ROTGT Book2: Assassin's First...

By ceikret

192K 4.6K 273

Winter's testament__ I Winter Terrice Jansen Madrigal Y Lee hereby declare that starting today, May 02,---- w... More

Revenge of the Gangater's twin Book 2 Prologue
one** oh-oh trouble
two** weird peoples
three** mystery
four** epic first day
five** first day trouble
six**five daddies
seven** gang
eight ** basketball game
nine** mystery guy
ten** Lorraine
eleven** a day with Janus
twelve** Travis and Claien?
thirteen**vitamins
fourteen ** Rank 8-Spectre
extra chapter** hints
sixteen** Trace is a sorcerer?
seventeen ** Janvee in the dorm
eighteen ** New side
nineteen** glimpse of her past
twenty** confirmed
twenty one** Ambush
twenty two** the letter and the mission
twenty three** Maki
twenty four** Toxic's leader.
twenty five** airport troubles
twenty six** the reasons..
twenty seven** The Kiss
twenty eight** tension
echos lang** pahabol sa authors note ko!
twenty nine** First date.. for real? part 1
thirty **first date.. for real part 2
thirty one** balloon's wish and tree house
thirty two** I'm falling
thirty three** Tracey's memory box
thirty four.1** Winter
thirty four.2** Hidden Rivalry
Ceik's NOte
thirty five** Trace's roommate
ceik's note again
Thirty six** their real identity
Notice**
thirty seven** Ambush Investigation.
Thirty eight** Cheat
Thirty nine** karma
Forty** preparation
forty one** King's
Forty two** The Party... or Trap?
Forty three** Autumn's Heal
Forty four** Who is Trace?
Forty five** Found him
Forty six** it's happening....
forty seven** Confusing
Forty eight** Trust me
Forty Nine** Nitro vs. Spike
Fifty** unknown feelings
Fifty one** Thunder and Lightning Strike
Fifty two** rescued
Fifty three**Just Crazy
Fifty four** Just crazy part 2
Fifty five** battle of the heart
Chapter fifty six** battle of the heart part two
Fifty seven** Scandal
Fifty eight** memories
Fifty nine**the start of change
Sixty** You're Beautiful
Sixty one** betrayed part one
Sixty two** betrayed part two
Sixty three** the fight for love(part1)
Sixty four** the fight for love (part two)
Final Chapter** part 1-the road to the last Battle
Final Chapter** last part
Final Chapter 2.0
Epilogue part1**
Epilogue part 2**
Epilogue last part**
Miss Bipolar

fifteen ** the real battle

2.7K 89 4
By ceikret

(Third Person POV)

Para bang natigil ang mundo ni Ralvy pagkakita sa grupo ng mga lalaki sa itaas na bahagi ng arena. Madalang lang lumabas ang mga ito ng dorm nila dahil na din sa may special treatment ang Rank 1. May sariling prof ang mga ito at sa dorm lang nila nag aaral. Kung lumabas man ang ito sa dorm nila ay siguradong may papanoorin itong magandang laban o di kaya naman ay sila mismo ang lalaban. Masyadong misteryoso ang grupo ng mga ito dahil parang lagi lang itong nagkukulong sa dorm nila. Hindi lang ito. Lagi din sila nakasuot ng jacket na may hood kung saan may nakasulat na one. Hindi niya kilala ang mga ito personally pero takot siyang harapin ang mga ito dahil may kakaiba sa mga aura nila. Nakakaintimidate ang dating nila at ikaw na mismo ang lalayo sa kanila. Pero ang pinaka iniiwasan niya sa grupo ay ang leader nito. Si King. Bukod kasi sa mga balita na nasagap niya noon. Hindi pa niya ito nakitang nakipaglaban. Sa lahat ng laban ng Rank one nakatayo lang ito at nanonood sa mga kasamahan na walang habas sa pagpatay sa loob ng center.

