Until our paths cross again...

By IamMartinaWrites

56.2K 3.7K 1.2K

(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but... More

Prologue
Synopsis
1
2
3
4
My Apologies
6
7
8
9
10
11
12
-Please Read-
13
14
Sorry For Plugging!
Another Story!
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
Social Media Accounts💞
35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Update
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Update
51
52
BC
53
54
55 (Part I)
55 (Part II)
Chapter 55 (Part III)
Epilogue (Part I)
Epilogue (Part II)
Epilogue (Part III)
Epilogue (Last Part)
Author's Note
Special Chapter

5

886 34 12
By IamMartinaWrites

"Bakit may tuta dito sa kwarto mo?! WAAAAH!" napatalon ako pakarga kay Zachareus sa sobrang gulat ng biglang dilaan ng tuta ang paa ko. Ang walang hiyang kaibigan ko tawa ng tawa. Pinaghahampas ko siya sa likod habang nakakarga pa din ako sa kanya, nakakunyapit yung binti ko sa bewang niya.

"Arf! Arf!" kahol ng pashneyang tuta! Lalo akong sumiksik kay Zachareus. Sa inis ay kinagat ko ang balikat niya kaya ayon naglikot-likot siya sa sakit.

"Aww! Tama na! Argh! Dinaig mo pa si  Nappy kung kumagat!"

Hindi ko siya pinansin, napipikon ako sa ginawa niya, alam naman niya na takot ako sa aso o tuta pero talagang dinala niya pa 'ko dito sa kwarto niya at isa pa, malakas ang hinala ko na itong pashneyang tuta na ito ang gusto niyang ipakita sa akin!

Nang mapalapit sa kama ay tumalon ako doon at agad na kinuha si Clingy. Ang sama ng tingin ko kay Zachareus samantalang hindi siya matigil sa kakatawa. Kinuha niya ang tuta at kinarga at nakita ko iyon bilang pagkakataon para umalis sa lugar na iyon. Hindi ko pinansin ang mga pagtawag niya.

"Huwag kang susunod!" pagbabanta ko sa kanya ng maramdaman ang mga yabag niya pasunod sa akin. Agad naman siyang natigilan at lumambot ang expression ng mukha, nawala ang nakakalokong ngisi at tawa doon at napalitan ng pagaalala ng mapansing malapit na akong maiyak.

OA na kung OA pero nakakainis kasi, eh. Siguro hindi niyo pa nararanasan 'to pero yung feeling na ginawang katatawanan yung bagay na kinatatakutan mo? Nakakapikon nakakainis, nakakaiyak!

"Hey.. I just want to show Nappy to you." malambot ang tonong aniya.

"Magsama kayo ng alaga mo!" tinalikuran ko na sila ng tuta niya at nag dire-diretso palabas ng bahay nila.

"Miks wait!"

"Mikay!" #balakajan!

"Mikaella! Whooo!"

"Hey! Ganda!" okay muntik na kong bumigay doon pero hindi! Naiinis pa din ako!

Hindi ko na talaga siya pinansin at patakbong lumabas ng bahay nila, kahit nakasalubong ko ang natatawa at umiiling-iling na kasambahay nila pagkababa ko ng hagdan ay hindi ko na din pinansin pa.

Siguro nakakatawa nga ang reaction sa mukha ko kanina. Mas lalo akong nainis, did I act like a kid again? Napapadyak ako sa daan at sa halip na umuwi sa bahay ay dinala ako ng mga paa ko papunta sa park, bagay na hindi ko sana ginawa.

"Mikaella!" kumakaway pa sa akin si Samantha, sa harap niya ay ang kanyang lola na nakaupo sa wheel chair bagaman at mukhang mas maayos ang lagay ng kalusugan nito ngayon kaysa noong unang dating nila dito sa Manila. Katabi naman ni Samantha sa kanan niya ang kanyang ina.

Maganda ang ngiti nila sa akin kaya napangiti din ako. Lumapit ako sa kanila kahit na may pag-aalangan. Hindi ko sila iniiwasan, sadyang natatakot lang ako makabalita mula sa kanila ng hindi magandang bagay.

"Kamusta po?" nagmano ako sa dalawang ginang samantalang hinawakan ko naman sa balikat si Samantha.

