Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 38: The Shaman

1K 48 0
By Brave_Lily


General Ji Wang Chu's POV

Kasalukuyan ngayong naghahanda ang palasyo. Biglaan ang pangyayari simula nang mawala ang Reyna at ang pagdating ng Shaman kasama ang Inang Reyna. Hindi ko alam kung bakit pumayag ang Hari sa kagustuhan ng Shaman at ng Inang Reyna. Wala sa kaniyang mga babae ang napili pero pumayag siyang magpakasal sa babaeng dinala hindi niya gaanong kilala. Nagkakaroon na nang galit at pagkadismaya ng puso ko para sa Hari. Hindi ko inaasahang mas pagkakatiwalaan niya pa ang babaeng iyon kaysa sa Reyna.

Umabot na nang isang buwan ang paghahanap namin kaya nagkakaroon na sila ng mga kuro-kuro na baka wala na ang Reyna. At suhestyon din ng shaman na habang wala pa ang Reyna ay dapat maikasal na ang babaeng kanilang napili para sa Hari. Naniniwala kasi ang Shaman na may malaking sakuna ang darating sa kaharian na magdudulot ng kamatayan sa buong angkan ng Hari at kasama na ang kaharian. At para mapigilan iyon kailangan nilang ipakasal ang Hari sa ibang babae at tanggalan ng posisyon ang Reyna.

Pero mas nadismaya ako nang pumayag ang Hari. Masakit lang dahil minsan ko ring minahal ang Reyna. Nasasaktan ako para sa kaniya. Bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat? Mas nanaisin ko pang manatili ang Reyna sa dati kaysa naman sa humantong ang lahat a ganito.

"Nais mo bang malaman?" napalingon ako nang marinig ko ang tinig ng Shaman mula sa aking likuran. Gaya pa rin siya ng dati maamo ang mukha pero mapanganib.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Galit ako sa kaniya.

"Alam kong naguguluhan ka pa, pero lahat ng mga ito ay ginagawa ko lamang alang-alang sa kapakanan ng kaharian." sagot niya na siyang mas kinainis ko. Hindi ko napigilang kuwelyohan dahil sa galit ko.

"Hindi ba't ikaw ang unang nagsabi na maganda ang kinabukasan nila at ng kaharian?! Ba't bumalik ka pa?! Ano bang pakay mo at pinaghihiwalay mo sila?! Ngayon lamang sila nagkaayos!" nanginginig na ako sa pagtitimpi ko ng galit sa kaniya. Pero agad din akong kumalas sa pagkakakuwelyo ko sa kaniya. Habang siya naman ay mahinahong inayos ang kaniyang kasuotan.

"Hindi na ako magtatanong pa kung bakit ka galit na galit sa akin ngayon." binaling niya ang atensyon niya sa paligid. Nasa tabi kami ngayon ng lawa kung saan sila kanina nag-uusap-usap ng Hari kasama si Lady Tanxua, ang pinili nilang magiging bagong Reyna.

"Oo, talagang pinaglalayo ko silang dalawa. Hindi mo kailangang maapektuhan dahil para sa kanila naman itong ginagawa ko. Ang Reyna ay malaking panganib sa kaharian at sa Hari. Inaamin ko namang sinabi ko iyon sa kanilang kasal. Pero binabawi ko na ito ngayon. Bigla na lamang nagbago ang tadhana ng dalawa at iyon ay nakakagulat. Biglang nagbago at kailangan kong mapigilan ang magiging bunga nito. Kaya kailangan ko silang paghiwalayin sa lalong madaling panahon." paliwanag niya. Napayukom ng kamao na lamang ako.

"Magalit ka lang hanggang sa kaya mo. Dahil hindi mo ako mapipigilang hindi sila paghiwalayin. Ang lahat ay nakatakda na at sa susunod na linggo ay magkakaroon na ng bagong Reyna. Simula pa lang dito ay dapat mo ng tanggapin dahil mas magugulat ka pa sa mga bagay na malalaman mo kapag sinabi ko sayo." sabi niya.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Gusto kong sumigaw at kitilin ang buhay niya pero hindi pwede dahil alam kong lahat ng salita niya ay totoo at nagkakatotoo. Minsan lang kung pumunta ang Shaman kung may malaking problema sa daloy ng mga butuin sa kalangitan o kung nagkakasakit ang isa sa mga mahaharlika ng palasyo lalo na ang Hari o may masama itong pangitain.

Natahimik kami dalawa nang mapadaan sa amin si Lady Violet kasama ang mga tagapagsilbi nito. Yumuko lamang ito at ang mga tagapagsilbi nito para magbigay-galang at lumakad na nga ito palayo. Isa rin sa pinagtataka ko sa Reyna ay binigyan niya ako ng sulat na galing sa babaeng iyon. Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon binubuksan. At isa pa wala akong balak makipagpalitan ng sulat sa taong nanakit sa Reyna.

"Nga pala, may nakapagsabi na ba sa Hari na ang isa sa mga babae niya ay nagdadalang-tao? Hindi nga lang a-" naputol siya sa pagsasalita.

