Love Me Tomorrow

By mhiezsealrhen

1.5M 18.8K 2.1K

Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage... More

DISCLAIMER:
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
LMT

CHAPTER 20

41.5K 547 52
By mhiezsealrhen

Sigawan ang nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Malalakas na mura at sigawan ang umagaw ng atensiyon naming lahat. Nagmamadali akong sumabay sa mga taong nakikiusyuso sa komosiyon sa labas ng pinagbuburulan namin kina Manang Lisa.

There, I saw Helius angrily punching Del Prado. Pagkatapos ni Helius ay si Joaquin naman ang sumuntok. Hindi siya nanlaban at hinayaan lang ang mga kaibigang pagsusuntukin siya. Pumutok na ang mga labi niya mula sa suntok na natamo.

I saw him glance at me. Malamig akong tumingin sakanya at umiwas ng tingin. Tinalikuran ko ang komosiyon nila at bumalik sa loob.

"Anong karapatan mong magpakita dito!" it was Helius angry voice. Ang lakas ng sigaw niya at malinaw iyong naririnig mula sa kinaroroonan ko.

The brown envelope above the table caught attention. Binigay iyon ni Dolores nung dumalaw siya dito. Akala niya ata ay importanteng dokumento kaya inihatid niya sa akin. Nasa ibabaw ng envelope ang itim na ballpen. Pareho ko 'yong kinuha at walang pagdadalawang isip na pinirmahan.

Binalik ko ang divorce paper sa loob ng envelope at tumayo. Wala na ang komosiyon paglabas ko. Nakita ko siya sa hindi kalayuan nakatingin sa pintuan ng kwartong pinanggalingan ko na para bang may inaabangan siyang lumabas. Nang makita ako ay umayos siya ng tayo.

Walang emosiyong naglakad ako palapit sakanya.

May bahid ng dugo ang gilid ng mga labi niya. Wala akong maramdamang iba kundi ang pagdadalamhati at galit ko sakanya. Agad kong tinuon ang atensiyon ko sa mga mata niya.

"Ynessa." he softly called. Inabot ko sakanya ang envelope na matagal niya nang hinihingi sa akin. Matagal niya 'yung tinitigan, mukhang walang balak na kunin mula sa akin. Binato ko 'yon sakanya. Tinamaan ang mukha niya hanggang sa bumagsak sa sahig. Humiwalay ang papel sa envelope kaya kitang-kita ang papel na pinirmahan ko.

Hinubad ko rin ang singsing pati ang bracelet. Tinapon ko 'yon sakanya. Hindi niya sinalo kaya nahulog din sa sahig. Gumulong ang singsing. Natigil lamang nung tumama sa envelope. Muli kong binalik sakanya ang atensiyon ko bago pinakawalan ang mga salitang hindi ko magawang bitawan noon.

"Maghiwalay na tayo." walang bakas ng kahit na anong emosiyong sabi ko.

"You're pregnant." he said like it would change my decision right now.

"Hindi pala nakarating sayo ang balita. Sabay-sabay nawala ang mga mahal ko sa buhay." I said still void of emotion.
"I already talked to my lawyer. Ngayon din ay ipoproseso ang divorce." sabi ko at tinalikuran na siya.

Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na siya binigyan pa ng atensiyon. Nung ako ang nanghingi ay may ibinigay ba siya?

Pumasok ulit ako sa loob. Kung noon ay iiyak agad ako, ngayon ay hindi ko na mahagilap pa ang mga luha ko. Para bang nawala sila kasabay ng pagmamahal ko sa taong iyon. Kung may nararamdaman man ako para sakanya, galit iyon.

He's the reason why I lost two important people in my life. He's also the reason why I almost lost my child. Hinding-hindi siya makakalapit sa anak ko. Hindi ko sakanya pinagkait ang katotohananang magkakaanak kami pero anong ginawa niya? He lost his chance already.


Pagkatapos ng isang linggo ay kailangan na naming ilibing ang mga labi nina Manang Lisa. Doon muling tumulo ang mga luha ko. Nakita ko siya doon. Walang ginawa sina Helius at hinayaan siya sa huling araw ng kaibigan nila.

That day, muli akong dinugo. Nakita iyon ni Tage. Si Helius muli ang umalalay sa akin at nagdala sa hospital.

Kahit kina Helius ay pinalabas kong nakunan ako. Kaibigan pa rin nila si Tage. Galit sila ngayon pero alam kong balang araw ay magkakapatawaran sila. Sa akin, malabo na ang kapatawaran. Mamamatay akong kimkim ang sakit at galit sakanya.

