Arts and Goodbyes

De becauseitsja

1.6K 144 16

Coping with the death of her famous painter grandfather, devastated Krayola rekindles her dead dreams togethe... Mai multe

Work of fiction
Arts and Goodbyes
Simula
Kabanata 1 : Arts
Kabanata 2 : Plaza de Roma
Kabanata 3 : Binibini
Kabanata 4 : Mansion
Kabanata 6 : Aburrido
Kabanata 7 : Desgraciado
Kabanata 8 : Tree House
Kabanata 9 : Aceptación
Kabanata 10 : Kayumanggi
Kabanata 11 : Aking Guro
Kabanata 12 : Aklatan
Kabanata 13 : Kasintahan
Kabanata 14 : Emosyon
Kabanata 15 : Inconsistente
Kabanata 16 : Delicioso
Kabanata 17 : Invulnerable
Kabanata 18 : Sampaguita
Kabanata 19 : Museo
Kabanata 20 : El Amor Duele
Kabanata 21 : Competitive Erin
Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico
Kabanata 23 : Tu Amor
Kabanata 24 : The Confession
Kabanata 25 : Aking Binibini
Kabanata 26 : Sunset and Rain
Kabanata 27 : Nuevo Comienzo
Kabanata 28 : Maestro
Kabanata 29 : Pagitan
Kabanata 30 : Goodbyes
Wakas
Karagdagan : Liham

Kabanata 5 : Eclipsar

31 4 0
De becauseitsja

GULAT na napatingin ang kinse anyos na si Krayola sa kanyang lolo Kristiano bago napamaang sa impormasyon na sinabi nito. "Gano'n po ba?"

"Yes, Binibini. It was annular solar eclipse when I lost the love of my life." Nahimigian niya ang munting kalungkutan sa boses ng kanyang lolo bago nito inilapag ang brotsa na hawak pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "January 15, 1991. Iyon ang araw na tuluyan ng binawi ng mundo ang aking kasiyahan, ang taong aking pinakamamahal."

Malungkot na napatingin si Krayola sa dalisay na tanawin na makikita ngayon mula sa Painting Room ng kanyang lolo. Simula nang tumuntong siya sa edad na sais ay nakagawian na nilang mag-abang ng duyog mula sa kanyang kuwarto o sa balkon ng bahay ng lolo. Ngayon rin ang ika-labing siyam na anibersaryo ng pagkamatay na kaniyang yumaong na lola.

"Your mom and dad were still planning to get married that year. I remember how excited your grandma was to have you taken care of once you were born. She always looked forward to her soon to be sunshine as much as I did. Sadly, she... s-she didn't make it. Tuluyan ng bumigay ang katawan ng lola mo dahil sa Cancer."

Nang marinig ang pagnginig ng boses ng lolo ay naluluhang napatingin na lamang si Krayola dito bago ito nilapitan at niyakap nang mahigpit. She could feel his grandfather's sorrow inside the room. Sabay silang tumingin sa nagdilim na araw dahilan para kumulimlim na ang paligid. Ang mistulang makikita na lamang ay ang puting umaaligid sa bilog ng araw na tuluyan na naging itim.

"I'm sorry to hear all of that, Daddy Lo. I'm sure Mommy La is happy now in the afterlife," ani Krayola habang hindi inaalis ang mata sa tanawin. "Pero hindi ko po talaga maintindihan kung bakit nanatili pa rin kayong manood ng pagbabago ng kulay ng araw tuwing Solar Eclipse. Ang sabi nga po nila, hindi ba? Na may mangyayaring masama tuwing duyog. Just like Mommy La's death. Hindi po ba dapat iniiwasan ninyo ang pag-aasam tuwing Eclipse, kasi po para po sa akin, para ninyo na ring sinasaktan ang sarili ninyo kapag nanonood kayo ng Eclipse... katulad ngayon. Naalala ninyo si Mommy La tuwing Eclipse."

"Makinig ka sa akin nang maigi, Binibini." Humarap sa kanya ang lolo at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay. "Just because I anticipate it and watch how it goes doesn't mean I'm hurting or I'm a sadist. It was Solar Eclipse when your grandmother died, yes, you are right. But it was also the day when I get to see her smiling, resting face. Kapag nakatingin ako sa pag-itim ng araw ay hindi pagdilim ng paligid ang nakikita ko kundi ang ngiti ng iyong napakagandang Lola."

She was in awed at his grandfather sweet words. No wonder never his grandfather looked to any woman. Dahil simula nang mamatay ang kanyang lola ay isinama nito ang puso sa paglibing kasama ng pinakamamahal. Her grandmother will always be the love of his life as much as he dedicated his life on painting such incredible masterpieces. Para sa lolo ay walang makakapantay na sinumang babae para dito.