"Ano? Nagdadalang-tao siya?" tanong ko.

"Masyadong halata sa kaniyang pisikal na anyo ang pagdadalang-tao. At tsaka naramdaman ko na rin ang tibok ng bata sa kaniyang sinapupunan nang mabangga ko siya sa pasilyo ng palasyo at aksidente kong nahawakan ang kamay niya. Nakakagulat nga eh dahil hindi pa malinaw sa akin kung sino ang ama, ang Hari nga ba o... ikaw? Ahahaha!" dahil sa sinabi niya mas lalo lamang akong nainis.

"Wag na 'wag mong gagawing biro ang lahat dahil hindi na ito nakakatuwa." babala ko sa kaniya. Aalis na sana ako para hindi na makita ang pagmumukha niya nang tawagin niya ako ulit. Lumingon ako at nadatnan ko na lamang siyang nasa harap ko na.

"May ipag-uutos ako sayo. Kailangan mong hanapin ang Reyna at dalhin ito sa akin. Nagkaroon ako ng pangitain na malapit na siyang bumalik. Naglalakabay siya kasama ang tagapagsilbi nito. At maliban doon ay may kasama pa silang lalaki na nakasakay sa isang kabayo na katabi ng kanilang karwahe. Kailangan mong dalhin sa akin ang Reyna kahit anong mangyari. Dahil sa oras na makabalik siya magdudulot ito muli ng panibagong suliranin sa palasyo. Nais mo namang ilayo ang Reyna sa kapahamakan, hindi ba? Kaya gawin mo ito alang-alang sa kanila." sabi niya. Hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang lahat.

"Sa ikalawang araw ang pagbabalik niya at bago pa man niya makita ang Hari ay dapat naihatid mo na siya sa aking tirahan. May dapat akong ipaalam sa kaniya." muli niyang saad.

"Huwag mong ipapaalam sa kahit kanino ang mga narinig mo kung ayaw mong sumpain kita at hindi na kayo magkikita ng babaeng hinahanap mo." babala niya sa akin. "At isa pa, pinapatawag ka nga pala ng Hari." huling saad nito bago niya ako iniwan.

Parang binunutan ako ng tinik nang marinig ko ang muling pagbabalik ng Reyna. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay makakauwi na rin siya at ligtas siya sa tagal nilang nawala. Pero paano ko magagawang dalhin ang Reyna sa Shaman? Alam kong matutuwa ang Hari at ang mahal na Prinsipe sa balitang ito. Pero...

Third Person's POV

Tahimik lamang na naglalakad si Lady Violet. Pinapatawag ito ng kaniyang ama at alam niya na kung saan hahantong ang pag-uusapan nila, kaya hinahanda niya na ang kaniyang sarili sa mga bagay na maaaring gawin sa kaniyang ama.

Nakarating na nga ito sa tirahan ng kaniyang ama. Bago pa man siya makatapak sa loob ay binungad na agad ito nang malutong na sampal. Muntikan ng matumba sa lupa si Lady Violet buti na lamang at nakahawak ito agad sa pinto. Dumugo pa ang gilid ng labi nito sa lakas nang sampal. Gustuhin man niyang umiyak at ipamukha sa kaniyang ama na nasasaktan na siya at punong-puno na ito sa lahat nang ginagawa nitong pananakit. Nagpapakatatag na lamang siya dahil kahit papaano ay nakita niya ang taong mahal niya.

Hinding-hindi siya magsasawang maghintay sa lugar na itinakda niya sa kaniyang liham para sa Heneral. Sa lugar kung saan sila dapat magkita pero sa ilang araw at umabot na nga nang isang buwan ay wala pa ring Heneral na nagpapakita. Kahit na walang tyansang pumunta ang Heneral ay patuloy pa rin itong nagbabakasakali.

"Hindi mo pa rin ba ipinapaalam sa Hari ang balita?! Alam mo bang isang malaking pagkakataon itong inaaksaya mo?! Kailan mo ba sasabihin sa kaniya?! Ha?! Kung kailan naipakasal na siya sa babaeng iyon?! Wala ka bang utak at nakalimutan mo na lahat ng mga sinabi ko?! Ha?!" galit na bungad nito.

"Ilang ulit na kitang binabalaan, hindi ba? Hindi pa ba pumapasok d'yan sa isipan mo lahat?! Ilang beses pa ba kita kailangang saktan? Pinagbigyan na kita ng ilang linggo dahil wala ang Hari, pero bakit hindi mo pa rin na ipapaalam sa kaniyang ngayong nandito na siya?! Pinagbigyan na kita sa gusto mong palugit! Bakit? May inaasahan ka ba?! Ha?! May ginagawa ka bang kabulastugan sa aking likuran?! Sagutin mo ako!" pero bago pa man lumapat sa balat ni Lady Violet ang mabigat na kamay ng kaniyang ama ay biglang dumating ang Heneral para pigilan ito.

Saktong-sakto sa pagdating ang Heneral. Narinig niya kasi ang pagsigaw ng ama ni Lady Violet. Akala niya kasi ay may gulo kaya agad itong pumunta. Pero hindi niya inaasahan ang kaniyang nasasaksihan.

