ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ π’Ÿβ„―π“ˆπ’Ύπ“‡β„―β™‘

By lovedeii

78.6K 2.6K 1.2K

From the very beginning, Calia knew that she was just an adopted child - only. Even though her parents didn't... More

Mine to Desire
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Author's Note
Special Chapter

Chapter Seventeen

2.3K 91 37
By lovedeii

Chapter Seventeen


MABIBIGAT ANG mga hakbang habang tinatahak ni Calia ang hagdanan papasok sa mansyon ng kanyang abuelo. She can see the faces of elite people who's busy talking with each other. Ang pa-plastik lang. Anang isipan niya.

Nang makapasok na siya sa loob ng mansyon ay maingat at pino ang kanyang kilos habang binabaybay ang daan patungo sa lamesang laan para sa kanila ng kanyang pamilya.

She saw her beautiful mother talking to her father and they're laughing together. Nakayakap pa ang kanyang ama sa kanyang ina na parang walang ibang tao sa kanilang kinaroroonan. How I wish I would be like that.. Me and Philip. Pero alam niyang suntok sa buwan at malabong mangyari ang mga gano'ng bagay dahil nga, ang paniniwala at ang alam nito ay magpinsan sila— magkadugo.

On the other side of the table, she saw the stoic look of her grandfather. The ever great, Pabio Ariti.

Tinititigan siya nito at dama niya ang kaba sa bawat pagtitig nito sa kanya. Pero hindi iyong titig na gusto siya nitong makita, kundi ang titig na parang ipinaparamdam nito sa kanya ang disgusto nang pagpunta niya sa mansiyon nito. Kahit mas lalong tumindi ang kaba niya nang makalapit siya sa mesa nila ay taas noo niya pa ring tinitigan ang matanda. Mata sa mata.

Alam niyang ayaw na ayaw ng abuelo niyang tinititigan ito sa mata dahil para sa lolo niya, insulto iyon. Pero bakit siya matatakot? Eh mula't sapol ay hindi na maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Or maybe he knows something about me being an adopted child? Mga tanong niya sa kanyang isipan. After all, her grandfather has a lot of connections. Connections that she don't have. Kaya mas dapat mag-ingat siya. Mas pag-igihan niya pa ang pagtatago sa nagawa niyang pagpapadukot kay Philip, dahil alam niyang walang kamag-a-kamag-anak para sa matanda.

"Kaló apógevma." She greeted them good evening. And the people around the table smiled and greeted her except her grandfather.

Kaagad na tumayo ang kanyang mga magulang at niyakap siya nang mahigpit, na parang ilang taon siyang hindi nakita.

"I'm glad you're here baby." Nakangiting turan ng kanyang ama. "You looked so beautiful and stunning tonight!" He proudly said.

Gumanti naman siya ng ngiti sa mga ito, "Thank you, Daddy. I'm happy to see you here parents."

Ngumiti ang mga ito sa kanya at ipinaghila siya ng kanyang ama ng upuan. Akmang uupo na siya ng ang kanyang Auntie Tiffany naman ang lumapit sa kanya. Niyakap siya at hinalikan sa magkabilang pisngi kaya napahalakhak siya.

"You looked absolutely stunning my dear!" Proud pa nitong sabi sa kanya.

Thanks... Mama. "Thank you po Aunty." She smiled at her.

Lumapit din siya sa kanyang Uncle Peter at yumakap saglit dito. Saglit niyang tiningnan muli ang puwesto ng abuelo pero wala na ito sa kinauupuan nito. Nagkibit-balikat lang siya at napagpasyahang umupo na sa upuang inilaan para sa kanya.

"Where's Dana, baby?" Napatingin siya sa gawi ng ina nang magtanong ito.

Tipid siyang ngumiti pero pinalungkot niya ang tabas ng kanyang mukha. "She's sick now Mommy.."

Bigla naman naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang Mommy Camille, "oh, I'm sorry. Tell her to get well soon. Mahirap kapag ang doktora naman ang magkasakit."

"I will po." Nakangiti niyang turan sa Aunty Tiffany niya.