"Maayos kami hija, mukhang wala naman masamang epekto sa katawan ni nanang ang bagong kapaligiran, sa totoo nga niyan ay mas bumuti ang kalusugan niya mula ng mapunta kami dito. Ikaw? Bakit hindi ka pumupunta sa bahay ng mga.. F-Fuentabella?" bigla ay nag-alangan ang ginang kung itutuloy ang huling salitang sinabi. Naging alanganin din ang kanyang ngiti.

Ayoko ng kinakaawaan ako, ayoko ng nakikita ng ibang tao ang kahinaan at nararamdaman ko. Ganoon ako pinalaki ng pamilya ko, ngunit sa inasta ng ginang ngayon, sa halip na magpaapekto ay mas pinili ko ulit na mag pretend na okay lang ako. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti bago nagsalita.

"Maayos din naman po ako pero masyado lang pong naging abala sa School kaya hindi na po ako nakapunta sa inyo." magalang na sagot ko.

"Ganoon ba? Aba'y hindi ba kayo nagkikita nitong aming si Samantha sa eskwela?" napatingin ako kay Samantha ng may pagkagulat. Animo nahulaan naman niya ang nasa isip ko kaya tumango siya.

"Schoolmates pala tayo? Hindi mo sakin nabanggit na doon ka din pala nag-enroll?" tanong ko sa kanya.

"Biglaan kasi, huli na din nung malaman ko na doon pala ako pina-enroll ni Dominic." sagot naman ni Samantha.

"Anong year ka na ba?"

"3rd year na ako, ikaw ba?"

"Aww sayang naman, akala ko pwede tayong maging magkaklase, 4th year na 'ko, eh."

"Huwag kang mag-alala, palagi kitang nakikita sa School, magkalapit lang din ang rooms natin at mukhang magkadikit lang din ang mga schedules, iyon nga lang hindi ako makalapit sa iyo dahil palagi kang maraming kasama, nakakahiya kasi, alam mo na, hehe." kiming ani Samantha.

"Ay ano ka ba naman! Next time na makita mo ako tawagin mo ako, ha? O kaya naman ay i-text or tawagan mo ako, okay?"

"Okay. Sabi mo, eh." nakangiting aniya.

"Teka, may mga kaibigan ka na ba sa School?"

"Meron naman kaso hindi ako masyadong makasabay sa kanila, alam mo na, mahirap lang kasi kami kaya hindi ako sanay sa mga sosyalan, ang yayaman ng mga students doon! Yung pang-isang araw na allowance nila, pang isang linggo ko na sa dati kong School! Mababait naman sila at maayos naman makisama, sadyang ako lang yata talaga ang may problema, hindi kasi ako sanay gumastos ng sobra." mahabang paliwanag ni Samantha.

"Madalas ngang sabihan ni Dominic yang bata na iyan, eh. Laging pinaaalalahanan na huwag gugutumin ang sarili sa School dahil maayos naman ang allowance na pinadadala ni Dominic at Sir Kier sa kanya."

Parang may sumaksak sa puso ko sa narinig. Mabuti pa pala si Samantha naiisip niya, mabuti pa sila natatawagan niya.

Tumikhim muna ako bago nagsalita para matanggal ang bikig na biglang namuo sa lalamunan ko, maging ang paglunok ay naging mahirap para sa akin.

"Nagpapagutom ka sa School?" totoong concern ako, kaibigan na din ang turing ko kay Samantha mahalaga na din siya sa akin at bilang babae ay hindi naman ako naninibugho sa kanya dahil siya ay naiisip ni Kiel at ako ay hindi.

"Noong first day lang naman ng School dahil wala pa akong kakilala."

"Dapat kasi ay pinuntahan mo ako sa bahay para sabay na tayong makapasok, next time ganun ang gawin mo ha? Masamang nagpapagutom." ang galing kong magpaalala sa kanya ngunit sa sarili ko ay hindi ko na iyon nai-aapply ngayon.

Palagi kasi ay wala akong ganang kumain, nagsimula lang iyon noong..basta.

" Makinig ka kay Mikaella, anak." sabi naman ni Manang Evitha sa kanya.

"Opo." nakangusong sagot ni Samantha.

"Ahm, mauna na po muna ako, nakalimutan ko na may kailangan pa nga pala akong gawin."

"Ganoon ba? Sige hija, sa susunod ay aanyayahan ka namin na magminindal sa iniregalo sa aming bahay ng mga Fuentabella, ha? Huwag kang tatanggi." saad ni Manang Edna na siyang lola ni Samantha.

"Opo naman, sige po mauna na po talaga ako sa inyo. Sam, magkita na lang tayo sa School." ngumiti pa muna ako sa kanila bago umalis.

Ang plano kong maupo at makipaglaro kay Clingy sa park ay hindi natuloy.

Kanina ay naiinis ako kay Zachareus, ngayon naman ay nalulungkot na ako, nasasaktan.

Parang bumabalik lahat ng sakit, akala ko nagiging okay na ako, akala ko ay nakakalimot at nalilibang na ako mula sa mga isipin na dulot ng pag-alis ni Kiel ng walang paalam at ng hindi niya pagpaparamdam.

Nakakapagod palang magpanggap na okay ka, nakakapagod magtago ng totoo mong nararamdaman.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng bisekleta ko, umuwi ako kanina at nagpaalam na igagala si Clingy pero ang totoo ay ayokong mag-stay sa bahay, ayokong umiyak, ayokong mag-isip pero heto ako ngayon habang nagpepedal ng bike, lumilipad sa kung saang dimensiyon ang isip, ni hindi ko nga namalayan na lumuluha na pala ako, eh.

Nang makaramdam ng pagod ay huminto ako sa lumang Park, bandang dulo na ito ng Village at kakaunti pa lang at magkakalayo ang mga bahay. Tahimik, ito ang gusto ko. Ito ang kailangan ko.

Mula sa basket na nasa harap ng bike ay kinuha ko si Clingy.

Umupo ako sa ilalim ng may kalakihang puno at sumandal doon habang hinihimas-himas si Clingy sa ulo.

"Bakit ganoon, Clingy?" nagsimula akong kausapin ang alagang pusa kahit alam kong wala naman akong mapapala sa kanya na sagot. Basta ang alam ko lang ay gusto ko ng mapagsasabihan ng mga nararamdaman ko.

"I'm just 15. Pero bakit ganito na kabigat yung mga nangyayari sa buhay ko? Hindi ba pwedeng sumaya na lang ako? hindi ba talaga pwedeng sumaya na lang palagi lahat ng tao?" huminga ako ng malalim, sabi ko ayokong umiyak, hindi ako iiyak pero ito't umiiyak na nga ako, hindi ko napigilan, pati luha ko ay tinatraydor ako.

Padabog kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi ngunit kahit anong punas ang gawin ko ay walang saysay dahil patuloy lang iyong nababasa.

"Nakakainis naman, eh! Pati ba naman kayo mga luha ay tinatraydor ako?" napayuko na lang ako sa tuhod ko at doon umiyak ng umiyak.

"Ang ingay naman!" ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha ngunit wala akong makitang tao.

"May tao ba diyan?" kinakabahan na tanong ko ngunit walang sumagot.

"Wala namang tao, ikaw ba ang nagsalita Clingy, ha? Pero paanong nangyari yun, eh pusa ka? Nakakapagsalita ba ang mga hayop ng lenggwahe ng tao?" saglit akong napaisip.

"Argh! Nababaliw na yata ako." sibabunutan ko ang sarili ko at muli na lang napaiyak.

"Sinabing wag maingay!" napatayo na ako sa sobrang gulat.

Hindi si Clingy ang nagsalita dahil una sa lahat malabong mangyari yun, pangalawa matino pa naman ang isip ko para mag hallucinate. Nilibot ko ang paningin ko para tignan kung saan galing ang boses na iyon.

Pag-ikot ko sa likod ng puno na siyang kinasasandalan ko kanina ay nanlaki ng kaunti ang mata ko sa nakita.

May lalaki! At nakatakip ng libro ang mukha niya kaya hindi ko makita ang itsura.

"S-sino ka?" tanong ko sa kanya. Padabog niyang inalis ang libro sa mukha niya at inis na tumingin sa akin, ngunit kataka-takang biglang lumambot ang expression ng mukha niya pagkakita sa luhaan kong mukha, namamaga na siguro ang mata ko ngayon kakaiyak at namumula na din marahil ang ilong at kilay ko, ganoon naman palagi sa tuwing umiiyak ako.

"Who are you?" kalmado nang tanong niya sa akin.

"I'm..not your business." ayokong magsungit pero nainis kasi ako sa inasta niya kanina, alam na ngang may umiiyak tapos bubulyawan niya pa, pwede naman na manahimik na lang siya sa likod o kaya ay umalis ng tahimik kung naiingayan siya.

Tumayo ang lalaki, kasing tangkad lang siguro siya ni Kiel.

Yan, Kiel na naman sige!

"I'm peacefully having my nap here before you came, Miss not-your-business." aba't talagang! In-assume niya pala na iyon ang pangalan ko?!

"That's not my name!"

"Then you're my business?" nice logic!palakpakan!

"Ewan ko sa'yo Mister!"

"I'm not your mister."

"May sinabi ba ako?" pangsusupla ko sa kanya.

"You just said mister. Iyon ang sinasabi ng mga Mommy ko palagi, for example "sasabihin ko muna kay Mister, or kakausapin ko si Mister." paliwanag niya sa akin.

"Ewan ko sa'yo! Ang pangit mo kausap!" inirapan ko siya at bintbit na si Clingy paalis.

"By the way, I'm Cayl! Nice meeting you miss I'm-not-your-business crying baby!" pahabol niyang sigaw.

Sinamaan ko siya ng tingin bago sumakay sa bike.

"I'm not interested!" sigaw ko bago ipedal ang bike at umalis sa lugar na iyon.

Mas lalo akong nainis, makakakilala na nga lang ako ng bagong tao, iyong malapit pa sa pangalan at ugali ni Kiel!

Idinaan ko muna si Clingy sa bahay, hindi na ako nag abalang pumasok sa loob, nilusot ko lang siya sa pagitan ng bakal ng gate. Nakita naman iyon ng guard kaya panatag ako.

Nagpedal ako ng nagpedal hanggang sa malapit sa gate ng village, sumilong ako sa lilim ng puno dahil medyo tirik na ang araw bagama't hindi pa masyadong masakit sa balat iyon.

Mula sa bulsa ng suot na jacket ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial.

Ilang ring din bago sumagot ang tinawagan ko.

"Friend! Are you okay?" iyon agad ang bungad sa akin ni Cassey.

"Cass..nahihirapan na 'ko." pumiyok ako dahil sa pag-iyak.

"Oh my gosh! Nasaan ka ngayon?!" hindi ako makasagot, pilit kong pinapatahan at pinapakalma ang sarili ko, nahihiya ako, ito yata ang unang beses na nagpakita ako ng kahinaan sa kaibigan ko, sa ilang taon naming pagkakaibigan, palaging tapang lang ang ipinapakita ko, palagi ay maingat ako sa mga kinikilos ko sa kahit na sinong tao dahil nga hindi ako sanay na ilabas ang nararamdaman ko, hindi ako kumportable, mas gusto kong mag-isa ako. Ayokong may nakakaalam na nasasaktan at nahihirapan ako. Kilaka ako bilang strong pero ang totoo, sa likod ng maskarang iyon sa pagkatao ko ay ang durog na durog ko nang puso.

"Miks, where are you?! Pupuntahan kita diyan."

"D-dito. Village gate." hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Okay, 'wag kang aalis diyan ha? Hintayin mo 'ko!" hindi na ako sumagot, pinutol ko na lang ang tawag.

Ilang minuto din ang lumipas bago dumating si Cassey kasama ang butler nila. Tumahan na ako, napakalma ko na ang sarili ko pero nang oras na magtama ang paningin naming dalawa ng kaibigan ko ay para iyong gatilyo ng baril na nagpaputok sa akin.

I'm breaking down again. Heto na naman ako. Mahina pa din pala talaga ako, at nakakahiyang ipinapakita ko ngayon sa iba ang kahinaan na iyon.

Patakbong yumakap sa akin si Cassey, hinimas-himas niya ang likod ko, pinapatahan ako pero kahit ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Ilang minuto ang lumipas bago ako kumalma ng konti, ngayon ay nakasakay na kami sa kotse nila Cassey.

"Yung bike ko!" natatarantang tanong ko.

"Pinaiwan natin sa guard di ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam." tanging nasagot ko lang at muling ibinalik sa labas ng bintana ang paningin.

Naging tahimik ang biyahe, hindi na ako nag-abalang magtanong kung saan kami pupunta.

Sa huli ay huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Villanueva. Inakay ako ni Cassey hanggang sa kwarto niya, narinig ko pang kinausap niya kanina ang kasambahay nila pero wala doon ang isip ko kaya hindi ko naintindihan.

Pinaupo ako ni Cassey sa kama, binukas niya ang sliding door papunta sa balcony na konektado sa kwarto niya. Inakay niya ako ulit papunta doon at umupo kami sa upuang naroon.

"I will not going to ask what happened if you're not comfortable to talk. But I'm here for you. You are free to make me your absorber, okay?"

"Ang sakit kasi." nakita kong nagulat si Cassey ng magsalita ako, alam niya kasi na hindi ko ugaling magkwento pagdating sa amin ni Kiel.

"Paano niya ko natitiis? Anong gagawin ko? Hindi ko na alam, gulong gulo na ko. Akala ko okay na ako, pero nung nalaman ko na palagi siyang tumatawag sa ibang tao ay nalungkot ako. Ang sakit kasi, bakit ako hindi? Bakit sila lang? Wala na ba siyang pake sa 'kin? Nung umalis ba siya ay naputol na din ang koneksyon namin? "

"Shhh. Don't think that way. I'm sure he has reasons."

"Anong reason? Bakit hindi niya manlang ako kausapin at paliwanagan kahit isang beses lang? Busy siya doon? Maiintindihan ko naman, iintindihin ko!"

"Maghintay ka pa best, malay mo tumawag na siya sa'yo mamaya."

"Huwag mo ng palakasin ang loob ko Cass, baka umasa lang ako lalo, eh."

"Oh my! I'm sorry Miks, kung pwede lang kitang hatian sa nararamdaman mo, willing ako."

"Wag. Ayoko. Ayokong maramdaman mo 'to, ayokong maramdaman pa ng ibang tao at maranasan itong nararanasan ko. Kasi sobrang hirap, sobrang bigat." pinipilit kong wag umiyak pero dahil traydor nga ang mga luha, kahit anong tatag ng ipinapakita kong emosyon ay puso ko na ang mismong naglalabas ng kahinaang nakatago doon.

Niyakap lang ako ni Cassey hanggang sa tumahan ako, sakto naman na dumating ang kasambahay nila. Iyon yata ang dahilan kung bakit kinausap siya ni Cass kanina, nagpahanda ng pagkain. Almost lunch time na din kasi, doon sa balcony na kami kumain ni Cassey.

Sandali kong nakalimutan ang pinagdadaanan, medyo gumaan din ang pakiramdam ko, mas maganda din pala na may nakakausap at napaglalabasan ng mga hinaing at problema sa buhay.

"Cass samahan mo ako." matapos kumain ay sabi ko sa kanya.

"Saan? Kahit saan sasamahan kita."

"Sa America." agad siyang napatingin sa akin.

"Seryoso?" tanong niya, nag-aalangan at nagtataka.

Tumango ako bilang tugon.

"Susundan mo siya?" tango lang ulit ang naging sagot ko. Ilang segundo niya akong tinitigan bago ngumiti at tumango.

"Okay, sasamahan kita, walang problema. May passport ka na ba?"

"Mag-aasikaso pa lang."

"Okay, alam ko naman na mapapabilis lang yan dahil sa pangalan niyo."

"Hindi nila alam."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya sakin.

"Hindi pa ako nagpapaalam sa parents ko, ayoko ding sabihin sa kanila, ayaw kong malaman nila ang dahilan ko."

"Madali na lang yan, kelan mo ba balak na pumunta doon?"

"Saktong anim na buwan mula ng umalis siya. September yun. Almost four months pa."

"Medyo matagal pa pala, pero kung iyan ang pinoproblema mo, madali na lang yan. Sabihin mo na ini-invite ka ng Family namin para sa kasal ng pinsan ko."

"Hindi ba sila magtataka nun?"

"Ipapadala mismo sa bahay niyo ang invitation, may pinsan ako na ikakasal talaga sa September. Remember Riza? Ikakasal na sila ni Steven."

"You mean Steven? Your butler?" Tumango si Cassey bilang sagot.

Natuwa ako dahil mukhang umaayon sa plano ang panahon.

"Mamaya ihahatid ka namin pauwi at ipapakilala natin si Steven sa family mo bilang kaibigan natin."

"Sige." kahit papano ay nagkaroon ulit ako ng pag-asa. Hindi na ako makapag hintay na dumating ang buwan ng September.










Itutuloy. .

Continue Reading

You'll Also Like

26.2K 489 49
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
38.5K 1.2K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
337K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
111K 2.6K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...