TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

Summer_Alli द्वारा

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... अधिक

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 11

16.3K 459 13
Summer_Alli द्वारा

Tristan

NAKATANAW ako ngayon sa labas ng bintana ng aking opisina habang pina-iikot ang ballpen sa aking mga daliri. Napapabuntong-hininga ako sa tuwing pumapasok sa isip ko ang malungkot na mukha ni Ica nang basta nalang akong magpaalam dito.

Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko pa itong lingunin kanina bago ako tuluyang makalabas ng kusina. Hindi ko rin maiwasang isipin si Bianca dahil pakiramdam ko ay nagkakasala na ako dito. Damn!

"Mr. Guttierez?" Pukaw sa akin ng isang boses dahilan para bumalik ang aking diwa. Agad naman akong bumaling sa nagsalita.

"Yes Ms. Alvarez?" Tanong ko sa aking secretary. Ngumiti naman ito sa akin.

"You look occupied with someone Mr. Guttierez" May panunukso sa boses na sabi pa nito sa akin. Tumikhim naman ako para alisin ang bumura sa aking lalamunan.

"I don't give you permission to meddle with my personal things Ms. Alvarez" wika ko naman dito. Muka namang napahiya bigla ang aking secretary.

"I'm sorry, sir" Nakayukong paumanhin pa nito sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin.

"What brought you here, Ms. Alvarez?"

"Ay oo nga pala sir, it's time for conference meeting, sir" Inform nito sa akin.

Agad naman akong tumayo para lumabas na ng aking opisina at pumunta sa conference meeting na halos nakalimutan ko na dahil sa pag-iisip. Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos ng office hours ay agad akong umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na para bang gustong-gusto ko nang umuwi. What the hell happening to you Tristan Guttierez? Damn you!

Nang makarating ako sa bahay ay napakunot-noo ako dahil napansin ko na sobrang tahimik ng kabahayan. Where's Ica? Is she with that Calex again? Hays!

Nakapasok na ako sa loob ng bahay nang makahinga ako ng maayos. I really don't know what I feel and I don't have any idea how to deal with this feeling.

Napatitig ako kay Ica na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sofa habang nakanganga pa ang bibig nito. Napaasik pa ako no'ng mapansin ko ang mga hita nito na nakabukaka. Hindi ako makapaniwala na ganito ito matulog habang nakasuot ito ng palda. Nakalantad tuloy ang maputi at makinis nitong hita sa aking paningin. Hindi mahahalata sa kinis at puti ng balat nito na galing itong probinsiya. She really like goddess to me. Damn this woman!

Nag-iwas ako ng tingin kay Ica para pakalmahin ang aking sarili. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga pagkatapos.

Nang maramdaman ko ang aking pagkalma ay muli akong bumaling kay Ica at sinimulang ayusin ang pagkakahiga nito sa sofa. Natigilan pa ako nang mapatitig ako sa maganda nitong mukha. Bahagya pa akong umupo sa sahig para mapagmasdan pa 'yung lalo. Napaasik pa akong muli no'ng makita ko ang nakabuka pa rin nitong bibig. Tsk clumsy maid!

"Be thankful woman, because I'm not that pervert to take advantage of your innocence" I whispered and sighed. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta ng kusina.

Pagkarating sa kusina ay agad kong binuksan ang refrigerator para uminom sana ng malamig na tubig. Natigilan naman ako dahil napansin ko ang mga nilutong pagkain kanina ni Ica. Huminga ako ng malalim bago ko naisipang ilabas ang mga pagkain sa refrigerator at ilagay sa ibabaw ng lamesa. Pinagmasdan ko ang mga iyon pagkatapos.

Umupo ako sa isang upuan na naroon at sinimulang tikman ang mga nilutong pagkain ni Ica. Napabaling pa ako sa may sala kung nasaan si Ica kahit hindi ko naman ito makikita. Napangiti ako ng bahagya. She's good in cooking!

Bumaling ulit ako sa mga pagkain at bigla ay napansin ko ang tasty bread na nasa ibabaw rin ng lamesa. Naalala ko bigla si Ica na nakanganga habang natutulog. Napangiti ako bigla sa kalokohang naisip.

Ngayon ay nandito na ako sa aking kwarto habang abala sa ginagawa sa harap ng aking computer. Umiinom ako ng tinimpla kong kape no'ng saktong makarinig ako ng malakas na sigaw. Lihim akong napangiti dahil alam ko na kung sino ang sumisigaw at ang dahilan ng pagsigaw nito.

"SIR TRISTAN!!!" Narinig kong galit na sigaw ni Ica sa pangalan ko. Naririnig ko ang boses nito sa kabuuan ng bahay. I smirked.

––

Jessica

"SIR TRISTAN!!!" Inis na sigaw ko dahil halos mabulunan ako ng tinapay pagkagising ko.

Hihikab pa naman sana ako katulad ng lagi kong ginagawa pero naantala iyon dahil muntikan na akong mabilaukan ng tinapay na inilagay sa aking bibig. Si sir Tristan lang naman ang kasama ko dito sa bahay kaya alam ko na ito ang may gawa no'n. Hindi ako makapaniwala na gagawin ni sir ang gano'ng kalokohan. Bwiset! Gusto yata akong patayin ng boss ko!

"TRISTAN!!!" Muling sigaw ko sa pagbabasakali na lalabas si sir Tristan pero mukang wala itong balak na harapin ako. Lihim nalang akong nagngit-ngit sa galit.

"Bwiset ka sir! Makakaganti rin ako" bulong ko sa aking sarili habang iniisip kung paano makakaganti sa walanghiya kong amo. Napangiti ako.

Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa dingding. Noon ko lang napansin na malapit na palang magtakip-silim at matagal na rin pala akong nakatulog kaya naman naisip ko na magluto na ng gabihan namin ni sir Tristan. Naglakad na ako papunta ng kusina.

Nang makarating ako sa kusina ay agad kong binuksan ang refrigerator na ipinakilala sa akin ni sir at itinuro kung paano gamitin iyon. Napangiti pa ako ng mapansin ko na wala na ang mga niluto kong pagkain kaninang umaga.

"Kinain kaya ni sir Tristan?" Naitanong ko pa sa aking sarili. Naramdaman ko ang paglambot ng aking puso at bigla ay parang nakalimutan ko ang balak kong paghihiganti dito.

Napailing-iling ako at pilit ibinabalik sa isip na kailangan kong makaganti sa boss ko. Napatingin ako sa mga sangkap na nasa loob ng refrigerator at napangiti ng makaisip ng kalokohan. Humanda ka sa akin sir!

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang nakahain na pagkain sa ibabaw ng lamesa. Ang niluto ko ay simpleng adobong manok at kanin lang pero sinigurado ko na masarap ang pagkakaluto ko para matakam si sir Tristan.

"Uy sir, nandiyan kana po pala. Halika na po, kain kana" Nakangiting akit ko kay sir Tristan nang pumasok ito sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Tumingin ito sa akin na para bang nagtataka.

"Hindi ka galit?" Tanong pa nito sa akin. Ngumiti naman akong lalo.

"Sino namang hindi magagalit sa ginawa mo, sir? Halos mamatay na kaya ako kanina" Bulong ko sa aking sarili. "Hindi sir a, bakit naman po ako magagalit? Tuwang-tuwa nga ako sir e" sagot ko sa tanong ni sir na hindi inaalis ang pagkakangiti.

Napakunot-noo naman si sir pero umupo na rin ito sa hinigit ko pang upuan para dito. Hindi pa rin inaalis ni sir ang pagkakatingin nito sa akin at para bang pinag-aaralan nito ang ikinikilos ko. Nginingitian ko lang naman ito bilang balik.

"Are you planning something?" Tanong pa ni sir pero hindi ko ito pinansin dahil hindi ko rin naman ito naintindihan. Ngumiti lang ulit ako dito bago ko nilagyan ng pagkain ang plato nito.

