WHEN HE TOUCHED THE TRIGGER |...

By xeijass

3.4K 259 27

He is a member of black assassins. She is a neutral and a multi-sports player. He is silent while she is too... More

WHEN HE TOUCHED THE TRIGGER
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31

08

57 7 0
By xeijass



I felt an ache. Around my head, my chest and my whole body! Ano'ng nangyari? Wala akong matandaan basta purong sakit lang ng ulo ang tanging nangingibabaw sa'kin ngayon.


I opened my eyes at kaagad na bumungad sa akin ang pinapanood ni Eris sa phone niya. I looked at him, without my head turning. Nakahiga siya sa kanan ko at nanonood, naka-airpods naman siya kaya wala akong naririnig na ingay.


Bumaling siya sa akin at kaagad na pinause ang pinapanood bago umupo at humarap sa'kin. May inayos siya sa noo ko, then suddenly I realized that there's a towel on it, nakapatong 'yon.

"Nilagnat ka kagabi, wala na ba'ng masakit sa'yo?" he asked, almost sighing.


Umiling ako pero kaagad na napangiwi nang maramdaman ang sakit doon. He immediately held my face gently para hindi ko 'yon magalaw. Then he deeply breathe.


"Huwag kang gumalaw. May gagawin lang ako," wika niya bago ngumiti sa akin na akala mo'y ikinamaginoo niyang nilalang.


Hinampas ko siya sa braso. "OA mo'ng sira'ulo ka. Okay lang tange!"


Inirapan niya ako bago itinuro. "Diyan ka lang. May gana ka pang sumigaw ha. 'Ayan, inom pa more," panunuya niya na inirapan ko lang.


I looked around the place, narito ako sa condo ko. Mabuti at dito ako dinala ni Eris hindi kina Trix dahil nakakahiya kapag nakita ako ni Tita na ganoon at nakainom. I suddenly remembered what happened last night. I saw Kalvin laughing with Mitch while I'm being so emotional. After I cried at Eris' chest, I passed out.


Thinking about Mitch and Kalvin together last night made me hitch. Ano kayang ginagawa nila roon sa bar kagabi? Bakit sila magkasama? Did they plan it out? Bakit sila nagtatawanan? Sila na ba? Did Kalvin see me? At ano namang ginawa nila pagkatapos?


I closed my eyes tightly and slightly hitted my head. Bakit ganito? Ganito ba magkagusto? Bakit ang sakit nilang tignan? Masakit sa ulo at masakit sa mata.


I automatically opened my eyes when the door of my room crouched. I craned my neck and I saw Eya concernedly watching at me. She smiled when she saw me awake.


"Ayos na ba pakiramdam mo?" she immediately asked.


"Lagnat lang, Ey. Okay na," sabi ko bago umupo. I managed to gently move for me to not feel the headache again.


"Hoy, Eya! Bakit mo ba kinakausap, matutulog pa sana e!" angil ni Eris mula sa sink sa banyo nang makitang umupo ako. I grimaced disgustedly.


"Pwede ba? Doon kana lang sa kitchen, naroon 'yung dalawa, nagluluto," Eya replied so I slightly laughed.


"Epal talaga, pasalamat ka maganda ka ngayon!" Hindi parin natahimik si Eris. I laughed, Eya just smirked.


"Mas maganda ba kay future architect?" biro ni Eya. Pumasok naman muna sa loob ng banyo si Eris bago ulit sumungaw sa pinto at nilakihan ang siwang para makalabas na siya. Parang ewan.


Lumapit sa amin si Eris bago tinapunan ng nakakadiring tingin si Eya. "Siyempre....hindi." Humagalpak ng tawa si Eya sa naging sagot ni Eris. Nahawa tuloy ako.


Tumayo ako habang natatawa sa mga pang-aasar ni Eya kay Eris. I walked towards the comfort room, nilingon lang ako ni Eris at sinundan ng tingin.


"Ano ba'ng ginawa mo rito, bakit basang-basa 'tong sink?" tanong ko kay Eris, nakahinto pa ako sa hamba ng pintuan.


"Nilabhan 'yung panyo," he simply answered. Tinutukoy niya 'yung panyong inilagay niya sa noo ko kanina.


Tumawa ako. "Panyo lang? E' bakit para kanang naglaba ng comforter dito?" I pointed at the wet sink. Mas lalong tumawa si Eya.


After I cleaned up myself, lumabas narin kaming tatlo ng kwarto. Talagang inantay nila ako. Hindi pa muna ako naligo dahil malalamigan daw ako kahit pa gumamit ng heater sabi ni dady Eris. Binihisan pa raw ako ni Mei kagabi ng drop shoulder at pajama na suot ko pa ngayon. I just did my face and teeth, mamaya nalang ako maliligo.


