Credendum (Completed)

Per Dominotrix

21.5K 694 129

Isang nobelang hahamon sa inyong paniniwala tungkol sa relihiyon at kultura. Due to insintent public demand... Més

Author's Note
Unang Kabanata: Bakasyon
Ikalawang Kabanata: Ofelia-Ang Salarin?
Ikatlong kabanata: The Shapeshifters
Ika-apat na Kabanata
Ika-anim na Kabanata: Hatol
Ikapitong Kabanata: Confession
Kabanata 8: Lobo ng Panginoon
Ikasiyam na Kabanata: Ang Pagbaligtad
Ikasampung Kabanata: Paniniwala
Book 2???

Ikalimang Kabanata: Witchcraft?

1.3K 44 7
Per Dominotrix

"Itigil niyo ito. Napatunayan ninyo na hindi sugo ng Diablo si Roberto kaya malabong maging isang demonyo si Monica at ang pinagbubuntis niya," sigaw ni Mikmik sa mga ito.

Lumapit si Padre Pio at pinaklma ang mga mamamayan, gayundin si Aling Lupe sinabi niya sa mga ito na hindi na nila kailangan pang magkamali pa sa paghuhusga at baka may mapahamak na naman.

"Pero sunod-sunod pa rin ang namamatay sa ating barrio sa hindi maipaliwanag na dahilan," wika ng isa.

"Kung hindi tayo kikilos ay isa-isa tayong mamatay. Kailangan maubos ang lahat ng alagad ng Demonyo na nagbibigay ng kakaibang sakit na ito na parang wala ng lunas," Sabi pa ng isa.

"Kumalma kayo. Sinisigurado ko sa inyo na hindi tayo titigil hanggat hindi napupuksa ang mga pwersa ng mga Diablo. Magsiuwian na kayo sa kanya-kanyang mga tahanan at magpahinga," sambit ng Pari sa mga taong naroon

"Magsi-uwian? Isang inosenteng tao ang nawala ng dahil sa kagagawan ninyo ngayon per mag-uuwian lamang kayo?" inis na sabi ni Ichi

"Siguro hindi mo maiintindihan pero kaloob na ng Diyos ang tapusin ang kanyang paghihirap. Nakita mo naman kanina kung gaano siya naghihirap sa sitwasyon niya pero ngayon ay malaya na siya," paliwanag ng Pari

"Nahihibang na ang lugar na ito." Sabay tumalikod sila Anndi at ang kanyang mga kasama. Sinamahan nila si Monica hanggang sa maka-uwi ito.

"Kailangan niyo nang maka-alis dito sa bayan na ito. Kami bukas na bukas din ay aalis kami. Hindi na namin kayang tagalan ang kahibangan ng lugar na ito," wika ni Janni.

"Pero wala na kaming pupuntahang ibang lugar. Isa pa, kabuwanan ko ngayon at masama sa bata ang matagtag ako sa biyahe," sagot naman ni Monica.

"Pero papatayin ka nila dito. Sa susunod na may namatay sa lugar niyo dahil sa sakit na hindi nila maiintindihan, ikaw ang pagbibintangan nila. Naiintindihan mo ba iyon?" Galit na sabi sa kanya ni Maya pero mukhang wala nang magbabago sa desisyon ni Monica. Mananatili siya sa lugar na iyon, kahit pa malaki ang porsyento na ikapahamak niya iyon.

"Hindi naman siguro nila ako pag-iisipan na alagad ng demonyo. Nagkamali lang sila sa asawa ko dahil sa kondisyon niya."

Ipinagkibit balikat na lamang ng magbabarkada ang sinabi ni Monica. Tumalikod na sila at iniwan na si Monica sa munti nitong tahanan. Habang pauwi sila nila Anndi ay hindi nila maiwasang pag-usapan ang nangyayari sa bayan.

"Kailangan na nating maka-alis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Baka sa susunod na isipin nila si Ichi at si Mikmik mga aswang naman." Nag-aalalang sabi ni Janni

"Si Kuya sa pagmumukha pa lang pwede nang masabing aswang pero si Mikmik malabo," biro ni Maya na pinapagaan ang usapan pero kahit siya ay nais na niyang umalis sa lugar na iyon.

"Sasama ka na ba sa amin sa pagbalik, Anndi?" tanong sa kanya ni Mikmik

"Hindi muna siguro hanggat hindi pa naayos ang nangyayari dito sa lugar namin," sagot naman ni Anndi.

"Bakit hindi tayo lumapit sa mga nasa kapangyarihan para ipaalam ang nangyayari dito sa lugar ninyo?" ani Ichi

"Kung gagawin natin iyon. Malalaman ng pulisya ang pinaggagawa ng Ama ko sa mga taong namatay. Siguradong makukulong siya. Sila na lang dalawa ni Nanay ang magkasama sa bahay tuwing nasa Maynila ako at nag-aaral."

Natahimik ang apat sa sinabing iyon ni Anndi. Hindi nila masisi ang kaibigan sa pagtatakip sa ginagawang kabaliwan ng bayan, wala rin naman silang maitulong dito kaya't hinayaan na laman nila ito. Basta ang desisyon nila, aalis sila dito bukas ng umaga.

Pag-uwi nila sa bahay nila Anndi ay may mangilan-ngilan na tao roon at parang pinupulong ni Mang Lino. May kung anong bagay silang binubuo pero hindi na nila pinansin iyon. Dumiretso sila sa kani-kaniyang kwarto at nagpahinga.

Si Mikmik ay hindi na nakatulog, inayos na nila ang kanilang mga gamit at hinintay ang pagsapit ng umaga na para bang hindi makapaghintay na lisanin na ang lugar na iyon. Mula sa kwarto nila ay naririnig nila ang maingay na pukpukan ng kahoy sa labas. Bakit nga ba gabing-gabi na eh nagkakarpintero pa rin ang mga tao sa loob.

"Ano na naman kayang kaguluhan ang ginagawa ng mga ito?" inis na sabi ni Ichi. "Ikaw ba hindi natatakot sa lugar na ito? Baka sa susunod ikaw o isa sa mga kasama natin mapagkamalang tiga-dala ng salot sa bayang ito."

"Natatakot din. Kaya nga aalis na tayo mamaya, di ba?"

"Papaano si Anndi?" tanong ni Ichi kay Mikmik

"Pamilya niya naman ang nandito, magiging okay lang siguro siya," sagot ni Mikmik

"Hindi natin masabi, sa susunod na may mangyari dito na hindi nila maintindihan ay pwede nilang isisi kung kani-kanino," sagot nito.

Mayamaya pa ay nagtatatakbo si Elsa na parang baliw. Umiiyak ito at nagsisisigaw.

"Ang anak ko namatay na!" sigaw ni Elsa habang tumatakbo sa lokasyon nila Mang Lino.

Nilapitan siya ni Mang Lino at sinubukang pakalmahin pero sadyang hindi ito mapakalma. Nagsimula na ring maglapitan ang mga tao kay Elsa para pakinggan ang kwento nito.

"Lupe, makidala ka nga dito ng isang basong tubig para kay Elsa," utos nito sa asawa.

Agad namang tumalima si Lupe sa utos ng asawa. Sandali itong pumasok sa loob ng bahay at paglabas nito ay may hawak ng isang basong tubig. Iniabot niya ito kay Elsa. Sinubukang uminom ni Elsa ngunit hirap na hirap siya dahil nanginginig ang buong katawan nito. Binawi na lamang ni Lupe ang baso at siya na ang nagpainom kay Elsa. Medyo nakaginhawa si Elsa matapos makainom ng tubig.

"Ano bang nangyari Elsa?" tanong ni Lupe dito

"Ang anak ko, wala na," sabay naiyak muli ito. Kinuha ni Mang Lino ang isang upuan at pinaupo si Elsa.

"Siguro talagang oras na niya," ani Aling Lupe

"Hindi Aling Lupe!" wika ng isa sa mga taong naroon na kanina pa nakikinig. "Ganti iyan ng demonyo dahil isa si Aling Elsa na nagsabi na kailangang parusahan si Roberto."

Nagsimula na namang magbulungbulungan ang mga tao saa paligid. Si Elsa naman ay napatayo at napaisip. Inisip niya na posibleng mangyari ang bagay na iyon.

