18

286 31 5
                                    

"Pre, CR lang ako," tinapik ko sa balikat si Adrian, kasamahan ko sa magperform sa banda.



Nandito kami ngayon sa sinehan. Kakatapos lang kasi ng gig namin sa may bar kaya nanood kami nung new release movie. Sakto pa na bigayan ng sweldo.



Pagkapasok ko, I noticed a cap in the edge of the last sink. Sa may tapat ng last cubicle. Nagtaka ako kung kanino kaya kinuha ko yun at tinago muna.



"Gago pre! Nandito pala kanina si Stell! Idol mo yun diba?" Bungad sa akin ni Adrian pag alik ko sa seat namin. Pinakita niya sa akin yung IG story ni Stell kung saan hagip si Ken at yung movie na pinapanood nila. Same lang kami ng movie kaso nauna yata sila dahil 30 mins ago posted yung story na yun.



Napatingin ako sa cap na suot niya at sa cap na nakita ko sa comfort room kanina. Same design, same color rin. Sa kanya kaya 'to? Hindi ko alam kung paano siya tatanungin, hindi naman kami close e. Kahit isa ako sa admin na nagmamanage sa fanbases niya. Ni wala nga kaming conversation o interaction.



I kept on fighting the urge to message and asked him about the cap but I end up sending him a chat on Insta. Hindi naman ko umaasa na mapapansin niya yun, pero sumagot siya sa kalagitnaan ng gabi.



I gave the cap to him after their performance sa UP Fair the next day. Hindi na nga siya nakapagpasalamat dahil may tumawag na sa kanyang staff. I guess, tumakas lang siya.



I invited him for a dinner. Hindi pa nga ako makapaniwala noong pumayag siya. I mean he's one of the successful artists in the industry, and I'm just one of his fans.



He's so interactive and nice to people. No wonder why many people love him. Including me.



Napadalas yung pagkikita namin. Inaaya ko siya kumain kung saan pumapayag naman siya. Aaminin ko na naging silent fan niya ako simula nung nagkaroon ako ng gig sa mall. Tapos ngayon, nandito uli ako sa interview na.



We started to get close until I confessed. He helped me to apply for his entertainment's audition. Noong una ay ayaw ko pa pumayag pero nung marinig ko na nagtitiwala siya sa akin, I strive harder.



"Papunta sa’yo,"



Nandito kami ngayon sa Cebu. I followed him here since Sir Kim gave me a chance. I captured some of his photos in his performance.



"I love you."



"I love you too, I always do," I leaned to him before giving him a kiss. That first kiss.



When we came back in Manila, naging busy kami pareho. May mga interviews siya habang ako ay nagpaplano na for my debut as an artist.



Every single time I spend with him is memorable. We confirmed our relationship on our first monthsary. Nagtuloy-tuloy na hanggang sa maging successful yung debut ko.



From: Lex

Kuya, kailangan ka daw dito sa bahay. Nag-aaway sila papa.



To: Lex

Susubukan ko, ha. May taping pa si kuya, bukas pa siguro ako makakauwi diyan.



Pagkatapos ko yun isend ay bumalik na ako sa taping ng interview namin. Nang matapos ay umuwi ako sa condo namin. I rest there with Stell. Pero umalis rin ako ng maaga para kumuha ng damit sa dati kong condo. I just leave a note there.



"Ano ba yung ginawa mo!? Bakit ka pumayag sa kontrata ng lalaking yun? Diba nga ang sabi ni Paulo ay siya na ang bahala!" Rinig kong sigaw ni mama. Abot yun hanggang sa labas ng bahay.



"Ayokong makulong!" Sigaw pabalik ni papa.



"At ano naman ang kapalit niyan?"



"Kailangan ko lang mapilit ang anak mo na makipaghiwalay sa lalaki niya! Ayun ang inutos sa akin ni Mr. Jimenez!"



My system stopped. Minsan ko na nga lang silang makita ganito pa ang mapapakinggan ko? Nahulog sa kamay ko ang dala kong gamit. Saka sila tumingin sa akin. I was stunned in front of them. Unti-unting nagproseso sa akin ang sinabi ni papa.



"Handa naman akong tumulong, pa! Tangina, sinabi ko na may abogado na diba? Kaya ko naman bayaran yung pinsalang ginawa niyo! Bakit kailangan niyong pakialaman yung relasyon ko? Ganyan na ba kayo kadamot?"



"Anak, sorry.." hinawakan ni mama yung kamay ko pero agad ko yun inagaw.



I picked up my bag. Lumabas ako ng bahay. Gusto ko munang mapag-isa. Nagbook ako sa pinakamalapit na hotel. Ilang araw ako nagisip. Kinausap ko yung nabangga na kotse ni papa na babayaran ko nalang pero huli na lahat.



"Maghiwalay na tayo."



That was the fucking sentence I regret saying in my whole life. I lost him... but I need to do that just to fix everything. I was forced to break up with the man I loved.



He's asking for my reason but I couldn't tell it right away. Tanggap ko na nasaktan ko siya, kaya ng mabalitaan ko nung gabing yun yung tungkol sa leaked photo niya, nasira uli ako.



Alam kong hindi niya kayang gawin yun. But people think he did. Hindi niya nga ako kayang saktan e, magloko pa kaya. I was devastated. Nandoon ako sa bar ni Jah magdamag. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari.



Kinabukasan, I found Stell in front of me. Anger flows in his eyes. Alam ko rin ang dahilan noon.



"Magalit ka sakin. Murahin mo ko, saktan mo ko. Huwag mong itago yung sakit sa sarili mo."



Nang magsimula siyang magsalita, I started to realize everything. I can't blame him for arguing with me about what I did. Tama siya, hindi madali makakuha ng offers, tapos ganoong lang kadali para sakin tanggihan.



"Stay.. Just stay. I want to spend the whole day with you," I pleaded.



He stayed. We watched the sunset again. We watched my performance on tv together. I spend the whole day cuddling and kissing him, as if my life depends on it. Sinulit ko na yung araw na 'to. Kasi baka bukas hindi ko na siya makita pa. Nangako ako sa kanya na bibitawan ko siya pag humakbang siya palabas ng unit na 'to. I lied to him again.



Hindi ko siya kayang bitawan, kahit ako yung unang sumuko.



***

havenlyjah

Above the OceansWhere stories live. Discover now