That One Night

By ArishaBlissa

156K 1.4K 129

Love is full of mystery. Under the heat, their steaming night. Under those heavenly kisses and lustful touche... More

♦️♣️♥️♠️
♦️1
🌹2
♣️3
♥️4
♠️5
♦️6
♣️ 7
♥️ 8
♠️9
♦️ 10
🌹 11
♣️ 12
♦️ 13
🌹14
♠️15
♦️16
❤️ 18

♠️17

3.4K 47 19
By ArishaBlissa

That One  Night

Chapter 17

 Everyone deserves to be free.

NINIANA VELAROZA

Ngayon ay nasaksihan ko na. Hindi ako makapaniwala na. Nakaharap ko na siya. 

Naramdaman kong ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan. Nananatili lamang akong nakapikit. Iniiwasan ko na hindi niya mahalata na siyang alam ko ang nangyayari.  Nang paandarin niya ang sasakyan ay minulat ko ang aking mga mata nang hindi niya namamalayan. Dahan-dahan akong napalunok. Hindi ko maiwasan kabahan ng sobra. 

Pero alam kong kakayanin ko ito, para sa kanya.

Kay Pierre.

Nagpatuloy lamang ako sa pagpapanggap na walang malay hanggang sa inihinto niya ang sasakyan sa isang parking lot ng isang kilalang Condo tower kung saan nandirito rin ang unit ni Irish at nung Doktor.

At nakahanda sila para rito sa ginagawa ko.

Lumabas siya ng sasakyan at iyon ang kinuha kong pagkakataon upang may kuhanin sa bulsa ng suot ko at pinakahawakan iyon. Muli akong bumalik sa pagkakahimatay. Naramdaman ko ang muli niyang pagbuhat sa akin.

Pumasok siya sa elevator ng parking lot. At nagsimula na iyong umandar pataas. Nakarating kami sa unit niya at naramdaman kong inihiga niya ako sa isang couch. Pigil hininga ako habang nararamdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko pababa sa leeg ko. Pagkatapos ay sinisimulan niya akong bigyan ng mga pinong halik sa aking leeg at balikat. Tiniis ko iyon upang hindi ako mahuli.

"Gising na aking mahal..." Bulong niya sa akin.

Sinunod ko siya, kasabay na ginawa ko ang itinuro sa akin upang isipin lamang nito na tumalab sa akin ang isinaksak niya. Pero ang totoo ay napalitan iyon ng placebo.

Direkta lamang na nakatingin ako sa pader na tila walang alam sa nangyayari.

Hinaplos niya ang buhok at mukha ko.

"Ganyan nga mahal ko, akin ka sa gabing ito." Bulong niya muli.

Hindi pa rin ako kumikibot. Walang emosyon lamang akong nakatulala tulad ng sabi sa akin.

Tumayo at tumalikod. Nagtungo siya sa isang silid. Napatingin ako sa dalawang wine glass na may laman. Mukhang nakahanda iyon na iinumin namin.

Mabilis kong ibinuka ang hawak ko kong gamot na pinulbos. Mabilis kong inilagay iyon sa dalawan wine glass parang kahit ano ang maibigay niya sa akin ay maiinom niya ay nilagyan ko ng ganon at muling bumalik sa pagkakatulala ko.

Lumabas na siya sa silid na pinasukan niya at tulad ng inaasahan ko ay kinuha niya ang dalawang wine glass at ibinigay sa akin ang isa.

Pinag cheers niya mga wine glass namin.

"Sabay natin inumin..." Sabi niya.

Sinunod ko siya at dahan-dahan kong inilagay sa bibig ko ang wine glass. Tuluyan niyang ininom ang kanya. Habang ako ay isinasayad ko lamang sa labi ko ang laman ng wine glass.

"Ano'ng problema? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya.

Nagtaka siguro siya dahil hindi pa nababawasan.

Ibinaba ko ang wine glass. At napatingin sa kanya.

Napahawak siya sa sentido niya.

"Ano'ng nangyayare... Bakit ang labo ng nakikita ko!" Simulang sigaw niya.

Tuluyan akong napatayo. At may ibinulong sa kanya.

"Magiging masaya ang gabing ito para sa ating dalawa, h'wag kang mag-alala." Pagkasabi ko non ang ngumisi ako.

Naglalaki ang mga mata niyang napatingin sa akin.

