Ominous Melody

By WaxJin

589K 20.8K 8.9K

San Soriano Series 1 I once heard different kinds of lullaby. I familiarized the sound of harmony. And with h... More

SANYA MONDIEGO (SIMULA)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
PRIMITIVO SIWON SORIANO (WAKAS)

CHAPTER 25

8.6K 305 147
By WaxJin


Mabagal ang takbo ng oras, mabagal ang ikot ng mundo, sa kahit na anong parte na kung saan ako dadalhin ay tila ba mabagal ang galaw o kilos ng bawat tao, kay dami ng pasilyo ang nadaanan. Nais ko na pabilisin ang oras, ngunit ang tanging bumibilis lamang ay ang takbo ng puso ko. Tila ba may hinahabol ito na kung saan dapat ito patungo.

"Anya." Hinawakan ni Primo ang kamay ko at kita ko sa kaniyang mata ang labis na pag-alala. "Everything will be alright okay?"

"Primo, yung lola ko." Paalala ko sa kaniya habang hinang-hina ang boses ko at nakahiga, tinatakbo kami ngayon ni Samira papunta sa emergency room ng hospital, pareho kami na nakahiga sa stetcher. "Kailangan niya tayo."

"Ako ang bahala, Anya-"

"Hangang dito na lang po kayo." Wika ng nurse nang haranging niya si Primo, nagtagpo ang mata namin na dalawa habang pinapasok ako sa emergency room.

"I'll take care of your lola, just please promise me that you will be fine!" Sigaw niya at sa maikling segundo habang papasara ang pinto, binigyan ko siya ng ngiti kahit na sa labis na sakit at paghihina na nararamdaman ko.

Kakayanin ko para sa inyo ng anak natin Primo at para kay lola.

"She's ready." Salita ng doktor, kahit sa ingay ko dahil sa pagdaing ko dulot ng sobra-sobrang sakit na nararamdaman ko. Kahit sa mga daing ko ay dinadasal ko sa isipan ko, humihingi ako ng tulong sa panginoon na sana ay gabayan niya ako ngayon. Ngayon na kailangan ko ang gabay niya at dasal ng mga tao sa labas.

Nanlalabo ang aking pangingin, nakikinig lang ako sa mga pinapagawa ng doktor. Walang tigil ang aking pagtulak palabas sa aking anak, kaonting oras na lang ang natitira anak, magkikita na tayo.

"Push harder." Mungkahi ng doktor at iyon nga ang aking ginawa, pilit ko binigay ang lahat upang matagumpay ko na masagawa ang panganganak. "The head is out."

"Hindi ko na po kaya." Yaan ang lumabas sa bibig ko habang hinang-hina ako, ngunit kahit na anong sabihin ko ay alam ko na hindi susuko ang puso't isipan ko sa nangyayari sa akin ngayon.

At sa huling tulak ko palabas sa aking anak ay naging matagumpay na. Puno ng luha at pawis ang aking mukha dahil sa sobra-sobra na paghihirap, hinang-hina ako na tila ba wala na akong ibubugang lakas.

Ngunit nang marinig ko ang iyak ng aking anak, kahit sa malabo ko na paningin at kahit hindi ko manlang siya nakita. Muling lumuha ang aking mata habang may ngiti sa aking labi, dahil ang luha ko ngayon ay hindi na dulot ng paghihirap, kundi dulot na ng labis na kaligayahan.

Hindi na kinaya ng aking katawan ang nangyayari, unti-unti ay sumara na ang aking mata. Hangang sa hindi ko na naaninag pa ang mga bulto ng mga tao sa paligid ko.

"Is she awake?"

Sa unti-unting pagbukas ng aking mata, agad ko na nakita ang mga Soriano maging ang mga Ardiente sa isang malaking kwarto ng hospital. Gumawi ang tingin ko sa gilid ko at nakita ko si Primo na may ngiti sa akin, ngumiti rin ako ng tipid sa kaniya.

"Nanghihina ako." Napatingin ako sa kabilang kama, si Samira na agad inalalayan ng mga kapatid niya upang makahiga nang maayos. "Asaan ang anak ko?"

"Papunta na ang mga nurse at dala nila ang anak niyo." Mungkahi ni Don Hacinto, naramdaman ko ang paghawak ni Primo sa kamay ko.

"Our baby is healthy." Nasa gitna ng dalawang kama namin ni Samira si Primo, gumawi ang tingin ko sa mga magulang ni Samira. Nahuli ko na nakatingin lang sila sa ginagawa namin ni Primo, kung saan magkahawak ang kamay namin na dalawa.

"Thank God, the next weeks will be at peace in the hacienda." Wika ni Psalm habang nakasandal sa pader at may ngisi sa kaniyang labi.

"You actually have a point, Psalm. My daughter will get to have the peace in your hacienda." Wika ni Maria Avriana, hindi ko na lang siya pinansin dahil wala pa rin ako na lakas.

"I wasn't really referring to Sanya." Wika ni Psalm.

"So are you saying that my daughter is the impostor here?"

"I wasn't the one to say that, we all heard it that it came from you-"

Naputol ang dapat na sasabihin ni Psalm nang bumukas na ang pinto, sunod-sunod na pumasok ang mga nurse habang may dalawa sa kanila dala na ang mga sanggol, Priya.

"Napakaganda po nilang bata." Wika ng isang nurse, unti-unti ay inabot niya sa akin ang aking anak.

Sa pagdikit ng aming mga balat, sa pagdapo ng tingin ko sa anak ko, hindi ko na napigilan ang lubos na pag-iyak habang nakangiti.

"Pristine Soraya-"

"Soriano... Pristine Soraya Soriano." Ngumiti ako kay Primo, pinagmasdan namin na sabay ang anak namin na dalawa. "She is indeed beautiful, she is really a gift from God, our gift from him."

"Cordelia Eirlys Soriano." Wika naman ni Samira habang nakapalibot sa kaniya ang kaniyang pamilya at pinagmamasdan niya ang anak niya. Dumapo ang tingin ko sa kaniyang anak, ngumiti ako dahil masaya ako para sa kaniya, pareho sila na naging maayos matapos manganak tulad namin ni Priya.

"Bakit ang daming nurse?" Tanong ni Alejandro o ang ama ni Samira.

"They are here to get some specimen from the babies, so that we will be able to know who's lying here."

Lumapit sa amin ni Priya sina Hades at Psalm, dahil ngayon ay buhat na siya ng kaniyang ama at kitang-kita ko kay Primo ang kaniyang mga luha. Kitang-kita ko na ngayon na magiging isa siyang mabuting ama.

"My niece is so damn beautiful." Wika ni Psalm habang pinagmamasdan ang mukha ni Priya.

"Primo." Pagtawag ko sa kaniya, inabot niya na si Priya kay Don Hacinto at kita ko ang tuwa sa kanilang mga mata. "Si Lola?"

"Pupuntahan natin siya oras na makalabas ka rito sa hospital, Anya. Kailangan mo muna na magpahinga." Kung dati ay sa mga salita pa lang ni Primo ay nagiging panatag na ang loob ko, ngunit ngayon ay tila ba pinapahiwatig ng isipan ko na may maling nangyari.

"Ayos na po ang mga gamit, kukuhanan na po namin ang mga bata ng specimen." Tumingin sa akin si Don Hacinto na tila ba pinapahiwatig niya na sisimulan na ng mga nurse ang pagkuha.

Tumango ako dahil alam ko sa sarili ko na tunay na Soriano ang anak ko. Gumawi naman ang tingin namin kina Samira, nakita ko ang kaniyang marahan na pagtango.

Agad-agad ay kinuha ng mga nurse ang mga bata, kinuhanan nila ito ng mga specimen. Habang kinukuhanan ng specimen ang anak ni Samira ay nagawi sa aking banda ang bata, napagmasdan ko ng saglit ang bata ngunit agad din na naiba ng pagkakaharap ito dahil biglang umiyak. Tulad ni Priya, kahit hindi maayos ang pakikitungo sa akin ng kaniyang pamilya, sana ay maging malusog na bata rin siya.

"Ayos na po."

"Don't you want to see your daughter from Samira, Siwon?" Wika ni Maria Avriana, tumingin sa akin si Primo na hindi ko mapahiwatig kung ano ba ang dahilan, ngunit ang alam ko lang ay tila tinitingnan niya ang aking reaksyon. Tumango ako sa kaniya.

"Akin na muna si Priya." Inabot niya sa akin si Priya, pinagmasdan ko ang napakagandang mukha ng anak ko. Tila anghel na hinulog papunta sa akin ang anak ko. "Anak, simula ngayon ikaw na ang mundo ko."

Gumawi ang tingin ko kay Primo nang unti-unti ay binuhat niya si Cordelia, nakatingin sa kaniya ang mga tao rito sa kwarto. Kung kanina ay umiiyak si Cordelia, ngayon na binuhat siya ni Primo ay agad na tumigil ito sa pag-iyak.

"Cordelia Eirlys." Wika ni Primo habang pinagmamasdan ang bata. "A beautiful name for a beautiful baby like her."

"Cordelia Eirlys Soriano." Wika naman ni Maria Avriana. "Your daughter."

"We have to make sure first." Wika naman ni Primo.

"Pero pagdating kay Sanya tila ba binuhat mo ang buong mundo nang buhatin mo ang bata?" Wika naman ni Maria Avriana.

"Ma, hayaan na lang." Wika naman ni Samira, nakatingin siya kay Primo habang buhat ang bata. Ako naman ay nakafocus na muli sa anak ko.

"Migo, pwede mo ba ako na tulungan?" Agad siya na lumapit at tila nagtataka siya kung bakit. "Alam niyo ba kung nasaan ang mga gamit ko bago manganak?"

"It's in the cabinet." Pagturo ni Hades sa cabinet sa kabilang gilid ko, hindi sa gitna namin ni Samira.

"Ano ba ang gusto mo na ipakuha?" Tanong ni Migo.

"Bracelet, bracelet na sinuot sa akin ng nanay ko noon nang ipanganak ako." tumango si Migo at agad niya naman 'yon na nahanap.

"Ito ba?" Tumango ako habang hawak niya ang bracelet na may kulay na lila at itim, mula ito sa simbahan.

"Ingatan mo 'to, anak ha? Galing pa 'to kay lola ko at sa lola mo rin." Wika ko habang sinusuot kay Priya ang bracelet, naging espesyal ito dahil bigay pa ito ng isang pari na malapit sa nanay ni lola. May basbas ito mula sa kaniya, ang pari na 'yon ang nagligtas dati sa nanay ni lola, hindi ko na maalala sa kung paanong paraan.

"Mahal na mahal ka namin ng mama mo." Wika ni Primo nang makalapit na siya sa amin ni Priya. "I promise to be the best father for you, palagi ko na kayo na uunahin ni Anya."

Naging worth it ang hirap at pagod ko nang manganak ako, dahil ngayon ay kaharap ko ang anak ko. Ang anak ko na magiging dahilan na lagi ng buhay ko, ngayon ay pinapangako ko na ibubuhos ko ang lahat-lahat ko para sa anak ko. Handa akong ubusin ang sarili ko, dahil ngayon hindi na lamang ang pangarap ko ang tutuparin ko. Ang pangarap ko rin bilang magulang kay Priya.

Agad din kami na nakalabas mula sa hospital, mabilis ang naging recovery namin ngunit hangang ngayon ay naka wheel chair pa kami ni Samira dahil hindi namin kaya na maglakad.

"Primo, pwede na ba natin puntahan si lola?" Napatingin siya sa akin habang nasa harap siya. Tila ba nanigas siya sa kaniyang kinakatayuan, para bang hindi niya nais na magsalita. "Primo, nag-aalala na rin kasi talaga ako."

"Anya."

"Primo? Bakit hindi ka makapagsalita?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"She lied to you, Anya." Panimula niya at ako naman ay kumunot ang noo ko. "Hindi umalis ng San Soriano ang lola mo, sa mga nagdaang buwan ay nasa hospital lang siya. Anya, nasa kritikal na kondisyon na si Lola Carmilla."

"Nagbibiro ka ba? Magaling na si lola!" Hindi siya nakapagsalita, nakatingin lamang sa akin si Primo na tila pinapahiwatig niya na dito lang siya sa tabi ko. "Hindi ito magandang oras para magbiro, Primo."

Sinubukan ko na tumayo at agad sila na na-alerto, agad ako na inalalayan ni Primo.

"Anya, 'wag mo biglain ang sarili mo-"

"Hindi, kailangan ako ni lola." Umiling-iling ako habang pinipilit na tumayo ngunit ramdam na ramdam ko sa katawan ko ang sakit. "Hayaan n'yo ako na puntahan ang lola ko!"

"Anya, pupunta tayo sa kaniya, but please? Magpagaling ka muna-"

"Ngayon pa na nasa kritikal na kondisyon ang lola ko? Primo, paano kung hindi ko maabutan ang lola ko? Bakit kailangan niyo pa paabutin ng ilang araw bago sabihin sa akin?!"

"Ayaw lang namin na mag-alala ka Sanya, nasa maselan na kondisyon ka pa." Pagsagot naman ni Migo. "Nag-aalala lang kami sa'yo."

"Hindi niyo ako naiintindihan, lola ko yung andoon! Lola ko yung kritikal na kondisyon. Yung lola ko na nag-alaga sa akin, nagparamdam sa akin ng sobra-sobrang pagmamahal, at unang tao na naniwala sa kakayahan ko."

"Alam namin ija na kailangan mo na makita ang lola mo, pero kailangan ka rin na magpahinga pa. Andito ang anak mo, kailangan ka rin ni Priya." Wika naman ni Don Hacinto, tila ako naipit sa gitna ng dalawang nagbabanggan na mga bato. Hindi ko malaman ang gagawin ko, tila nablablanko ang isipan ko.

"I'll bring her to lola Carmilla." Wika ni Primo, nakita ko ang pag-apila sa kanilang mga mata. "Anika, can you do us a favor? Never leave our child."

"Tutulong ako sa pag-alaga kay Priya." Wika naman ni Migo.

"Pwede ko ba siya na mahawakan?" Wika ko, agad ay inabot sa akin ng nurse na may buhat kay Priya. Nagsama sila ng nurse upang tumulong na rin na mag-alaga sa mga bata.

Ngumiti ako at pinagmasdan ang mukha ng anak ko.

"Priya, aalis muna si mama ah? Babalikan agad kita anak, kailangan lang talaga ako ngayon ni lola." Humalik ako sa noo ng anak ko. "Mahal na mahal ka ni mama."

Binigay ko na kay ate Anika ang anak ko, akmang itutulak na ni Primo ang wheelchair ko nang magsalita si Samira.

"She's beautiful." Kumunot ang noo ko kay Samira habang magkatitigan kami na dalawa. "Your daughter is beautiful."

"Gano'n din si Cordelia, Samira." Tumango na lang siya sa akin at umiwas na ng tingin.

Mabilis lang ang naging byahe namin ni Primo, dahil malapit lang ang pampublikong hospital. Gusto ko na sabihin sa kaniya na mas bilisan pa ang pagtulak sa wheelchair ko ngunit ramdam ko sa kaniyang bawat galaw ang pag-iingat.

