23

298 27 11
                                    

"Boto parin pala sa akin si tito e, paano ba yan?" Pang-aasar niya sa akin pagkatapos namin maghapunan. 



"Siya lang. Huwag mo akong idamay."



Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon. Nandito kami sa may upuan sa harapan ng bahay habang pinapalipas ang ulan. Hindi ko alam kung bakit pa siya nandito, may kotse naman siyang dala. 



"Uh, I asked tito kanina kung may dala kang kotse, sabi niya wala. Mukhang hindi pa titila yung ulan, uuwi na ako. Gusto mong sumabay?" He suddenly asked.



Nagdalawang-isip pa ako. "Sige, kung hindi abala sa'yo. Magpapaalam lang ako kay nila mama."



Sakto rin na pagkasabi ko noon ay lumabas sila mama. "Aalis na kayo?"



"Opo tita. Thank you for inviting me. Pasabi nalang rin po kay tito," Pau smiled. 



Pagkatapos niya magpaalam, tsaka lang ako bumeso kay mama. We take Pau's car, that Jeep Wrangler he used before. Medyo malayo pa naman kami kaya umiglip muna ako saglit. Nagising lang ako noong naramdaman kong huminto yung sasakyan.



"Nandito na tayo sa harap ng condo mo. Sorry, I can't go out with you, media is everywhere," I saw the panic and nervousness in his eyes. 



"Ayos lang. Salamat nga pala sa paghatid," I smiled. Akmang palabas na ako ng kotse niya nang tawagin niya ako muli.



"Stell."



I narrowed my eyes. "Hmm?"



"About my concert this upcoming Saturday... sigurado ka bang hindi ka pupunta?"



I haven't decided about it. Mawawala na siguro sa isipan ko yun kung hindi niya pinaalala. I still have the ticket with me. "Susubukan ko. May tanong ka pa ba? Kung wala mauna na ako."



I was about to step out when he asked again. "Hindi mo ba manlang ako sasabihan na itext ka kapag nakauwi na ako?" 



"Pau, hindi na tayo bata—" I stopped when he pouted. "Sige na nga. Itext mo ko kung nakauwi ka na."



Bago pa man siya makapagsalita ay umalis na ako. Baka magtanong pa siya ng kung ano-ano at mahuli pa kami nang mga tao sa paligid. 

Above the OceansWhere stories live. Discover now