Nagsimula na ang laro namin. 

Para kay Ezekiel Rios.

Nalaman ko ang lahat nung mismong launching  party ko. Nagkaroon na ako ng malay non nang naririnig may kausap si Irish. Ang huli kong natatandaan ay ang paghalik sa akin ni Pierre. Hindi ko pa gaano minulat ang aking mga mata pero naririnig ko na ang argumento sa pagitan ni Irish at ng lalaking may buhat sa akin.

"H'wag ang kaibigan ko, Ezekiel." Bantang sabi ni Irish.

Ako naman ang nabigla. Si Ezekiel ang lalaking may buhat sa akin ngayon?

"Irish Best friend, tinutulungan ko lang siya." Sagot ng lalaki.

Paanong...bakit kaboses ni Pierre? Si Pierre ba ito? Pero Ezekiel daw sabi ni Irish? Naguguluhan ako lalo na at nahihilo pa rin ako.

Tinaasan siya ng kilay ni Irish. Ano bang nangyayare? Labis na akong naguguluhan pero mas pinili ko pa rin na makinig na lamang sa usapan o argumento nila baka sakali na may maintindihan ako sa nangyayari.

"You don't fool me, H'wag mo akong subukan, Ezekiel." Sabi ni Irish na nakataas ang kilay.

Tila naging aggressive ang lalaki. Mas lalo kong nakita ang kanyang mukha kaya mas nagpanggap ako na wala pa ring malay. Kamukha niya talaga si Pierre! Pero ganito din ang suot ni at amoy  Pierre.

Si Ezekiel at Pierre ba ay iisa? Ano ba. Gulong-gulo na ako.

"Oh come on! She fainted! Just let me help her!" Sigaw nito. Parang kulang nalang ay saktan niya si Irish.

"Well, dalhin natin siya sa couch ng office and let her rest there for a while." Utos ni Irish sa kanya saka ito tumalikod. Ako rin ay nabibigla sa katapangan ng bestfriend  ko. Pero marami siyang dapat ipaliwanag sa akin. "Follow me, Mr. Rios." Muling utos niya.

So, it's confirmed. Si Ezekiel Rios ngayon ang may buhat sa akin. Pero iisa lamang ang mukha nila ni Pierre pero nagkaiba sa personalidad at mga mata. This guy, masyadong sharp looking. Samantalang si Pierre ay lifeless ang mga mata at akala mo ay laging luluha.

Sumunod siya kay Irish pero agad rin na huminto at tumigil sa may couch na nasa labas ng office.

"Dito nalang." He suggested to Irish.

Nilingon siya ni Irish at inihiga naman niya ako sa couch. Pwede na yata akong manalong best actress dahil sa galing kong magpanggap na wala pa ring malay.

"You know what, Ezekiel? The most dangerous person is the one who pretending that they didn't know everything. The liars. So, be careful." Makahulugang sabi ni Irish. Grabe gusto ko na siyang palakpakan.

Sumagot naman ang lalaki. Hindi ko pa rin matukoy kung si Ezekiel siya o si Pierre. Naguguluhan pa rin ako.

"I don't care If you're a liar. I don't care if you're an enemy. I don't care about you, I can do what I want." Sabi niya saka niya ako muling binuhat. 

Saan na naman niya ako dadalhin?

"You're really want to provoke me, don't you? Okay, I'm so very easy to talk with." Sabi ni Irish. Nakita kong kinuha niya ang phone niya at itinapat iyon sa taenga niya. "Hello? Chief? I just want to report that my best friend is in danger because she was kidnapped by----"

"STOP IT!" Sigaw ng lalaki.

Ibinalik niya ako sa couch. 

"You'll pay for this! Irish!" Sigaw niya.

Tuluyan siyang nag walk out.

Habang nakatalikod si Irish ay bumangon ako at naupo sa couch. Lumingon siya at labis ang pagkabigla nang makita ako sa ganoong ayos.

"Nini!" Kaagad niyang sabi saka ako dinaluhan. "Don't tell me... Kanina ka pa—" gulat na gulat siya.

"Oo, kanina pa at narinig ko ang lahat. Naguguluhan ako pero sana maipaliwanag mo sa akin ang lahat." Wika ko.