"Kain kayo ng marami, sir" wika ko dito na lalong nakapagpakunot-noo dito. Itinuro ko lang dito ang pagkain na ibinigay ko para sabihin dito na kumain na ito.

"Tsk!" Asik pa ni sir bago ibinaling ang paningin sa pagkain. "Thanks for the food" wika pa nito bago sinimulan ang pagkain. Napangiti ako nang makita ko kung paano isinubo nito ang niluto kong adobo. Sarap!

"What the hell?!" Gulat na reaksiyon ni sir nang maisubo nito ang adobo na niluto ko. Napatayo pa ito sa kinauupuan nito.

"HAHAHAHA" Halos maubusan na ng hininga na tawa ko habang napapahawak pa sa aking tiyan. Akala mo hindi ako maghi-higanti 'no?

Hindi ko maiwasan na hindi tumawa habang nakikita ko ang pamumula ni sir dahil sa adobo na niluto ko na nilagyan ko ng maraming powder chili.

"W-what the hell, w-woman?! What seasoning d-did you u-use?" Sigaw ni sir pero halata sa boses nito na nahihirapan ito. "T-tubig" Hirap ang boses na wika pa ni sir.

Napatigil ako sa pagtawa nang mapansin ko na nakahawak na sa leeg nito si sir at parang nahihirapan na itong huminga. Namumula na rin ng sobra ang mukha nito. Nataranta ako bigla.

"S-sir? A-anong na-nangyayari?" Natataranta na tanong ko kay sir lalo na no'ng mapansin ko na halos matumba na ito. Sinubukan kong lumapit dito para alalayan ito pero itinaboy ako nito.

"Y-you used oyster sauce? S-saan galing ang oyster s-seasoning na g-ginamit mo?" Nahihirapan na tanong sa akin ni sir.

Naalala ko bigla na bumili ako kanina ng oyster sauce sa kalapit naming tindahan dahil napansin ko na ubos na ang sangkap sa kusina ni sir.

"S-sir bumili po ako kani-----sir?" Pukaw ko kay sir nang mapansin ko ang pagpikit nito.

Mabilis akong lumapit dito. Naramdaman ko ang pagsikbo ng aking dibdib dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit parang naluluha ako. "S-sir? A-yos ka lang ba s-sir? A-anong gagawin ko? Uy sir? Hu-huwag kang pumikit sir! S-sorry na sir, patawad sir. H-hindi ko na po uulitin! U-uy sir? Anong gaga----"

"S-stop crying, w-woman. K-kunin mo ang gamot ko sa kwarto" Putol ni sir sa sinasabi ko dahilan para lalo akong mapahagulgol. Pakiramdam ko ay nanghihina ang aking buong katawan pero nagawa ko pa ring tumayo. Sobrang nagsisisi na ako sa ginawa ko. Hindi pala dapat ako naghiganti.

"S-sige sir, k-kukunin ko na po. Basta da-dapat ayos ka lang diyan huh?" Pakiusap ko pa kay sir na hindi pa rin maiwasang mapaluha.

Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil nagmamadali na akong lumabas ng kusina.

"N-nasa kabinet, J-Jessica!" Narinig ko pang sigaw ni sir bago ako tuluyang makalabas ng kusina.

Mas binilisan ko pa ang pagpunta sa kwarto ni sir kahit nararamdaman ko ang pagsakit ng aking binti at paa dahil sa heels na suot ko. Binalewala ko ang mataas na hagdan at ipinagpatuloy ang pagtakbo. Humihikbi pa rin ako habang tumutungo sa kwarto ni sir Tristan.

"Kasalanan mo ito Jessica kapag may nangyaring masama sa amo mo" Paulit-ulit na bulong ko sa sarili habang inaalala ang mukha ni sir Tristan na hirap sa paghinga. Baliw ka Jessica!


🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

2.1M 61.2K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
801K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
23K 924 37
Si Avirille Salamanca ay isang graduating college student at nasa edad na dalawampu't isang taong gulang. Sa edad niyang iyon madalas sabihin sa kani...