Isa pa sa nakakapagpalito sa kanya ay ang katana na hawak niya. Bakit ito may makamarka na Shadow? Bakit binigay sa kanya ito. Bakit parang tinutulungan siya ng mga ito. Nabaling ang tingin niya sa loob ng center ng sabay sabay umatake sa kanya ang sampong lalaking may hawak ng bakal at kadena. Mabilis niyang hinawakan ang katana at pinagsangga yun sa bakal na palapit sa kanya. Tila ba isang pirasong papel lang niya itong inihampas sa hangin para pananggala niya sa pagsugod ng kalaban pero tila nabato silang lahat nang maputol ang mga bakal at kadena ng kalaban pagtama ng katana na hawak niya sa mga ito.

Napalunok si Ralvy at parang hindi niya maprocess ang mga kaganapan sa paligid niya. Iwas dito iwas doon. Hampas dito hampas doon ang ginagawa niya. Natatakot siyang magkamali ng hawak sa katana na hawak niya. May lima na siyang napabagsak na kapwa may mga saksak at sugat na natamo galing sa katana niya. Nag umpisa ng mag init ang laban. Pinalibutan siya ng labing limang katao at sabay sabay siyang sigugod ng mga ito sa mga armas na gamit ng mga ito. Nagawa niyang iwasan ang mga atake at nagfocus siya para mapabagsak ang kalaban. Hindi gaya ng nauna. Hindi naputol ang mag katana na hawak ng kalaban sa bawat pagsangga ni Ralvy. Mas nahirapan siya dahil na din sa madami ang sabay sabay na umaatake sa kanya. Lumipas ang ilang minuto pero walang gustong magpatalo. Walang gustong mag pa agrabyado. Sa hindi inaasahang pagkakataon. Tinutukan ng isang kalaban si Troy ng katana sa leeg na siyang nagpatigil sa paglaban kay Charlie.

"P*ta lumaban kayo ng patas. Wag na wag kang didikit kay Troy." Sigaw niya sa lalaki habang iniiwasan ang mga kasamahan nito.

"Paano kung ayaw ko?" Nakangising sabi ng lalaki. Susugurin na sana siya ni Ralvy ng biglang may naghampas sa kanya ng bakal sa likod. Napahiyaw sa sakit si Ralvy at nabitiwan ang katana na hawak niya.

"Sh*t" nasabi ni Ralvy sa sarili matapos makita na ang katana na hawak niya ay nasa tabi na ng leader ng gang na kalaban niya. Sinubukan niyang lumapit upang mabawi ito pero pinalibutan lang siya ng mga kalaban niya at ang sumunod na pangyayari ay hindi niya inaasahan. May biglang sumaksak sa kanya ng dagger sa tagiliran. Umagos ang dugo mula sa hiwa na gawa ng dagger at naramdaman ng katawan niya ang sakit. Hindi pa nakuntento ang mga kalaban niya at hinampas ng kadena ang sugat niya. Napahiyaw siya sa sakit kaya naman tumayo na si Charlie. Hindi na niya maatim pang panoorin ang ginagawa ng mga kalaban sa kaibigan niya.

Matapos niyang masigurong naitabi si Troy at Ralvy ay agad siyang nakipagbugbugan. Suntok dito suntok doon. Sipa dito sipa doon. Wala siyang hawak na kahit anong armas. Alam niyang wala siyang laban sa mga ito dahil halos lahat sila ay may kalakasan din at idagdag mo pa ang mga armas na gamit nila. Nakaisip siya ng isang ideya kaya pumosisyon siya sa likod ng isa aa mga lalaki at hinawakan ang mga kamay nito. Nagmistulang puppet ang lalaki na sumusunod sa galaw niya. Ang kamay nito na may hawak na bakal ang siyang ginagamit niya para sa opensa at ang katawan naman nito ang kanyang depensa. Daing ng daing ang lalako sa tuwing matatamaan ito ng mga kasama ngunit wala din itong magawa dahil nagagawa ni Charlie na kontrolin ang katawan nito. Hindi nagtagal binawian ng buhay ang lalaki kaya naman hinagis ito ni Charlie sa mga kasamahan at sumugod pero isang putok ng baril ang nakapagpatigil sa kanya at nadaplidan siya sa kamay. Kahit hirap na sa pakikipaglaban nagawa pa din ni Charlie makipagsabayan gamit ang isang kamay na walang pinsala. Ang nasa isip niya ngayon ay tapusin ang laban para na din magamot ang mga kaibigan na sugatan.

