Love Me Tomorrow

mhiezsealrhen

1.5M 18.9K 2.1K

Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage... Еще

DISCLAIMER:
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
LMT

CHAPTER 11

32.8K 409 30
mhiezsealrhen

Watching the man you chose to love and marry go was like putting yourself in a situation where you don't have any other choice but to just die. Sa mga oras na 'to, para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko. Tanggap ko na may Ardelle sa buhay namin pero ang tuluyang lisanin ang bahay at ang lugar kung bakit ko siya nakuha, parang sinampal sa akin ng realidad na wala talaga siyang nararamdamang pagmamahal para sa akin.

"Tage..." mahinang tawag ko. Alam kong hindi na iyon aabot sa pandinig niya dahil malapit na siya sa sasakyan niya at halos wala ng boses ang naging pagtawag ko.

Gusto kong bumalik sa Catanduanes. Gusto ko ulit maramdaman ang mga yakap niya, ang matulog kasama siya, at ang kaunting pag-asang may pagmamahal siyang nararamdaman para sa akin.

"M-Manang." I broke down.

Nahahapong nilapitan ako ng taong alam ko kahit papano ay totoo ang pinaparamdam na pag-aalala sa akin. Humagulhol na ako ng tuluyan. Hindi ko na kaya ang sakit. Alam mo 'yung pakiramdam parang anytime iiwanan ka ng sarili mong lakas? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Nangingibabaw ang sakit sa buong pagkatao ko.

"Tage! Ang asawa mo!" nagpapanic na sigaw ni Manang. Tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Hindi na malinaw ang mga nakikita ko dahil sa mga luhang kanina pa pumupuno sa mga mata ko. Nahihirapan na akong huminga.

And just like what I've expected, he just watched me at the lowest of my low. Nanlalabo man ang mga mata ko, malinaw naman ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. At ang taong nanakit sa akin ay nakatingin lang sa akin at walang pakialam.

"Anak. T-Tahan na. Andito lang ako. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Hindi kita papabayaan. Huwag ka nang umiyak, Ynessa." mas lalo akong humagulhol sa mga narinig ko. Ang sarap sa pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo. 'Yung hindi ipagdadamot sa'yo 'yung pagmamahal. 'Yung pagmamahal na hindi mo kailangang hingin at ipagmakaawa.

"A-Anak naman... Tahan na. Halika ipagluluto kita ng paborito mong lumpia. Dadamihan ko ang togi para hindi puro wrapper ang makain mo." I appreciate how she tried to make things lighter on my part pero hindi gagaan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ang paborito kong pagkain ang papawi ng sakit.

"M-Manang..." hagulhol ko.

"Andito lang ako. Hindi kita iiwan. Andito lang si Manang. Halika na. Magluto tayo?"

"G-Gusto ko ang asawa ko." basag na sabi ko. "Gusto ko si Tage. Pigilan mo naman siya oh. Please, Manang. 'Wag mong hayaang umalis ang asawa ko." pakiusap ko sakanya.

"Ynessa, may mga taong aalis talaga sa buhay natin. Ayaw man natin pero wala tayong magagawa kundi ang hayaan sila."

"May magagawa pa tayo, Manang. Pigilan mo siya." pakiusap ko.

"Tage!" halos nagmamakaawang tawag ni Manang sakanya. "Maawa ka naman sa asawa mo. Kung may problema kayo, pag-usapan niyo! Hindi 'yung aalis ka at tatakasan ito. Mag-asawa kayo at hindi na mga bata para umabot pa sa puntong iiwan mo itong si Ynessa. Sabay niyong harapin ang problema, Anak!"

Nanginginig na ako dahil sa sobrang pag-iyak. Nakakaramdam na rin ako ng panlalamig sa buo kong katawan. I blinked my tears away but there's still some in my eyes that makes my vision blurry but I managed to look at him.

Nasa may pintuan na siya ng kanyang sasakyan at nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung anong ekspresiyon ang pinapakita niya ngayon dahil may kalayuan ang sasakyan niya at nanlalabo din ang mga mata ko dahil sa pagluha.

"I-Iiwan mo na ba talaga ako?" basag na tanong ko. Nilakasan ko talaga ang boses ko para umabot sa pandinig niya.

"I can't see my future with you, Ynessa. I never seen my life with you." I didn't know that words can make me feel this kind of pain. His words are heartbreaking.

"I was never been excited waking up beside you. It's not comfortable sleeping with you. Foods are tasteless when I'm eating with you. Marriage isn't happy when it's you." he said those words like it won't give me pain at all. He said those words without minding my pain. His words were like dagger painfully hitting my heart. Tagos at sobrang sakit. "Maybe if you're not Ynessa, I would be happy. It would be a happy marriage for five years. I could have loved you. Sadly, you are." para akong unti-unting pinapatay ng mga salita niya. Sugat-sugat na ang puso ko sa mga sinabi niya.

Tage mastered the art of pain. He knows what to say to hurt me. Alam niya kung saang aspeto siya magbibitaw ng mga salita para durugin ako. And he just crushed me multiple times already.

"What's wrong with being Ynessa?" matapang na tanong ko. Being Ynessa made him not love me? What's wrong with me? I gave my all in love. Hindi ko basta-bastang isinusuko ang alam kong sa akin. I fight for my rights. I am proud of who I am. And he'll just say that he could have loved me if I am not Ynessa.

"Ikaw mismo." tama na. Sobrang sakit na. Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin niya. Let me heal first and I'll deal with another pain next time. It's so painful to receive all the pain at once.

"If leaving the house will make you happy, go." sumusukong sabi ko. I'm so tired, so hurt, pero lumalaban pa rin sa isang bagay na walang panalunan. "Hindi ko nga lang maipapangakong magkakaroon kayo ni Ardelle ng tahimik na buhay nang magkasama." mapait na sabi ko pero may pagbabantang kasama. Masakit pero may pinanghahawakan ako sa relasyong ito. Hanggat ako ang asawa ay may karapatan ako. Isang papel na mabisa sa mata ng tao, batas at ng Diyos.

Mahalin niya man si Ardelle, magmahalan man silang dalawa, it doesn't change the fact that she's still a mistress! Isa pa rin siyang anay na naninira ng pundasyon ng mag-asawa. Anay na dudurugin ko.

Hindi ako papayag na sakanya mapupunta si Tage. I will never allow her! Kasal namin ni Tage ang pinanghahawakan ko at hanggat may hawak pa ako, hinding-hindi ako basta-bastang susuko.


"Intindihin mo ang asawa mo, Anak." palagi. Wala na akong ibang inisip kundi ang intindihin siya. Kahit na durog na durog na ako ay hindi ko pa din magawang sumuko at ibigay ang kagustuhan niya. "Naniniwala akong may dahilan si Tage kung bakit niya nagawa at nasabi ang mga bagay na 'yon. Siguro ay hayaan muna natin siyang mag-isip at mapagtanto ang mga ginawa niya." sana mapagtanto niya agad na kailangan niyang bumalik dito dahil ito na ang tahanan niya sa mga nakalipas na taon.

"Manang, pakisabihan nga po si Mang Kanor na sundan si Tage. Gusto ko lang pong malaman kung saan siya pupunta." kita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Manang Lisa pero sinunod pa din ako.

Wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko pero hindi pa din humuhupa ang sakit sa dibdib ko. Para pa rin itong sinasaksak ng isang patalim na habang tumatagal ay mas lalong sumasakit.

Nakatingin lamang ako sa togi na nasa bowl at mga wrapper na hindi pa napaghiwa-hiwalay habang hinihintay ang pagbalik ni Manang.

Nang marinig ko na ang mga yapak niya ay kinuha ko na ang mga wrapper at inihiwalay na ang mga ito. Ngumiti siya sa akin nang makita ang ginagawa ko. Hindi ko magawang suklian ang ngiting ibinigay niya.

