Hades Academy ( Completed )

By elyjnxx

282K 10.5K 644

Zouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as... More

Hades Academy
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Author's Note
Book Covers
Announcement

Chapter 49

3.2K 145 1
By elyjnxx

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 49

Third Person's POV

Nang lumabas si Zouie matapos tumunog ang bell hudyat na break time na ay napabuntong hininga na lang sila.

Halata kay Zouie na lumalayo siya sa kanila lalo na ng lumipat ng upuan si Zouie at mas pinili na lang na tumabi malapit sa kanilang pinto.

Kita mo rin ang pagiging cold sa mukha ni Zouie.

Alam naman nila na sila ang may kagagagawan nun dahil nga nasaktan nila 'to.

"Paano na iyan? Hindi man lang siya lumilingon sa atin?" malungkot na sabi ni Seth.

"Eh 'di huwag tayong sumuko. Susuyuin natin siya hanggang sa maging maayos na ang lahat." sabi ni Vin at tumango naman silang lahat.

Sa gilid naman ay makikita mo ang pagiging tahimik ng tatlo. Sina Hance, Nyl at KN.

Nasa malalim silang pag-iisip kung paano sila makakapag-explain kay Zouie.

'Namimiss ko na si Zouie.' bulong na sabi ni Vin sa kanyang sarili.

Nagsisisi sila dahil kung sinabi na nila ng maaga ay hindi na siguro hahantong sa ganito.

'Pero paano kaya nalaman ni Khezia iyon?' Ang nasa isip ni KN habang nakakunot ang noo.

Alam kasi nilang sila lang ang nakakaalam kaya nakapagtataka na nalaman iyon nila Khezia.

'Sana mapatawad mo na kami, Zouie.' sabi ng mga section októ sa kanilang mga sarili.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Zouie's POV

Hindi ko na alam kung anong dapat kung gawin.

Ang sakit. Ang sakit sakit na parang gusto ko na lang magbigti pero alam kong mali iyon.

Alam kung pagsubok lang 'to at ang pagbigti ay hindi dapat ginagawa.

Mahal ko pa ang buhay ko at gusto ko pang mabuhay kahit na gaano kahirap.

Pero ang sakit sakit pa rin! Parang namamanhid na ang sarili ko sa sobrang sakit.

Putangina lang talaga.

May dapat pa ba akong malaman? Sana malaman ko na ang lahat para isang bagsakan na lang.

Nagpatuloy akong umiyak dito sa garden habang yakap yakap ang mga binti ko.

Habang umiiyak at sakto namang bumuhos ang malakas na ulan pero hindi ko inalintana iyon.

Hinayaan ko na lamang na mabasa ako ng ulan.

Ang ganda ng timing dahil parang dinadamayan niya ako sa sakit na nararamdaman ko.

Gusto ko munang manatili sa gitna ng ulan para kahit papaano ay walang makakita sa sakit na nararamdaman ko at sa luha kong patuloy na umaagos sa mata ko.

Napatingala ako sa itaas at dinama ang malamig na tubig ng ulan.

Kung hindi ko sila kapatid, sino ang totoo kong pamilya?

Pero bigla na lamang akong napatigil sa pag-iyak ng bigla kong maalala ang mga nangyayari sa akin.

Ang mga alaala na bigla bigla na lang lumalabas sa isip ko. Bigla bigla ko na lang kasi iyon naaalala tuwing may sinasabi sa akin si Kuya Kurt.

Hindi kaya may koneksyon ako kina Kuya Kurt?

Shit!

Kailangan ko munang makasigurado. Sasabihin ko 'to kay Kuya Kurt bukas.

Nang makaramdam ako ng lamig ay hindi pa rin ako umalis pero ng maramdaman kong medyo bumibigat na ang ulo ko ay umalis na ako at umuwi sa aming dorm.

Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama ko kahit na basang basa pa ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako na nanginginig sa lamig.

Hindi ko halos madilat ang mata ko dahil sa bigat ng mga talukap ng mata ko.

Ramdam ko rin ang init na lumalabas sa ilong ko. Masakit at mabigat din ang ulo ko.

Paniguradong may trangkaso ako.

Ramdam ko na pumipikit na naman ang mata ko at nandidilim na ang paningin ko pero bago ko tuluyang mapikit ang mata ko ay naaninagan ko si Ysa na naglalakad patungo sa akin.

