TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

By Summer_Alli

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 10

18.5K 521 18
By Summer_Alli

Jessica

NANG makarating kami sa bahay ni sir Tristan ay napansin ko ang pananahimik nito. Hindi rin ako nito pinapansin kahit paulit-ulit ko itong tinatanong kung ayos lang ba ito.

Sinundan ko nalang ito ng tingin no'ng magsimula itong umakyat sa kwarto nito. Napabuntong-hininga nalang ako at naisip na baka galit ito sa akin. Ano bang ginawa ko?

Napailing-iling nalang ako bago iniwas ang tingin kay sir Tristan. Tatalikod nalang sana ako no'ng marinig ko naman ang pagtawag nito sa aking pangalan.

"Jessica?" Malumanay na tawag nito sa akin. Agad naman ako ditong lumingon. Nanibago rin ako sa pagtawag nito sa tunay kong pangalan.

"Bakit, sir?" Nakangiting tanong ko naman dito. Napakunot-noo ako no'ng tumitig lang ito sa akin. Naramdaman ko bigla ang pamumula ng aking pisngi dahil sa paraan ng pagtitig nito na para bang ako na yata ang pinakamagandang babae sa mundo na nakita nito. Napangiti ako lalo sa aking naisip. "May gusto ba kayong sabihin sa akin, sir?" Tanong ko pa dito na hindi maalis sa mukha ang matamis na ngiti.

"Bakit ang pangit mo?" Balik-tanong ni sir na nakapagpawala sa aking ngiti. Sinamaan ko bigla ng tingin si sir dahil sa pagkabigla.

"Ano? A-ako pangit, sir? Hoy hindi ako pangit sir 'no! sobrang ganda ko kaya, dami nga sa akin nagkakagust, sir e" Depensa ko naman.

"Tsk! Yabang" Asik sa akin ni sir bago ako tinalikuran. Magsasalita pa sana ako para kontrahin si sir Tristan pero nawala na agad ito sa paningin ko. Pumasok na ito sa kwarto nito.

"Hindi naman ako mayabang, nagsasabi lang ng totoo" Bulong ko nalang sa sarili habang naglalakad papunta sa aking kwarto na naka-pwesto lang sa ilalim ng hagdanan papunta sa kwarto ni sir Tristan.

Kinabukasan ay maagap kong ipinagluto ng agahan si sir Tristan para makakain ito bago pumasok sa trabaho nito. Naisip ko rin kasi na baka tinotopak ito dahil naiinis na ito sa akin. Muka pa namang may saltik si sir.

Lihim akong natawa ng mahina sa aking naisip. Kailangan kong makabawi kay sir Tristan para matuwa naman ito sa akin.

Habang nagluluto ay hindi ko mapigilan na hindi sumayaw-sayaw sa harapan ng niluluto ko. Hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti ko habang tinitikman ang lasa ng pagkain na ngayon ay malapit nang maluto.

"Ang sarap ko talaga magluto" Nasabi ko pa matapos kong tikman ang niluto ko.

"Tss! Stop dancing, woman. You look like swaying bamboo. Ang tigas ng katawan" wika ng isang tinig mula sa aking likuran. Agad naman akong lumingon at sinamaan ng tingin si sir Tristan na ngayon ay kapapasok lamang ng kusina.

"Tsk! Ang sama niyo, sir" Asik ko pa kay sir pero hindi na ako nito pinansin.

Tumigil na rin ako sa pagsasayaw dahil baka punahin na naman ako ng masungit kong boss. Umupo lang ito sa isa sa mga upuan doon. Napasimangot nalang ako bago bumalik sa aking ginagawa.

"Make me coffee" Utos sa akin ni sir. Naiintindihan ko na ang salitang alien na iyon ni sir dahil dahil madalas ay 'yun ang inuutos nito sa akin. Agad naman akong kumuha ng sachet ng kape at ibinigay iyon dito. Sinamaan ako bigla ng tingin ni sir.

"Are you really irritating me? Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako naiin----"

"Here's your coffee, sir" Putol ko sa panenermon nito sa akin.

Nakahanda naman na talaga ang tinimpla kong kape para dito, gusto ko lang talaga itong asarin. Natawa ako ng mahina kaya naman sinamaan ako ng tingin ni sir Tristan. Nginitian ko naman ito ng matamis bilang balik. Napangiti din ako dahil sa ilang salitang alien na nasabi ko nang maayos. Ilang araw ko rin iyong pinag-aralan.

Nang makuha na ni sir ang kape na tinimpla ko ay bahagya pa itong tumitig sa aking mukha. Napakunot-noo naman ako. Ano naman kayang nakikitang problema ni sir sa mukha ko? Napapansin ko kay sir ay lagi itong may pinupuna sa akin.

"May problema ba sa mukha ko, sir?" Usisa ko kay sir na hindi pa rin inaalis ang tingin sa mukha ko. Napakunot-noo rin ito at pagkatapos ay biglang iniiwas ang tingin sa akin.

"What's with your face? Naka-make-up ka ba?" Tanong sa akin ni sir.

Namangha naman ako dahil nagawa pa pala iyong mapansin ni sir. Naglagay ako ng make-up dahil ayoko na ulit masabihan ni sir na pangit. Tsk!

"Opo, gusto mo rin po ba mag-make-up, sir?" Nakangiting tanong ko dito. Agad naman ako nitong sinamaan ng tingin.

"What the hell are you thinking? Iniisip mo ba na bakla ako?" May inis sa tono na balik-tanong sa akin ni sir. Nagulat naman ako sa naging tanong nito.

"Hala! Bakla ka, sir?" Tanong ko pa dito na hindi makapaniwala. Nakaramdam ako bigla ng panghihinayang. Ang gwapo pa naman ni sir tapos bakla naman pala. Napabuntong-hininga ako.

"Damn! Are you really insulting me, woman?" galit na naman na tanong sa akin ni sir.

"Po?"

"Tsk! Never mind" Nawawalan ng pasensiya na wika nalang nito. "I have to go" Nawalan na ng gana na dagdag pa ni sir. Tumayo na ito at nagsimula nang maglakad palabas ng kusina. Agad naman akong nataranta.

"Uy mamaya lang, sir. Kumain ka po muna" Pigil ko kay sir na iniharang pa ang katawan sa may pintuan para lang hindi ito makalabas ng kusina.

"Step aside" Maawtoridad na utos sa akin ni sir. Umiling naman ako ng sunod-sunod.

"Hindi pwede sir, kumain ka po muna. Sayang naman ang niluto ko" Nakasimangot na wika ko.

"Sa office nalang" Balewalang sagot naman nito. Napalabi naman ako dahil doon.

"Sir naman, nagpakahirap ako tapos hindi ka pala kakain" Nakasimangot na wika ko pa kay sir Tristan.

Napansin ko naman na bahagya itong natigilan at napatitig sa akin saglit. Napabuntong-hininga ito pagkatapos. Napangiti naman ako dahil doon.

"Tsk really abusive!" wika pa ni sir bago sumusukong tumango. "Ok I will eat first then I'll go to office after" Dagdag pa nito bago ako hinawakan sa braso para higitin paupo sa naroong upuan.

Natigilan ako sa ginawa nito. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba. Tumikhim ako para mawala ang pakiramdam na iyon. Napansin naman ni sir na hawak nito ang braso ko kaya naman agad nito iyong binitawan. Bigla ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan naming dalawa. Nang makaupo si sir sa katapat kong inuupuan ay ako naman ang tumayo.

"Mauna na po kayong kumain sir, mamaya na po ako" Nakangiting wika ko dito.

Tumingin naman sa akin si sir at kumunot ang noo. Napakibit-balikat ako sa kawalan ng ideya kung bakit iyon ang naging reaksiyon nito. Tumingin ako kay sir na parang nagtatanong.

"Take a seat" utos nito na ikinamaang ko. Narinig ko pa ang pag-asik nito. "I think, I should teach you how to understand me. I'm tired of your stupidness, woman" Dagdag pa nito na lalo kong hindi naintindihan. Ngumiti nalang ako dito. "Tsk idiot! Umupo kana babae, sabay na tayong kumain" sabi pa nito na ikinagulat ko.

"Ano, sir?" Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko dito. Sinamaan naman ako nito ng tingin.

Nang mapansin ko na tatayo na si sir para hawakan ulit ako sa braso para paupuin ay inunahan ko na ito.

"H-huwag mo na po ako hawakan,  sir" Nakangising wika ko dito. Kumunot naman ang noo ni sir kaya lalo akong ngumiti. "Kaya ko naman umupo mag-isa sir, hindi naman ako baldado" Dagdag ko bago agad na umupo sa katapat ng inuupuan nito. Narinig ko nalang ang pag-asik ni sir bago muling umupo.

Matapos naming maupong pareho ni sir Tristan ay ilang segundo pa muna kaming nakatulala sa mga niluto kong pagkain. Napatingin sa akin bigla si sir at natawa naman ako ng marinig namin ang pagtunog ng sikmura ko. Naaamoy ko kasi ang niluto kong sinigang kaya lalo akong nakakaramdam ng gutom. Nahihiyang ngumiti nalang ako kay sir.

"Gutom na kasi ako, sir" Pag-amin ko dito.

Napansin ko ang pagngiti ni sir dahilan para matigilan ako. Ano bang nangyayari sa akin? Lihim kong ipinilig ang aking ulo para mawala ang aking isipin. Nagulat pa ako no'ng mapansin ko na nilalagyan na ng pagkain ni sir ang plato ko.

"Uy ako nalang po, sir" Pigil ko sa ginagawa ni sir. Sinamaan naman ako nito ng tingin kaya wala akong nagawa kung hindi hayaan ito sa gusto nitong gawin. Napatitig nalang ako kay sir at lihim na napangiti.

"Salinan ko nalang ng tubig ang baso niyo, sir" sabi ko nalang bago sinalinan ang baso na nasa harapan ni sir.

"Thanks" Hindi tumitingin sa akin na tugon naman ni sir. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti. Baliw na yata ako!

Tumingin bigla sa akin si sir kaya nahuli ako nitong nakangiti at nakatitig dito. Naramdaman ko ang mapupula ng aking pisngi. Napakunot-noo naman si sir kaya lalo akong nakaramdam ng pagkailang.

"A-ah sir kumain na tayo, n-nagugutom na t-tala-----" Naputol ang iba ko pang sasabihin dahil biglang tumunog ang cellphone ni sir na ngayon ko lang napansin na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Lihim akong nagpasalamat dahil para akong timang na nagsasalita ng paputol-putol.

Napakunot-noo ako no'ng makita ko sa cellphone ni sir ang isang litrato ng magandang babae. Tumingin sa akin si sir bago tumayo sa kinauupuan nito.

"I have to go----sa office nalang ako kakain" wika pa ni sir bago ito naglakad palabas ng kusina. Sinundan ko nalang ito ng tingin. "Yes babe?" Narinig ko pang wika nito sa kausap nito sa cellphone nito. Napabuntong-hininga nalang ako.

Babe?

Nang mawala na sa paningin ko si sir ay bumaling ako sa mga niluto kong pagkain na hindi manlang natikman ni sir Tristan. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na hininga pagkatapos.

🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

196K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
675K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
80.1K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...