25

74 6 0
                                    



That was our heaviest argument ever since our relationship started. Fortunately, that was our last misundestanding, hindi na nasundan pa. We went on, happily somehow. Our life continued.


From those previous months of being with him, I learned a lot of things. I just realized that I'm too childish with my actions while he's not. He always undertands me. He's always patient towards me. He's too soft and careful that I think I am already spoiled.


I smiled.


I'm just too lucky to have him.


Sa mga nakalipas na buwan, natutunan kong umintindi at magpasensiya tulad niya. Lagi ko nang sinusunod ang mga sinasabi niya dahil alam kong makabubuti rin para sa akin iyon.


"Tulala ka na naman. Excited yarn?" sabi ni Eya sa tabi ko. Nakapuwesto kami sa dati naming tambayan tuwing vacant namin.


"Ano ba iluluto mo? Adobong isda?" siraulo namang gatong ni Eris.


Kami lang ang narito dahil may klase pa si Trix, si Mei naman ay inuutusan na naman ng prof. Lagi siyang favorite, sana all.


"Ano ba, para namang tanga.." natatawang reklamo ko sa kanila.


Today is the anniversary of Kalvin and I. At tulad ng plano ko na laging nauudlot, ipagluluto ko siya ng pagkain at dadalhin ko 'yon sa kaniya.


I bit my lip. Today is the day.


"Sabi sa 'yo, sinigang na lang kasi! Alam mo, kahit anong iluto mo, tatanggapin niya! Kahit ibigay mo lang yang hintuturo mo, hay nako promise kukunin niya! Ayon pa, e wala 'yong ibang nakikita kun'di ikaw!" Eya actively said.


"Taas naman ng energy mo," sabi ni Eris at kunwaring lumayo na para bang natatakot sa mga pinagsasabi ni Eya.


Inirapan siya ni Eya. "Basta, Kai! Makinig ka sa 'kin, true to life ang mga sinasabi ko! Magtiwala ka!" she shouted.


Humalakhak ako. "Sige, kahit ano na lang ang iluluto ko, bahala na. Basta dadalhin ko 'yon sa kaniya mamaya," nangingiting sabi ko.


"Patay na patay ah?" tanong ni Eris habang tinitignan ako ng nakakaloko.

"Bakit, selos ka?" I teased and Eya laughed hard.


"Yuck. So, disgusting..." Ginaya niya ang tono ni Aki kaya pati ako ay natawa.


Nang matapos ang oras ng vacant namin ay naglakad na kami sa pathway pabalik sa mga department namin. Nahiwalay na sa amin si Eya kaya kami ang magkasabay ni Eris. Nakasalubong pa namin si Aki kaya tumigil muna kami saglit sa paglalakad.


Niyakap kaagad siya ni Eris kaya tumingin ako sa malayo. Ano 'to lupa.


"You're dating here? Wow.." sabi ni Aki, parehong inaasar kami.


Kumalas si Eris at mahinang pinitik ang noo ni Aki. "Parang ewan, mahal."


Aki chuckled. "Alright, I'm going na..." she said.


"Sa'n ba ang punta mo?" Eris asked.


"I'll just give these to Sir Ganaban," she replied. Referring to the papers she's holding.


Marahang tumango si Eris. "Ah, close kayo?"


"Yes!" masiglang sabi ni Aki. I chuckled.


"Ah, sige. Stay strong sa inyo," Eris sarcastically said.


Aki just laughed as she kissed Eris. I looked away again. Ano ba naman 'tong couple na 'to.


WHEN HE TOUCHED THE TRIGGER | ASSASSIN SERIES 1Onde histórias criam vida. Descubra agora