Enjoy Reading!!!
CHAPTER 66
Zouie's POV
Pagkaalis niya ng maskara ay nagulantang ako sa nakita.
Tangina!
Si Mommy ang nasa likod ng maskarang ito?!
"Shocked?" tanong niya habang nakangiti.
Nanatiling namang nanlalaki ang mata ko dahil sa gulat. Hindi ko kasi naisip na maaaring isa siya sa mga may pakay sa akin.
Hindi siya naging mabait sa akin pero hindi ko akalaing aabot siya sa ganito.
"Hindi na ako nagulat na maaaring kasama ka sa kasamaang ito." seryosong sabi ni Kuya at tumawa naman si Mommy.
"Ay ganun ba? Sayang naman." sabi niya at kunyari ay tumawa pa.
"I don't remember anything that you and my mom are bestfriends back then." seryosong sabi ni Kuya kaya naman napaseryoso si Mommy.
"Oh. I'm so hurt. Hindi man lang ako kinuwento ni Mommy mo. Don't worry, let me tell you a story." sabi ni Mommy at nagpatuloy.
"We're bestfriends in highschool. I have a crush... no correction... I fall in love with Ken that time. I tell that to Kyline. Palagi kaming nagtitilian dahil sa kanya ko sinasabi lahat ng kilig na nararamdaman ko. Tuwang tuwa ako nun ng pansinin ako ni Ken. Niligawan niya ako at palaging binibigyan ng kung ano anong materyal na bagay. Hindi ko na pinatagal at sinagot ko siya agad. He's so sweet and for me, he is an ideal boyfriend for me. But things changed..." sabi ni Mommy at galit na tinignan kami.
"Hindi naman pala talaga ako ang mahal niya! Dahil niligawan niya lang ako dahil ang gusto niya talaga ay si Kyline. He fooled me! He hurt me! Ang sakit sakit ng naramdaman ko nun at sinabi ko yun kay Kyline. Sinabi ko lang na nagbreak kami pero hindi ko sinabi ang reason. Kinomfort niya ako pero ang totoo ay nagagalit ako sa kanya dahil isa siya sa dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganun. And then one day, nalaman ko na lang na siya na ang nililigawan ni Ken at naging sila na. Mas lalo kaming napalayo sa isa't isa hanggang sa naging mag-asawa na sila..." sabi niya at tumawa. Hindi ko alam pero medyo kinilabutan ako sa pagtawa ni Mommy.
"When they got married, I always spy them kahit na kasal na rin ako at may pamilya na. Nalaman ko na pangarap nilang magkaroon ng babaeng anak pero unfortunately, ikaw ang unang nabuo." sabi niya sabay tingin kay Kuya.
"Pero hindi sila nawalan ng pag-asa at sumubok ulit. At ang bunga nun ay ikaw." sabi niya sabay tingin sa akin kaya nanlaki ang mata ko.
So all this time ay kilala niya kung saan talaga ako nagmula.
Putangina...
Tumawa naman siya at pinunasan ang luhang lumabas sa mata niya dahil sa kakatawa.
"Ang saya saya ng pamilya niyo. Halos wala na kayong mahihiling pa nun dahil nasa inyo na ang lahat. Nagagalit ako dahil hindi ko tanggap na ako ay nasaktan samantalang ang Mommy niyo ay hindi man lang napagdaanan ang pinagdaanan ko. So I made something para naman kahit papaano ay maranasan niyo ang naranasan ko. I kidnapped the person they treasured the most." sabi niya at tumawa.
Hindi ko naman maiwasang hindi mapaluha. So all this time, siya ang naging dahilan kung bakit hindi ko nakasama ang mga magulang ko.
Napakasama niya!
"Tangina mo!" sigaw ni Kuya at binaril si Mommy pero agad ding nakaiwas.
Tinignan niya ng masama si Kuya at bigla na lang may bumaril at natamaan si Kuya sa kanang braso.
"Kuya!" sigaw ko at nag-alala dahil sa tama niya sa braso.
Napapikit siya at agad na tinakpan ang tama niya.
Naiyak naman ako dahil sa pag-aalala sa kanya.
"Kuya..."
"Ssh. Stop crying. I'm okay." sabi niya at yinakap ako pero mas lalo akong napaiyak sa dibdib niya.
"Hindi ka okay e. May tama ka oh..." umiiyak kong sabi kaya mas lalo akong napaiyak.
"That's a wrong move. You shouldn't dare to point a gun on me and pull the trigger if you still want to live." natatawa niyang sabi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang sama mo! Napakasama mo! Tigilan mo na kami please!" sigaw ko pero hindi man lang niya ako pinakinggan.
"Hindi pa ako tapos sa pagpapahirap sa inyo especially na nasa iyo ang kailangan ko." sabi niya at agad akong napatingin kay Hance ng hawakan niya ang kamay ko.
"We'll get through this. Don't lose hope okay. We will be okay and survive this shit." sabi niya at tumango naman ako.
"May gauze ka ba diyan?" tanong ko at umiling naman siya.
"Naiwan yun sa mga kasamahan natin. Wala akong dala bukod sa armas natin." sabi niya kaya bumagsak ang balikat ko.
"Hey, don't worry okay. Ayos lang ako. Sa braso lang naman e." sabi sa akin ni Kuya kaya naman napaiyak ako.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ako ang kailangan nila pero maraming napapahamak. Ako ang kailangan nila pero napapahamak ang mga taong mahalaga sa akin at pati ang mga inosenteng estudyante.
Magsasalita pa sana si Hance ng biglang may tumama sa kaliwang braso niya at ng tignan niya iyon ay nabalutan ng dugo ang kamay niya.
Oh no!
Agad ko siyang nilapitan at hindi ko maiwasang hindi maiyak.
Parehas na silang may tama ni Kuya.
Sinasaktan na nila ang mga taong mahalaga sa akin. Hindi ko kaya ng ganito. Hindi ko kayang makitang naghihirap ang mga taong mahalaga sa akin. Hindi ko kayang mapahamak ang mga taong mahalaga sa akin oara lang maligtas ako.
"Kung ako sa'yo ay hindi ko hahayaang mapahamak ang mga taong mahalaga sa akin. I mean, ayaw kong maging rason ng pagkamatay nila." sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Ikaw nga ang may gawa nito e, gago!
"Ano bang kailangan kong gawin para huwag mo ng saktan ang mga kasama ko ha!" sigaw ko at ngumisi naman siya.
"Simple. Ayaw ka nilang ibigay sa akin kaya ikaw na lang ang sumama sa akin." nakangisi niyang sabi kaya naman napatingin ako sa katabi ko at nakita kong napailing sila.
"No, Zouie. Huwag kang sasama." sabi ni Kuya kaya hindi ko maiwasang hindi mapaluha.
Sorry kuya... kung ito lang ang tanging paraan para hindi kayo mapahamak ay handa akong isakripisyo ang buhay ko.
"Sorry..." sabi ko at nag-umpisang humakbang papunta kay Mommy pero agad nila akong pinigilan.
"No. Don't you dare do that." mariing sabi ni Hance kaya umiling ako sa kanya.
"I need to do this." sabi ko at agad na inalis ang kamay nilang nakahawak sa akin.
Pero bago pa ako makahakbang ay may naramdaman akong bumaon sa likod ko. Hindi lang isang beses pero limang beses.
To be continued...