"Things that usually give bad omen to everybody often give unexpected joy things to some. It may be unlucky to many, but it'll be the opposite to others... especially mine."

Napatango-tango si Krayola sa natutuhan. "Nice quote, Daddy Lo. Let me take some pictures and quote it on my photo. I'm going to post it on my Facebook account."

Napabuntong-hininga ang kanyang lolo at napahalakhak. "Hay nako, Binibini. Kayo talagang mga kabataan ngayon, mas pinagbibigyan ninyo talaga ng pasin ang social media kaysa ang mag-explore sa mundo. Just always remember that Eclipses are phenomenal, so always look forward to it."

Kasabay ng huling katagang iyon ay siyang hindi naman sinasadyang pag-uulit ni Krayola sa mga kataga ng lolo. "Always look forward to it...."

Nanlaki ang kanyang mga mata bago naeenganyong tiningnan ang kaibigan at magiliw na ikinulong ang mga pisngi nito gamit ang mga kamay. "That's it, Nance!"

"Sorry, what?" naguguluhang tanong ni Nance bago sumipat sa pangkaraniwang binata.

Nang mahimasmasan sa kanyang ay nagmaaangan si Krayola. "What do you mean what?"

"You mentioned a word that sounds look forward to something like that... look forward to what?"

Ekseharadang umiling-iling si Krayola. "Wala akong sinabi, ah. Baka nabingi ka lang?"

"I mean I am happy that you are showing me some enthusiast after the D-day but I'm not picking anything at all," wika ni Nancy habang nakakunot pa ang noo.

"You know what, Nance, you don't need to. You did a great help already and I thank you so much for that... but for now I think you need to go."

Nagtatakang tumingin sa kanya ang kaibigan. "Do I?"

"Yes, I guess..." hindi siguradong sagot ni Krayola at nagkibit-balikat. "Didn't you? I think you've mentioned before that you have something coming up, 'di ba? You have..." Inihudyat niya ang mga kamay dahilan para mapatango-tango ito sa pagkalito. "You have..."

"A long test this coming June 06 and I need to study my ass off, yes!" hindi inaasahang dugtong ng kaibigan na napahinga sa kanya nang maluwag at napangiti nang pilit.

"Yes, that is what I'm trying to say!" pilit na wika ni Krayola nang sa wakas ay nakalusot na sa butas.

"Thank you for reminding me, Kray!" Umakap ang kaibigan sa kanya bago siya hinagod sa braso. "But yeah, you're right, I need to go. Is it really okay if I go now?"

"Yup, no problem with me, Nance. Just... just be careful at the secret exit, okay? We can't bear to be complacent about this," aniya sabay muling yakap dito nang mahigpit.

Sandaling sumipat ang kaibigan sa lalaki na ngayon ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila, bago ibinalik ang mga nag-aalalang mata sa kanya. "Oh, don't worry about me, Nance, he's harmless," pagtitiyak niya rito.

Muling sumipat ang kaibigan sa pangkaraniwang binata na naging dahilan ng kanyang bahagyang pagngiti. "Oh, okay. Stop that, Nance, stop it. You're scaring him. I will be fine, I promise."

"Oh, okay. You too, be careful, okay?" pagtitiyak ni Nancy na nagpatango-tango sa kanya.

Nang tuluyan nang makapag-paalam sa kaibigan ay agad na nilapitan niya ang binata. "Okay. Now that we know what happened, then let's proceed to the next phase."

Ngumiwi ito sa sobrang pagkalito. "Binibini, hindi kita maintindihan."

"Yeah, right. I forgot. Hindi ka nga pala nakakaintindi ng English," mahinahong wika ni Krayola bago kinuha ang mga pinamili ng kabigan at ibinigay dito ang iba. "Ang ibig kong sabihin ay ngayong alam na natin ang nangyari ay kailangan na nating gawin sunod na antas..."

Sa kaniyang sinabi ay kahit siya mismo ay napangiwi sa sobrang pagkasaliwa. Damn, she wasn't good at using deep Filipino in a conversation. Hindi niya alam ang kanyang mga pinagsasabi kung tama pa ba ang mga ito.

"At iyon ay?" tanong nito.

"Ang makilala ang isa't isa."


"PERO, hindi kita gusto," muling tugon ni Enrico nang magulat sa sinabi ng dalaga. Sa pagkakaintindi niya sa katagang iyon ay para na rin itong lalaking magbabalak mang-akyat ng ligaw sa natitipuhan.

"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Namali lang ako ng pagsabi, okay? Ang gusto ko sanang sabihin ay magpakilala sa isa't isa, hindi ang makilala ang isa't isa." Nakataas ang isang kilay ng dalaga na bumaling sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad sa espasyo papunta sa loob ng bahay. "Alam naman nating dalawa ang pinagkaiba ng dalawang katagang 'yon. Ang kapal naman talaga ng mukha mo sa part na sinabi mong hindi mo ako gusto. Pwes, kung gano'n, hindi rin kita gusto, tanga!"

