I'm in love with a heartthrob...

By glimpseofsmile

1.2M 16K 2K

What if hindi artista si Kathryn Bernardo at simpleng babae lang na na-inlove sa isang artista at isang bad b... More

Prologue
Chapter 1. *Meet the heartthrob*
Chapter 2. *Batman to the rescue!*
Chapter 3. *Adventure of Kathniel*
Chapter 4. *The jealous bad boy*
Chapter 5. *The Amazona with Batman*
Chapter 6. *Happy Kathniel Day*
Chapter 7. *Special feelings?*
Chapter 8.1. *Jealous bad boy, part 2!*
Chapter 8.2. *Jealous bad boy, part 2!*
Chapter 9. *thunder*
Chapter 10 *Slap*
Chapter 11 *6 ways to make a girl say YES.*
Chapter 12 *Revealed feelings! :)*
Chapter 13 *Kath went to her hometown*
Chapter 14 *CJ vs. DJ?*
Chapter 15 *1st way*
Chapter 16 *2nd way*
Chapter 17 *Reasons why I love her*
Chapter 18 *Meet the family, part 1!*
Chapter 19 *Meet the family, part 2!*
Chapter 20 *Just friends*
Chapter 21 *Kath meets her idol! :)*
Chapter 22 *Strawberry day!"
Chapter 23 *My girl.*
Chapter 24 *The ex girlfriend is back!*
Chapter 25.1 *The jealous Amazona*
Chapter 25.2 *The Jealous Amazona!*
Chapter 26 *The concert* <3
Chapter 27 *Ayen and Kath, friends?*
Chapter 28.1 *A date? part 1! :)*
Chapter 28.2 *A date? part 2! :)*
Chapter 29 *Batman saves the day! <3*
Chapter 30 *Clown*
Chapter 31 *3rd way*
Chapter 32. *Dj's dad.*
Chapter 33. *Kathniel the bunny!! <3*
Chapter 34.1 *Out of town!! :))*
Chapter 34.2 Out of town part 2! ;)
Chapter 34.3 *Out of town part 3! :))
Chapter 35 *Planning..*
Chapter 36 *Daniel's birthday, First kiss? :)*
Chapter 37 *The decision*
Chapter 38 *Consequences..*
Chapter 39 *First heart break! </3*
Chapter 40. *Approval :)*
Chapter 41. *Be my girl. ♥*
Season 2 - Chapter 1. *Being the heartthrob's girlfriend*
Season 2 - Chapter 2 *Lance's past!*
Season 2 - Chapter 3 *Happy 26! <3*
Season 2 - Chapter 4 *Mr. and Ms. Cupid! :)*
Season 2 - Chapter 5. *Parking 5 concert :))*
Season 2 - Chapter 6 *It's never easy.*
Season 2 - Chapter 7 *My over-protective Batman! <3*
Season 2 - Chapter 8 *Jillance! <3*
Season 2 - Chapter 9. *Christmas Special ♥
Season 2 - Chapter 10 *Birthday planning.. :D
Season 2 - Chapter 11 *Birthday planning part 2!*
Season 2 - Chapter 12 *Happy Birthday Kath! :) <3
Season 2 - Chapter 13 *Other girl*
Season 2 - Chapter 15 *Foundation week PART 1*
Season 2 - Chapter 16 *Foundation week PART 2*
Season 2 - Chapter 17 *beyond forever*
Season 2 - Chapter 18 *KatMane ♥*
Season 2 - Chapter 19 *Graduation day*
Season 2 - Chapter 20 *Hello Summer! <3*
Season 2 - Chapter 21 *Choice*
Season 2 - Chapter 22 *Departure!*
Season 2 - Chapter 23 *Life after his departure*
Season 2 - Chapter 24 *We met*
Season 2 - Chapter 25 *The truth*
Season 2 - Chapter 26 *Moving on..*
Season 2 - Chapter 27 *Signs*
Season 2 - Chapter 28 *Meeting the family again!*
Season 2 - Chapter 29 *Kath and Katherine*
Season 2 - Chapter 30 *Today and everyday ✿*
FINAL AUTHOR'S NOTE! <3
SPECIAL CHAPTER 1: *Let the parents know.*
SPECIAL CHAPTER 2. *Wedding preparation*
(Special Entry: Ayen and CJ. ♥)
SPECIAL CHAPTER 3.1 *The Wedding. ♥*
Special Chapter 4. ♥
Special Chapter 5: EPILOGUE

Season 2 - Chapter 14 *Break up*

12K 145 22
By glimpseofsmile

 *A/N: Yey! Kahit Monday nakapag update ako. XD Naloka ako sa pag-aaral para sa mga quizzes sa school kaya hindi ako nakapag UD nung weekend. Hope you guys understand. >:D<

Vote and comment. 

------------------------

Kath's POV

 

Inaantok pa kong papasok sa school. Feeling ko naglalakad akong tulog eh. -__- Mulat yung mata ko, pero yung diwa at isip ko naiwan pa sa higaan ko. Pero dapat akong maging hyper! Makikita ko na si DJ! Shinake shake ko yung ulo ko para magising ako.

Nung makarating na ko sa school, nakita ko agad si DJ na nakangiti at gumagamit ng cellphone. Eh? May katext ba siya? Lumapit agad ako sakanya tapos tinakpan yung dalawang mata nya.

"Sino to?!! Lance?!" nag sad face lang ako tapos tinanggal na yung pagkaka takip ng mata nya.

"Uy Kath! Akala ko si Lance. Anong nangyari kagabi? Bakit ganyan mata mo? Puyat ka ba?"

"Ha? Hindi naman. Slight lang. Nanood kasi ako ng teleserye eh." -__-

"Tss! Ayan ka na naman eh. Tigilan mo na nga panonood ng drama pag gabi. Teka, Late ka na nag reply sakin kagabi ah. San ka pumunta?"

"Wala. Nag mall lang kami ni CJ."

"CJ? Alcantaras?" sabay inusod ko yung upuan ko papalapit sakanya.

"Yep. Matagal tagal ko na rin naman siyang di nakikita eh. Kamusta yung party kagabi?"

"Ayos lang. Hindi masyadong masaya kasi wala ka eh."

"Wushu!"  lumapit pa siya para hawakan yung mata ko, pero inalis ko lang ulit yung kamay niya.

"Haha totoo nga. Teka nga, ikukuha lang kita ng bote ng tubig na malamig para ilagay mo dyan sa may mata mo. Daig mo pa di natulog ng isang linggo eh!" umalis na muna siya at naiwan niya yung cellphone niyang nakalapag sa lamesa niya.

Inantay ko lang siya hangga't biglang nag vibrate yung phone niya.

Calling.. Tina..


Tina? Sinong Tina? Natapos na yung call ng hindi ko sinasagot. Naisipan kong i-text yung Tina na mamaya na siya tumawag dahil naiwan ni DJ yung phone niya. Pero bago ko siya itext, tinignan ko muna yung inbox niya dahil na curious narin ako. 

1 message from Tina

From: Tina

' Hey DJ. Thanks for last night. :*

What the hell!?? Thanks for Last night? Sino naman to? Erase. Erase. Ilang beses na kaming nag usap tungkol sa mga ganito. For sure kaibigan niya lang to. Kailangan ko pagka tiwalaan si DJ or else mag aaway na naman kami. Nilapag ko nalang ulit yung phone niya at inantay siyang bumalik.

Pag balik niya may dala siyang bote ng mineral water. Tapos idinikit niya sa may mata ko.

"DJ! Effective ba to? Uwaaa! Sobrang lamig!!" >//<

"Tiisin mo lang. Ganyan ginagawa ko pag umiiyak ako sa set eh. Para hindi mamaga yung mata."

"Ah! Ang hirap maging artista noh?"

 

"Oo. wala ka ng personal life, puyat ka lagi, pagod, Pero masaya din naman." bigla ko namang na alala yung Tina na tumatawag sakanya.

"DJ, may tumawag sayo. Tina yung pangalan."

"Ah. Sinagot mo? Anong sabi?"

"Wala. Hindi ko sinagot eh. Sino yun?"

"Kaibigan lang yun. Anak ni Direk Mart. Hinatid ko siya kagabi sakanila dahil lasing na lasing. Wag ka mag alala, wala yun." That's a relief. Kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Kaibigan lang yun. That's what he said.