Aatake na sana si Charlie sa kalaban na nasa harap niya pero napatigil siya ng makita ang pitong lalaki sa taas mg arena. Nakababa na kasi ang hood ng jacket ng ilan sa kanila at talagang kinilabutan siya sa paraan ng pagtingin ng mga ito. Gusto man niyang alisin ang tingin sa mga ito ngunit ayaw gumalaw ng katawan niya kaya naman hindi na niya namalayan ang pagsugod sa kanya ng isang lalaki na may hawak na katana. Nagawa niyang iwasan ang atake pero natamaan pa din siya sa binti niya. Nagkaroon ng malaking hiwa ang dinaanan ng katana na hawak ng kalaban dahilan para mapahiga siya sa sahig ng center. Inapakan ng kalaban ang sugat jiya kaya napadaing siya sa sakit hanggang sa mawalan siya ng malay.

Tumayo si Janus para sana makipaglaban pero pinigilan siya ni Dave."My turn." Seryosong sabi nito kaya naman tumango sa kanya si Janus. May 70 pa na natitirang kalaban. Kung titingnan eh talagang agrabyado sila sa laban. Pumasok si Dave sa center pero di pa man siya nakakalapit kay Charlie ay pinaulanan na siya ng dagger ng mga kalaban. Si Dave kasi ay yung tipo ng tao na hindi pwedeng saktan kapag nasa loob sila ng college. Nirerespeto siya dahil siya ang President ng council pero pagtuntong sa arena doon na bumabawi ang mga may galit sa kanya. At base sa pag atakr ng mga kalaban ay may malaking galit ang mga ito sa kanya. Puro iwas ang ginawa ni Dave dahil hindj naman siya makaatake sa mga kalaban. Hindi niya magawang lapitan ang mga ito dahil sa patuloy na pagtira sa kanya.

"T*ang** walang mangyayari kung tira lang kayo ng tira. Wag kayong duwag lumaban kayo ng patas. Mata sa mata ngipin sa ngipin." Sabi niya habang umiiwas sa mga atake sa kanya.

"Wala sa bukabolaryo namin ang salitang patas kaya sorry kana lang President. Wala ka sa trono mo." Nakangising sabi ng isa sabay baril sa kanya. Nagawa niya itong iwasan ngunit kanina pa siya napupuno sa mga ito. Idagdag pa sa frustration niya ang mga kaibigan na sugatan.

"Pwes kung yan ang gusto niyo. Ito lang ang masasabi ko sa mga kagaya niyong hindi patas wala sa isipan ko ang salitang awa." Sabi ni Dave sabay siko sa mukha ng isa sa mga lalaki. Nawalan agad ng malay ang siniko niya. Hindi pa man nakakabawi sa pagkagula ang mga kasamahan nito ay nagawa na niyang sugurin ang mga ito at sinipa ang tyan at maseselang bahagi ng katawan nito dahil para uminda ito sa sakit na dinadanas. Hindi na siya nag aksaya ng panahon ay nagmamadaling sumugod sa leader para makuha ang katana pero bago pa niya mahawakan ang katana ay may nakahila sa kanya at hinagis siya sa salamin. Hirap na tumayo si Dave habang hawak ang kamay na nabalian ng buto dahil sa lakas ng pagkakahagis sa kanya. Nagawa pa niyang sipain ang mukha ng naghagis sa kanya pero tila ba hindi ito nasaktan. Hinawakan nito ang paa niya at sa pangalawang beses ay hinagis siya ulit nito. Naghiyawan ang mga nanonood. Tila ba gustong gusto nilang makakita ng taong nahihirapan at nasasaktan.