Nagpahalakhak siya sa matiim na tugon ng dalaga. Ang kaninang nasilayan niya na galit na galit nitong mukha sa bukal ay napagmasdan niyang muli. Nakakabighani dahil kahit na nagpupuyos na ito sa galit ngunit kaaya-aya pa rin itong tingnan.

"Alam mo, Binibini. Sa ugali mong iyan ay tiyak na hindi ka talaga makakahanap ng mapapangasawa," ani Enrico na nagpabuga dito nang marahas na hangin.

"Hindi mo na kailangan ipamukha sa akin ang bagay na 'yon dahil wala naman talaga akong plano," iritadong sagot nito at tiningnan siya nang masama bago muling naglakad nang mabilis. "At saka hindi ko na kailangan maghanap, pwe! Mga magulang ko na mismo naghahanap para sa akin."

"Kung tama ang aking narinig mula sa iyo, Binibini..."  wika niya at agap na pinantayan ang bilis ng paglalakad nito. "Ang sinasabi mo ba ay ikaw ay ipinagkasundo kang ipakasal ng iyong mga magulang?"

Tahimik lamang ito naglakad habang mahigpit na niyakap ang isang kustal na pinamili ng kaibigan nitong nagngangalang Nancy.

"Tama ba ako, Binibini?" pagkumpirma ni Enrico sa hinala.

Puno ng kawalang-ganang tumingin sa kanya ang dalaga bago nito binuksan ang pinto na yari sa sipres na may disenyo na dalawang pinag-krus na botelya, habang nakataga ang salitang TOMAR sa ibaba ng disenyo na nangangahulugang inumin sa tagalog.

"Oo, tama ka," sagot ng dalaga bago tuluyang pumasok sa madilim na silid. Nang binuksan nito ang mga ilaw ay bumungad sa kaniya ang barel-barel na mga alak at ang mga mamahaling inumin at agwardyente.

Kahit pa man inaasahan niya ang magarbosong tanawin ay hindi niya pa rin naiwasang mamangha. Sa kanyang oras ay ang tanging nakakainom ng mga mamahaling alak ay ang mga Espanyol at mga prayle lamang.

"Ipinagkasundo ako ng magulang ko sa taong hindi ko kilala," dugtong ng dalaga na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "Kapag ako ay tumuntong na sa edad na biente-singko ay obligado akong pakasalan ang lalaking iyon. Ni hindi ko pa nga nakita ang itsura ng lalaking gusto nilang pakasalan ko. Saklap, 'di ba?"

Maingat na inlapag ni Enrico ang dalawang kustal sa pinakamalapit na mesa at simpatyang tiningnan ang dalaga. "Ako man ay parehas rin ng nararamdaman, Binibini. Sa nalalapit na himagsikan, kapag isa ako sa mga nagtagumpay ay kailangan kong pakasalan ang babaeng ipinagkasundo sa akin ni Itay, ang anak na malapit nitong kaibigan."

Nang umupo ang dalaga sa upuan na malapit sa mesa ay ganoon rin ang kanyang ginawa, at ngayon ay magkaharap na sila habang namamangha itong nakakatitig sa kanya. "Tama nga ang hinala ko, ikaw nga ay galing sa nakaraan."

"Kung tama nga ang iyong hinala, Binibini, ay maari ko bang ipagpalagay na bigla akong napunta sa hinaharap? At ikaw ay... mula sa hinaharap?"

Tumango ang dalaga. "Yep! Bingo! Tama ka!"

"At base sa ibinigay mong kakaibang titig sa akin nang mabanggit na kaibigan mong si Nancy, ang paglaho ng araw kanina ay iyon ay dahil sa nangyaring duyog?"

"Duyog?" nalilitong sambit ng dalaga.

"Duyog o sa Ingles na naririnig ko sa mga Kastila ay Eclipse. Eclipsar naman sa wika ng mga taga Espanyol."

Napatango-tango ang dalaga. "Ah, okay."

"O-Okay?" nalilitong pag-uulit ni Enrico. "Ano ang ibig sabihin ng sagot mong iyon, Binibini?"

"Iyon ay pagsang-ayon, pero sa salita lamang ng Ingles ang ginamit ko sa halip na Tagalog," sagot nito pagkatapos ay ekseharadang umismid. "Alam mo nahihirapan talaga akong magtagalog nang malalim dahil sa 'yo, eh. Feel ko ang bobo-bobo ko kapag ikaw na kausap ko."

"Patawad kung ako man ay naging pabigat sa iyo, Binibini."