Tinulungan ko si Manang magluto ng paborito kong lumpia. Ako na ang nagpresentang magprito na sinang-ayunan naman agad ni Manang.

"Ang swerte naming mga empleyado mo sa'yo. Alam mo ba 'yon?" nilingon ko si Manang Lisa dahil sa sinabi niya.

"Binobola mo naman ako, Manang."

"Totoo nga, Anak. Napakabuti mong amo. Siguro iisipin ng mga hindi nakakakilala sayo na sobrang tapang mo, masungit ka kasi ang talim ng mga mata mo kahit hindi ka naman nagsusungit pero napakabuti mo." hindi ko napigilang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. "Hindi lingid sa kaalaman kong karamihan ng empleyadong kinuha mo sa winery ay galing sa orphanage na palagi mong pinupuntahan noong bata ka pa." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Manang.

Pano niya nalaman ang bagay na 'yon? Tanging ako at si Dolores lamang ang nakakaalam non. Dolores is my secretary. Kahit nga si Tage ay hindi alam ang bagay na iyon. Kaunti lamang ang gustong magtrabaho sa mismong opisina ng kompanya kaya karamihan ng mga kinuha ko sa orphanage ay nasa farm, namamahala ng ubasan.

"Nakalimutan mo atang nakakasama mo akong dumalaw noon sa orphanage. Noong dumalaw ako sa ubasan ay pamilyar ang mga trabahante mo doon. Nang tinanong ko ay tama nga ang hinala kong galing sila doon." hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Manang. May nakakaalam pala ng mga simpleng bagay na ginawa ko noon maliban sa amin ng sekretarya ko.

"Pinag-aral mo din daw ang iba sakanila. Isa lamang iyan na patunay na napakabuti mong tao, Ynessa. Ang swerte-swerte namin sayo. Naniniwala akong ibibigay ng Diyos sayo ang kaligayahang nararapat para sayo. Magtiwala kalang, Anak." I gave her a faint smile. Sana nga po.


It was a roller coaster of emotion for me the whole week. Things weren't the same when he left the house, especially the company. Napag-alaman ko na sa isang Condo unit nakatira si Tage ngayon at doon din umuuwi si Ardelle. Nasa Arjente na rin siya nagtatrabaho. I never look at the Arjentes as a threat in our wine business. We're the top wine manufacturer in Asia. We also export some of our wine in Europe. Malayong-malayo ang agwat ng Del Prado sa mga Arjente but now that they have Tage, nababahala na ako maging ang mga investor ng kompanya.

We all know that Tage is the ace of our company. Alam niya kung paano trabahuhin ang pasikot-sikot sa kompanya. He was the one behind the success of the Del Prados. It was already successful when they passed the company to Tage but he made it to the top. Mas sumarap ang mga alak na ginagawa kaya lalong umangat at bumango ang Del Prado sa industriya ng mga alak.

"Hindi mo na ba kayang ibalik si Tage sa kompanya, Ynessa?" Mr. Tan, one of the investor said with his Chinese accent. Hindi ko nga alam kung paano ko siya kakausapin. Nawawalan na ako ng irarason kung bakit biglang umalis si Tage sa kompanya at lumipat sa mga Arjente.

Comeback, Tage. We need you. I need you.

Продолжить чтение

Вам также понравится

A Wife's Cry (COMPLETED) S Lyn Hadjiri🌻

Любовные романы

564K 1.2K 9
TRIGGER WARNING It is a mistake to hide the fact that you knows it will hurt the person you love, you should be aware of the consequences, and it's a...
Reach The Stars Azze

Любовные романы

6.1K 110 27
[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in thi...
My Yesterday's Dream( Yesterday #5) Angie

Любовные романы

6.4K 515 37
Professor X Filipino Major Ayef Chloe Cena Rigor. 21 years old, happy go lucky, girl. A 2nd year college student na kumukuha ng kursong Bachelor of...
1.2M 18.3K 44
Milgrace Avery Delos Santos left the Philippines for six years, and after reaching the dream she had been desiring since she was a teenager, she fina...