Nagtataka siya kung bakit nandito ito ngayon. Sa pagkakaalam niya ay hiwalay na ang Uncle Peter niya at Aunty Tiffany, pero ng muling malipat ang tingin niya sa mga ito ay tila para itong mga teenagers na naghaharutan.

Nakita niya ang isang body guard ng kanyang abuelo na papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi niya mapigilang mapaangat ang kanyang kilay dahil hindi niya rin naman inaasahan na mayroong lalapit sa kanya.

"Miss Calia." Simula nito. "Mr. Pabio wants to talk to you— privately."

Hindi siya umimik at pinanatili niyang walang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Lumingon siya sa direksyon ng kanyang mga magulang at pareho ang mga itong nakatingin sa kanya, at nakangiti. Isang alanganing ngiti.

Her Mommy Camille softly touch her cheeks. "Sige na baby. Don't worry, your Pappoús won't bite you."

Tipid siyang ngumiti. Parang hindi alam ng kanyang ina ang malamig na pakikitungo sa kanya ng matanda. Isinantabi niya na lang muna ang ibang mga dapat isipin dahil sa ngayon, kailangan niyang maging matatag. May pakiramdam siyang hindi mabuti ang sasabihin ng matanda sa kanya pero sana hindi mapigti ang kanyang pasensya.

"Let's go." Tanging sambit niya at sinamahan siya ng body guard ng kanyang abuelo papunta sa ikalawang palapag ng mansiyon. Sa may veranda na nasa pinakadulo ng hallway sa second floor. Goodluck on facing the lion, C.

NAKITA NIYANG nakaupo ang kanyang abuelo sa isa sa mga upuan sa may veranda nang makarating siya roon. Tumalima kaagad ang body guard nito, pero alam niyang malapit lang ang kinaroroonan ng lalaking iyon.

"Pappoús—"

"Don't call me that. Call me, Mr. Ariti." Nakita niya ang malamig na pagtingin nito sa kanya.

Inhale.. exhale.. "Okay. Mr. Ariti. Bakit mo ako pinatawag?"

Kahit gusto niyang igalang at gamitan ng "po" o "opo" ang kanyang abuelo ay hindi niya magawa. Mayroong isang malaking pader na iniharang ang matanda sa kanilang dalawa.

"Why are you here? Who invited you here?" Walang emosyong tanong nito.

"What?" Hindi niya ito maintindihan.

"As far as I remember. I didn't send you an invitation. So, why are you here? I don't like to see your face here."

Ouch!

Sampal sa kanya ang bawat katagang binitawan nito. Akala niya hindi siya masasaktan sa kung anumang sasabihin nito. Pero ngayon-ngayon pa lang, tagos sa puso ang mga sinabi nito.

She let out a breath and look at the old man in front of her.

"Philip was the one who gave me the invitation. And it came from you. So now, why are you asking me that questions?" Matapang na tanong niya sa matanda.

"I didn't. You're out of my list. And you're the last person that I wanna see here. So, leave woman."

Napatayo siya ng wala sa oras dahil sa inasta ng kanyang abuelo. "Why are you doing this?! Bakit ganyan ang pagtrato mo sa akin?! Apo mo rin ako Pappoús!" Kahit hindi sa dugo!

Hindi napigilan ni Calia ang maging emosyonal dahil hindi niya alam kung bakit ganun na lang siya kung iturin ng matanda.

"You're not my grandchild!" Bahagyang sigaw nito.

Napatda siya dahil sa sinabi nito. Does he know? Does he know that I'm only an adopted child?

Pinakunot niya ang kanyang noo, "what are you saying—"

"—hindi kita apo at kailanma'y hindi kita ituturing apo! Dahil anak ka ng isang mama—"

"Excuse me, Mr. Pabio. Philip texted his mother. He can't make it. May emergency daw at importante raw po iyon."

Nahampas ng matanda ang pabilog na mesang nakapagitan sa kanila.

"We already talked about it and he said yes to the marriage! Skatá! Skatá!" Hindi maawat na pagmumura ng kanyang abuelo dahil sa galit. "Call him now! At papuntahin mo ang mga magulang niya sa library pati na rin sina Rahfia. Move!"

Kaagad namang tumalima ang body guard ng kanyang abuelo. Habang siya ay nanatili lang na tahimik at nakikiramdam sa paligid. Mahirap na. Galit na nga sa kanya ang matanda sa hindi niya malamang dahilan pagkatapos ay mas lalo lamang itong nagalit dahil sa ginawa ni Philip. Baka bigla lang siyang sakmalin at ihulog sa veranda. You think he can do that? Anang isipan niya.

Nakita niyang tumalikod ang matanda sa kanya pero bago ito umalis ay bahagya siyang nilingon nito. "I don't wanna see your face again. Kahit sa anong pagtitipon ng mga Ariti. Dahil sa tuwing nakikita kita, naaalala ko ang iyong a—"

"Papà!" Bigla siyang napalingon sa kanyang ama. Mababanaag sa mukha nito ang pag-aalala at... kaba?

Hindi na umimik pa ang kanyang abuelo at nagpatiuna na itong umalis. Kaagad naman siyang nilapitan ng kanyang mga magulang. Kaagad siyang niyakap ng mga ito habang tahimik siyang lumuluha sa mga bisig ng ina.

"Ssshh... we're here baby." Pang-aalo ng kanyang Mommy Camille sa kanya.

"I.. I just want to go home Mommy. Ayoko rito. Pappoús don't want me here. Pappoús don't want to see me anymore..."

Aaminin niyang nasaktan siya sa mga sinabi sa kanya ng matanda, ngunit, mas marami ang katanungan sa isipan niya ngayon. Pero isa lang ang tiyak. Alam ng kanyang abuelo na hindi siya tunay na anak ng kanyang mga kinikilalang mga magulang.

"Okay, ihahatid kana namin ng Daddy mo sa condo mo." Malumanay na anito sa kanya.

"'Wag na po. May dala naman po akong sasakyan." Pagtanggi niya.

Hinawakan ng kanyang Daddy ang kanyang kamay at masuyo silang iginiya papunta sa labas ng mansiyon.

"Ihahatid kana lang namin sa may parking lot, baby." Sabi pa ng kanyang ama.

"Sige po." Tipid na aniya.

Nang tutunguhin na nila ang pintuan ay hindi sinasadyang nabangga niya ang isang pader.

"Hey, you better watch out lady." Anang baritonong tinig na nag-udyok sa kanya upang lingunin ang pader— tao pala.

Calia was in awe when he saw the face of the man. No doubt, he's handsome.

"Mr. Ashford?" Untag ng kanyang ina sa lalaking nakabanggaan niya— ay siya lang pala ang bumangga.

Ngumiti naman ang lalaki sa kanyang ina. "Hey Camille, it's nice to see you here."

"Nice to see you too. Mauuna muna kami. Ihahatid lang namin ang anak namin sa may parking lot." Ani Mommy Camille niya.

Mukha namang nagulat ang lalaking kaharap nila at napatingin sa gawi niya, "oh wow. Nagkaanak pala kayo ni Paul?"

Kumunot naman ang noo niya. Bakit parang kilalang-kilala ng lalaking ito ang mga magulang niya.

"As you can see, nasa harapan mo na ang anak namin Theodore." Singit naman ng kanyang ama na malamig ang tingin kay Mr. Ashford.

"Easy Ariti. Hanggang ngayon kapag si Camille talaga ang pinag-uusapan palaging ganyan ang aura mo. Para kang papatay." Anang isang lalaki na lumapit din sa kinaroroonan nila.

"Beaufort. Buhay ka pa pala." Anito sa lalaking lumapit sa kanila.

If her Mommy Camille is the epitome of goddess for her. The gentlemen that surrounds her now can be called the epitome of greek gods. They're absolutely handsome! Including her father, of course.

Tumawa lang ang lalaking tinawag ng Daddy niyang Beaufort.

"Bakit kulang kayo? Nasaan si Perjes?" Her father asked again the two handsome gentlemen.

Bigla namang lumungkot ang tabas ng mukha ng dalawang lalaki. "He's in Canada now. Unfortunately, he's still in coma right now. Masyadong malubha ang nangyari sa kanyang aksidente kaya ngayon hindi pa rin siya nagigising." Sagot ni Mr. Ashford sa kanila.