"Enough." Boses ni Janus na siyang nagpatigil sa lahat. Parang huminto ang oras habang naglalakad siya palapit sa center. Hindi niya akalain na wala pa mang kalahating oras ang nakalipas ay napabagsak na ng mga ito ang mga kasama niya. Pero pagtapak niya sa loob ng center nakaramdam siya ng kakaiba. Parang may kung anong amoy siyang naamoy dito. Biglang nanlaki ang mata niya sa realisasyon ng nagaganap. "Sh*t hindi lang kayo madaya pagdating sa bilang. Hindi rin kayo marunong lumaban ng patas. Kung hindi ako nagkakamali ay may hinalo kayong gamot dito sa hangin para manghina kami tama ba. Yan ba ang dahilan kaya kayo nakamask. Akala ko pa naman get up niyo lang yan para itago ang mga pangit niyong mukha." Inis na sabi niya. Nagtawanan ang mga kalaban niya na para bang nanalo sila sa lotto.

"Masyado kasing sabik ang mga kasama mo kaya di nila napansin na nanghihina na sila. Bilib din ako sayo ang lakas ng pang amoy mo. Aso ka ba?" Nang iinis na sabi ng leader ng kalaban nila sabay halakhak.

"Hindi lahat ng malakas ang pang amoy aso. At hindi lahat ng mukhang tao ay tao. Tulad niyo may katawang tao kayo yun nga lang mukha kayong mga unggoy. Hindi niyo ba alam ang salitang evolution?" Sabi ni Janus na naging dahilan ng pag init ng uli ng mga kalaban.

"Patayin yan." Sigaw ng leader kaya naman tumalima ang mga miyembro nito at sabay sabay na sinugod si Janus. Noong una ay nagagawa niyang makipagsabayan sa lahat pero lumipas ang sampong minuto ay nakaramdam na siya ng hilo. 'Sh*t yung epekto ng gamot' sabi ni Janus sa sarili. Ngayon alam na niya kung bakit nawalan ng malay si Troy kanina. Marahil ay dahil din yun sa epekto ng gamot. Siubukan pa din niyang makipaglaban pero may 50 pang natitira at talagang umiikot na ang paningin niya. Napaluhod siya at pilit na inaayos ang panimbang para hindi siya bumagsak. Pinagsusuntok naman siya ng mga kalaban at kahit anong iwas niya ay nagagawa pa din ng mga ito na tamaan siya.

Ito ang eksena na nadatnan ni Tracey. Nakahiga a isang sulok ang duguang sila Troy ay Ralvy. Habang si Dave ay pilit na gumagapang papunta kay Charlie. Si Janus na pilit lumalaban sa mga kalaban na walang habas siyang sinasaktan. May nakita siyang isang tao malapit sa center. Hindi na siya nag akasya ng panahon. Tumalon siya sa balikat ng lalaki at nagbackflip papasok sa center. Naghiyawan ang mga nanood pagkakita sa kanya. Naglanding siya sa ulo ng isa sa mga kalaban. Nilagyan niya ng pressure ang pagtapak dito dahilan para mabalian ito ng leeg.

"Smoke tactic. Not bad." Nakangising sabi niya sa leader ng gang. Mabilis na nagsipaglapitan sa kanya ang mga kalaban at iniwan si Janus na pilit pa ding nilalabanan ang pagkahilo.

"So sugod na." Sabi ni Tracey habang kumakain pa ng popcorn. Unti unti siyang lumakad papunta sa leader pero pinigilan siya ng mga kasama nito. Sa hindj maipaliwanag na dahilan hindipa man nakakaabot ang mga ito malapit sa pwesto niya ay bumagsak na ang mga ito at bumubula ang mga bibig. Lahat ng magtatangkang lumapit sa kanya at harangan siya ay ganun ang sinasapit. Isang metro na lang ang layo niya sa leader ng gang ng maubos ang lahat ng mga miyembro nito na sumusugod sa kanya.

