I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.5K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 2: BONDING

3.1K 75 0
By Liona_Wilhelm

Xenon's POV
Sinara ko ang pinto ng kwarto ko paglabas ko habang karga si Lancelot na unang nagising kaysa sa dalawa. Habang binabaybay namin ang hallway papunta sa kwarto ni daddy at mama ay nakasalubong ko si daddy.

"Oh good morning Lancelot. Are you hungry?" Pagkausap ni daddy kay Lancelot nang makalapit sa amin at kinuha niya sa akin ang makulit na bata na hindi naman umangal.

"Puntahan ko sana si mama para sana magpatulong ibaba si Lanaia at Landon." Sabi ko nang makuha na niya sa akin ng tuluyan si Lancelot.

"I heard what Brenda did to the kids yesterday. Kung nandito lang ako kahapon at naabutan ko ang nangyari, aba malamang sa malamang nasampal ko 'yon dahil sa ginawa niya sa mga apo ko." Kita ko ang galit ni daddy habang sinasabi niya ang bagay na 'yon.

Huminga ako ng malalim. "Hayaan mo na daddy. Pinaalis ko naman na siya. Kaya lang sa ngayon kay mama muna maiiwan ang mga bata habang hindi pa ako nakakahanap ng kapalit ni Brenda."

"Kaya pa naman ni mama mo na alagaan ang mga apo namin. Magpapatulong na lang muna siya sa mga kasambahay natin. Marami naman tayong kasambahay kaya walang problema. Ako na magbababa kay Lancelot at puntahan mo na yung dalawa. Baka mamaya lumabas ng kwarto 'yon at dumiretso sa hagdan mahulog pa. Si mama mo nauna na sa baba para magluto ng agahan."

Tumango ako at naghiwalay na nga kami ng landas ni daddy. Pagbalik ko sa loob ng kwarto ko ay tulog pa rin si Lanaia at Landon. Marahan ko silang binuhat sa magkabila kong braso saka dahan-dahang bumaba ng hagdan para hindi kami mahulog. Pagkarating ko sa sala ay nailatag na ni daddy ang kutson at playing mat. Doon ko binaba ang mga anak ko habang si Lancelot naman ay nasa kusina na raw at umiinom ng gatas.

Nang tuluyan ko silang maayos na dalawa sa pagkakahiga ay nagpunta na rin ako sa kusina. Nakapirmi na nga ang bunso ko at may hawak na itong tinidor na may hotdog. Hinalikan ko ito sa nuo bago ako tumabi sa kanya ng upo. "That's your breakfast for today Lancelot?" I said while I'm scooping some rice from the big plate.

"Hmm." Tanging sabi niya saka sinamahan ng pagtanggo.

Naiiling ko siyang sinubuan ng konting kanin na tinanggap naman niya. "Oh kape mo." Mama said then she put a mug near my plate. Umupo na rin siya sa tabi ko pagkatapos.

"Si dad?" I asked when I noticed daddy is not here in the dining table joining our breakfast.

"Doon daw siya sa duyan magkakape. Presko raw ang hangin doon e." Sagot naman ni mama.

"Ma, ayos lang ba na sayo ko muna iwan ang mga bata? Maghahanap din agad ako ng mag-aalaga sa kanila. Pakikiusapan ko na lang din muna yung ilang kasambahay natin na tulungan ka at dadagdagan ko na lang ang sahod nila." Nahihiya kong pakiusap ko kay mama.

Nakangiti naman itong tumango. "Walang problema. Ako muna ang bahala sa mga apo ko."

"Good morning." Narinig kong bati ni daddy mula sa pinto ng kainan at nang lingunin namin siya ay buhat na niya si Landon na pupungas-pungas pa.

Tumayo ako at kinuha siya kay daddy saka dinala sa lababo. "Brush...brush...brush..." Sabi ko habang kinukuha ko ang toothbrush niya.

Walang kibo lang ito habang pinagmamasdan ako na nilalagyan ng pambatang toothpaste ang sipilyo niya. Inabot ko ito sa kanya matapos ko lagyan ng toothpaste at kinuha na niya sa akin. Tinulungan ko siyang magsipilyo ng ngipin niya bago kami bumalik sa mesa. Paupo pa lang ako sa hapag ulit nang marinig ko naman ang matinis na pag-iyak ng anak kong babae.