Uwian na at sabay kami ni DJ na lumabas sa left wing exit ng school. Tuwang tuwa pa kami kasi naka perfect kami sa quiz parehas.

"DJ! Biruin mo yun, tayo lang dalawa naka perfect sa quiz! Nagmana ka talaga sakin ng katalinuhan noh? Haha ng dahil dyan, Tara! Kain tayo!" :D

"Anong ako nagmana sayo ng katalinuhan, baka ikaw yung nag mana sakin. Haha! Pero thank you talaga sa notes mo ah. Nung binasa ko, ang bilis kong nagets eh. Sige, Tara! Gusto ko mag eat-all-you-can ngayon. Paramihan kumain ng kanin oh?"

"GAME! Baka matalo ka naman? Mag 4 rice ako! Bwahaha!" XD

"Ako pito!" tapos inakbayan niya pa ko na parang iniipit sa may braso niya.

 

"Waaah! Bitaw! Bitaw! Ako walo! Bleeeh!" tapos tawa lang kami ng tawa habang naglalakad at nag wwrestling at the same time.

"That's a good idea, but I think it will not happen today." may biglang sumingit sa usapan namin ni DJ at lumingon kami agad sa likod namin. May babaeng naka tayo dun, wearing pink top na may super short at long-haired brown hair at naka shades siya.

Nagkatinginan kami ni DJ. "Daniel, sino siya?"

"Are you not going to introduce me to her Daniel? Is she your girlfriend?" sabi pa nung babae sabay tanggal nung shades niya.

Nagulat naman si DJ at bumitaw sa pagkaka akbay ng mahigpit sakin. "Ano ginagawa mo dito?"

"I'm here to pick you up. Dad said may bago kang project at may meeting kayo ngayon. Kaya ako na sumundo sayo."

 

Tumingin na naman sakin si DJ at hinawakan yung kamay ko.

"Tina, She's Kath. She's my girlfriend. Kath, Tina anak ni Direk Mart." siya pala si Tina na tumatawag kay DJ. Maganda siya, infairness. 

"Hello. So, you're Daniel's girlfriend. I prepared much for today. Pero hindi din naman pala ganun kahirap yung kakalabanin ko." Nanlaki naman yung mata ko. Kakalabanin? Ano daw?

"Tina please. Ako ng bahalang pumunta kila Direk. Hindi mo naman ako kailangan sunduin."

 

Ngumiti lang siya, "Fine Daniel. I'm going to go first. Nice meeting you, Kath." then umalis na siya at sumakay sa kotse niya.

Humarap agad sakin si Daniel,  "Kath. Yung kay Tina.."

"Daniel.. Okay lang. Hindi naman ako nag iisip ng kung ano. I trust you. Diba ikaw narin nag sabi na kaibigan mo lang siya? Ayun yung paniniwalaan ko. Tara! Kain na tayo!" ngumiti siya tapos inakbayan niya ko ulit at sumakay na kami sa kotse niya.

-------------

Daniel's POV

Haist. Grabe talaga. Wala atang balak yung Tina na yun na tantanan ako! Buti nalang hindi nagalit si Kath. May tiwala siya sakin, at ayokong mawala yun. After namin kumain ni Kath, hinatid ko na siya sa bakeshop dahil may trabaho daw siya dun ngayon. Dumiretso na ko sa meeting kasama yung mga casts ng susunod na movie. Kasama ko naman si Jillianne kaya hindi na siguro ako maiilang pag lumapit pa yang Tina.

After nung meeting lumapit sakin si Jillianne.

"Daniel! How's Kath?"

"Okay naman. Thank you daw pala sa gift nyo. Sinusuot niya palagi." :)

"Wow. I'm so glad she liked it!" napa tigil kami sa pag uusap ng biglang huminto sa harap namin si Tina na naka ngiti.

"You know her Daniel?" sabi ni Jillianne na may halong pagtataka. Napahawak nalang ako sa noo ko. Kung hindi lang talaga to anak ni Direk, nasuntok ko na to eh! Pero bilang hindi ako nananakit ng babae, hindi ko gagawin yun.

"Yea! Ofcourse he knows me. You're Jillianne right? I'm Christina. Direk Mart's daughter!" sabay abot ng kamay nya kay Jillianne.

"Oh, Hi. I think you already know me. Nice meeting you." then nag shake hands sila.

"Daniel, let's celebrate for your new movie. Common! Let's have dinner together."

napahawak nalang ako sa noo ko, "Hmm.. Thank you for your offer. But I don't think I can make it tonight. Pupuntahan ko sana si Kath ngayon eh."

Nag pout siya tapos hinawakan niya ko sa braso. "I insist!  Let's go have dinner together!!" then hinila niya ko at naiwan mag isa si Jillianne. 

----------------------

Jillianne's POV

I smell something fishy. WHAT A SPOILED BRATT.

Seriously, siguro naman alam nung girl na yun na may girlfriend na si Daniel. He even said it in front of her. What the hell? Naisipan ko tuloy tawagan si Kath.

After ng second ring, sinagot niya na yung call.

"Hello Kath?"

"Jillianne. Napatawag ka?"

"I just wanted to make sure if you are okay?"

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Kath, please don't be mad. Pero kasi yung girl na Tina, sinundo niya si DJ ngayon lang para mag dinner. Kilala mo ba siya?"

"Tina? Yung anak nung director? Oo. Kaibigan lang yun ni Daniel."

"It's not like i'm poking my nose into your business, but I think that bitch likes your boyfriend."

"Haha! Sa tingin ko rin. Pero may tiwala naman ako kay DJ eh."

"Yes! I know. But once that girl ruin your relationship, I'll always be here. I have your back girl!"

"Thank you Jillianne. Napag usapan narin naman namin yan ni DJ eh. Thank you sa concern. Ingat! Bbye!"

"Bye. Let's hang out soon! Take care." :)

----------------

Kath's POV

It's not like i'm poking my nose into your business, but I think that bitch likes your boyfriend.



Paulit ulit sa isip ko yung sinabi ni Jillianne. Obvious naman na may gusto yung Tina na yun kay Daniel. Pero si Daniel kaya? No no no. I have to trust him. Ilang beses na kaming nag talo tungkol dito. Katulad ng sabi niya, nag boyfriend ako ng artista, kaya dapat mas naiintindihan ko siya.

.

...

......

Next day, 

Maaga akong pumasok at nagpasa na agad ako ng project sa faculty office. Deadline na kasi ngayon. Tinext ko agad si DJ para ipaalala sakanya.

To: My Batman <3

' Good morning! Wag mo kakalimutan yung project mo. Deadline, today. I love you! ingat. :*

Pumunta na ko  sa classroom at may konting tao na. Kinuha ko yung sandwich sa bag ko para kumain. Hindi pa ko nag bbreakfast eh. Another day is yet to come. Konting linggo nalang at kailangan na namin mag handa ni DJ para sa entrance exams namin para sa college. Hindi ako makapaniwala na malapit na kaming grumaduate. 

Minutes later, nakatanggap ako ng reply galing kay DJ.

From: My Batman <3

' Good Morning din! Sorry Kath. Pero hindi ako makakapasok ng umaga. Baka after lunch na ko papasok. sorry. ingat! :)

Bakit ganun? Parang ang cold niya? Wala manlang I love you too? Waaah! Baka napaparanoid lang ako ng dahil sa tawag ni Jillianne kagabi. Pero bigla tuloy sumagi sa isip ko yung tungkol kay Tina.  Hindi kaya nagkaka gusto narin siya kay Tina? Nag oover think lang ba ako o totoo?! =__=

.

...

......

.........

*Lunch break*

"Ay jusko day! Ganyang ganyan ang mga boylets pag nag loloko! Sinasabi ko sayo, may babae yan!!" sigaw ni EJ habang naka pamewang.

"eh? Hindi magagawa ni DJ yun. Kaibigan niya lang daw yung Tina."

Sumingit naman si Sharmane, "Sige nga. May umamin naba sa girlfriend nila na more than friends nila yung isang girl? Wala pa naman diba? Hay. Describe mo nga samin yang Tina."

"Hmm.. Mahaba buhok na color brown, maputi, matangkad, mukhang sosyal at mayaman, sexy. Tapos..."

"OMG! Ganyang ganyan ang mga babaeng pumapatol sa lalaking may girlfriend!!" sigaw na naman ni Bakla.

"isa pa bakla! babatukan na kita!" >__<

"Sorry na teh. Gusto ko lang naman kasi maging aware ka. Wag kang magpabaya or else, mawawala sayo si Papa Daniel. Ayoko ngang makita kang nag ka-cry lady! Hindi keri ng beauty ko yun noh!"

 

"Eh anong gagawin ko?" sabay salumbaba.

"Edi akitin mo si papa Daniel!" binatukan naman ni Sharmane si bakla.

"Gaga tong baklang to! Mga naiisip! Bwahaha! Ang pinaka matalino mong gawin, ipaglaban mo si papa Daniel! Kung kailangan sipain sa mukha yang babaeng yan, aba! gawin natin ng matauhan!"

"Hahahaha! Mga baliw kayo eno. Halika na, umakyat na tayo. Bell na!" Nakaka tuwa rin isipin na may mga kaibigan akong andito para sakin. 

After lunch, wala parin si Daniel. Dumating lang siya nung last subject na. Wala kaming pansinan hanggang sa matapos yung last subject.

"Okay, Class! Dismiss!" sigaw nung teacher nung nag bell na. Lumapit agad ako kay DJ para kamustahin yung project niya.

"Daniel! yung project mo ba pinasa mo na?"

"Kath.. ang totoo kasi nyan.." sa tono ng pananalita niya, alam kong hindi niya nagawa.

"Hindi mo nagawa?! Eh ano ba kasing ginagawa mo at parang busy ka?! Ang alam ko naman next week pa yung simula ng taping niyo ah? San ka pumunta kagabi!?"

"Kath.. Si Tina kasi.."

"SI TINA NA NAMAN!? DANIEL, WALA AKONG PAKELAM KUNG MAY GUSTO SAYO YANG TINA NA YAN. PERO PAG YUNG PATI STUDIES MO NA AAPEKTUHAN NA SA KA EPALAN NIYA, HINDI NA ATA TAMA YUN!"

"Lower your voice Kath! Wag ka namang sumigaw! Anak parin yun ni Direk!"

"So ganun? Kinakampihan mo yang tina na yan ha?!"

"Kath.." napahawak na siya sa mukha niya at huminga ng malalim, "Hindi naman sa ganun.. pero.."

"WALA NG PERO PERO. BAHALA KA! KUNG GUSTO MONG MAKIPAG DATE SA TINA NA YAN, GAWIN MO LAHAT NG GUSTO MO!! HINDI NA KITA PAPAKIALAMAN!!" kinuha ko yung bag ko sa upuan ko at nag uusok yung ilong na lumabas ng classroom. Naka salubong ko si CJ pero hindi ko siya pinansin dahil baka masigawan ko lang siya. Sobra sobrang inis yung nararamdaman ko ngayon. Nakipag dinner pa siya kagabi sa Tina na yun imbis na gumawa ng project? Nakakapang gigil! =___=

Papalabas na ko ng left wing exit ng kumukulo parin yung dugo. Gusto kong manapak sa sobrang inis! Hanggang sa maya maya, may humarang sa harap ko at naka ngiti sakin. Walang iba kundi tong linta na to!

"Oh, Hello girl! I'm here to pick Daniel up. So, where is he?"

"Wag mo kong english englishin! Pag ako nainis pa lalo, gagawin kitang TINApay! Ano na namang kailangan mo sakanya??!" sinusubukan kong hinaan yung boses ko, pero hindi ko talaga kaya. Inis na inis ako tapos makikita ko pa yung pag mumukha nya dito!

"Wow. You look mad. What happened?! Break na ba kayo? Nag away kayo? If that's the reason, then let's celebrate!" then ngumiti siya na parang nang aasar. Lalo lang nag init yung dugo ko.

"Bakit ako galit? ng dahil sa mukha mo! Paki bulsa na nga lang, nakaka pikon eh! Alam mo, wala akong pake kung friendly ka lang talaga o ano eh. Pero please, give Daniel a space."

"What if I don't want?! I want to be beside Daniel all the time eh. Got a problem with that?" tumaas pa yung kilay niya.

"He's mine. Not yours at kahit kelan hindi siya magiging sayo!" 

"Kahit kelan hindi siya magiging sakin?" then she smirked, "How sure are you!?"

"Mahal ako ni DJ." bigla naman akong natauhan. Mahal ako ni DJ. Mahal niya nga ba talaga ko hanggang ngayon? Bakit these past few days pakiramdam ko may doubt ako? Bakit parang hindi ako sigurado na mahal niya nga ako? Ano bang nangyayari samin?

Sa dami dami ng babaeng pinagselosan ko kay DJ, ngayon lang ako may nakaharap na ganito. Ngayon lang ako nagkaron ng doubt. Minsan iniisip ko worth it bang makipag away ako para kay DJ? Hindi naman ako ganung klase ng babae eh. Pero pag na aalala ko kung gano ko siya ka mahal, parang lalo kong narerealize na handa akong makipag patayan para sakanya. Mahal ko siya eh. Mahal ko talaga siya. Hindi ko hahayaan na masira kami ng dahil sa babaeng to.

Lumapit siya sakin tapos ngumiti, "Talaga? Mahal ka nya? Kung mahal ka nya, bakit niya ginawa to?" Then inangat niya yung phone niya at may picture dun na magka yakap sila. Sa parang bar or something. Yung next picture, inaalalayan ni DJ si Tina na sumakay sa sasakyan niya.

"SEE?! Kawawa ka naman!" nung sinabi niya yun, bigla nalang tumulo yung mga luha ko. Bakit hindi niya to nabanggit sakin? Bakit parang hindi ko na siya kilala? Bakit parang pakiramdam ko wala akong ka alam alam? Mali bang nag tiwala ako sakanya?

"Tina, Burahin mo yan!" sabi ko sakanya habang nanginginig yung boses. Hindi ako makapaniwalang umiiyak ako. Umiiyak ako ng dahil sa mga picture na yan. T__T

"KAAATTHH!" tumakbo papalapit sakin si Daniel.

"Oh hi Daniel! Let's go. Let's eat somewhere!" sabay hila ni Tina sa braso ni DJ pero inalis niya agad yung pagkakahawak niya. Tumingin sakin si DJ tapos pinunasan yung pisngi ko.

"Bakit ka umiiyak?" his eyes full of concern. Hindi ako makasagot. Tuloy tuloy lang ako sa pag iyak.

Humarap ulit si DJ kay Tina, "For heaven's sake Tina. Ano na naman bang ginawa mo?!"

"Oh-ow! Don't blame me DJ. I've just shown her our pictures together sa party ni Dad. We were so intimate kaya siguro she's crying." napa pikit sa inis si DJ.

"Pwede bang bago pa maubos pasensya ko, umalis ka muna?!"

"But Daniel... Let's..."

"ALIS NA!!" nagulat si Tina kaya wala siyang nagawa kundi umalis nalang. Humarap agad sakin si Daniel tapos pinunasan yung pisngi ko.

"Kath.. Sorry.. Sorry.. I love you.. Yung kay Tina.."

"Yung kay Tina? Sige nga, Daniel. Ano yung kay Tina? Pano mo ipapaliwanag sakin yung mga pictures na yun? Ilang beses naba nangyari to? Una, yung kiss sa concert, pinalagpas ko yun. Pag nasa mall tayo yung mata mo san san nakaka abot, ngayon eto? sa susunod.. ano naman?!"

 "Kath.. intindihin mo naman ako. Ilang beses na nating napag usapan to diba?"

"Intindihin?! Pinipilit kong intindihin ka palagi. Siguro nga tama ka. Siguro nga hindi kita naiintindihan. DJ, pakiramdam ko ang layo layo natin. Ibang iba ka sakin. Siguro talagang hindi tayo yung para sa isa't isa. Siguro kailangan mo ng girlfriend na mas iintindihin ka, yung hindi selfish. Yung--"

"Kath, nasasaktan naba kita? Napapagod ka na bang intindihin ako?" huminto siya sandali. Tinakpan niya yung mukha niya ng dalawang kamay niya at tumahimik. Nag aantay lang ako ng susunod niyang sasabihin, hanggang sa humarap na ulit siya sakin.