I have to file a restraining order against him. Panay kasi ang lapit niya at isa iyon sa nagdudulot sa akin ng stress.

Mahigpit na bilin ng Doctor ko na iwasan ang stress at mga bagay na nagdudulot non sa akin.

I have to attend some hearing para mapawalang bisa ang kasal namin. Hindi siya makalapit sakin, hindi niya ako magawang kausapin at wala akong balak na bigyan siya kahit ilang segundo ng oras ko.

When it's finally over, agad akong umalis ng bansa at nagpakalayo-layo.

I cut all my contacts, wala akong iniwan. It took me 5 years to finally pull out my share in his company. I exposed the video that I took in his office. I left everything hanging. I deactivated all of my social media accounts. Iniwanan ko ng pera si Dolores at Anselmo, nag-iwan din ako ng pera para sa mga mang-uubas ng kompanya at sa mga kasambahay.

I have to save my child from that cruel world. From his own father.


Greece became my second home. Doon ako nanganak at doon ako muling bumangon. I started investing my savings in different companies. I need to secure my child's future. Ibang-iba ang naging buhay ko sa Greece. But something didn't change; I still don't trust people. Mas lalo akong nawalan ng tiwala sa mga tao. Ayoko ng magpapasok ng tao sa buhay ko dahil natatakot na akong balang araw ay iiwan at sasaktan din naman ako.

But there are things that are inevitable. When I gave birth to my son, my life changed. Ayaw ko mang makisalamuha sa mga tao ay hindi na naiwasan lalo na nung nagsimula ng mag-aral si North. I have to attend to him. Hindi maiiwasan ang pakikipag-usap sa kapwa ko parents kapag ihahatid at susunduin ko na ang anak ko.

"Mom!" North's tiny voice mixed with the noise coming from his schoolmates. Uwian niya na kaya naghihintay ako sa may bench kasabay ang ilang parents na susundo din sa mga anak nila. Nakita ko siyang humahalo sa mga estudyante habang hawak ang kamay ng taong palagi niyang kasabay sa tuwing uwian.

He's very fond of his teacher. Naalala ko nung isang taong gulang pa lamang siya, sinama ko siya sa pamimili ko at bigla na lang umiyak na para bang may inaabot. Nang tingnan ko naman ang inaabot niya ay isang lalaking nakasuot ng sombrero na may dalawang mahabang hinihila na nagiging dahilan para gumalaw ang tenga noon.

I have to run after the guy. Nakakahiya man ay sinabi ko na rin ang sadya ko. Binigay niya 'yon kay North na nagpatila ng mga luha niya. Sobrang laki pa nga non sakanya pero gustong-gusto niya nang suotin.

My son looks mysterious and cute with his bunny hat. Hawak niya ang kanang kamay ni Teacher Gabe habang ang isang kamay naman ay hinihila ang sombrero.

"How's school, baby?" I asked when they stopped in front of me. Lumebel ako sa anak ko at niyakap siya. He kissed my cheeks and said 'okay'.

"Did you remove your bunny when you're inside your room?" tumango siya kaya ngumiti ako. Umayos na ako ng tayo at hinarap ang teacher niya.

"Thank you for accompanying my son, Teacher Gabe." he smiled and let go of my son.

"You're so formal, Russ." he chuckled.

"You're still a teacher here, Gabe."

"Dada, are you going to visit home?" sabay naming binalingan ang anak ko. He started addressing Gabe his Dada for no reason. Nung nakakapagsalita na siya ay 'yon na ang tawag niya kay Gabe. Tumingin sa akin si Gabe na para bang nanghihingi ng permiso.

"Wala ka bang gagawin?" Gabe is a Filipino-Greek. Sa Pilipinas siya lumaki kaya bihasa siya sa Filipino. Minsan nga ay naabutan ko nalang sila ni North na nag-aaral ng Filipino.

"Wala naman." tumango ako.

"I'm going." he announced making my son smile. Ang hirap niyang pangitiin pero kapag si Gabe ay simpleng pagpayag lang ay ngingiti na siya.

"I'll just change and I'll go straight to your house, buddy. I'm going." he kissed my cheeks just like what we used to do everytime, hinalikan niya rin ang anak ko. We both watched him go to his car. He wave his hand before maneuvering his car. Nang mawala na siya sa paningin namin ay saka naman kami pumasok ni North sa sasakyan ko.