"Tama ka. Maayos pa ang anak ko nang iwanan ko siya bago matulog. Baka naghiganti si Monica at pinatay ang anak ko?" takot na sabi ni Elsa

"Hindi malayo iyan Aling Elsa. Mabuti pa sugurin natin si Monica sa bahay nila nang malaman natin. Dapat kasi kanina pinuksa na natin siya," sigaw ng isa

Dinig na dinig sa loob ng kwarto nila Mikmik at Ichi ang sigawan sa labas. Hindi na rin sila nakatiis at lumabas na ng kwarto. Eksaktong paglabas nila ay nakasabay nila sila Janni, Maya at Anndi na papunta na rin sa kaguluhan.

"Ano ang ingay na iyon sa labas?" tanong ni Maya kila Ichi

"Mukhang namatay na 'yung anak ni Aling Elsa at sinisisi nila si Monica," sagot ni Ichi.

"Narinig ko nga papunta sila kila Monica. Tiyak nanganganib siya at ang anak nito," dugtong naman ni Mikmik

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang lima at agad nang lumabas para pigilan ang mga tao at pakalmahin. Pero huli na ang lahat paalis na ang mga ito at tila galit na galit. Minabuti na lamang nilang sumunod sa mga tao at baka sila pa ang mapagbuntunan ng galit.

Mabilis ang lakad ng mga tao na tila nagmamadali at baka may makatakas na kalaban. Ganoon din sila Anndi, kung pwede lang ay mauna sila sa lugar para masabihan nila si Monica na umalis na. Pagdating nila sa lugar ni Monica ay pinagbabato nila ang bahay ni Monica.

"Lumabas ka d'yan! Halimaw!" sigaw ng isa

"Salot ka!" sabi pa ng isa

Sa sandaling iyon ay hindi na nakatiis si Mikmik at Ichi. Sinubukan nilang patigilin ang mga tao.

"Sandali! Paano lalabas iyan kung binabato niyo?" galit na sabi ni Mikmik

"Huminahon muna tayo at hintayin siya sa kanyang paliwanag," wika ni Ichi

Tumahimik nga sandali ang mga ito at hinintay na kusang lumabas si Monica. Ilang sandali pa at dahan-dahang bumukas ang pinto ng maliit na barong barong nila Monica. Sumisilip pa lang si Monica ay sinugod na siya ni Aling Elsa. Sinabunutan siya ni Aling Elsa at kinaladkad palabas sabay itinulak hanggang madapa sa kalsada.

"Walanghiya ka! Pinatay mo ang anak ko!" mangiyakngiyak na sabi ni Aling Elsa.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi ninyo!" sagot ni Monica na hindi na mapigilang maiyak.

Isang sampal ang sinagot pabalik sa kanya ni Aling Elsa. Sa puntong iyon ay nakialam na sila Anndi, Janni at Maya. Inawat ni Anndi si Aling Elsa sa pagwawala at ang dalawa naman ay inalalayan si Monica.

"Maghunos dili naman kayo Aling Elsa. Buntis si Monica," saway dito ni Anndi.

"Wala akong pakialam. Siya ba inisip niya ba ang buhay ng anak ko? Hindi!" hindi talaga mapakalma ni Anndi ang nagwawalang si Elsa.

"Bakit niyo ba pinaparatangan si Monica na pumatay sa anak niyo! Nakita niyo ba na pinatay niya ang anak niyo? Ang hirap sa inyo ang hilig ninyong mamintang. Una pa lang may sakit na ang anak ninyo pero ayaw ninyong patingnan sa mga espesyalista dahil kumbinsido na kayo nakagagawan ng demonyo ang sakit na iyan." hindi na nakapagpigil si Anndi at nagalit na rin kay Aling Elsa.

Para namang nahimasmasan si Aling Elsa sa sinabi ni Anndi. Magiging maayos na sana ang lahat ngunit muling pumagitna si Mang Lino sa eksena.

"Hindi natin masasabi, alam nating lahat kung paano traydor na tumarabaho ang demonyo. Magbabalat kayong isang kaparis natin at sa gabi ay maghahasik ng lagim," anang kanyang ama

Nagtanguan ang iba pang nandoon tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ni Mang Lino. Maya-maya pa ay biglang dumating si Padre Pio sa lokasyon nila. Hindi na nakapagtimpi pa si Janni at kinastigo na ang pari.

"Isa kang pari, paano mo naatim na mangyari ang ganito sa bayan na ito?"