Narinig kong tumawa ang mga magulang ko saka ako pinaalis para puntahan si Lanaia at sila na raw muna ang bahala sa dalawa na kumakain. Kakamot-kamot ako sa ulo na pinuntahan ang anak kong babae. Nang makita niya ako na papalapit sa kanya ay tumigil na siya sa pag-iyak saka nagpabuhat sa akin.

I kiss her both cheeks and her forehead. "Good morning Lanaia. Where's daddy's good morning kiss?" Paglalambing ko rito. Agad naman siyang ngumuso ng husto at pinatakan ako ng halik sa kung saan-saang parte ng mukha ko.

Buhat ko siya hanggang sa makarating sa lababo at kagaya ng ginawa ko kay Landon ay tinulungan ko siyang magsipilyo saka ko siya itinabi sa mga kakambal niya.

Pagkatapos kumain ng triplets ay dinala na sila ni mommy sa sala para manuod ng cartoons habang ako naman ay bumalik sa kwarto namin para maligo at gumayak na para pumasok. May sariling kwarto naman ang triplets, kaya lang dito ko pa rin sila pinapatulog sa tabi ko para mabantayan ko sila at hindi ko pa talaga sila sinasanay bumukod. Mas gusto ko nga na katabi sila lalo at wala naman akong asawa. Hindi buo ang araw ko nang hindi sila ang una kong nasisilayan.

Mabilis akong sumalang sa ilalim ng shower at nag-ayos na ng sarili pagkatapos. Sinuot ko na ang uniform ko na pang chef dahil pagdating ko sa restaurant ay plano ko na magtrabaho agad dahil sa maaga ako umuwi kahapon.

Wala pang isang oras ay paalis na ako ng bahay. Nilapitan ko ang mga anak ko na may kanya-kanya ng hawak ng laruan habang nanunuod pa rin ng cartoons. Hinalikan ko sila isa-isa sa pisngi at nuo saka ko sila hinabilinan na huwag silang masyadong makulit dahil si mama muna ang magbabantay sa kanila.

"I'm going..." Ungot ni Lanaia at yumakap ng mahigpit sa leegan ko nang halikan ko siya at magpaalam ako na papasok na ako sa trabaho.

"Baby you can't. I'm too busy in our restaurant. No one will take care of you if you go with me." Sabi ko sa kanya saka ko dahan-dahang inalis ang pagkakayakap niya sa leeg ko pero lalo lang niyang hinigpitan 'yon at nag-umpisa ng umiyak.

"Uuwi rin naman si daddy mamaya pagkatapos ng work niya. May food na siyang dala non. Ayaw mo ba non Lanaia?" Pagkausap ni mama sa kanya.

Umiling lang ito at wala na akong nagawa kung hindi ang ikandong siya pagkaupo ko sa sofa. Mahaba-habang suyuan na naman yata ang magaganap bago ako makapasok sa restaurant.

"Baby, hindi komut ako ang may ari ng restaurant na pinapasukan ko ay pwede na akong pumasok ano mang oras ko gustuhin. Nakakahiya sa mga staff ko at saka kailangan ko magtrabaho para may pambili tayo ng food, toys at kung anu-ano pa." Paliwanag ko sa kanya pero nagpatuloy ito sa paghikbi.

Nagkatinginan kami ni mama sa ginawa ni Lanaia. "Isama mo na sila. Baka kaya naglalambing 'yan ay dahil sa nangyari kahapon. Mabuti pa na libangin mo muna sila para mawala na ng tuluyan sa isip nila yung ginawa sa kanila ni Brenda. Marami ka namang staff don na maaasahan o kaya kapag kailangan mo talagang magluto, pabantayan mo muna sila sa staff mo. May office ka naman doon kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi naman gagawi ang mga 'to sa kitchen area."

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag. Nagtulungan kami ni mama na paliguan ang mga bata dahil sobra na akong malilate sa trabaho. Si mama naman ay hindi sasama para raw family bonding naming mag-aama ang mangyari.

"Bye Landon, Lanaia and Lancelot. Behave there okay?" Sabi ni mama habang tinutulungan ako na isakay ang mga bata sa kotse ko.

Kumaway naman silang tatlo kay mama bago ko isinara ang pinto ng kotse at nagpaalam na kay mama na aalis kami. "Bye ma."

"Okay. Ingat kayo." Pumasok na rin siya agad sa loob ng bahay pagpasok ko sa kotse ko.

Habang palabas kami ng street ay sinilip ko muna ang tatlo kong chikiting na nakaupo sa kanya-kanya nilang car seat. May kanya-kanya silang ginagawa habang nasa daan kami. Si Lanaia at Landon ay kumakanta ng kung anu-anong nursery rhymes na hindi ko gaanong maintindihan habang si Lancelot naman ay nilalaro ang hawak niyang laruan na eroplano.

Nang makapagpark ako sa likuran ng restaurant ay inasikaso ko sila agad. Isa-isa kong silang tinanggal sa car seat at isinukbit ko sa kanila ang mga backpack nila na si mama ang nag-asikaso. May laman ang backpack na kanya-kanya nilang gatas at milk bottle at may bitbit pa akong malaking bag na naglalaman ng mga laruan nila para di sila maboring habang nandito sa restaurant. Hindi ko pa kasi naaasikaso yung ipapagawa ko sanang playing area dito sa restaurant ko kaya magtiis muna sila na maglaro sa loob ng office.

Marahan ko silang tinutulak at hinihila papunta sa entrance ng restaurant. Mabuti na lang ay wala pa sila sa huwisyo maglikot kaya hindi ako nahirapang ipasok sila sa loob. Pagpasok nga namin sa loob ng restaurant ay nagulat pa ang mga staff na kasama ko sila. Madalang ko kasi silang isama rito.

"Hello babies!" Lumapit sa amin ang ilang mga staff at pinagkaguluhan nila ang triplets na walang kamalay-malay.

"Ang cute niyo. Anong naisipan ni boss at isinama kayo?" Malaki ang ngiting sabi ng isang staff ko.

Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon. Baka rin kasi matulungan nila ako na maghanap ng panibagong tagapag-alaga ng mga anak ko.

"Nako boss buti hindi niyo po sinampahan ng kasong child abuse yung nag-alaga sa kanila. Bawal na bawal po 'yon sa batas." Sabi ni Chef Stan na lumapit din para batiin ang mga bata.

"Hindi na. Ayoko ng lumaki pa ang gulo saka wala naman na akong dapat ipag-alala kasi inalis ko na siya sa trabaho niya. Kung may kakilala kayo na gustong mag-alaga ng mga anak ko sabihan niyo lang ako. Medyo mahirap talaga maghanap ng mag-aalaga lalo at edad pa ng kakulitan nila."

Nagtanguan naman ang mga staff ko at bumalik na sa kanya-kanya nilang trabaho. Ang triplets naman ay dinala ko sa office ko at wala pang limang minuto ay inaabot na ni Lancelot ang mga bagay na nandito. Si Lanaia at Landon naman ay isa-isang inilalabas ang mga laruan na dinala namin.

"Anak huwag mong abutin 'yan. Mabasag 'yan masusugatan ka." Saway ko kay Lancelot na inaabot ang isang picture frame na naglalaman ng picture naming apat.

Hindi ito nagpapigil kaya nilapitan ko siya saka ko binuhat at dinala sa mga kakambal. "Ang kulit mo talaga anak." Pinanggigilan ko ang pisngi niya saka ko siya hinalikan doon. "Buti na lang talaga ay kamukha kita."

Ibinaba ko siya para makipaglaro sa dalawa na agad namang niyang ginawa. Sa halip na gawin ko na ang hindi ko natapos kahapon ay pinagmasdan ko muna sila na masayang naglalaro sa playing mat. Naupo ako sa tabi nila at pinagkasya ko ang sarili ko sa napapanuod ko. Kontento na ako sa mga anak ko.

Landon and Lancelot are really look alike. Kamukhang-kamukha ko sila lalo nung bata ako kaya hindi talaga nakakapagtaka na sa akin sila. Si Lanaia may hawig siya sa akin pero hindi niya gaanong nakuha ang mga features ko. Sa tingin ko ay sa mommy niya siya nagmana. Ganon pa man ay maganda siyang bata. Sabi nga ni mama ay lalo pa raw siyang gaganda kapag nagdalaga at ang mukha raw ni Lanaia ay pang beauty queen.

Nalipat ang tingin ko kay Landon na tumayo at lumapit sa akin habang may dalang robot. Inabot niya 'to sa akin habang may malalim na tingin. "Dada car." He said.

Inakay ko siya saka ko siya kinandong at inayos ko ang robot niyang hawak para magtransform na isang kotse. Sa kanilang tatlo, itong si Landon na panganay ko ang may pagkatahimik minsan at ang pinakamadaling pagsabihan. Alam din niya sa murang edad na siya ang kuya ng dalawa.

Si Lanaia naman ay halong Landon at Lancelot ang ugali. May pagkamaharot na malikot at kung minsan ay tahimik at madali ring pagsabihan. Siya ang pinakamalambing sa kanilang tatlo.
Habang si Lancelot ang palaging makulit at malikot. Siya lagi ang bukambibig ko kapag nananaway ako. Sabi nga ni mama na mukhang si Lancelot ang magiging sakit ko sa ulo kapag lumaki na sila. Ganon pa man ay magalang siyang bata at kapag nakikita niya ang mga kapatid niya na pumipirmi ay nakikigaya na rin siya.

Magkakaiba man sila ng ugali, wala akong paborito sa kanilang tatlo. Pantay-pantay ang pagmamahal ko sa kanila at gagawin ko ang lahat maibigay ko lang lahat ng kailangan nila. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa saka ko sila tinawag. Nang makita nila na kumukuha ako ng selfie namin at nagkanya-kanya na silang pose kaya natawa ako.

"Behave kids okay? Daddy's going to work now." Sabi ko pagkatapos naming magpicture. Hinalikan ko muna sila isa-isa sa nuo bago ako bumalik sa mesa ko at nagtrabaho na nga.

Dahil kasama ko sila ay hindi ako lumalabas ng office at hindi rin ako makapagluto sa kusina. Kaya naman ang ginawa ko na lang habang binabantayan sila ay inayos ko na lang ang mga papeles na hindi ko pa dapat aayusin para may magawa pa akong iba sa araw na 'to. Nagpaplano na rin kasi ako na magtayo ng tatlong restaurant pa ulit at ilalagay ko ang mga 'yon sa pangalan ng mga anak ko. Plano ko na roon ko kukunin ang ipampapaaral ko sa kanila mula sa mag-umpisa silang mag-aral hanggang sa makatapos. Gusto ko na kahit papaano ay financially stable ako pagdating sa kanila para makapagtapos sila.

Nang may kumatok sa pinto ay agad tumakbo si Landon at Lancelot para buksan 'yon. Napailing at napangiti na lang ako sa ginawa nila. Sumilip si Chef Stan sa siwang na ginawa ng mga bata saka pumasok.

"Hindi ka makalabas kasi nandito yung mga bulinggit mo ano?" Pang-aasar nito saka lumapit sa akin.

"Oo nga eh. Malingat lang ako ng ilang minuto kung anu-ano na ginagawa o hawak ng mga 'yan. Bakit nga pala napunta ka rito? May problema ba sa kitchen?"

Umiling siya. "Wala naman. Itatanong ko lang sana kung kailan dadating yung mga ingredients na binili natin sa Korea. Excited na ako sa ilang korean dish na ilalagay natin sa menu. Balak ko sana na subukan muna yung mga ingredients mula Korea talaga. Iba kasi talaga kapag doon galing, iba yung lasa at dating."

"Baka sa isang araw dumating na. Ikaw bahala kung gusto mong subukan muna. Basta yung ramen noodles alam ko na huling-huli mo na yung lasa non. Ilang beses mo na akong pinatikim nung ramen mo, Chef Stan, hindi nakakasawa."

Natawa naman ito sa akin. "Maglolokohan pa ba tayo Boss Xenon. Di hamak na mas magaling ka gumawa ng ramen kaysa sa akin. O siya sige balik na ako sa kitchen. Pumunta lang talaga ako rito para itanong ang bagay na 'yon."

Nakipagkulitan muna ito saglit sa mga bata bago tuluyang lumabas ng office ko. Huminga ako ng malalim bago nilapitan ang mga bata. "Okay who wants some food?" I asked them. Tanghalian na rin kasi.

Agad nagtaas ng kamay si Lanaia at nagpabuhat sa akin. "Me dada. Love food." She said.

"How about dada! You love dada?" I asked her.

Tumango siya saka sumagot. "Love dada."

"I love you too, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

82.5K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
72.4K 3.2K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
No Escape By Navi

General Fiction

98.6K 2.6K 33
Warning spg!!! Contains. Drugs, murder. Read at your own risk. Hanggang sa kamatayan, hanggang sa kabilang buhay ayaw kitang iwanan. Xantheus...