The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

12. Wing Bearer

101K 3.8K 322
By iamrurumonster

Hanggang ngayon sariwa parin sa isip ko ang nangyari kahapon. Lalo nang sabihin ni Master Uran na may mahalagang bagay kaming pag-uusapan tungkol sa mga nangyari noong isang araw. Hindi ko alam kung kailan niya ako kakausapin tungkol doon. Noong sinabi niya ang bagay na 'yon saakin, wala na akong nakapang pagtanggi sa loob ko. I didn't have to think twice, I nodded and smiled back. Hindi naman pala nakakatakot ang pinakamakapangyarihang keeper ng Cairos gaya ng sabi ng marami. Marahil ay hindi lang ito katulad ng iba na palangiti at may maamong itsura dahil sa itim parin ang buhok nito at makakapal na parang espada ang mga kilay nito making him looked like a bad person. Napaisip pa ako kung anong pwede nitong sabihin.

Bahala na.

Patapos na ang target tracking subject namin. Ang special subject na 'to ay isa sa mga pinakapaborito ko. Si Preceptor Venator, isang keeper na nasa edad sitenta pataas, may mahabang balbas at manipis na buhok na namuti na sa katandaan, ang aming guro sa subject na tracking. He's a blind keeper. Pinaniniwalaang pagkapanganak pa lang nito ay wala na itong kakayahang makakita gamit ang mga mata. What made him one of the best target tracker of Cairos is because of the element he keeps. He's a wind keeper. Gamit ang vibrations sa ere ay nagagawa niyang itrack ang isang target ng walang kahirap-hirap. But ofcourse, it took him decades to master the craft.

Sa subject na 'to lagi kaming nasa open-field. Kadalasan sa malawak na field na sakop ng Cairos Academy of Magic. Kahit papano'y hindi na ako nahihirapan sa ensayo. Nagsimula yun pagkatapos ng lesson namin kay precetor Navitas. Nasasanay na siguro ang katawan ko sa mga bagay na isang keeper lang ang nakakagawa. Hindi nga ako trivialis gaya ng akala ng marami dati pa bago ako madukot.

By pair ang ginawang practical test ng preceptor. Naituro na nito kung paano gamitin ang isip para ma-trace kung nasaan ang target. Depende daw sa lakas ng kapangyarihan at sa talento kung paano maging isang magaling ma tracker. Anim ang senses na ginagamit sa tracking: touch, smell, taste, sight and hearing, panglima ang extra sense na ginagamitan ng pinaghalong limang senses at ang enerhiya mula sa element ng keeper. Medyo nakakalito sa una pero nadadaan sa sanayan.

"So when are you going to meet the head master of the academy?" Amber tapped my back habang paalis na kami sa field kung saan kami nagtarget tracking. Nagpaalam na rin si precetor Venator.

"Wala pa siyang sinasabing araw. Siyanga pala pupunta ako sa library ngayon. Maghahanap ng listahan ng mga wing bearer."

"Samahan na kita."

Nagulat ako sa narinig ko mula kay Laurent na papalapit sa kinalalagyan namin. Nakita ko na naman ang makahulugang ngiti ni Amber na marahil ay nakita rin ni Laurent kaya ito nagsalita uli.

"Sasamahan lang," diin nito, "masama ang kutob ko nitong nga nakaraang araw. Saka, nangako akong tutulong sa'yo."

Napahagikgik si Amber. "Eh ba't ka nagpapaliwanag? Hay nako Larent, walang napapala ang mga taong torpe kundi tumunganga na lang at tumitig hanggang sa makawala ang taong gusto nila."

"Andami mong alam. Tara na nga!" Iritable nitong maktol then he gestured to walk.

"Hindi ako makakasama. Birthday ng head ng monceros na si Probus kaya makikiparty ako."

"Sure ka Amber?" Tanong ko sa kaibigang parang atat nang umalis.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Seryosong sabi ni Laurent.

"Sige Amber, magkita na lang tayo bukas?"