"P-paano. W-wala k-ka n-namang g-ginawa a. Kumain ka lang at naglalakad p-paano sila natumba." Kinakabahang sabi nito kay Tracey.

Napangisi si Tracey pagkakita sa mukha nito na puno ng takot. "Let me correct you. Hindi sila natumba. Patay na sila." Nakangising sabi pa din ni Tracey kaya naman nanlaki ang mata ng leader pati na din ng mga nanonood.

"Aanong paano." Halos pabulong na lang na sabi ng leader ng gang. Kaya naman napahalakhak si Tracey.

" Simple lang. Death walk yun. Nakakawa ka naman di mo alam yun. Natatakot ka ba? Kanina lang parang ang tapang mo ah. Dahil ba madami kayo? Dahil ba sa smoke tactic. Pwes pasensiyahan tayo ipaparanas ko lang naman sayo ang naranasan ng mga gangmates ko pero in a way better. At sisiguraduhin kong mag mamakaawa ka saking patayin na lang kita kesa magdusa pa." Sabi ni Tracey sa nakakatakot na paraan. "BOO." sigaw niya sa lalaki kaya naman napatakbo ito. "Sige lang takbo. You can run but you can't hide." Nakangising sabi ni Tracey.

"Hmm ano kasing ginawa mo kay Troy? Ah tama binaril nga pala ang hita niya." Sabi ni Tracey at kumuha ng baril. "Babarilin din kita kung ganun. Times five nga lang ang sakit." Sabi niya at binaril nga ang lalaki. Napasigaw sa sakit ang lalaki at nawalan ng balanse."Sinaksak niyo naman si Ralvy right?" Sabi niya sabay kuha ng dagger niya. Mabilis niyang nalapitang ang lalaki at sinaksak ng dagger ang tagiliran nito. "How bout Charlie. Ahhh hiniwa niyo ng katana ang binti niya?" Sabi niya sabay labas ng katana.

"Pakiusap t-tama na m-masakit." Nagmamakaawang sabi ng lalaki pero di siya pinansin ni Tracey. Mabilis niyang hiniwa ng katana ang binti niya pero hindi gaya ng hiwa ng kay Charlie dahil ang ginawa niya ay mas malalim pa doon. "Yan ganya nga beg for your life. Beg for your f*ck*ng life." Sabi ni Tracey. "Naalala ko hinagis niyo nga pala si Dave. Two times right? So lets make it four para masaya." Sabi niya sabay hagis sa lalaki sa salamin. Kasabay ng pagdausdos ng katawan nito ang pag agos ng dugo sa mga sugat nito. Hindi pa man ito nakakabawi ay mabilis niya ulit itong hinagis sa kabilang side naman ng arena. Ginawa niya yun ng apat na beses bago huminto. "And for the finale." Sabi ni Tracey sabay hagis ng isang uri ng smoke bomb sa pwesto ng lalaki na naging dahilan ng pagkawala ng buhay nito. "The end. How sad." She said sarcastically bago pumunta sa mga kasamahan. Nahimasmasan na din si Janus kaya naman silang dalawa ang nagtulong sa pag uwi sa apat na sugatan sa dorm nila. Sinabi ni Tracey na siya na ang bahala sa paggagamot sa mga ito. Dahil na din sa wala ng lakas para makipagtalo si Janus sumunod na lang siya kay Tracey pero bago niya maakay patayo si Dave napatingin siya sa itaaas na bahagi ng arena. And there he saw Claien.

Ceikret

**so guys may nakita ba kayong another clue? Haha. May bagay ba na suspicious para sa inyo. Comment it at the comment box and let me tell you if your suspicions are right.

Ai wo

Continue Reading

You'll Also Like

443K 9K 61
RIANNE was a secret gangster at the Gangster University. Well, that was until an asshole in disguise told the whole world about it. As a result, she...
104K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
158K 3.5K 31
Genres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story With A Missing Epilogue "Hindi katulad sa m...
21.8K 407 48
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...