Kiss Me, Cole (Part 1) [IN ED...

By dominojavier

1.1M 17.4K 13.1K

~~my entry to the friends-to-lovers- trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish ( sprinkled... More

WARNING
KMC Plot Teaser
Cole (1)
Cole (2)
Cole (4)
Anna (5)
Cole (6)
Anna (7)
Cole (8)
Cole (9)
Anna (10)
Cole (11)
Anna (12)
Cole (13)
Cole (14)
Anna (15)
Cole (16)
Anna (17)
Anna (18)
Cole (19)
Anna (20)
Anna (21)
Cole (22)
Anna (23)
Anna (24)
Cole (25)
Covers From Fans (lorsenmadrid)
Covers From Fans (dewyeur)

Anna (3)

29K 720 262
By dominojavier

Note: Translations for the dialogues in other languages is at the end of the chapter.

==========


Tanging ang sabay-sabay na pagbubukas ng kanya-kanyang questionnaire booklet ang maririnig sa examination room. Kasama na ako doon sa mga nagbuklat pero ang likod ang inuna ko. Siguradong nandoon ang Verbal Aptitude Test.

Ang Verbal Aptitude Test ang pinakamadali sa lahat. Noong unang qualifying exam, iyon ang pinakamabilis kong natapos. Natuto rin ako sa first exam na 'yon. Dapat unahin ang pinakamadaling type ng exam para magkaroon ako ng mas maraming oras para doon sa mahihirap. Ayaw ko nang maulit 'yong nagahol ako sa oras na halos mag-eeny-meeny-miney-moe na ako sa dulo para lang walang blangkong number sa answer sheet. HIndi naman siya right minus wrong eh.

Verbal Aptitude Test. Unang tanong: The cat _____ dead on the pavement.

Ang mga pagpipilian: Lie, Lied, Layed, Lay.

"Lie ba?" mahina kong bulong sa aking sarili. Minarkahan ko ng lapis ang 'lie' at muling binasa ang buong pangungusap.

"Parang mali. Lie means nagsisinungaling, 'di ba?" Binura ko ang marka sa 'lie' at nilipat sa 'lay'. Binasa kong muli ang pangungusap at tunog tama na. It makes sense na.

Ganoon ang naging thought process ko sa pagsasagot sa Verbal Aptitutude Test. Kagaya ng inaasahan ko, mabilis ko ngang natapos ang lahat.

Ang sinunod kong sagutan ay ang Abstract Reasoning Test. Doon wala na masyadong salita. Puro drawing na lang. Drawing ang tanong. Drawing din ang sagot. Katulad noong naunang test, madali rin 'to. Logic lang eh. Hahanapin mo lang ang pattern na binigay at base doon, pipiliin mo na kung ano ang susunod. Mabilis ko ring natapos ang parteng iyon.

Tiningnan ko ang malaking wall-clock at nakahnga ako ng maluwag nang makita kong marami pa akong natitirang oras para sa Scientific Ability Test at Quantitative Ability Test. Sa 1st qualifying exam, dumugo ang utak ko doon sa puro numerong part kaya ang pinaka-una ng pahina ng questionnaire ang binuksan ko. Uunahin ko ang Scientific Ability Test.

Kagaya ng itinuro doon sa review center na sapilitang pinapasukan sa akin ni Papa, pinasadahan ko muna ng basa ang mga tanong sa parteng ito ng exam. Just to take the feel daw kung anong subject ang karamihan ng mga tanong. Kung Biology, Chemistry o Physics ba.

Mula sa terminal ng Ceres at mga van kanina, dumiretso na kami agad dito. Kaya hindi pa talaga ako nakaka-recover mula sa biyahilo ko. Bumuti-buti lang ang pakiramdam ko kanina pagkatapos kong masuka pero parang bumabalik ulit ang pagkahilo ko ngayon. Lumalangoy ang mga letra. Wala akong naintindihan sa mga binasa ko.

Isa sa mga tanong: What would the work done be when a one-kilogram book is carried up a flight of stairs 15 meters tall?

Ang mga pagpipilian: 1.5 joules, 15 joules, 150 joules

Ako: Aba, malay ko? Papayat ba ako kapag nalaman ko kung ilang joules ang tinatrabaho ng katawan ko sa pag-akyat ng hagdan?

May isa pang tanong na weird. Pinapahanap ang totoong height ng isang cabinet base sa anino nito. Eh, 'di wow. Ako na ang genius kapag nasagot ko 'yon. At sino namang tanga ang nagsusukat ng cabinet gamit ang anino kung nandiyan naman 'yong cabinet mismo?

Kataeamad man da man! Hindi ko maiwasang maghimutok sa sarili ko. Ako ba'y pinagloloko nitong eskuwelahang ito?

Heto na naman siya! Sobrang hirap na naman ng mga tanong. Hindi naman ganito kahirap ang Scientific Ability Test noong first exam ah!

Sinabi ko na kay Papa na nakapagdududa 'tong school na 'to. Sa sobrang hirap ng mga tanong sa entrance exams parang ayaw magpapasa. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasa doon sa una eh. Mukhang mauulit ang random-marking techniques na ginamit ko sa first exam dito.

Bumabaliktad ang sikmurang sumilip din ako sa Quantitative Ability Test. Ihahanda ko na ang sarili ko sa pait ng hirap din n'un. Aminado naman akong may kaunti akong kabobohan pagdating sa mga numero. Pero natuwa ako na mas madali ang Math sa 2nd exam na 'to. Simpleng algebra lang halos at word problems. Hindi katulad noong una na tadtad ng fractions, percentages, graphs.

So, ang Scientific Ability Test ang pangsala nila ngayon.

Tumuwid ako ng upo. Pumikit. Humugot ng malalim na hininga at pinakawalan din iyon ulit. Sinusubukan kong i-clear ang aking utak para makapag-focus pero nabigo ako. Kaninang busy akong mahilo-hilo at masuka-suka sa exam, hindi ko masyadong napagtutuunan ng pansin ang nakaka-iritang ginagawa ng katabi kong co-examiner. Panay click ng takip ng kanyang ballpen. Tinatanggal-suot niya yata. Kanina pa talaga ito.

Nagmulat ako at nilingon ang direksyon ng pinanggagalingan ng nakaka-iritang tunog. Huli ko naman sa akto ang katabi ko na iniikot-ikot ang kanyang ballpen. Tapos tatanggalin ang takip. Tapos iiikot ulit. Tapos itatakip. Ang lakas ng bawat click sa pandinig ko. Mas malakas pa iyon kaysa sa tunog ng electric fan.

Hindi na ako nakatiis. "Psst. Hoy!" Pabulong kong tawag sa kanyang atensyon at nilingon niya naman ako. "Puwede bang tigilan mo na 'yan? Annoying!"

Tinaasan niya lang ako ng mga kilay at parang nananadya pa talagang mas pinag-igi ang nakakairitang pagtatanggal-suot ng takip ng ballpen niya.

Nagngitngit ako sa inis. Alam kong wala akong sapat na oras para pag-aksayahan siya ng oras. Alam kong dapat binabalikan ko na ang aking questionnaire. Pero wala na. Nahuli na niya ang atensyon ko.

Sinisimangutan ko na siya pero parang wala lang sa kanya. Pinapakita niya pa talaga sa akin kung paano niya tinatanggal ang takip ng ballpen, magmamarka sa answer sheet niya, at ibabalik ang takip. Tititigan niya rin ako pagkatapos na parang nang-uuyam.

Sarap kalmutin ng mukha!

Biglang lumangitngit ang upuan sa harap at sabay kaming napatingin doon. Tumayo ang proctor at lumabas ito. Sinamantala ko naman iyon agad at binato ng puti kong eraser ang nakakaasar kong katabi. Tumama iyon sa kanyang dibdib at bumagsak sa kanyang paanan. Nasiyahan naman ako ng makita kong nandilim din ang ekspresyon niya sa mukha nang balingan ako.

Sabi ni Papa, I should learn to control my emotions, especially anger. Matututunan ko naman 'yon. Hindi nga lang ngayong araw.

Pinanood kong pulutin ng lalaki ang aking pambura. Napansin kong walang sintas ang isa niyang sapatos. Napakunot-noo ako. Parang pamilyar ang sapatos na 'yon sa akin. Napabalik ang mata ko sa mukha niya at tinitigan siya ng maigi. Muling umakyat ang kanyang mga kilay sa ginawa ko samantalang naramdaman ko namang nag-init ang aking mukha hanggang leeg. Namumukhaan ko na siya ngayon.

Shems! Siya ang lalaking nasukahan ko kanina at pinagmalditahan pa pagkatapos. Diyos ko lord naman! Bakit mo pa 'to tinabi sa akin?

Agad akong nagbawi ng tingin at kulang na lang ay ibaon ang mukha ko sa exam paper ko. Lord! Nakakahiya ako! Bakit hindi mo naman ako pinipigilan sa mga impulses ko? Anak mo rin naman ako, ah? Bakit ka ganyan?

Nara-rattle na ako. Mas lalo ko na ngayong hindi nababasa ng maayos ang mga tanong. Kanina pa ako dito sa tanong tungkol sa isang kilong libro na inakyat sa kinse metrong hagdan pero hindi ko pa rin magawang markahan ang answer sheet ko.

Sorry, Papa. At this rate, hindi na talaga ako papasa.

Ayos lang naman sana sa akin. Hindi ko naman talaga gusto ang eskuwelahang ito. Si Papa naman ang may gusto na makapasok ako rito. Libre ang tuition dito at depende sa financial capacity ng parents, may stipend pa. Malaking tulong naman kasi sana 'yon sa amin ngayon. Pero kung ako lang, mas gusto ko na sa Aklan na lang ako mag-aral. Kahit magpa-schoolgirl na lang ako kina Hazel.

Ayaw ko dito sa Iloilo. Ang layo ng biyahe at matindi ang biyahilo ko. Naaamoy ko pa lang ang usok ng Ceres bus nasusuka na agad ako. Iniisip ko pa nga lang ngayon na pagkalabas ko rito, sasakay ulit ako ng jeep tapos ng bus pauwi sa amin nanlalamig na ako at bumabaliktad na ang tiyan ko. Ang limang oras na nasa loob ako ng Ceres ay biyaheng impiyerno para sa akin.

'Yon nga lang, tiyak na malulungkot si Papa kapag hindi ako makapasa. Asang-asa pa naman 'yon. Pagkapasa ko nga sa 1st exam ay naghanap agad siya ng trabaho dito sa Iloilo para mas malapit siya sa akin kung saka-sakali. Tapos, mauuwi lang pala ang lahat sa wala.

Sorry, Papa.

Gusto ko na maiyak pero nagpigil ako. Napakagat -labi na lang ako at muling binasa ang tanong sa huling pagkakataon. Hindi ko 'to susukuan. Hindi man ako pumasa, at least malinis ang konsensiya kong sasabihin sa kanya na I tried my best.

Umayos ka, Orie. Parang tangang kinakausap ko ang aking sarili. Tandaan mo, matalino ka. Hindi mo man alam lahat, madiskarte ka naman. Gamitin mo 'yan ngayon.

Hindi ko man alam ang buwisit na tanong na 'to, isa lang naman siya. O sige, correction. Dalawa sila. 'Yong tungkol din doon sa anino hindi ko alam. Pero alam ko ang proseso ng pagkuha ng asin mula sa seawater. Evaporation at crystallization lang naman 'yon. Alam ko din na ang pagkatunaw ng butter ay hindi chemical change.

At unti-unti na ring dumarami ang mga nasasagutan kong tanong sa Scientific Ability tests. 'Yong mga related sa Physics na lang ang hindi ko nasasagutan dahil hindi ko maalala ang formula. Pero dalawa lang naman sila. Hindi ko naman siguro ikakabagsak ang dalawang maling sagot.

Pero sure ka ba na dalawa nga lang ang mali mo? Puwede bang pektusan ang sarili. Sumosobra na ako, eh.

Muli akong bumuntong-hininga at binalingan na lang ang pagbubura ng lapis na marka sa answer sheet ko at binallpen na ito. Ang pambura sa dulo ng lapis ko na lang ang gamit ko kasi nga binato ko 'yong pambura ko talaga sa katabi ko. Nahihiya naman akong kuhain iyon. Isa pa, bumalik na ang proctor. Baka masabihan pa akong nagche-cheat kapag mahuli niya akong tinatawag ang katabi ko. Mukha pa namang i-isnob-in niya lang ako.

Dahil sumagi na naman sa isip ko ang aking katabi, hindi ko naiwasang silipin siya. Nawawala na naman ang cool ko nang makita kong hinubaran na ng lalaki 'yong eraser. Tapos sinusulatan gamit ang ballpen.

Naku! Gusto ko talaga siyang tadyakan pero hindi aabot ang paa ko sa kanya. Ang liit ko eh. Tapos 'yong proctor. Naku! Lumabas lang siya ulit, magnanakaw talaga ako ng batok dito sa katabi ko!

Mukhang narinig naman yata ng Diyos ang dasal ko kasi muling lumangitngit ang upuan ng proctor at lumabas siyang muli ng kuwarto. Pero bago pa ako maka-ninja moves ng sapak nga sa katabi ko, naunahan na niya ako. Binalik niya ang eraser ko at pinatong sa aking mesa. Umayos naman siya agad ng upo at inabala ang sarili sa answer sheet nito kahit na pakiramdam ko, kanina pa siyang tapos.

Natitigan ko ang aking pambura at binasa ang nakasulat doon.

Work=force x distance

Force (newton)= ma, where m=mass, a=acceleration

Hint: gravity = 9.8m/s2

Ang liit ng sulatkamay pero malinaw.

Maang na napalingon ako sa kanya pero hindi niya ako tinitingnan. Nasa answer sheet pa rin siya naka-focus.

Binalingan ko namang muli ang pambura. Binigay niya ang formula ng isa sa mga mahirap na items sa exam. Paano niya nalamang kanina pa akong stuck dito dahil hindi ko maaalala ang formula ng work? At bakit niya 'to ginagawa? This is almost cheating kahit na hint lang naman kung tutuusin ang binigay niya.

Panay kagat ko ng aking labi. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Lulunukin ko ba ang pride ko at gagamitin ang formula na binigay niya o mag-eeny, meeny, miny, moe na lang ako. Pero nakita ko na nga ang formula at naintindihan ko iyon. Hindi naman ako puwedeng magpanggap sa sarili ko na hindi ko pa rin alam kung paano kuhain ang sagot eh alam ko na nga.

Bahala na nga!

Nagsimula na akong mag-compute. 150 joules ang sagot na nakuha ko. Iyon din ang minarkahan ko sa answer sheet.

Muli kong sinilip ang aking katabi. May hawak na rin siyang sariling pambura. Kahawig nung akin. Maingat niyang itinapat ang malapad na side niyon sa kanyang answer sheet at itinaas-baba niya ito na para bang may binubura siya kahit na alam kong wala naman. Walang lapis sa kanyang mesa.

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin at ginaya ko siya. Itinapat ko ang side ng aking pambura kung saan niya sinulat ang mga formula sa aking answer sheet at nagsimulang magbura ng mga nilapis ko lang kanina. Mayamaya nga ay nawala na ang kahit na ano mang ebidensiya na tinulungan niya ako.

Hindi ko maiwasang lingunin siya pagkatapos, at this time, nakatingin na rin siya sa akin. Matagal niya akong tinitigan bago ngumisi at kumindat sa akin. Napabawi ako ng tingin at muling humarap sa harapan. Hindi ko alam kung bakit ang mukha ko ang nag-iinit kahit na kung tutuusin wala naman akong ginawa.

Ang weird talaga ng mga tao sa Iloilo. 


==========

TRANSLATIONS

Kataeamad man da man! -- [Akeanon, my mother tongue] Nakakatamad/Nakakainis naman ito!



Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...