Above the Oceans

tirashinu द्वारा

10.4K 835 173

Pablo is an avid fan of Stell that uses his talent to get along with singers and artists. As time pass by, St... अधिक

PROLOUGE
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
EPILOUGE
Author's Note

07

367 28 6
tirashinu द्वारा

Tinanggal niya na yung kamay niya na kanina'y nakatakip sa mata niya at humarap sa akin.


"Anong sabi mo?"


"See it yourself," inabot ko sa kanya ang
ipad ko. Diniretso ko yun sa mismong list para makita niya agad.


His reaction is priceless. Hindi siya makapagsalita ng maayos. Kalmado lang siya at nakatitig lang doon sa ipad ko. Napaisip ako na iwan sana siya roon pero hinawakan niya ang braso ko at hinarap ang sarili ko sa kanya.


"Bakit?" I almost stuttered.


"Salamat," he pulled me closer. Nagulat pa ako nang yakapin niya ako. Ramdam ko na unti-unting nababasa yung parte ng damit ko kung saan siya nakasandal.


"Ayos ka lang, Pau?"


"Ahh oo," I could see tears from his eyes. Bakit siya umiiyak? When he saw my face he immediately wiped the tears with the back of his hand.


"Are you sure? Bakit ka umiiyak?" Hinila ko siya papuntang kusina at pinaupo doon sa stool.


"Tears of joy," inabutan ko siya ng tubig na ininom niya rin kalaunan. "Sobrang saya ko lang kasi nakarating ako dito.. Tapos dahil pa sa'yo. I didn't know how to pay you for that, kasi kung hindi dahil sayo hindi ako nandito. I owe you big, Ves."



Ves, huh? Bagong nickname!



"Hindi mo ko kailangan magbayad para doon. Sapat na yung gawin mo yung gusto mo, at galingan mo pa lalo. I trust your capabalities, I trust you. Don't owe me that, you did it for yourself."


"Just accept my invitation to join me tomorrow lunch. At my unit if that's fine, I'll cook."


"Pangatlo mo na yan ah! May breakfast tapos dinner ka na! Ano sunod midnight snack?"


"Pwede naman," he smirked. Abay gago!


Nung tumagal napapayag rin ako. Dati kapag may ganitong nag-aaya sa'kin hindi ako pumupunta pero pag dating sa kanya hindi ko magawang umayaw.


Ang sabi niya sa'kin ay hihintayin niya daw ako sa carpark nung condo kung saan siya nakatira. Yung tinuro niya sa akin last week na condo, noong nasa park kami.



stellvstr: dito na, i hope there's no media living in here


j.pablo: did u bring your cap?


stellvstr: nakalimutan ko, nasa loob ako ng kotse ko ngayon


j.pablo: sige pababa na



Hinintay ko lang siya dito. Ayokong lumabas dahil baka may makakita sa'kin, mainit pa naman ang mata ng media ngayon. Maraming issue ang kumakalat.


I opened my window when I heard a knock. Sigurado naman akong siya yon kaya bumaba na ako agad. Sinuot niya sa akin yung dala niyang cap. Wow, alam niya talaga gagawin kapag ganito. He's always ready. Boyscout ka boi?


"Ang dami naman nito, dalawa lang tayo ang kakain," bungad ko nang makita yung limang putahe sa lamesa. May pasta, adobo, barbecue, grilled corns at desserts.


"Pwede mong iuwi yung matitira" he chuckled.


"Pwede din ako yung iuwi mo," he added.


Parang akong nabingi sa sinabi niya. Ramdam ko na nagiinit yung pisngi ko.


"You're blushing,"


"Tara! Kain na tayo! Nagugutom na ako," pagpapalusot ko. Tinawanan niya lang yun, halatang pinagtitripan ako!


Tahimik lang kami kumain. Walang nagbabalak na magsalita. Kukuha sana ko ng tubig nang magring yung phone ko.