"Okay..." nakangiti nitong sabi. "Hoy ikaw, ingatan mo 'tong si Lara kundi mananagot ka sa akin!"

Laurent snorted. Wala talagang balak ngumiti ang antipatikong pinaglihi sa simangot. "Lara halika na nga!"

Nagmadali naman akong sumunod nang tumalikod na at nagpaalam si Amber.

Wala kaming kibuan ni Laurent habang tinatahak ang road of Moondane. Isa marahil sa pinaka-awkward na moment ng buhay ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit pumayag pa ako na magpasama sa kanya. Nakakalahati na kami sa five hundred meters na kalye ay wala paring umiimik saamin.

Awkward moment. Silence.

"Ah, kamusta si Miranda?" Nagtaka din ako kung bakit yun pa ang tinanong ko to break the ice.

"Safe." Tipid nitong sagot.

Katahimikan uli.

"Ano sa tingin mo ang sasabihin ni Master Uran kapag nagkausap kayo?" I said softly.

He did not answer. Parang wala itong narinig.

Ilang hakbang pa bago kami makarating sa harap ng library at lumiko pakanan bigla itong nagsalita. "Miranda told me to look after you bago kami naghiwalay." He said in a low voice but I can feel pain in his tone.

"W-why?" Litong tanong ko na bahagyang tumigil sa paglalakad.

Napatigil din ito. "I think she likes you. Wala daw siyang ate kaya ikaw na lang." Naiilang niyang sabi. I even saw him half-smiling. A view of him smiling kahit hindi buo, nakakagaan ng pakiramdam.

Naputol ang pag-uusap namin nang may nagsilabasan mula sa House of Moondane. Marahil ay mga level 3 keepers o mga initiates ito ng Cairos Academy. Sila ang mga madalas pinapadala sa mga mission kasama ang magus isang experienced keeper.

"Initiates." Sambit ni Laurent. Napansin din siguro nito ang kulay ng kwelyo ng grupo ng mga estudyante na nagsilabasan. Iisa ang desenyo ng uniporme ng mga estudyante sa Cairos Academy. Pero iba'iba ang kulay; blue sa monceros, green sa columbae at gray sa draco. Magkakaiba din ang kulay ng kwelyo ng bawat levels: yellow ang mga novice kung saan kami napapabilang, orange ang kwelyo ng mga apprentice at black sa mga initiates.

"Bakit parang napakarami nila? Siguro ay galing yan sa tatlong houses. " Taka kong tanong.

Hinila ako ng matipuno niyang braso patungo sa tagong lugar. Sa mga kumpol ng matatayog ma palmera kami nagtago habang pinagmamasdan ang mga initiates.

Nakatingin lang si Laurent sa mga nagsisilabasan. Nagtanong ito makalipas ng ilang sandali. "Wala ka bang namumukhaang hawig ng dumakip sayo diyan?"

"W-wala?! I mean mahirap hanapin ang isang nilalang na nakatalukbong sa kumpol ng taong mabilis na naglalakad." Lito kong sagot.

"Naws... Naws..." bulong ni Laurent.

"Anong ginagawa mo?" I seemingly rasped dahil sa wirdong itsura nito.
"Shhhh I'm calling someone..."

Mukhang may pinapalabas na naman ito mula sa mga tato niya sa braso na ngayo'y nasa loob ng kanyang gray long sleeves. Hanggang ngayo'y wala parin akong idea kung ba't may mga lumalabas na halimaw sa kamay nito at nakaguhit pa yata ang lahat ng yun sa braso niya pati sa likod. "Parang ginawa mo na yan dati."

"Oo pero ibang belua ito. Kaya tumahimik ka muna. Nahahawaan ka na nung Amber na yun sa kadaldalan ah." Para itong matandang nanenermon sa anak habang nagfofocus sa ginagawa.

"Belua?"

"Mga makapangyarihang halimaw sa kamay ko. Saka ka na magtanong. I'm trying to help you here. Shhhh!" All of the sudden matapos niyang sabihin iyon ay isang itim na usok ang lumabas mula sa manggad ng kanyang damit. Nagulat ako dahil isa yung magandang babae na nakasuot ng puting gown at may hawak na bouquet na may mahabang handle.

"Laurent, sino ang gusto mong suriin?" Mahinhing tanong ng espiritong kanina pa niya tinatawag Naws.

"Lahat ng initiates na yan. Hanapin mo kung sino sa kanila ang light keeper. At may butil ng pakpak sa kanilang likuran." Utos ni Laurent sa kanyang halimaw.

"Masusunod." Yun lang ay bahagya itong lumipad ilang metro ang taas sa mga kumpol ng halaman at dun ay para siyang diyosa ng kalikasan habang marahang kinukumpas ang hawak na bouquet. Nililipad ng hangin ang laylayan ng gown nito.

"What is she doing?"

"Siya ang celestial spirit na kayang magbasa ng aura ng isang nilalang. Nakikita niya ang aurang lumalabas sa tao at kung ano lang nakatago sa loob ng katawan nito." Paliwanag ng lalaki na noo'y nakatingin kay Naws.

"Ano yung butil ng pakpak?" Tanong ko uli.

"Ang mga wing bearer ay may dalawang maliliit na butil ng pakpak na nakatago sa kanilang likod. Those voluntarily come out at their own will. Naws knows how to find him kung sakaling isa siya sa mga yan. Yun lang ay kung hindi isang initiate ang dumakip sayo."

Hindi ko namalayang ang lapit na pala ng distansya namin ni Laurent habang nagpapaliwanag ito. Naamoy ko pa ang mabango nitong hininga at pati ang mainit na hangin mula sa kanyang paghinga ay naramdaman ng pisngi ko. Bahagya akong lumayo at pasimpleng lumiko ng tingin sa ibang direksyon.

Nakakahiya.

"Bakit? Mabaho ba?" Biro nito.

"Ang alin?"

"Hininga ko?" Natatawa nitong tanong. For the first time I saw him chuckle like than. There's some strange beating inside me. Nakakagaan pala ng loob kapag tumawa ito. "Sagot."

Tila nagising ako sa pagkakahipnotismo nang magdemand ito ng sagot.

"Hindi mabango?"

"Ha? Oo! No! I mean hindi.... I m-mean hindi mabaho. Mabango." Nataranta kong sagot.

"Seryoso yan ah?"

"Oo nga! Ang kulit naman nito. O ano na? Kamusta si Naws?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa siya tapos s-"

"Anong meron sa lugar na 'to?" a strange baritone voice cut us out. Mula ito sa aming likuran.

Tila isang kidlat namang bumalik si Naws sa braso ni Laurent. "Sino ka?" Masungit na tanong ni Laurent na parang hinamon ng away.

"I'm Alvis." Tipid at nakangiting sagot ng lalaki. Umagaw saakin ng atensyon ang mga mata nitong sing asul ng karagatan na napapaligiran ng makakapal na pilik mata, matangos na ilong at namumula ang pisnging halos matabingan ng maitim at mahaba nitong buhok. Mukha itong anghel na may maninipis na pulang labi at nakakasilaw na ngiti. Itsurang hindi nito kayang gumawa ng masama. "Isa kang arkanghel?" Biglang lumabas sa aking bibig ang tanong na yon dala ng gulat.

"You've been looking for me? Yes I am a wing bearer. I'm your abductor."

###

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
727K 35.3K 79
GIFTED SERIES #5 Everything has come to an end. To the book, 'The Gifteds', where it all started. It's now against them and to the one who gave them...
6.3K 456 11
The trickster who loves money, the number one trader in the world of the demigods, the only child of God Quetzalcoatl--the infamous merchant, Quetzal...
1.1K 223 14
A boy who doesn't know the death and a girl named Lala whose waiting to be fetch by the light. How long will he gonna visit her in the abandoned man...