The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

9. Ardens Aftermath

107K 4.2K 823
By iamrurumonster

She's no ordinary girl. That's what I thought pagkatapos kong makita ang mga pangyayari sa selection hall. Anong ibig sabihin ng lahat ng nakita ko? Bakit naging ginto si Lara instead of turning into green, blue or gray? Anong ibig sabihin ni Caecus? Akala ko kaya lang siya nahirapan ay dahil double keeper din ito gaya ko. Marahil double keeper nga ito but what makes her different saakin?

Bumalik ako sa kumpulan ng mga estudyante sa harap ng hall na nanatiling sarado higit isang oras na pagkatapos magkagulo at palabasin ang mga estudyante at heads ng school.

Hindi parin natigil ang bulungan. Inaabangan kung ano ang mga susunod na mangyayari. Humiwalay ako at umupo sa isang sulok ilang metro ang layo sa mga tao. Mas kumportable ako kapag nag-iisa at walang masyadong ingay. Ilang segundo pa lang, pagkaupong-pagkaupo ko ay ginambala ako ng madaldal na kaibigan ni Lara. Nawiwirduhan ako sa puting buhok nito. Taga Westeros marahil dahil sa itsura nitong parang niyebe. Westeros ang pinakamalamig na rehiyon ng Cairos.

Taga Northun ako, ang rehiyon ng metal at kabundukan at hinuha ko'y taga Easteros si Lara dahil sa itsura nito; kayumanggi, kulay tsokolate ang mata. Itim na itim ang buhok nito na hindi madalas o kilalang kulay ng mga taga silangan. Karamihan sa mga taga Easteros ay kulay mahogany brown ang buhok. Marahil ay dahil na rin sa paghahalo-halo ng lahi. Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayang kinukwentuhan na pala ako ng katabi kong may puting buhok.

"Tingin mo okay na si Lara?" Matinis na pagkakasabi nito habang nakatingin sa kumpulan ng mga tao.

Nagkibit balikat lang ako. Alam kong maayos na ang kalagayan nito pero saakin lang muna yun.
"Ang saya mong kausap no?"

"Huh?" Alam kong nainis ito sa di ko pagsagot. Hindi ko lang tipo ang nagsasalita habang may iniisip. Mas nakakapagfocus ako kapag tahimik and this noisy brat needs to go.

"Sabi ko masaya kang kausap. Mas madaldal pa ang bubuyog kaysa sayo. Diyan ka na nga!" Bato niya saakin at sinabayan ng irap bago ako nilayasan.
Napakunot noo na lang ako at lihim na napatawa.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan. Tila mga manok na sinabuyan ng palay ang mga taong dinagsa ang harapan ng hall. Nagkabalyahan pa nga. Sa pagbukas ng napakalaking pinto ng Selection Hall, nakita kong lumabas si Master Uran kasunod ng Gemini ma tinawag ni master na Alpha and Omega. Nasa likod ng nga ito si Mistress Fhaun na nakaalalay kay Lara. Nakasuot ito ng bistidang kulay abo.

Nagsipalakpakan ang mga taga Draco. Natuwa din naman ako dahil kahit papano'y sa labinlimang bagong estudyante ay may dalawang nakapasok sa puder ni Lolo Arad, ang matandang lalaking head ng House of Draco.

Laking gulat ng lahat nang mapansin ng karamihan ang naging itsura ni Lara. Pati ako ay nagulat din. May pagbabago sa itsura nito. Ang dati'y itim nitong buhok ay mas umitim, parang mas kuminis ang balat nito... parang mas gumanda. I think that ritual might have transformed her. We'll aaminin ko maganda naman siya dati pero itsurang taga Easteros, barbaric na parang galing lang sa pangangaso. Ngayo'y para na siyang isang reiol, isang maharlika. Napakunot ang noo ko sa kaisipang yun pero hindi malayong maging posible. Nahuli ko itong sumulyap saakin. Napansin kong mas tumingkad ang kulay chocolate brown nitong mata. It felt weird... and awkward kaya umiwas ako ng tingin.