"Kung nasasaktan na kita, kung lagi na kitang napapa iyak ng ganito, then I think we should give each other some time to think. We should give each other space. Kasi ayokong nasasaktan kita. Kung sinasabi mong magka ibang magka iba tayo, pwes gagawin ko lahat para maging magka parehas tayo. Mahal kita, alam mo ba yun? Kung alam mo lang kung anong ginagawa ko para umiwas kay Tina. Kasi ayokong mag alala ka eh, ayokong masaktan ka.  Ayokong bigyan ka ng dahilan para mawala yung tiwala mo sakin. Pero siguro nga  hindi ko kayang gawin yun."

"Space? Time to think? Sige! Kesa mas masaktan pa natin yung isa't isa!" umalis na ko ng umiiyak parin. San ako pupunta? Eto na ba yung tinatawag nilang break up?!

Umupo ako sa pavement ng daan. Kinuha ko yung phone sa bulsa ko para tumawag kay Jillianne.

"Jill.."

"Kath." nung marinig ko yung boses niya, hindi ko na napigilan yung sarili kong maiyak.

"What's wrong? Hey, Kath. Okay ka lang ba?"

"Break na kami."

"BREAK UP? KAYO? NI DANIEL!?" sigaw niya sa kabilang line na parang natataranta.

"yes."

"OMG! IS IT BECAUSE OF THAT SLUT TINA? DON'T WORRY KATH. I WILL TALK TO HER!"

Hindi nako naka sagot dahil sa sobrang pag iyak. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod ako. Ang sakit pala ng break up noh? Akala ko sa mga palabas lang nangyayari to. Yung iiyak yung bida dahil sa break up, ngayon ko lang na experience to. Ang sakit pala talaga. Naaalala mo yung mga pinag samahan niyo. Yung first kiss, first holding hands, sweet text messages.

Hindi ko alam na yung relationship pala na akala mo perpekto na, sa isang iglap lang pwedeng mawala. Hindi pala sapat na mahal niyo lang yung isa't isa, kasi dadating at dadating yung mga problema. Naalala ko tuloy yung sinabi ni mama.

"Kaya dumadating yung problema, para matuto tayo. Para mas maging malakas tayo."

Suddenly, namiss ko sila mama. Na hohome sick na tuloy ako bigla. >__<

Ayoko munang umuwi sa apartment ko. Ayokong maramdaman ko na mag isa talaga ko. Naisipan ko na pumunta muna sa bahay nila Sharmane at nagulat naman ako kasi andun din si EJ Bakla. Kinwento ko sakanila yung mga sinabi ni DJ kani kanina lang.

"Jusmiyo! Sabi ko na nga ba eh! Impakta talaga yang babaeng yan!" Sigaw ni bakla habang naka pamewang. Hindi ako makasagot dahil sa iyak parin ako ng iyak.

 "Hayaan mo, si DJ narin nag sabi na kailangan nyo ng space. Ayaw ka niyang masaktan. Ayun lang yun. Ang pinaka maganda mong gawin.. bigyan niyo muna ng space yung isa't isa. Move on muna sa break up."

"Move on?! Sharmane, sobra pa sa isang taon, itatapon ko lang lahat? Ganun nalang yun?" 

"Kath. Kesa naman masaktan nyo pa lalo isa't isa diba? Tsaka malay mo, cool-off lang to. Kung mahal nyo naman talaga isa't isa, magkakabalikan parin kayo eh. Wag kang mag alala, andito lang kami lagi ni bakla para sayo." sabay niyakap nila kong dalawa. Yakap na nagpagaan ng loob ko.

Move on. Ang daling sabihin, Sobrang hirap gawin. Dalawang salita, pero matagal na proseso.

"HAY NAKU MGA TEH! MAG INUMAN NALANG TAYO!" Sigaw ni Bakla.

----------------------

CJ's POV

"Hello?" nagulat nalang ako ng may biglang tumawag sakin gamit number ni Kath pero ibang boses.

"sino to? Bakit gamit nyo cellphone ni Kath?"

"Ah. Diba schoolmate ka namin? CJ Alcantaras? Sharmane to. Bestfriend ni Kath. Nakita ko messages mo sa cellphone ni Kath, siguro close kayo. Pwede bang manghingi ng favor?"

"Favor? Ayos lang ba si Kath? Nasan siya?"

"Itetext ko sayo yung address namin. Please, pahatid naman si Kath sa apartment niya. Lasing na lasing kasi eh. Wala yung driver namin. Please please."

"Sige, itext mo na agad yung address! Pupunta ko!!"

