigay kay Keifer ang phone?" Pinilit kong magtunog normal pero bakas pa rin ang pagod sa boses ko.

["Ukie."]

Narinig ko namang kinausap niya si Keifer at ibinigay ang phone.

"Tell Keifer to meet us. Sa bahay nalang siguro ni Alvin." Bilang singit ni Kuya kaya sandali akong napatingin sa kanya.

["Jay? Is that Angelo? Nasan ka?"] Tanong ni Keifer mula sa kabilang linya.

"Oo, kasama din namin si Yuri. Magkita-kita daw tayo sa bahay ni Sir Alvin."

Sandali siyang tumahimik. Meron din siyang binulong at narinig ko si Felix na sumagot sa kanya.

["I'm on my way now."] Sagot niya at pinatay ang tawag.

Sinabi ko kay Kuya ang naging sagot niya. Naging tahimik kami sa buong byahe hanggang unti-unti kong napansin ang dinadaanan namin.

Bakit parang papunta kami sa gubat?

Continue Reading

You'll Also Like

46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
31.5K 1.6K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
4.5M 189K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy