Enjoy Reading!!!
CHAPTER 32
Zouie's POV
Tatlong araw na rin ang nakakalipas matapos akong masaksak.
Sobra ang pag-aalala sa akin ni Ysa nung mga oras na iyon ng malaman niya ang nangyari sa akin.
Binisita ako ni Ysa at Kuya Kurt pati na rin ang buong section októ.
Halos isang araw na rin daw pala akong tulog kaya ganun na lamang kaitim ang mga eyebags ni KN nun.
Ngayon ay naghihilom na rin ang sugat ko at ngayon ay nakapasok na rin ako.
Halos dalawa o tatlong araw na rin kasi akong hindi nakapasok dahil sa sugat ko.
Pero ngayon ay todo alalay pa rin sila sa akin kahit na sinabi kong okay lang ako.
Ngayon ay kasalukuyan akong nakatingin sa labas dahil ang lakas ng ulan at wala pang prof na pumapasok sa amin dahil siguro sa lakas ng ulan.
Habang abala ako sa pagtingin sa labas ay may biglang kumalabit sa akin.
Nang lingunin ko ito ay si Vin lang pala.
"Oh?" inis kong tanong at ngumiti naman siya.
"Oblong." nakangiti niyang sabi at hindi ko maiwasang hindi siya tignan ng blangko.
Nakahithit na naman ata ito.
"Ang talino mo na diyan?" tanong ko sa kanya at napasimangot naman siya.
"Ang sungit. Nagtataka lang kasi ako e. Parang ang layo na kasi ng narating mo sa pagtingin mo diyan sa labas." sabi niya at tinignan ko naman siya.
"Saan ba ako napunta?" tanong ko at nagtaka naman siya.
"Malay ko sa'yo."
Tinignan ko naman ang upuan ko at siya.
"Hindi naman ako umalis ah? Kaya bakit sinasabi mong ang layo na ng napuntahan ko?" tanong ko at may biglang pumitik sa noo ko pero mahina lang.
Nang lingunin ko ay si KN pala ang may gawa.
Bumalik na kami kasi sa dating pwesto. Sa kaliwa ko siya at sa kanan ko naman si Vin.
"Ayan ka na naman." sabi ni KN at nagmake face naman ako na ikinaani ko na naman ng pitik.
Tinignan ko naman siya ng masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"What?"
"Water." sabi ko kaya sinamaan naman niya ako ng tingin.
Agad naman akong umiwas ng akmang pipitikin na naman niya ako.
Napansin ko naman na lumabas si Hance at si Nyl pero hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin.
Napatingin na lang ako sa labas ng mas lalong lumakas ang ulan. Medyo giniginaw na rin ako dahil nakabukas ang mga bintana namin.
Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong parang naiihi ako.
Agad akong tumayo na ikinatingin sa akin nina KN at Vin.
Napalabi naman ako dahil mukhang alam ko na ang mangyayari.
Daig pa nila ang pulis na nakabantay sa isang suspect.
"Where are you going?" takang tanong sa akin ni KN at napakamot naman ako ng ulo.
"Naiihi ako." sabi ko at bigla namang tumayo ang dalawa at lumapit sa akin.
"Sasamahan ka namin." sabi nila kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Sabi ko, iihi ako. Kaya bakit kayo sasama?" tanong ko at si KN naman ang nagtaas ng kilay.
"So? Aalayan ka lang naman namin ah. Buti sana kung babantayan ka namin na umihi... Unless you want to?" pang-aasar niyang tanong at inirapan ko naman sila.
Bwisit talaga.
Agad namang kinuha ni KN at kaliwang braso ko at inakay ako sa paglalakad.
Aaminin ko naman na hanggang ngayon ay medyo nahihirapan pa rin akong maglakad pero ayaw ko naman kasing umasa lang sa kanila.
Nang makalabas kami ay saka lamang tumabi sa akin si Vin at naglabas ng payong.
Inakay nila akong lumabas papuntang cr.
Nagpapasalamat ako na first floor kami kundi mahihirapan akong humakbang sa hagdan.
Pagkarating ko sa labas ng cr ay pinatigil ko na sila.
"Dito na ako." sabi ko at tumango naman na sila.
Pagkapasok ko ay pansin kong may isang tao rito sa cr kaya hindi ko na pinansin at agad akong umihi.
Pagkatapos ay pumunta ako sa lababo para lumabas at nakita ko naman na lumabas na ang isang estudyante at tumabi sa akin para maghugas.
Nakasalamin siya at nakalugay ang mahaba niyang buhok na medyo tumatabing sa mukha niya. Ang payat din niya at parang medyo namumutla ang balat niya.
Nang papatuyuin ko na ang kamay ko ay bigla na lamang nagmamadaling lumabas ang babae kaya hindi ko inaasahan ang nangyari.
Nabangga niya ako at ang ending ay natumba ako sa sahig at ramdam ko ang pagkirot ng sugat ko.
Shit! Bumukas ata ang sugat ko.
Nilingon ko ang babae at wala na siya sa paningin ko.
Hindi man lang nagsorry.
Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang sugat ko kaya hindi ko pa kayang tumayo at nakangiwi lang ang mukha ko dahil sa sakit.
Tinignan ko ang sugat ko at dumugo na naman.
Tsk! Ano ba yan!
Sinubukan kong humanap ng pwede kong makapitan at kakapit na sana ako ng magulat na lamang ako ng bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang dalawa.
"ZOUIE!"
Agad nila akong dinaluhan at pinatayo.
Si KN naman ang unang nagtanong sa akin.
"What happened? May ginawa ba siya sa'yo?" alalang tanong sa akin ni KN kaya umiling naman ako.
"Nabunggo niya lang ako." sabi ko at si Vin naman ang nagsalita.
"Eh bakit hindi ka man lang tinulungan?" inis niyang tanong.
Nagkibit balikat naman ako.
"Mukhang nagmamadali e. Baka hindi niya ako napansin." sabi ko at napa-tsked naman sila.
"Teka, bakit ba kayo pumasok dito?" takang tanong ko at si Vin naman ang sumagot.
"Nakita kasi namin siyang nagmamadaling lumabas kaya naisip namin na baka may ginawa siyang masama sayo lalo na't hindi ka pa lumalabas." sabi niya kaya napatango tango naman ako.
"At tignan mo, nasa sahig ka na pala." sabad naman ni KN.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni KN at tumango naman ako.
Pero hindi ata siya naniwala dahil bigla niyang inangat ang damit ko at bumungad sa kaniya ang nagdurugo kong sugat.
"Fuck!" pagmumura niya at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong pangkuin.
"Okay naman ako." sabi ko pero nagmamadali pa rin siyang lumabas.
"Shut up." sabay nilang sabi kaya napalabi naman ako.
E di mananahimik.
To be continued...