"We'll buy stuff, hm? We'll cook dinner for your Dada." hawak kamay kaming pumasok ng supermarket. Inuna kong bilhin ang sangkap sa mga lulutuin ko bago ang mga kailangan sa bahay.

"Get your stuff, baby. I'll wait for you here." sinundan ko siya ng tingin. Napangiti ako nang imbis na ang mga pagkaing gusto niya ang kuhanin ay inuna niya ang paborito kong potato chips. Pumunta siya sa sunod na rack kaya hindi ko na siya nakita. Kukuha 'yon ng mga chocolate niya panigurado.

I looked for fresh vegetables and put it in my cart. Dinamihan ko ang kuha ng cheese dahil mahilig doon ang anak ko.

"Mommy!" bigla kong nabitawan ang hawak kong butter nang marinig ang pagsigaw ng anak ko. Iniwan ko ang cart ko at patakbong tinungo ang kinakaroonan ni North.

Nakita ko siyang umiiyak at wala na ang suot na bunny hat. Lumapit ako sakanya.

"What happened?" nagkalat na sa sahig na ang mga pagkaing kinuha niya. Namumula ang mga mata niya.

"S-Someone got my bunny, Mommy." sumbong niya. Iginala ko ang mga mata ko at may nakita akong batang nakasuot ng kupas na bunny hat. It's my son's. Sa anim na taon non kay North ay kumupas na ang kulay noon. Dating kulay itim ay ngayong grey na. Tumayo ako at hinawakan ang anak ko sa kamay at sinundan ang batang may suot na non.

I saw the child approached a man. Nakatalikod sa amin ang lalaki at busy sa pamimili.

"Look at what I've got, Dad." proud na balita sakanya ng batang lalaki na halos kaedad lang ni North. Tumingin ang lalaki sa bata at halos matulos ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino iyon pero nagpatuloy pa rin.

"Excuse me, Mister, but the bunny your son's wearing is my son's" sabi ko at sabay silang bumaling sa akin. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Hindi ako nagpakita ng rekognasiyon at pinanatili ang diretsong tingin.

"Ma'am Ynessa." he called, still surprised by my presence.

"Anselmo." I acknowledged him.

"Mahal." tawag ng isang tinig. Nakangiting lumapit si Dolores kay Anselmo na nagpagulat sa akin. They're together? What a sudden twist.

"Ang tagal niyo naman dito." sabi niya at mukhang hindi napansin ang presensiya ko.

"Ma'am Ynessa!" gulat na tili niya nang makita ako. Sinugod niya ako ng yakap at naestatwa lamang ako. Something in me wanted to step back to tell her I'm not comfortable with her sudden move but I stopped myself from doing so. She might get offended.

"Hala, Ma'am. Ang tagal niyo pong nawala." humiwalay siya sa akin at pinakatitigan ako na nakapagpailang pa lalo sa'kin. Bahagya akong tumikhim at umiwas ng tingin.

"I'll just get my son's bunny." baling ko sa suot ng anak nila. Nanlaki naman ang mga mata ni Dolores nang bumaba ang tingin sa anak ko bago muling bumaling sa akin at balik ulit sa anak niya. I must say she's surprised.

"What did I told you, Baron? Return his bunny now." istriktang sabi ni Dolores sa anak. Hinubad iyon ng anak nila at binigay kay North. Kinuha naman agad 'yon ng anak ko at tinalikuran na kami. I watched him get all his stuff.

"Bigay 'yon ng Dada niya kaya hindi niya gustong nahahawakan ng iba." paliwanag ko.

"Pasensiya na po, Ma'am." paghingi nila ng paumanhin. Tumango ako at sumenyas nang aalis.

Nasa may cart na si North, naghihintay sa akin. I smiled at him pero agad ding nabura nang makita ang taong malapit sakanya. Are we in a some sort of a reunion? Tumingin siya sa direksiyon ko kaya nagkatinginan kami. Bakas na bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Katulad ko ay hindi niya rin inasahan na magkikita kami dito mismo sa lugar na 'to. Naniniwala na akong maliit ngang talaga ang mundo.

"Ynessa." basa ko sa bibig niya.
Funny how I run away from those people in my past and now, they are just waving at me. Nagpatuloy ako sa paglalakad at huminto sa tapat niya.

"Helius." I acknowledged.

Continue Reading

You'll Also Like

11.1M 318K 61
Midnight Mistress is now live! Temptation Island Series| R-18
1.1M 23.4K 35
[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...