"No no no, it's not like that... I mean... Shit, this way of talking is killing me!" Napasabunot pa ito sa kulay-tsokolateng buhok. "Hindi. Hindi mo kailangan manghingi ng tawad. Ganito na lang. Magkuwento ka na lang tungkol sa buhay mo habang hinhintay pa nating mawala ang mga Paparazzi sa labas bago tayo pumasok ng tuluyan sa loob ng mansyon, ano? Ayos ba iyon para sa iyo?"

"Kapag ba nagkuwento ako tungkol sa buhay ko ay iyon ba ay para kilalanin natin nang maigi ang isa't isa?"

"Oo, para kilalanin natin nang maigi ang isa't isa—Hindi! Hindi nga kasi gano'n! Kapal nito! Magpapakilala tayo sa isa't isa, pero hindi katulad ng nasa isip mo! Tse!" depensang pasinghal nito na nagpahalakhak sa kanya.

"Nagbibiro lamang ako, Binibini, sapagkat batid ko namang hindi mo nanaisin na matali sa isang katulad ko," ani Enrico na henuwinong nakangiti na ilang sandali'y nagpaestatwa sa kinauupuan ng dalaga na kaniyang ipinagtaka ngunit hindi niya na lamang inusisa.


"ANG ama mo ay isa sa mga miyembro ng La Liga Filipina, isang sekretong organisasyon na nagtagal lamang ng apat na araw nang maipatapon si Gat Jose Rizal sa dapitan dahil sa hinalang pag-aaklas laban sa mga Kastila? Tama?" pag-uulit ni Krayola matapos ito na makapagkuwento at makapagbigay ng pagkahaba-haba na mga pangalan.

Napatango ito habang patuloy na nakinig. "Tama."

"At ang pangalan ng iyong ama naman ay Evangelo Jose Menaro Santos y de la Vicente?" dugtong niya bilang pagkumpirma sa nalaman na impormasyon.

"Mali. Ikaw ay mali, Binibini." Umiling-iling ang lalaki. "Ang binanggit mo sa bandang huli ay ang pangalan ng aking kapatid na pinatay sa Plaza de Roma dahil sa salang pag-iispiya laban sa pamahalaan ng Espanya. Si Evangelo ang nababata kong kapatid. Eugenio Juan Manolo Santos y Ramos ang pangalan ng aking ama."

"Why naman ganoon? Why naman ang hahaba naman ng mga pangalan n'yo?" komento niya sabay iling at palatak. "Hindi ba kayo nangangalay kapag nagsusulat ng pangalan kapag may pasulit? Kasi ako dalawa first name ko, pero nahahabaan na ako. Paano pa kaya kung tatlo?"

"Ano?" Nagsimula na naman lumalim ang gatla ng noo ng lalaki, nagpapahiwatig na hindi nito naintindihan ang kanyang biro.

"Ah, wala," agap niyang sagot at tumuwid sa pagkakaupo. "Nakikiramay pala ako sa pagkamatay ng iyong kapatid."

Sandali muna itong pumikit bago nagbigay nang pilit na ngiti. "Salamat, Binibini."

"Krayola Clementina," pagpapakilala niya sa sarili. "Krayola na lang ang itawag mo sa 'kin."

"Binibini..."

"Krayola," giit na pagtatama niya rito. "Simula ngayon ay maari mo na akong tawagin sa aking pangalan. Pinapahinutulutan kita."

Sandaling natigilang ang lalaki. "Ngunit hindi maari, Binibini."

"Bakit? Hindi naman bawal 'yon. Sa nobela na Noli Me Tangere na isinulat ni Gat Jose Rizal, ang tawag ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara ay mismong pangalan naman nito, ah..."

"Binibini, hindi mo ako naiintindihan—" sansala nito na agad niya rin namang pinutol sa pagdugtong ng sasabihin.

"Oh, 'di ba, alam ko? Patanga-tanga lang ako pag tungkol sa history pero nabasa ko na ang Noli Mi Tangere at El Filibusterismo, 'no? Ngayon, sabihin mo sa 'kin kung bakit bawal? Ngayon, sabihin mo sa akin ang palusot mo. Kasi sa totoo lang naiirita na talaga ako sa kaka-binibini mo, eh."

"Dahil si Crisostomo Ibarra at Maria Clara ay magkasintahan, Binibini. Habang tayo ay hindi. Sa paraang pagpapahintulot mo sa akin na ikaw ay tawagin sa pangalan ay para mo na ring sinabing tinatanggap mo ang aking pagmamahal."

Continuă lectura

O să-ți placă și

134K 9.7K 52
I followed every rule, every code that was taught in me at the academy. I was blindly following those men that I looked up to. Until someone made m...
366K 18.6K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
181K 9K 40
Minahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raf...