As we entered the kitchen, Mei and Trix turned to us. Pareho silang ngumiti. Mei offered my seat so I sat down on it, as well as them on theirs. Usual breakfast ang niluto nila, may bacon, omelet, hotdog, ham, pancake at rice, mayroon ding iced tea. Kung hindi lang ako nilagnat kagabi ay paniguradong may salmon at sushi na sa harapan pero ngayon wala. Poor, Kai.


"Did you check her temperature?" panimulang tanong ni Trix, nakatingin kay Eris.


Tumango si Eris nang hindi tinitignan si Trix dahil nilalagyan niya ang baso ko ng iced tea. "Ang taas kagabi, grabe," tumatango-tango niyang sabi.


Ngumiwi si Trix. Mei looked at me. "Nilamig ka ba kagabi?" she asked while putting an omelet on her plate.


Nag-isip ako. Nilamig ba ako? "Hm, parang hindi naman. Why? Pinatay niyo aircon? Sino katabi ko kagabi?" sunod-sunod kong tanong habang sinusubo ang bacon.


Eya laughed. "Hindi mo matandaan? Si Eris katabi mo kagabi. Pagkauwi ba namin dito, naabutan namin na yakap ka niya ng topless habang nasa ilalim ng kumot. God, ginamit niya ang body heat ninyo," pagkukwento ni Eya kaya kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Pareho namang tumawa si Mei at Trix. Eris just threw a glare on Eya.


"Huwag mo ngang lasunin ang utak niyan. Papansin na 'to. Trix ireto mo nga 'to sa kuya mo para malaman natin kung may ibubuga ba talaga." Eris smirked after teasing Eya.


"E' kung bugahan kita nitong iced tea?" Eya shot back. Napailing nalang ako. Mabuti at hindi na rin masakit ang ulo ko after drinking some liquid.

Ngumisi lang si Trix. Nagtaas naman ako sa kanila ng kilay. "Ano bang totoong nangyari kagabi? Wala talaga akong matandaan, promise," I uttered.


Tumingin sa akin si Mei. "Sabay-sabay tayong umuwi kagabi. You passed out so hindi mo matandaan. Binuhat ka ni Eris papuntang kotse," Mei answered.



Days passed. Dumating ang araw ng interhigh. Sinabi sa amin ni Coach Perez na maaga raw dapat kaya narito na kaagad ako sa covered court at alasais palang! Humihikab pa ako! At wala pang tao sa buong court maliban sa mga janitor at naglilibot na mga security.


Dumukmo ako sa mesa ng table tennis habang nakaupo sa monobloc na naroon. Tumayo lang ako nang maisipan na bumili muna sa labas ng milktea para magising ang diwa ko. I'm wearing our PE pants at ang pantaas naman ay ang customized jersey shirt na ang ay nakalagay na Cortez at 07 sa likod.


Iniwan ko muna ang bag doon sa inupuan ko dahil wala namang tao and I stood up. I walked at the pathway palabas. Lumiko ako sa milktea house at nag-order. Humikab ulit ako at kaagad napahinto nang makita si Kalvin na lumabas sa isang BMW, wearing a black jersey shirt and short with white balenciaga shoes. Ang fresh, kakaligo. Pero bakit dito siya huminto, hindi sa carpark?


Nanlaki ang mata ko nang makitang dito siya patungo. O-order din siya? Bakit naman ngayon pa? Umayos ako ng upo at tumingin na lamang sa nagse-serve. Bahala siya riyan, hindi ko siya papansinin, hindi rin naman siya mamamansin panigurado.


Ramdam ko ang bawat kaba sa t'wing naiisip na papalapit siya. The server smiled at me as he gave me my wintermelon milktea. Ngumiti rin ako habang binubuksan ang wallet ko pero kaagad napangiwi nang makitang wala akong 200 pesos! Damn, puro card lang ang narito!


I awkwardly looked at the server. "Uh..." wala akong masabi. Paano ba 'to?


"Excuse me. 1 large wintermelon." Napakagat ako sa labi ko nang mapagtantong nasa gilid ko na si Kalvin. Napatingin muna sa akin ang server bago ngumiti at tumango kay Kalvin.


"Okay, Sir."

Damn, what now Kainna? Hindi pa ako bayad kaya hindi ko magalaw ang milktea. Sana narito nalang si Eris para mautangan ko muna siya. Damn! Malas!


Nanatili akong tahimik at hindi nilingon si Kalvin hanggang sa makabalik ang server. Binigay niya kay Kalvin ang order niya at nalilitong bumaling sa akin.