"Gusto ko lang wakasan ang misteryosong sakit na bumabalot sa lugar na ito, anak. Ang kakaibang sakit na dulot ng mga mangkukulam na sugo ng Diablo," sagot ng pari

Napailing na lamang si Janni at Maya sabay tumalikod. Ayaw na nilang marinig pa ang susunod na sasabihin ng paring ito. Para siyang isang nilalang na napakataas ng tingin sa kaniyang sarili at hindi maaring magkamali sa kanyang mga pasya at desisyon.

"Iyan! Si Monica siguro isang mangkukulam!" wika ng isa na nasa kaguluhang iyon.

"Oo nga! Kailangan diyan, parusahan!" sigaw pa ng isa

Pumagitna na ang pari at nilapitan si Monica na takot na takot. Yumakap si Monica sa pari na parang naghahanap ng magsasalba sa kanyang kaligtasan pati na rin sa kanyang magiging anak.

"Padre Pio, tulungan ninyo ako." nanginginig na wika ng babae

"Tutulungan kita kung tutulungan mo rin kami. Aminin mo, may kinalaman ka ba sa sakit na dumadapo sa bayang ito?' tanong ng pari sa kanya

Hindi makapaniwala si Monica sa narinig. Ang inaasahan niyang magliligtas sa kanya ay siya pang nang-uusig sa kanya.

"Wala po akong kinalaman Padre. Alam ninyong taong simbahan ako," sagot nito

"Meron naman sigurong basehan ang pag-aakusa ng mga tao dito na mangkukulam ka. Meron ba sa inyo ang handang magpatunay na isa siyang mangkukulam?" tanong ni Padre sa mga taong bayan.

Isa-isang naglapitan ang mga umaakusa kay Monica na siya'y isang mangkukulam.

"Natatandaan ko po noong isang taon. Hinawakan niya sa ulo ang anak ko at bigla na lang nagkasakit," wika ng isa.

"Namatay po ang Lolo ko matapos naming makitang tinitingnan niya ito noong dumaan dito saharap ng bahay nila," sagot pa ng isa.

"Totoo ba iyan? Pero di ba matagal ng may sakit ang lolo mo? Buti na nga lang at nakakapaglakad-lakad pa siya." dugtong pa ng iba

"Totoo iyon, nakita ko pa siya minsan na nanglilisik at umaapoy ang mata. Nang batuhan namin ng asin, nagalit siya," sagot nito sa kausap

Nagsisigaw at naglulupasay sa lupa si Monica. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang tingin ng mamamayan sa kanya gayung alam niya sa sarili niya na wala siyang ginagawang masama.

"Noong nagkasakit ang anak mo, di ba't hindi lang ako ang mag-isang humawak sa ulo niya? Halos lahat yata ay pinahaplos mo ang anak mo dahil sabi mo nausog siya. At ang lolo mo naman hindi lang dito dumadaan kapag naglalakad. Bakit hindi mo sisishin ang kapitbahay namin o ang katapat bahay namin? At ikaw gusto mong matuwa ako matapos mong batuhan ako ng asin?" wika ni Monica habang umiiyak.

Habang nag-iiiyak si Monica at nakalupasay sa daan ay nilapitan ni Mang Lino si Padre Pio.

"Hindi tayo pwedeng manghusga hanggat hindi umaamin sa kasalanan ang may gawa," wika ni Padre

"Hayaan niyo ho't pinaghandaan na namin ng mga taong bayan ang bagay na iyan," Ani Mang Lino

Pinakuha ni Mang Lino sa ilang kalalakihan ang bagay na kanina pa nila ginagawa. Makalipas ang ilang oras ay dinala na ang isang malapad na tabla, may mga kadenang pantali dito at ikutan sa gilid. Sa ilalim ay may mga bilog ding bagay na umiikot kapag pinapaandar ang ikutan.

"Itali niyo na si Monica dito," utos ni Lino sa mga tao.

Continua llegint

You'll Also Like

1.1K 103 27
They're both authors who accidentally meet at a book signing. Rivalry between their book, followers, fans, reads and votes arises as the days pass by...
22.6K 660 18
There's a girl named Ada Febb Abraham. Rebel-type and uh.... she has a GUARDIAN ANGEL!
3.6K 87 25
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
1.3K 264 21
"Isang abuhing aso, isang puting tandang, at ang gintong tapis ni Ines Kannoyan ang muling bumuhay at bubuhay sa magiting na banwar ng Nalbuan." A Ba...