"But we will be visiting him the day after tomorrow. The chef is still busy and he wants to come also so we'll gonna wait for him until tomorrow." Si Mr. Beaufort naman ngayon ang sumagot.

Sino naman kayang chef 'to? She's curious. Definitely curious.

"Let's talk later. Ihahatid muna namin ang aming anak." Saka sila iginiya ng Mommy niya palabas ng mansiyon. Ni hindi na hinintay pa ng kanyang ama na sumagot ang mga ito.

Nang makarating sila sa may parking lot ay hindi muna pumasok si Calia sa kanyang kotse at hinarap ang kanyang mga magulang.

"Ano 'yong sinasabi ni Pappoús? Anak ako nino?" Deritsahang tanong niya.

"Syempre anak ka namin baby. Baka stress lang ang lolo mo kaya nasabi niya ang mga 'yon sayo." Malumanay na ani ng Mommy niya.

Hindi siya umimik. Hindi niya pwedeng basta-basta na lamang isantabi ang mga sinabi ng kanyang lolo. At kung hindi niya makukuha ang totoong sagot sa mga magulang niya, ay siya ang gagawa ng paraan para malaman ang katotohanan.

"By the way, sino-sino pala ang mga nakausap natin?" Tukoy niya sa mga nag-gwagwapohang lalaki na nakausap nila bago sila lumabas ng mansiyon.

Her father shrugged, "they were called tycoons. Matitinik ang mga 'yan pagdating sa negosyo. Kasosyo sila ng Pappoús mo sa isang mining business. Magkakaibigan ang mga 'yan kasama ng Uncle Claudio mo."

"Wait— Uncle Claudio the famous chef?" So iyon pala ang sinasabi ng lalaki kanina. Ang Uncle niya pala ang tinatukoy nito.

"Yes anak. Your Uncle Claudio maybe a chef but he's also a business tycoon. The four of them, Ashford, Beaufort, Perjes and your uncle has a well-known company in the world. The tycoons empire." Anang ama niya sa kanya.

She was amazed. Totally amazed. Lucky is the woman who will be their partner in life.

"And they're both singles again. So beware. Kahit may edad na ang mga 'yan kaya nilang mapaibig ang mga babae. Kung gaano sila katitinik sa negosyo, ay ganoon din pagdating sa babae." Paalala pa ng ama niya na ikinatawa lang nila ng kanyang ina.

"Copy that Daddy." Tanging nasabi niya at sumakay na siya ng kanyang kotse. Si Philip lang, sapat na. Sobra pa nga.

"Ingat sa pagmamaneho baby." Nakangiting sabi ng kanyang ina.

"Drive safely baby." Paalala naman ng kanyang ama.

Ngumiti siya sa mga ito pinaandar ang kotse, "yes parents." Tsaka niya pinausad ang sasakyan palabas ng gate ng mansiyon.

At habang nasa daan ay napapaisip siya. She can't show to them how vulnerable she is but deep inside, she's dying to know the truth. Kung bakit ganun na lang ang galit ni Pappoús sa kanya. At ano raw? Anak siya na mama— Urg! Bakit hindi agad-agad sinabi nito ang buong salita.

Biglang tumunog ang cellphone niya na nasa may dashboard ng kanyang kotse kaya agad-agad niyang pinindot ang blue tooth earphone na inilagay niya sa kanyang taenga kanina bago niya pinaandar ang kotse.

"Nile."

The man on the other phone chuckled, "the package is here— again."

She smirked, "good job. I'm on my way." Then she ended the call.

This night is full of surprises and half revelation and it ends in the party. But for her, the night has just begun.

"I'm coming... Philip."

ℒℴ𝓋ℯ 𝒟ℯ𝒾

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
75.7K 5.5K 75
At the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with...
22.4K 508 23
COMPLETED WARNING: This story contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers. Is it pure lust, or is it what other...
299K 8.3K 27
YbaΓ±ez Series One He forget. She can't remember. How can a promise of forever buried in the past? Will they remember their promises or will they igno...