Galit na inilabas ng Heneral ang kaniyang matalim na espada saka tinutok sa leeg ng ama ni Lady Violet. Hindi naman makapaniwala ang ama nito gayon din siya. Sobrang lakas nang pintig ng puso nito.

"Subukan mong saktan ang babae ng Hari at nang matikman mo ang lasa ng espada ko. Maaari kitang ikulong sa salang pananakit sa pag-aari ng Hari." babala nito.

"A-Ah-ehh... H-Heneral! Ikaw pala! Wala lamang ito. Tinuturuan ko lamang ng leksyon ang aking anak. At...kaya ka ba narito dahil alam na ng Hari na nagdadalang-tao ang aking anak?" sa mga sinabit nito ay talaga ngang nagdadalang-tao si Lady Violet. Talaga ngang totoo ang sinasabi ng Shaman.

"Gano'n na nga, Pinunong Kang. At nais ng Kamahalan na mag-usap silang dalawa sa bulwagan nito. Maaari bang mauna na kami at masama pa naman sa bata ang mahamugan. Malapit na ring magtakipsilim, kaya mauna na kami." palusot ng Heneral para mailayo niya sa kapahamakan si Lady Violet.

Naiwan namang tuwang-tuwa ang ama nito. Pero para namang tinusok ng espada ang puso ni Lady Violet nang paulit-ulit habang pinagmamasdan ang imahe ng lalaking mahal niya na abot kamay niya na. Gusto niyang hindi maniwala na alam na ng Hari ang lahat. Dahil nais niyang ang Heneral lamang ang makaalam na siya ang ama at hindi ang Hari. Ayaw niyang ipaako sa ibang tao ang anak nito. At gusto niyang magpakalayo-layo na rin at mamuhay nang tahimik.

"Bakit hindi mo ipinaalam sa mahal na Hari na nagdadalang-tao ka?" tanong ng Heneral habang hawak-hawak niya sa kamay si Lady Violet palayo sa tirahan ng ama.

"Alam mo bang nilalagay mo lamang sa kapahamakan ang anak ng Hari at ng sarili mo? Nag-iisip ka ba? Bakit hindi mo man lang pinoprotektahan ang sarili mo? At hinahayaan mo pa talagang saktan ka ng sarili mong ama?" sabi niya. Sa bawat sermon nito nakakaramdam nang tuwa si Lady Violet. Dahil sa lungkot at tuwa ay hindi niya na napigilan pang hindi umiyak at manghina sa harap ng Heneral.

"Anong nangyayari sayo?" tanong niya. Lumuhod ang Heneral para pantayan siya at kitang-kita na nga nito ang mga mata ni Lady Violet na lumuluha.

Nanginginig namang hinaplos ni Lady Violet ang nag-aalalang mukha ng Heneral. Para namang nakaramdam nang kirot ang Heneral habang pinagmamasdan ang pag-iyak ni Lady Violet.

"Patawarin mo ko..." at hindi rin nagtagal ay nawalan na nga nang malay si Lady Violet. Buti na lamang at nasalo ito agad nang Heneral. Puno pa rin ito nang pagtataka. Anong ibig nitong sabihin?

Minabuti agad nang Heneral na dalhin si Lady Violet sa tirahan nito para mabigyan ng lunas. Agad namang lumabas ang mga tagapagsilbi ni Lady Violet mula sa loob para alalayan silang dalawa. Agad din nilang pinatawag ang doktor na minsan nang tumingin dito para suriin ang kalagayan nito.

Nang naging maayos na nga ang kalagayan nito ay nagpaalam na nga ang Heneral pero bago ito lumisan ay ipinagbilin niyang walang kahit na anong salita ang dapat na makarating sa Hari. Tanging siya lamang daw ang magsasabi pero iyon lamang ay palusot upang walang makarating sa Hari na kahit anong balita tungkol sa mga nagaganap.

Pero bago ito magtungo sa Hari dahil pinapatawag nga ito, nagtungo muna siya sa kaniyang bulwagan kung saan naroon ang liham na hinatid sa kaniya ng Reyna na galing nga kay Lady Violet.

Agad niyang binuksan ang liham at binasa ang nilalaman nito. Tanging pamilyar na lugar lamang ito at salitang mas ikinagulat niya. Siya ba ang tinutukoy nitong mahal ko? Parang nagsisimula nang magtagpi-tagpi ang mga nasa isip nang Heneral. Tama nga ba ang hinala nang Shaman? Kaya ba sinali siya ng Shaman sa ama nang dinadala ni Lady Violet?

Continue Reading

You'll Also Like

213K 12.4K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
2.2K 87 30
UNEDITED Completed Isang kwento ng babaeng napadpad sa lugar na hindi niya inaasahan. Lugar kung saan masusubok ang kaniyang katatagan sa pakikipagl...
32M 816K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
99.5K 5.1K 55
No one knew her name nor her face. The only identity she had is that she is the adopted daughter of the Zaragoza and the person behind the success of...