"Nurse! Room 105! Immediately!" Napatingin ako sa mga nurse at doctor na mga mabilis na mga nagtatakbuhan, hindi ko alam ngunit kasabay ng kalabog ng sahig sa bawat yapak nila ay pagkabog nang mabilis ng dibdib ko.

"Lola Carmilla." Napatingin ako kay Primo nang sambitin niya ang pangalan ng lola ko matapos marinig ang mga nurse.

"Primo." Hindi na siya nagsalita pa, bagkus ay mas binilisan niya ang galaw niya, Siguro'y makukumpara na ang bilis ng tibok ng puso ko sa bilis ng mga takbo ng mga kotse sa karera. Pilit kong hinihiling na sana ay mali ang nasa isip ko, na sana ay hindi si lola ko ang nasa kwarto na 'yon.

Kita na mula rito sa aming pwesto ang mga nurses na mabilis na nagpasukan sa kwarto. Nang ihinto ni Primo ang wheelchair ay agad ko na pinilit na tumayo, nagulat siya sa akin kaya mabilis niya ako na inalalayan.

Sumilip ako sa salamin sa pinto, tila bumagsak ang puso ko nang makita ang lola ko na puno ng tubo habang maingay na tumutunog ang kaniyang heart monitor. Hindi ako nakapagsalita, walang luha na tumutulo, dahil ngayon ay nakatitig lamang ako na tila naging tuod ako sa kinakatayuan ko.

Unti-unti ay lumapat ang palad ko sa salamin, na tila ba hinahawakan ko ang lola ko. Kumawala ang puso ko nang sinusbukan na nila i-revive pa ang lola ko.

"Lola ko 'yon..." Mungkahi ko sa paos ko na boses, hindi ko alam at hindi ko mapaliwanag ngunit ngayon kahit sa mabilis na tibok ng puso ko at paghingal ko, tila naramdaman ko pa rin na parang patay ako. Nawalan ako ng emosyon nawala ako ng kahit na ano, at hindi ko kakayanin na kung mawawalan ako ng mahal sa buhay. "Lola!"

Kinalampag ko ang pinto at tuluyan na bumuhos na tila nagmamadali na mga emosyon ang nararamdaman ko, bumuhos nang mabilis ang luha ko habang walang tigil ang sigaw ko.

"Lola ko! Lola ko 'yan! Lola ko!" Sigaw ako nang sigaw ngunit hindi ako pinapansin ng mga tao sa loob dahil focus sila sa paggagamot sa lola ko. "Parang awa niyo na, lola ko 'yan... gawin niyo ang lahat."

"Anya, please." Umiling-iling ako kay Primo, montik na ako mabagsak dahil sa panlalambot ng tuhod ko ngunit nakaalalay siya sa akin.

"Hindi ko kaya, ayoko." Nakita ko kung paano bumaba ang numero at pag patag ng linya sa heart monitor ni lola. Hindi ko tinigil ang pagkalampag sa pinto. "Lola! Lola ko!"

"Anya, please, hindi gugustuhin ng lola mo makita ka na ganito."

"Anong gusto mo na gawin ko Primo?! Tangina, ano?! Gagawin ko, wag lang yung lola ko. Kahit ako na lang." Wika ko sa boses ko na paos habang walang tigil ang luha. "Ako na lang po, 'wag yung lola ko."

"Anya, kailangan tayo ng anak natin." Nilingon ko siya dahil nasa likod ko siya, nakita ko sa kaniyang mata ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng tao na magpaparamdam sa akin na magiging ayos pa ang lahat.

Mabilis niya ako na hinatak palapit at niyakap nang mahigpit, tinatakpan niya ang tenga ko upang hindi marinig ang tunog ng heart monitor ni lola.

"Primo, yung lola ko." Umiyak ako nang umiyak sa kaniyang dibdib, habang tila hinuhugot ng mundo ang lahat ng emosyon ko.

Naging malupit ang panginoon, naging malupit siya sa kaniyang desisyon ngayon. Tila biniyak ang puso ko sa naging desisyon ng panginoon, nang bawiin niya ang isang tao na nagparamdam sa akin ng lahat ng pagmamahal na kayang ibigay ng mundo. Kahit kailan ay hindi ako nangulila sa kalinga ng magulang matapos sila na mawala, dahil andito ang lola ko.

Ang lola ko na hindi ako hahayaan na matuyuan ng pawis sa tuwing naglalaro ako, ang lola ko na hindi magdadalawang isip na sumugod sa bahay ng mga kalaro ko matapos akong paiyakin, at ang lola ko na palaging uunahin ako kaysa sa sarili niya. Yung lola ko na kahit sa huling pagkakataon, ako pa rin ang nasa isip. Dahil alam ko kung bakit siya nagsinungaling sa akin, kung bakit hindi niya sinabi ang totoo.

"Narito po ang mga gamit niya." Rinig ko na wika ng nurse kay Primo, habang ako ay tulala lamang sa kawalan at siya ang nakikipag-usap.

"Salamat." Tumabi na muli sa akin si Primo, tinabi niya muna sa kabilang upuan ang mga gamit ni lola. "Kung nasa taas na ngayon si lola Carmilla, gusto ko na marinig niya na hinding-hindi ko iiwan ang apo niya, lalong-lalo na si Priya."

"Primo..." Pagtawag ko sa kaniya ngunit hindi ako nakatingin sa kaniya. "Naging masama ba akong tao? Naging masama ba na tao ang lola ko? Napakabuti ng puso ng lola ko, bakit kung sino pa ang mabait at walang ginagawang masama, bakit sila pa?"

"Anya, naiintindihan ko na sobrang sakit ng nararamdaman mo. Hindi ko alam kung paanong paraan ko aalisin yung sakit sa puso mo o nararamdaman mo. Pero Anya, gusto ko na malaman mo na sa kahit anong mangyari andito na kami lagi ni Priya sa tabi mo. Pamilya mo kami at hinding-hindi ko hahayaan na malungkot mag-isa yung nanay ng anak ko."

"Primo, nababaliw na ako, hindi ko na alam kung ano pa dapat na emosyon ang paganahin ko. Gustong-gusto ko na maging masaya dahil kasama na natin si Priya, pero sa nangyayari ngayon parang pinagdadamutan ako ng mundo."

"May iniwang letra sa'yo si lola Carmilla." Tumingin ako sa kahon na kinuha niya, binuksan niya 'yon at puno ito ng mga litrato namin ni lola. Noon na bata pa ako at maging litrato namin na tatlo na kasama si mama. Pinahid ni Primo ang luha ko. "Nakatingin ngayon sa'yo si lola Carmilla oh, tingnan mo sa picture, 'di ba ayaw na ayaw ni lola na nakikita ka na umiiyak?"

"Kaya pala hinahanda niya na ako na kayanin na mag-isa, na maging malakas at tumayo sa mga sarili kong paa. Kasi hinahanda niya na pala ako sa posibilidad na iwan niya na ako, Primo."

"Hindi ka niyaw iniwan. Lagi pa rin nakabantay sa'yo ang lola mo, ang kaibahan lang ay kasama niya na ang mga magulang mo at lolo mo na nagbabantay sa'yo." Binigay niya sa akin ang letra. "Baka sakali na gumaan kahit papano ang nararamdaman mo."

Marahan ako na tumango bago tinanggap mula sa kaniyang kamay ang letra, sulat kamay nga ito ni Lola. Kabisado ko ito dahil kilalang-kilala namin ni lola ang isa't isa.

'Kasama ko na sila, apo. Kasama ko na yung mama at papa mo, maging ang lolo mo. Ngayon na kasama ko na sila gusto ko na ikwento sa kanila na kung gaano naging isang matapang na babae at mabuting puso ka, apo. Gusto ko na maramdaman mo ngayon sa kung nasaan ka man, gusto ko na malaman mo na wala man ako riyan o hindi mo man ako na makakasama pa. Gusto ko na malaman mo na yung puso ko, palaging maiiwan diyan, kung nasaan ka palagi andiyan lagi ito, kahit saan. Dahil Sanya, ikaw ang puso ko, apo. Ikaw ang naging dahilan ko kaya lagi akong humihiling sa Diyos na pahabain pa ang buhay ko. Dahil apo, kahit sa kahirapan ng buhay namin ng mga magulang mo, ikaw yung naging bukod tangi na kayamanan namin. Ikaw lang lagi, apo. Mahal na mahal ka ni Lola, patawad dahil sa ganitong paraan pa ako magpapaalam sa'yo.'

Umalis si lola hindi para sa kaibigan niya, umalis si lola dahil ayaw niya pa ako na mag-alala. Dahil ayaw niya pa ako na makita siya na naghihirap, kaya sinarili niya ang nararamdaman niya. Iniisip ko pa lang na sa mga nagdaang gabi na may buhay pa siya, iniisip ko na sino kaya ang tinatakbuhan ng lola ko pag may masakit sa kaniya. Dahil sa tuwing may masakit sa akin ay agad na si lola ang natatakbuhan ko, pero ngayon na sa kaniya ang may masakit, sino ang tinakbuhan ng lola ko? Mag isa ba sa madilim na gabi ang lola ko nahihirapan?

Bakit hindi ko nahalata, bakit hindi ko manlang namalayan na may mali. Sinisisi ko ang sarili ko ngayon, dahil alam ko na mababaliw na ako ng tuluyan kung wala akong sisisihin. Anong kasalanan ko para maparamdam sa akin ang ganitong klaseng hapdi sa puso?

Galing sa burol, walang tulog, maging ang nararamdaman ko para sa aking sarili ay naging blanko. Napilit na lamang ako nina Migo at Primo na umuwi dahil gusto ko na rin makasama muli si Priya, ilang araw na akong nasa burol. Pakiramdam ko ay hindi na lang ako naging pabayang apo, kundi ina na rin kay Priya.

Binuksan ni Migo ang pinto habang sabay kami na naglalakad ni Primo. Nakaalalay pa rin siya sa akin kahit magaling na ako. Gumawi ang tingin ko sa mga tao sa sala, may kasama na silang doctor na mukhang siya ang nag-asikaso ng specimen ng mga bata.

Andito ang mga Ardiente, kumpleto ang lahat at kami na lamang ang hinhintay. Nakatingin lang ako sa kanila na parang wala na akong buhay. Gumawi ang tingin ko sa anak ko na buhat ni ate Anika, nasa isang sulok sila.

Gumawi ang tingin naming lahat sa pagtayo ni Samira. May hawak siya na brown envelope katulad ng eksena dati ngunit nararamdaman ko na iba ngayon. Binitawan niya ang brown envelope dahilan para sundan ng mata ko ang pagbagsak nito sa kaniyang talampakan.

"End of story, Sanya."

Continue Reading

You'll Also Like

454K 12.2K 32
Fearless, bold, vicious and hostile. Ganoon kung ilarawan ng iba ang mapangahas na si Aleera Miguelle Valerious. Sa dating nitong kakaiba at nakakaki...
5M 15.8K 8
Meet Yelena Rae Falcon, the substitute bride, kayang gawin lahat para sa pinakamamahal na lolo't lola niya na nag-alaga sa kanya mula noong bata pa s...
905K 23.9K 43
He poured salt into my wounds and made it all worst.
53.8K 2.4K 47
Omrie, 21, a famous vlogger and an Engineering student from Ateneo was sent to province to continue her study there. She will meet Thirdy, a third-ye...