"Sagutin ko lang saglit," pagpaalam ko sa kanya. Nang tumango siya'y agad akong pumunta sa may sala para hindi makaistorbo sa kanya.


[Kuya!! Napanood ka namin sa tv!] Bungad ng kapatid ko. Napangiti ako ng dahil doon.


"Galing ba ni kuya?"


[Oo, kuya! Ay kuya.. Punta ka daw dito ngayon sabi ni mama! Magpapahanda daw si mama kasi nasa achievers ako!] Napatingin ako kay Pau na tahimik na kumakain. Agad akong umiwas ako ng tingin ng tinaasan niya ako ng kilay.


"Subukan ni kuya ah, sige na may ginagawa pa si kuya. Pupunta nalang ako diyan," I assured him.


[Promise yan kuya ah? Love you!]


"Love you too," I answered before putting my phone down. Nagulat ako nang makita na nakatingin sa gawi ko si Pau, nakataas parin ang kilay.


"Who's that? Your non-showbiz boyfriend?"


"Ha? Boyfriend?"


"Narinig kita. You said 'love you too'," seryoso niyang sagot.


"Wait, nagseselos ka ba?"


"Yes," nagulat ako sa diretso niyang. Nakastraight-forward naman nito! Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Matatawa ba ako kasi pinagseselosan niya yung kapatid ko o magugulat kasi nagseselos siya.


"Well, kapatid ko ang pinagseselosan mo. Chill, I'm not dating anyone right now."


"This was a date."


Ewan ko nalang talaga dito! Parang may kakompetensya!


"Lunch 'to," sagot ko. Tumawa lang ulit siya. Hindi naman halata na kasiyahan niya ako ano? Char.


Nagmadali akong kumain para may kaunting time pa ako para bumyahe. Medyo malayo ang Cavite dito!


"Are you going home na? Hatid na kita sa carpark," tumango ako at sumunod sa kanya. Ang conyo niya sa part na yun.


Tahimik lang kami hanggang makababa sa carpark. Napatakbo agad ako sa kotse ko nang may makita tao roon. Malapit sa gulong.


"Hoy!" Sigaw ko pero nakatakbo na yun agad. Flat yung gulong. Tangina, BMW yung dala ko! Paano ako makakapuntang Cavite nito?!


"I'll ask someone to fix it. Kotse ko nalang ang gamitin natin."


"No.."


"Bakit? May problema?"


"Pupunta pa akong Cavite..." I lowered my voice. Hindi ko alam kung narinig niya ba yun o hindi.


"Anong gusto mong gawin? Mamaya pa maaayos ang kotse mo. That was the only idea, or else you want to commute."


"Fine," I answered, seemed defeated.


Sumakay ako sa kotse niya. He asked me to open my waze, and typed the address para masundan niya. Kinakabahan tuloy ako! Paano ko sasabihin kay mama at papa na may kasama ako?


'Ma, Pa, driver ko nga pala.'


O kaya 'Grab driver lang yan, ma.'


Hindi pwede eh! Masyadong corny! Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Ma, boyfriend ko nga pala.' Hindi naman kami...


Nang makarating kami sa tapat ng bahay, sinabihan ko siya na dito muna. Buti't pumayag siya kaya pumasok na ako sa gate.


"Ma? Pa?" Tanong ko, habang kumakatok.


"Kuya!" Sabay na sigaw ng mga kapatid ko. Yung isa sa kanila binuhat ko pa yung isa naman ginulo ko lang ang buhok. Sunod rin na lumabas aa pintuan si Mama.


"Ma," sambit ko tsaka nagmano.


"Buti nandito ka-, Sino yun anak?" Sumilip si mama kay Pau na nandoon sa kotse. Nakasandal at nakatingin sa malayo. Malalim ata ang iniisip.


"Ah, ano ma, ah.." Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko


"Papasukin mo, Stell aba! Paulan narin sa labas oh, baka magkasakit pa yan!"