"Paano 'yan, Ma'am? Bawal po ang card e," the server said making me shifted on my seat because of embarassment.


Pareho lang kaming napalingon kay Kalvin nang maglapag siya ng 500 pesos doon. Kalvin looked at me before turning to the server. "No worries. It's on me," wika niya na ikinalaki ng mata ko.


"Ha? Hindi na! Okay lang, hihintayin ko nalang si—"


"It's already paid," tanging sagot niya kaya natigilan ako.


Nilingon ko naman ang server na tumango at ngumiti sa akin bago kay Kalvin. "Oh...okay...babayaran ko nalang next time," I awkwardly said. At hindi ko na hinintay ang sagot niya! Mabilisan kong kinuha ang milktea at dali-daling umalis. Damn! What was that?!


Halos mabitawan ko na ang milktea kakatakbo, makalayo lang sa kaniya. Bakit pa kasi ako bumili ng milktea nang hindi chinecheck ang wallet ko? Dummy, Kainna!


Pero bakit doon siya dumiretso? Regular costumer ba siya roon? Bakit hindi ko siya nakikita roon kahit na madalas naman kami tumambay nila Eris doon? Or baka magkikita sila ni Mitch doon, naabutan niya lang akong walang pambayad kaya niya ako tinulungan? Hay, ewan.


Hinihingal ako nang makarating ako sa court. Nagdalawang isip pa ako kung iinumin ko 'tong milktea pero sa huli ay ininom rin dahil napagod ako kakatakbo. Nang napangalahatian ko 'yon ay saka pa lamang ako nakabawi ng hininga at nakabalik sa reyalidad. I glanced at the monobloc which my bag placed but instead, I saw Eris using his phone. Inupuan niya 'yung monobloc at kandong niya ang bag ko.


I breathe as I walked towards him. Bineso ko siya kaya napaangat siya ng tingin sa akin. Kumunot ang noo niya bago tumayo at ilahad sa akin ang monobloc.


"Sa'n ka galing? Bakit iniiwan mo bag mo rito?" iritadong tanong niya.


"Bumili lang, inaantok ako e," I asnwered.


Tumingin naman siya sa binili ko bago ibinalik ang paningin sa akin. "Bakit ka hinihingal?" nagtatakang tanong niya at nanlaki ang mata na para bang may naisip bago nagtanong ulit. "Bakit ka hinihingal?!" Halos isigaw na niya sa buong court 'yon. Pati tuloy ang ibang players ay napatingin din sa amin.


Hinampas ko siya sa braso. "Tanga! Tumakbo kasi ako pabalik dito!"


Inirapan naman niya ako bago naki-chika sa iba. I sighed and sat at the monobloc chair, kinuha ko ang bag ko ang bag ko at kinandong as I continued sipping on my drink.


"Probably. I'm now preparing my arrows." Napalingon ako sa kinakausap ni Eris. Siya rin 'yung kausap ni Alchemy sa gilid dati.


"Sa'n daw ba? May lead na ba?" Si Eris.


"Yeah. But, we'll move by two months after, I guess. He really have powerful connections," sagot muli no'ng kausap niya.


"Okay. Update mo nalang ako, Chad, pare," Eris replied, too.


Hindi na ako nakinig dahil hindi ko rin naman ma-gets ang pinag-uusapan nila. I stood up to throw the empty milktea container to the trash can. Babalik na sana ako sa kinauupuan ko nang makita si Kalvin na naglalakad na papalapit sa court. Nag-iwas lang ako ng tingin at tumuwid sa pagkakatayo.


"Miss Cortez." Napalingon ako sa gilid ko nang marinig si Coach Perez. I smiled shyly.


"Uy, Coach!" masiglang bati ko.


"Makasigaw ka naman, akala mo kung wala sa harapan mo si Coach," paepal na singit ni Eris. Natawa tuloy 'yung kausap ni Eris pati si Coach.


Umismid ako bago nakangiting bumaling kay Coach. "Huwag niyong pansinin 'yan Coach, wala lang talagang ka-chat 'yan," I said, chuckling.


Mas naging malakas ang tawa ni Coach at 'yung kausap ni Eris. Eris just jokedly rolled his eyes on me.


"You're Kai Nnatalie? I'm Chadler." Natigilan ako nang maglahad ng kamay 'yung kausap ni Eris sa akin. I slightly stared at him confusedly but then smirked when I remembered something.


"Uh..yeah. Table tennis player," I answered.


Siya 'yung Chadler! Siya 'yung crush ni Alchemy at Trix! Hah! May panlaban na ako kay Alchemy! Akala niya ha!


He smiled and nodded, too. "Oh, I see. You seem a good player."


Tumawa lang ako. "Hindi ah!"


"Good morning, Coach Perez." I stopped laughing when I felt Kalvin's presence beside me. Teka, ang bango.


"O' narito kana pala, Mr. Bautista. Magandang umaga rin," Coach replied. Umusog ako ng kaunti para mapalayo sa kaniya ng hindi nahahalata pero nagkamali yata ako dahil nakita kong napasulyap siya sa akin nang gawin ko 'yon.


"Oy, pare." Si Eris.


"Hey," bati rin no'ng Chadler. 


Required ba'ng bumati isa-isa? Damn! Ako lang 'yung hindi bumabati dito!


Kalvin turned to Eris and Chadler bago tumango. "Hey," he simply replied.


I cleared my throat. "Good morning," bati ko. Fortunately, I didn't stutter!


Napabaling tuloy sa akin si Kalvin at marahang tumango. "I hope the morning's good," he simply responded. Napaawang ang labi ko sa isinagot niya. Bakit ganoon? Ano'ng ibig niyang sabihin?


Tumawa si Coach. "Ang aaga naman ng mga players namin. Lalo na 'tong si Cortez," sabi ni Coach at bumaling sa akin.


Ngumiti lang ako. Iniisip ko pa rin 'yung sinabi ni Kalvin.


"Oo nga Coach, e. Nilagnat pa naman 'yan noong isang gabi," singit ni Eris.


Napabaling sa akin si Kalvin at nangunot ang noo nang marinig 'yon. I bit my lower lip. 'Eto naman kasing si Eris, napakadaldal.


"Oh? Mabuti at nakasama ka pa rito, Cortez. Top student ka pa naman, malaki kang kawalan," Coach said, smiling.


"Lagnat lang naman, Coach!" Tumawa ako.


"How did you know that she's sick?" My heart pounded violently when Kalvin asked Eris. Hindi ko 'yon inaasahan!


Tinaasan naman siya ni Eris ng kilay bago bumaling sa akin at muling ibinalik ang paningin kay Kalvin. "Ah, nag-bar kasi kami noon tapos naparami siya kaya nilagnat," sagot ni Eris.


I swallowed secretly. Ayo'kong malaman niya na dahil sa kaniya kaya ako nalungkot at naparami ng inom.


Kalvin glanced at me a second before lifting it back to Eris. "Where...was that..bar?" he hesitantly asked.


"Sa Taft Spot, tambay kami ro'n e'." Eris laughed.


Dumaan ang gulat sa mukha ni Kalvin after hearing Eris' reply. He stared at me so I looked away and stared at Alchemy who's coming instead.


Alam kong iniisip niya na nakita ko siya roon sa Taft Spot dahil naroon siya, nakikitawa at nakikilandian sa Mitch niya. I grimaced to tore off the bitterness premising in my system.


"Good morning, guys..Coach!" Alchemy said and arched a brow when she saw Eris and Chadler.


Eris suddenly scratched the bridge of his nose, like getting irritated. Pasiring niyang sinulyapan si Chadler bago kay Alchemy na nakataas na ang kilay sa kaniya.


Aasarin ko sana si Alchemy kay Chadler pero kusang sumuko ang dila ko dahil sa matang nakatuon sa akin magmula pa kanina. I know Kalvin's still intently staring at me.


"Magandang umaga, Miss De Dios. You're just on time." Coach smiled to Alchemy and turned to us. "So, can we go now to our university bus? But before that, I command you to sit with your partners. You all have a buddy since Coach Faustino and I, decided to share on the bus," Coach explained as he dragged Eris and Chadler out of us, sumunod din si Alchemy kaya kami lang ni Kalvin ang naiwan.


"You were there on that bar?" tanong ni Kalvin pero nagsimula na rin akong naglakad pasunod kina Coach. Bahala siya riyan.


"So what?" mataray kong sabi.


Bibilisan ko pa sana ang lakad ko pero marahan niya akong hinigit sa palapulsuhan dahilan upang mapahinto at mapaharap ako. "What?" iritado kong tanong.


He only bit his lower lip. "Are you avoiding me?" he carefully asked.


I looked away. "Hindi."


Lumapit naman siya sa akin kaya napaatras ako. Marahan niya akong hinila paabante upang makapaglakad. Nalilito ko naman siyang sinusundan ng tingin.


"If not, then sit with me. You're now my partner on that bus," he uttered, making me jumped a bit because of that heart-shocking request.


Continue Reading

You'll Also Like

177K 4.2K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1.4M 32.4K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
374K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...