Malinaw pa sa tubig na si Ezekiel Rios ang naka argumento niya kanina. Pero ang hindi ko maintindihan ay kamukha ito ni Pierre. Si Pierre nga ba iyon? Kasi suot niya kung ano ang suot ni Pierre. Ah! Basta! Ang gulo-gulo!

"I'm going to the main point. Pierre had DID or Dissociative Identity Disorder. Isa sa mga alter niya ay si Ezekiel Rios na siyang ikinukwento mo... I'm so sorry Nini, if I hide this to you." Apologetic na saad niya.

So, una palang pala ay kilala na niya si Ezekiel Rios?
But, I know what is DID. Nasa medical field ang pamilya ko lalo na at may laboratory kami ng gamot. Kaya alam ko kung ano ang mga pino-formulate na mga medicines sa laboratory. Isa na nga rito ang gamot para sa mga may mental health issues.

"Understandable naman Irish, kasi alam mong maguguluhan talaga ako." Tumabi siya sa akin.

"It's really confusing talaga, Nini. Pero isa na rin sa nakiusap sa akin ay si Pierre. Because eversince na nasa California  ako ay alam ko na ang patungkol doon."

"I'm not mad at you, naguguluhan lang talaga ako but now, medyo gets ko na ang situation. My question is, sino kay Ezekiel at Pierre ang totoong host?"

Napatingin siya sa akin. Magkaklase kami noong college kami sa Psychology class namin. Kaya hindi nakakapagtaka kung alam niya na interested ako sa mga ganitong topic. Sabihin na nating, mataas ang logic at analytical ko.

"Si Pierre. Samantalang si Ezekiel ay alter lang na pilit an inaangkin ang katawan ni Pierre." Sagot ni Irish.

"Goodness gracious!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla akong kinabahan.

Alam ko na delikado ang mga malalakas na alters. And most of them are possessive.

"Kaya labis akong nag-alala sayo, because knowing Ezekiel. Kapag nagsawa na siya sa isang babaeng kinababaliwan niya..." Napahinto siya.

"Bakit? Ano'ng ginagawa niya?" Tanong ko.

"Gagawin niya ang lahat upang mawala ito sa landas niya. Walang sinisino si Ezekiel kaya, nakakatakot siya. Lahat kaya niyang saktan o patayin..." Saad niya.

Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Which is accurate para sa mga powerful alters.

"Ano ang dapat nating gawin?" Tanong ko.

"Ang magtulungan tayo upang mawala sa isipan ni Pierre si Ezekiel."

Sabay kaming napatingin ni Irish sa nagsalita. Isa itong lalaki na mukhang dumalo rin dito sa launching ko. May hawak pa siyang N'fume wild edition.

"Doc Flynn!" Tawag sa kanya ni Irish.

"Bukod sa narinig ko mga napag-usapan niyo ay pinanood ko si Ezekiel mula sa phone ko kung ano ang gagawin niya pagkauwi. Salamat talaga at hindi niya nakita ang mga hidden camera's na naka install sa condo ni Pierre."

Sabi nito. Tumingin lang ako kay Irish indication na ipakilala sa akin ang dumating.

"Siya nga pala si Dr. Flynn Vallejos, ang Psychiatrist ni Pierre." Sagot ni Irish.

Tumango-tango ako.

"Good evening Doc, thank you sa pagpunta at pagpurchase sa perfume ko." Sabi ko.

"No worries Miss Velaroza, I really love perfumes too. Marami akong collections. Na hook ako sa amoy ng perfume mo. It's really... Scents of euphoria." Nakangiti niyang sagot.

Ngumiti lamang ako.

"Dali Doc, tell me  kung ano ang pinaplano ni Ezekiel." Tanong ni Irish.

Pero si Doc Flynn ay nakatitig lamang sa akin

"Na observe ko ang lahat mula kanina. Mayroon ka ring pyrophobia katulad ni Pierre. Alam mo b na lumalabas lamang si Ezekiel kapag nakakakita ng apoy si Pierre?" Makahulugan niyang wika.

"What do you mean by that?"

Lalo siyang napangiti at may inilabas na kung ano'ng kwintas sa bulsa niya at itinapat iyon sa akin.

Nang matitigan ko iyon ay para bang umikot ang paligid ko. Pakiramdam ko ay dumidilim ang paligid ko.

At tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

--
 


Continue Reading

You'll Also Like

201K 15.2K 16
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
230K 12.9K 34
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
2.8M 61.8K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
3.2M 131K 59
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...