"Sige po, tawagin ko lang. Sunod narin po kami sa loob."


Naglakad ako palabas at nagdala ng payong. Incase lang na umambon bigla.


"Pau? Pasok ka daw sa loob," he turned his gaze to me. 


"Okay na ko dito, nakakahiya. Go enjoy it with your family."


Mukhang hindi pa siya papayag kaya hinawakan ko na yung kamay niya. Hinila ko siya para makasunod sa akin. Nagpapabigat pa!


"Come on, Pau. Please?" I plead. Aha! Napapayag ko rin siya.


"Ma, Pa, si Pau. Pau si Mama at Papa." 


"Hello po, Ms. And Mr. Ajero," sagot niya. Masyado naman 'tong pormal!


"Mama at Papa nalang, hijo," sagot naman ni Papa. Wow.


"Mama! Gutom na ako!" Natawa ako dahil sa sigaw ng kapatid kong babae.


I sighed heavily. Feeling of relief.


We stayed quiet for the meantime, hanggang sa magsimulang magtanong si Mama at Papa.


"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon, hijo?"


"Ako po? Trainee po ako ngayon sa Entertainment nila Stell. Aspiring singer po," he glanced at me with a smile at her face.


Wow! Kapag iba kasama english! Kapag dito, straight tagalog! Ang unfair!


"Kaano-ano mo naman itong si Stell? Driver? Boyfriend?"


Nasamid ako dahil sa tanong ni Papa. Ano bang klaseng tanong yun! Kahit si Pau ay naubo dahil doon.

"Friend po.. Close friend," Pau clarified. Mukhang hindi pa kumbinsido si Papa sa sagot niya!


"Oo papa! Friend ko siya," satsat ko.


"Wala ba kayong balak mag-boyfriend?"


"Actually I have plans. Hinihintay ko lang po siya ngayon," tinignan niya ako. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil nailang kami.


"Ikaw ba anak?"


"Pinagiisipan ko lang din po ngayon, ma. Busy pa ako masyado," kabado kong sagot.


Gladly, hindi na sila nagtanong pa tungkol doon. We've talked more about many things. Gaya ng kamusta kami sa Manila, at projects.


Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na akong uuwi. Nagbigay narin ako ng pangallowance ng dalawa kong kapatid. Ako naman ang bahala sa payments nila dito sa bahay gaya ng kuryente't tubig.


"Yung tungkol sa sinabi mo kanina.."


"No pressure. I'm willing to wait, Ves."


I let out a smile. After that, he drove me home. Bukas ko na kukuhanin yung kotse ko dahil gabi na. Traffic narin kung pabalik-balik pa kami. Sayang lang sa oras.


"Thank you, message me if you already home. Ingat ka," I waved my hand after. Hinintay ko narin siyang makaalis bago ako umakyat sa unit ko.


"Hay, Pau," hiniga ko agad ang sarili ko sa kama.


Naalala ko yung sinabi ni mama kanina. Bigla rin pumasok sa isipan ko yung pag-amin at mga sinabi ni Pau kanina. Yung breakfast, lunch, dinner ko kasama siya. Yung pagtuturo ko sa kanya noong nahihirapan siya sa ipeperform niya para sa audition. Lahat, isang buwan palang halos nung nagkakilala kami.


Yung mga araw na feeling ko hindi kumpleto yun kapag hindi siya nakakausap. Yung sudden butterflies.. noong niyakap niya ako.


Eto na ba yung sign non?


To: Josh

Paano mo ba masasabi kapag gusto mo na yung isang tao?


***


havenlyjah

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

159K 5.7K 91
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
156K 4.7K 49
matilda styles, will you be my valentine? (please reject me so i can move on) ⋆ ˚。⋆୨💌୧⋆ ˚。⋆ IN WHICH christopher sturniolo falls for nepo baby or...
1M 34.3K 61
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...
492K 14.2K 106
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc