Love Me Tomorrow

By mhiezsealrhen

1.5M 18.7K 2.1K

Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage... More

DISCLAIMER:
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
LMT

CHAPTER 35

33.6K 401 121
By mhiezsealrhen

Parang may pumipiga sa puso ko nung magsimulang umiyak ang anak ni Anastasia habang paulit-ulit ang pagbanggit ng salitang 'Papa' habang hawak ng maliliit nitong kamay ang kamay ng ama niya.

Napatingin ako sa anak kong mahimbing na natutulog sa mahabang sofa. He never acted this way towards his biological father. Mas naging emosiyonal pa nga siya nung naghihintay kami ng Doctor na tumingin kay Gabe kesa sa pagkikita nila ng ama niya. I never saw him holding Tage's hand, desperately calling him. I hide him from his father. Tinanggalan ko siya ng karapatang makilala ang ama niya. Dapat ay sabik siya sa kalinga at pagmamahal ng isang ama dahil matagal niya itong hindi nakasama.

"R-Russ." agad akong napatingin sa pinanggagalingan ng nanghihinang boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumapit sakanya. Nakita ko ang pagbitiw ni Gabe sa hawak ng anak niya para abutin ako.

Natigil ako dahil doon. I looked at his son and saw how pain crossed his innocent face. Hindi nakalampas sa mga mata ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ni Anastasia.

I want to be happy because he chose to call me despite of the presence of his past love. But my heart is breaking right now for his son. Muli niya akong tinawag kaya tuluyan na akong lumapit sakanya. Nanghihinang hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Thanks God you're awake."

"I-I'm sorry for what I did." sobrang hina ng boses niya pero umabot sa pandinig ko.

"You scared the hell out of me, Gabian! You should have called me if you needed someone to talk to!" I lashed out. Tumulo na rin ang mga luha ko dahil sa sobrang takot na naramdaman ko kanina.

"Y-You know I can't live without you." basag na sabi ko. Hinaplos niya ang kamay ko. Hindi ko na napigilan pang humagulhol sa harapan nila. "Takot na takot ako. Alam mo ba 'yon? Pano na 'ko? Paano nalang ako, huh? You promised me that you'll be with me althrough out." panunumbat ko sakanya.

"I'm sorry. Hindi ko sinadyang saktan at takutin ka."

"Iwan na ako ng lahat, 'wag lang kayo ni North." yumakap ako sakanya at umiyak na sa dibdib niya. Hanggang ngayon ay may takot pa rin sa dibdib ko.

"Dada." antok na tawag ng kagigising ko palang na anak. Agad siyang lumapit sa amin at dumalo sa yakap. Bahagyang natawa si Gabe dahil sa pag-iyak ni North.

"I hate you, Dada! You made us all worried!" umiiyak niyang sabi.
Gaze's still asleep. Mukhang pagod na pagod siya dahil hindi siya magising-gising kahit na gumagawa na kami ng ingay sa kwarto. Maybe she was lacked of sleep the past days. She needed some rest.

"You have visitors, Dada." mahinang sabi ni North nang mapatingin siya sa pwesto nina Anastasia. Nakatayo siya sa may gilid ni Gabe habang nakayakap sakanya ang anak niya. Dahan-dahang bumaling si Gabe sakanila. I saw how his eyes widened. Mukhang hindi niya talaga napansin ang mga ito. I swallowed the lump in my throat.

"A-Anastasia?" gulat na tawag ni Gabe sa babae. She gave him a sad smile.

"I heard that you were in a h-hospital. Naisipan ko lang na d-dumaan. A-Aalis na rin kami." akma na siyang lalabas nang magsalita ako.

"Kasama niya ang anak niyo." matapang na sabi ko. I want to be selfish and have Gabian for myself but the child deserves his father. And Gabian also deserves to know that he has a son. Natigilan si Anastasia at gulat na humarap muli sa amin. Umiwas ako ng tingin at piniling tingnan si Gabe kahit masakit. Bumaba ang tingin niya sa batang kasama ng babaeng dati niyang minahal. Kahit hindi ko sabihin, sa oras na makita niya ang bata ay malalaman niya agad na anak niya ito dahil magkamukhang-magkamukha sila. Kung may nakuha man ito galing kay Anastasia ay iyon ang moreno nitong balat.

I heard Gabe's curses. Sumikip ang dibdib ko nung bitiwan niya ang mga kamay ko para abutin ang bata. Mabilis itong tumakbo papalapit kay Gabe at yumakap sakanya nang mahigpit. Pareho kaming umiiyak ni Anastasia habang nakatingin sa magkayakap na mag-ama, pero sa magkaibang rason. She's crying out of happiness because finally, his son met his father while my tears are because of the pain and fear to be left out again.

Gabian's also crying while hugging his son. It breaks me more when he asked Anastasia to join them. Hindi ko na alam kong saan ako babaling para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ang sikip ng dibdib ko. Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad palabas ng kwarto ni Gabe. Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pamilya niya. Fuck! Pamilya niya. Sa ganitong usapan, nasaan na naman ako?

Nanghihina akong napaupo sa sahig ng hospital habang sapo ko ang dibdib ko. Nag-uunahan pa rin ang mga luha ko sa pagtulo at parang walang balak na tumigil.

"Dada has a family." marahan kong binalingan ang anak kong namumula ang mga mata pati na rin ang ilong. He looks hurt. Mukhang pareho kami ng nararamdaman ng anak ko ngayon.

"He has a f-family, Mommy." nabasag ang boses niya na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko. I know how much he loves Gabe. He treated him like his own father. He never asked for a father because Gabian is there for him. He became his father. At ngayong alam niyang may pamilya ang lalaking tinuturing niyang ama, alam kong pareho ko ay natatakot din siyang mawawala na sa amin si Gabe.

"He has a family and I have now my real Daddy. Is everything on its right place, Mom?" Hindi ko alam kung saan tayo pupwesto, North. Sa usapang pamilya ay tayong dalawa lang ang magkasama.

Tahimik na nakatingin sa akin si North habang umiiyak ako at pilit pinoproseso ang lahat. I tried hard to stop myself from crying. Mugto ang mga mata ko nung bumalik kami sa loob ng kwarto ni Gabe. Gazini's awake, Anastasia and their son are still there. Nasa mga hita ni Gaze ang bata.

I look at my son. That was his place before.

Nang tingnan ko si Gabe ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin. I can't read him but sadness is visible in his eyes. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Siguro ay nakapag-usap na sila ni Anastasia at nalaman niya na ang lahat. Hinahanda ko na ang sarili ko kung sakaling hindi ako mapipili sa ikalawang pagkakataon.
Maybe I am destined to feel temporary happiness and that happiness will break me at the end. Siguro ito na rin ang karma ko dahil madamot ako magmahal. Hindi ko binibigyan ng pagkakataon ang ibang taong pumasok sa buhay ko at mga pili lamang ang binigyan ko tapos sa huli ay masasaktan lang ako.

Nakuntento ako sa isang tao lamang at doon na iikot ang mundo ko. Kaya kapag nawala sa akin ang taong 'yon ay durog na durog ako.

I weakly smiled at him. Mas lalong lumungkot ang mga mata niya. Don't give me that look, Gabe. Parang pinapakita na ng mga mata mo kung sino ang pinipili mo. Ano ba naman ang laban ko sa tunay niyang pamilya? He may treat us like his own family but at the end, he'll choose his blood.

Dahan-dahang siyang umupo sa kama niya. Tinapik niya ang kama at lumapit ako dun.

"Can you leave us for a while?" baling niya sa mga taong kasama namin sa loob.

"North. Come here." he stopped North from going out. Tumigil ang anak ko at saglit na tiningnan ang Dada niya. Lumapit siya nung makalabas na sina Gazini.

"My Buddy's mad at Dada?" masuyong tanong niya sa anak ko. Hindi nagsalita si North kaya malungkot na ngumiti si Gabe.

"I understand." he said almost a whisper. "But I will forever be your Dada, North. No one can change that."

"Anastasia told me everything." he started. Umiwas ako ng tingin at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. "But that doesn't change anything. We have a child and I will father him. Kayo pa rin ni North ang pamilya ko." sabi niya na muling nagpatulo ng mga luha ko.

"They are my family but you are also my family. So stop giving me your disappointment, Russ." magaan siyang tumawa. Mas lalo lamang akong naiyak. Gustong-gusto kong sa amin lang siya pero ayokong penepeke niya ang totoong nararamdaman niya.

"You don't have to do that. K-Kung gusto mo silang piliin, t-tatanggapin ko. You also deserve your family, Gabe."

"And I also deserve you to be happy, right?" hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kayo ni North ang nagpapasaya sakin. I dedicate my life to the two of you. I promise myself that I will protect you from everything that will hurt you and that I will love you because you deserve all the love this world can offer. Hindi ko na nakikita ang sarili kong sasaya kung hindi sa piling niyo ni North." nahihirapan na akong huminga sa mga narinig ko. Sobrang sikip na ng dibdib ko dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

"Anastasia was part of my past and I can't change that. But she'll stay there. The child is mine and I will be a father to him. Matagal kaming hindi nagkasama kaya babawi ako sakanya pero hindi matitigil ang pagiging ama ko kay North dahil doon. Hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo dahil don." Mahabang katahimikan ang sumunod.

"I'm sorry for loving you selfishly, Russ. Tinago kita kay Tage hindi lang dahil pinoprotektahan kita, kundi dahil gusto kita para sa sarili ko. Ayokong bigyan ng pagkakataon ang lalaking 'yon na makuha kapa sa akin." Bahagya akong nagulat sa mga narinig ko. He loves me. Matagal na. "I gave him false information for him not to be able to find you. At kung sakali mang makita ka niya ay hindi pa rin naman siya makakalapit dahil sa restraining order na sinampa mo. I know, I'm so selfish. Pinagkaitan ko si North ng ama at pinagkait ko sayo ang paliwanag niya." he said and looked at me and to my son.

"I'm sorry, buddy. I'm sorry." baling niya sakin pagkatapos tingnan ang nakayuko lamang na si North. Wala itong naging kibo.

"I don't have to choose because right from the start, I chose you. God knows how much I love you." yumakap ako sakanya ng mahigpit at humagulhol sa dibdib niya. I felt him caressing my back and kissing my head. He secures me with his love. Malayo sa pagmamahal na sinasabi ni Tage. Ang pagmamahal, sinasabi at pinaparamdam.

"Mahal na mahal kita at hindi ko na ipagkakait sayo ngayon ang karapatan mong mamili. I loved you wrong the first time because I chose to be selfish and hide you from him, but I will love you right this time." naguguluhang tiningala ko siya.

"I want to win your heart fairly. Give him a chance." tipid siyang ngumiti sa akin.

"Ikaw ang mahal ko." mahinang sabi ko. Malungkot siyang ngumiti at marahang hinaplos ang pisngi ko.

"Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata mo kanina. You're also afraid that like Tage, I will choose the woman from my past. That's giving you anxiety. You don't want to feel the same pain again."

"Nakikita mo sa akin si Tage. Ang kaibahan lang namin ay mas naipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ko."

"Maybe you're just afraid to be in the same shoes again. Natatakot kang baka maulit lahat ng sakit na naramdaman mo noon. Nasasabi mong mahal mo ako dahil ako 'yung nakasama mo sa mahabang panahon at natabunan ng galit ang totoo mong nararamdaman para sakanya. Natatakot ka kasi nakikita mo ulit ang sarili mo sa parehong sitwasyon. I want your genuine happiness this time... kahit ang kapalit ay ang pagkadurog ko." I lost words. Nakayakap lang ako sakanya at walang masabi.

"He also deserves a chance. I heard what happened to his family... Anastasia told me. He was torn between protecting you and protecting his family and he chose to protect the latter but he also protected you. Kahit na ang kapalit ay ang saktan at palayain ka pansamantala. Between Marcus and Tage, Tage deserves more to be happy."
Nakayakap lang ako sakanya, pinoproseso lahat ng sinabi niya. I don't know what to feel anymore. Naguguluhan na ako. Hindi ka na alam ang tunay kong gusto.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 1.9K 33
ILL-FATED SERIES #2: Ivory Kyson Mortimeroz (ONGOING) Ivory Kyson Mortimeroz has been deprived of love since he was a kid, so when the two women came...
191K 1.2K 8
The Prestige Series 3 Lene wants a fairytale-like-relationship just like what she witnessed in books. Pure and magical- a prince who will show her th...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
221K 3.5K 38
Warning: This novel will talk about suicide, violence, anxiety, depression, drugs, inappropriate languages and sex. If you're uncomfortable by readin...