Normal lang naman na hangaan ang transformation ni Lara dahil halos buong Cairos Academy ay namangha din.
Natigil ang palakpakan nang muling nagsalita si Master Uran. "Keepers, tapos na ang ritual of ardens. Lahat tayo ay magtungo sa quadrangel ground para sa pagdiriwang at pagsalubong sa mga bagong anak ng akademya."

Yun lang at agad na nagtungo ang lahat sa isang malaking field na nasa likod lang ng house of monceros. Naabutan namin ang ilan pa sa mga tao na abala sa paghahanda ng mga pagkain. Natuwa ang marami at nagkanya-kanya ng kain at upo sa mga nakakalat na round table. May mga iba-ibang pakulo, mga booth, mga nagkalat na payaso at may nagtiteatro. Masaya ang marami pero tila may isang bumabagabag sa akin. Anong nangyari pagkatapos bumalik ang kulay ni Lara? Nagduda ako. Napansin kong naging normal na ang kalagayan nito na parang walang nangyari. Marahil ay nagawan ng paraan ni Master Uran at ang mga kasama nito. Ikaw ba naman ang napapalibutan ng mga makakapangyarihang nilalang?

Ilang mahabang dandali pa'y nakita kong nagtungo si Lara at ang madaldal nitong kaibigan, na alala kong Amber ang pangalan, sa hardin na nasa likod ng selection hall kung saan ako nagtago kaninang tinawag ko si Caecus. Nagtaka ako. Mga dalawampung minuto pa ang lumipas ay hindi pa bumabalik sa quadrangle ang dalawa. Sa pag-aalala na baka napano ang mga ito, sinundan ko sila sa likuran ng hall. Medyo malaki-laki rin ang hardin na yun kaya hindi ko agad sila nakita. Hinanap ko sila sa matatayog na halamang palm. Ilang hakbang pa ay narinig ko ang mga boses nito...

"Anong balak mo?" Si Amber na medyo matinis ang boses.

"Hindi ko alam. Pakiramdam ko may itinatago saakin ang council ng Cairos."

"Lara, may naisip ako."

Lagi namang may naiisip ka. Sigaw ng isip ko.

"Ano?" Naimagine ko pang parang biglang nabuhayan ng loob si Lara.

"Eh di siyempre mag-imbestiga! Magaling ako diyan!"

"So tutulungan mo ako?"

"Siyempre! Kaibigan mo ako. Pero hindi ko kayang ako lang!"

"Anong ibig mong sabihin?"

Mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod na sasabihin nito. Masama ang kutob ko. Nakakahalata na ako.

"Yung matangkad mong boyfriend. Mukhang makakatulong yun."

"Amber, anong aasahan natin sa lalaking pinaglihi sa kasungitan? Tsaka hindi ko yun boyfriend!"

Namimisinterpret niyo lang ako! Damn. Mga babae talaga kung makapag-assume.

"May gusto yun sayo kaya yun nagsusungit!"

Baliw! Andami mong alam.

"Papano natin siya kukumbinsihin? Eh mukhang mas mailap pa yun sa squirrel." Nananadya yata 'tong si Lara.

Isang-isa na lang! I even gathered my fist together para makapagtimpi.

"Feeling pogi nun. Nakaleather jacket pa eh sobrang init. May sayad yata."

Three points! Damn!

"Hanggang dito ba naman?" bungad ko sa dalawa. Nagtilian pa ang mga ito dahil sa sobrang gulat.

Sabay pa nilang binanggit ang pangalan ko. "Laurent?"

Mga babae talaga, maingay. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Eh anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong-sagot saakin ni Amber na nakapameywang pa. Nakakatawa na nakakaasar.

"W-wala. Maingay sa quadrangle kaya dito magpapalipas ng oras. Ito ang bago kong hideout."

"Palusot ka pa. Narinig mo yung usapan namin?" Pang-iintriga ni Amber habang nakatingin lang saakin si Lara. Nakatitig. Nag-iba nga ang aura nito. Napansin kong mas matapang na ito ngayon kaysa noong una ko siyang nakita sa Garon. Her eyes amd her aura reflects strength. Marahil sa dinami-dami ng napagdaanan niya ay naging mas matapang na siya. Siguro.

"Nakita mo ako." Hindi yun tanong kundi isang statement mula kay Lara. Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin. "Nakita mong Nagbagong anyo ako diba? Anong nakita mo pagkatapos kong maging kulay ginto? Anong alam mong maaari nilang ilihim saakin?"

Sunod-sunod ang naging tanong nito. Hindi ako nakakibo agad. Inipon ko ang lakas ng loob ko bago ako nagsalita. I had no choice. Ayoko namang isipin niyang nagsisinungaling ako kapag tumanggi ako. "M-may kinalaman ito sa tunay mong pagkatao Lara at sa natutulog na enerhiya diyan sa katawan mo. Marahil ay kailangang magising ang kung anumang natutulog na bagay diyan sa loob mo para malaman natin ang lihim sa pagkatao mo." I said as what Caecus told me nung nagpaalam ito saakin. Then I continued, "yun lang ang nalalaman ko."

"Kaya pala ako dinakip ng arkanghel na yun. Kaya pala niya ako kinuha kasi hindi ako ordinaryo. Akala ko dati si Cael lang ang kukunin saamin dahil siya lang ang may kapangyarihan." Lara confessed.

"Teka, sino si Cael?" Ani Amber na mataas na naman ang boses. Halata kong tumataas ang boses nito kapag may interesting na usapan.

Nagpabalik-balik pa ng tingin si Lara sa amin ni Amber bago ito nagsalita. "Kakambal ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero sigurado akong dinakip din siya nung gabi ng annual abduction."

Interesting. May kakambal pala si Lara.

"Is he a double keeper?" Tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko he's a fire keeper only."

"Hmmmm," Amber paused "hindi kaya dapat ay ang arkanghel ang hanapin natin para malaman natin ang kasagutan kung bakit ka dinakip? They just don't abduct you for no reason lalo na't normal ka namang lumaki gaya ng sabi mo."

Kahit papano'y nag-iisip din itong madadang si Amber. May punto siya. "May point ka diyan. Maaring mabigyan tayo ng clue ng arkanghel na yun."

"Ang tanong, sino sa napakaraming light keepers dito?" Amber catechized then continued with a lecture. " Not all light keepers are archangels, but all archangels are light or dark keepers. So halimbawa may 50 light keepers sa academy o sa buong Cairos, ititrim down natin yan kung sino ang tinutubuan ng pakpak. Sa 50 light keepers marahil may 15 wing bearer, aalamin natin ngayon kung sino sa 15 ang on duty every annual abduction. 15, 16, 17 is not a big number. Kasi hindi lahat ng yun magkakapares ang itsura. Maaidentify mo yun Lara kung sino ang dumakip sayo by just looking at the cheeks, the nose and the lips."

Papalakpak na yata ako.

Napangiti ng bahagya si Lara. It seemed like she bought Amber's idea and so am I.
"Well Laurent, since madami ka nang alam tungkol dito... can you help me?" Lara asked sweetly.

With Lara's pleasing face and Amber's warning seemingly-angry face, para akong mamamatay kapag tumanggi ako.

"Okay. Just this one." Sambit ko bago tumalikod at nagdesisyong bumalik na sa quadrangle.

Narinig ko pang nag "yes" ang dalawa sa aking likuran.

Haaay... mga babae talaga. Magaling mang-uto ng mga lalaki.

###

Continue Reading

You'll Also Like

724K 35.1K 79
GIFTED SERIES #5 Everything has come to an end. To the book, 'The Gifteds', where it all started. It's now against them and to the one who gave them...
HIDDEN FILES 2 By avy

Mystery / Thriller

11.1K 509 33
[02/03] complete | unedited Jade Cesaire and Bryce Valeron journey continues unravelling the mysteries surrounds their lives and hidden secrets of th...
78.7K 4.9K 79
(On-Going)
34.9K 1.4K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...