Nagising na lang ako na medyo masakit ang ulo ko pero pagkadilat ko ay bumungad sa akin ang puting kisame.

Puting kisame?

Agad kong nilibot ang tingin ko at napagtanto kong nasa clinic ako.

"Oh, thank God you're awake." sabi ng isang pamilyar na boses.

Kinusot ko muna ang mata ko at napagtanto kong si Kuya Kurt pala 'to.

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?" takang tanong ko sa kanya.

Agad naman niya akong pinitik sa noo na ikinadaing ko.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan e. Bakit ka nagpaulan?" tanong niya sa akin at bigla naman akong napaisip.

"Nalaman ko kasing hindi ko pala kapatid sina Ate at Kuya." sabi ko at bigla na lamang napatulo ang luha ko.

Ginamit ako ng section októ sa plano nila para makapaghiganti kina Ate pero hindi pala nila ako totoong kapatid.

Naramdaman ko namang niyakap niya ako kaya mas lalo akong napaiyak.

Humiwalay naman ako sa kanya at hinarap siya.

"Alam mo Kuya Kurt? Nung mga nagdaang araw na tuwing may sinasabi ka sa akin. Biglang may nagpapop na alaala sa utak ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. Halos lahat nun ay magkalapit sa mga sinasabi mo." sabi ko at nanlaki naman ang mata niya.

"Sa tingin mo, may koneksyon kaya ako sa'yo?" tanong ko at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Damn! Maybe you're my sister!" sabi niya at naramdaman kong parang yumuyugyog ang balikat niya at doon ko lang napagtanto na umiiyak siya.

"Woi. Hindi ka pa nga sigurado." sabi ko sa kanya pero umiling siya.

"Sigurado na ako. Tignan mo. Parehas tayo ng kulay ng mata at buhok. At saka ang gaan ng loob natin sa isa't isa. Ibig sabihin nun ay lukso ng dugo diba. At saka bakit hindi man lang ako nagtaka na bakit parehas tayo ng mga ibang features." sabi niya kaya naman napaisip ako sa sinasabi niya.

Tama nga siya at hindi ko rin naisip kung bakit kaya ganun. Akala ko ay coincidence lang.

"Pero teka muna, sino pala ang nagdala sa akin dito?" tanong ko at suminghot naman siya.

"Ako. Pagkapasok kasi ni Ysa ay nagtaka siya kung bakit basang basa sa dorm niyo patungo sa kwarto mo kaya pinuntahan ka niya. Kaya doon niya nalaman na inaapoy ka na pala ng lagnat kaya sa sobrang pag-aalala niya ay pinuntahan niya ako at ako ang nagdala dito sa'yo sa clinic dahil hindi ka naman niya kayang buhatin." sabi niya kaya naman napatango tango ako.

"Huwag mo na ulit uulitin iyon ha! Kapag may problema ka, o may natuklasan ka ulit. Puntahan mo lang ako o kaya'y si Ysa hindi yung nagpapaulan ka." sabi niya kaya naman tumango ako at ngumiti.

Agad naman niya akong niyakap ulit at hinahaplos ang buhok ko.

"Ang tagal ko ng hinintay 'to. Finally, nahanap na rin kita. Sana talaga ay ikaw na yung kapatid ko na matagal ko ng hinahanap. Dibali, para makasigurado tayo ay magpapa-DNA test tayo kapag nakalabas na tayo sa eskwelahang 'to." sabi niya at tumango naman ako.

"I love you little sister."

"I love you too... Kuya." sabi ko at tumawa naman siya.

"Damn! Ang sarap sa tainga." sabi niya kaya hindi ko naman maiwasang hindi matawa.

Sana nga talaga ay ikaw ang tunay kong pamilya at kuya.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2M 38.9K 65
Dark Royalties Gang, sila ang pinaka-malakas na gangster in the group category. Nag-lalaman ito ng apat na babae, na trained to be a gangster since b...
121K 6.3K 118
"Maraming salamat ho manang" ani ko sa babaeng tendera matapos iabot ang 50 pesos na bayad ko sa kinain ko. Ngumiti lamang ito matapos tanggapin ang...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
1.2M 35.8K 53
She is Dianne Elissa Venice Irish Louis "DEVIL" Smith-Roswell, a lady who wants to live a normal life with her boyfriend, disregarding the fact tha...