 .

..

...

.....

After ko mareceive yung text kung nasan si Kath, sinundo ko na siya agad. Halos hindi na siya makatayo sa sobrang pagka lasing. Pinaliwanag naman sakin nung Sharmane kung bakit, nag break pala sila ni DJ. Bakit kaya sa tuwing nasasaktan si Kath.. Ako yung laging kasama niya? Siguro yung panahon na una ko siyang nakilala, yung natamaan ko siya ng bola, siguro hindi aksidente lang yun eh. Siguro may dahilan talaga kung bakit nakilala ko siya. Alam kong kailangan niya ko. At kahit hanggang kaibigan lang yung tingin niya sakin, tatanggapin ko yun basta alam kong magiging masaya siya.

Buti nalang gising pa yung driver namin at nagamit ko pa tong sasakyan. Hinatid ko na siya sa apartment niya.

inalalayan ko siyang bumaba ng sasakyan dahil hindi na talaga siya maka tayo at pulang pula yung mga pisngi niya. "Kath. Okay ka lang ba? Bakit ba sobrang dami mong ininom?"

"Hindi niya na ko mahal CJ.. Hindi nya na ko mahal.. iiwan niya rin pala ko bakit niya pa sinabing mahal nya ko?" paulit ulit niya yung sinasabi habang umiiyak siya at naka pikit. Ano bang dahilan? Bakit ba sila nag break?

"Kath. Andito na tayo sainyo. Nasan susi mo?" pero hindi siya umiimik. Sinandal ko muna siya sa pader sa labas ng apartment niya at hinalungkat yung bag na dala nya. Nakahanap naman ako ng susi at binuksan yung pinto. Binuhat ko ulit siya papasok sa loob hanggang sa loob ng kwarto niya.

"CJ.. bakit lagi nalang akong umiiyak ng dahil sakanya? Bakit ganun? Bakit lagi nalang akong nasasaktan?"

"Sssh.. Kath. Matulog ka na."

"Aalis ka na? Iiwan mo din ba ko?" Sh*t! Lasing na talaga siya. Ano bang dapat kong gawin? -___-

"Hindi kita iiwan. Dito lang ako." Sumagot daw ba sa lasing? Eh wala na kong magagawa. Kailangan nya ko ngayon.

"Mahal mo ba ko?" Nagulat ako sa biglang tanong niya. Huminto ako sa pagtatanggal ng sapatos niya at tumingin sakanya. Nakapikit lang siya tapos umiiyak parin siya.  Lumapit ako para punasan yung pisngi niya.

Mahal mo ba ko? Siguro hindi mo alam yung sagot kasi habang naka tingin ako sayo, sa iba ka naka tingin. Sinubukan kong kalimutan ka at nakipag date ako kay Ayen. Pero bakit ganun? Bakit ikaw parin? Nung una, pustahan lang lahat to eh. Nanligaw ako sayo ng dahil sa pustahan ng teammates ko. Pero nung mas nakilala na kita, tuwing nakikita kong nasasaktan ka ng dahil sakanya, parang naiisip ko na bakit hindi nalang ako? Kasi ako, hindi kita sasaktan at paiiyakin na katulad nito.

Kung tatanungin mo ko kung mahal kita.. isa lang sagot diyan. "Kath, Oo. mahal na mahal kita."

Mahal na mahal kita at nagawa kong saktan si Ayen para sayo. Kaya siya umalis dahil hindi ko siya kayang mahalin pabalik. Kung pwede lang sabihin sayo na, 'Kath, ako nalang. Sakin hinding hindi ka iiyak. Gagawin ko lahat para maging masaya ka lagi. Para naka ngiti ka lagi.' Pero hindi ganun kadali yun eh. Mahal kita, mahal mo siya. Pero ayos lang, basta ako, andito ako lagi pag umiiyak ka. Andito ko lagi para sayo, kasi ayun lang naman yung kaya kong gawin para sayo eh.

LATERS

---------------

*A/N: Bwahaha! XD Hello 66k reads. >:D< Oh ayan ah. Medyo mahaba na yung update. :)

Lovelots,

Glimpseofsmile. <3

Continue Reading

You'll Also Like

74.1K 6.5K 33
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
11.8M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
2.7M 78.2K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...