The Queen of Trouble (Season...

By _EchoesInMyMind_

17K 903 77

[ COMPLETED / OLD VERSION ] They thought the game has already ended. They thought they will finally gonna hav... More

Prologue
Chapter 1 (The new beginning)
Chapter 2 (Reunited)
Chapter 3 (Unknown Assasin)
Chapter 4 (Dare or dare and truth or truth)
Chapter 6 (Ian & Hannah)
Chapter 7 (Unexpected)
Chapter 8 (Secret revealed)
Chapter 9 (Lizzie)
Chapter 10 (Comeback)
Chapter 11 (Reports)
Chapter 12 (Harana)
Chapter 13 (Rain & Allistair's anniversary)
Chapter 14 (Japan)
Chapter 15 (Hunter)
Chapter 16 (Jealous)
Chapter 17 (Shot)
Chapter 18 (That your life is gone~)
Chapter 19 (Rain)
Chapter 20 (Dream)
Chapter 21 (Birth)
Chapter 22 (Back)
Chapter 23 (Helios)
Chapter 24 (Earthquake)
Chapter 25 (Saved)
Chapter 26 (Jealous)
Chapter 27 (Snow)
Chapter 28 (Zahara vs. Maxine)
Chapter 29 (Destroyed)
Chapter 31 (Be free)
Chapter 32 (New world, new life)
Chapter 33 (Meeting the ex husband)
Chapter 34 (Mad)
Chapter 35 (Together)
Epilogue

Chapter 5 (Angeline Vougn Weston)

419 34 6
By _EchoesInMyMind_

Chapter 5
Angeline Vougn Weston

Zahara Rain's P.O.V
"Balik trabaho na naman bukas." sabi ni Melissa at nag-inat inat. Humikab din ito pagkatapos.

Nakauwi na kami sa bahay namin ng sumapit na ang alas sais. Ayaw naming gabihin sa daan dahil may trabaho pa kami bukas at kailangan na namin ng pahinga. Si Angeline naman ay tuluyan ng hindi bumalik kanina at hindi naman namin siya hinanap pa dahil baka may importante itong pinuntahan.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumunta sa kaniya kaniyang kwarto upang magpahinga.

"Baby wife." tawag ni Allistair pagkapasok namin sa kwarto.

"Hmm?" pag-hum ko at humiga sa kama dahil inaantok na talaga ako.

Humiga sa tabi ko si Allistair at niyakap ako. Nanatili naman akong nakatalikod sa kaniya habang pinapakiramdaman ang paligid.

"I love you..." bulong niya at siniksik ang ulo sa leeg ko. Hindi ko naman siya sinagot at pumikit nalang.

Ilang saglit pa...

"Baby wife." muling tawag ni Allistair.

"Hmm?” pag hum ko habang nananatiling nakapikit.

"Where is my 'I love you too'?" tanong niya at bakas sa boses niya ang antok. Nagsalubong ang kilay ko.

'Ano ba kasing itsura ng 'I love you too' na 'yan? Bakit sa'kin niya pa pinapahanap? Wala ba siyang kamay, paa at mata?'

"Hanapin mo nalang d'yan. Baka nand'yan lang sa tabi tabi. Hayaan mo magpapakita rin 'yan maya maya." inaantok na bulong ko. Ramdam ko namang mas lalong humigpit ang yakap niya. Hinayaan ko nalang siya at natulog na kaming dalawa.

***

Nagising ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko.

"Good morning, baby wife. How's your sleep?" tanong ni Allistair pagmulat ko ng mga mata.

"Fine. Yours?" tanong ko at napapikit ng makaramdam ng kaunting hilo.

"You okay?" tanong niya at niyakap ako. Sinandal pa nito ang baba sa balikat ko at siniksik ang ulo sa leeg ko.

"Allistair." sabi ko ng may tonong pananaway ng maramdaman ko ang labi nito sa leeg ko.

"What? I'm just marking what's mine. So they wouldn't dare to touch you. They will see what they don't what to see if they dare." sabi nito ng may inosenteng boses. Napangiwi nalang ako at tinulak siya kay natawa siya. Bumangon na ako at inayos ang higaan namin.

"I'll just prepare our breakfast." sabi ni Allistair. Nakaligo naman na ito at nakaayos na.

"Hmm. Bababa nalang ako." sabi ko at pumasok sa banyo.

"Wait." pigil nito at nilapitan ako. Nilingon ko naman siya para tanungin kung bakit ng maramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko.

"I love you, baby wife. Forever and always." malambing ang tonong bulong niya at kinindatan ako bago lumabas ng banyo.

Napangiti nalang ako saka pumasok sa banyo.

***

"I'll be at Tengoku No Aji Restaurant later at 5:00 p.m. Kayo?" tanong ni Melissa.

"I have a business meeting later. So I don't think I will be able to make it. Next time nalang siguro." sabi ni Aster.

"Cheska and I will celebrate our anniversary." sabi ni Kuya.

"Happy anniversary nga pala." nakangiting sabi ko at binati rin siya ng iba.

"Thank you." sabi ni Cheska at Kuya.

"I have to talk to someone." sabi ni Allistair kaya lihim akong napatingin sa kaniya.

'Could it be Angeline?'

Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Me too. I have to talk to someone." sabi ni Kuyang Holdaper.

"Same here." sabi ni Devin.

"Sino namang kakausapin niyo?" salubong ang kilay na tanong ni Kuyang Panay Tawa.

"Just someone." sabay sabay na sabi nilang tatlo at nagkatinginan pa sa isa't isa.

Hindi na namin sila inusisa pa. Magsasabi naman sila kung gusto nila. At baka personal na bagay.

"Baka makapunta ako mamayang 3. It's my free time though." sabi ni Arra.

Nag-usap usap pa kami habang kumakain. Nang matapos na ay tumayo na kami at niligpit ang mga pinagkainan namin pati na rin ang mga kalat.

Sumakay na kami sa kotse ng mga partners namin. Ang iba naman ay sa sarili nilang kotse.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at tuluyan ng naghiwalay ng landas.

"Sino yung kakausapin mo, Allistair?" usisa ko.

“Just someone.” sabi niya kaya napatango tango ako.

"Babae ba si Just Someone, Allistair?" tanong ko ulit at natawa naman siya ng mahina. Napanguso naman ako.

'Beki kaya? Tomboy? Huhuhu, nagtatanong lang naman eh!'

"What time will I fetch you?" tanong niya ng makarating na kami sa Kingston's Company.

"Mukha ba akong aso? Anong fetch ka d'yan?" salubong ang kilay na tanong ko at natawa naman siya saka ginulo ang buhok ko. Napanguso naman ako saka tinampal ang kamay niya.

"Anong oras kita susunduin?" tanong niya.

"Hmm 10:00." sabi ko at ngumiti ng malapad.

"Nah. I'll fetch you at 8:00." biglang kontra niya.

"9:59." pilit ko.

"8:30." pilit niya rin.

"9:00." sabi ko at tinignan na siya ng masama.

"Fine." sabi niya kaya napangiti naman ako saka hinalikan siya sa pisngi.

"Take care, baby wife. Just call me if you need me. I love you." nakangiting sabi niya.

"I love you too, Allistair." nakangiting sabi ko at kumaway.

"Aalis lang ako kapag nakapasok ka na sa company niyo." sabi niya kaya muli ko siyang hinalikan sa pisngi at muling kumaway bago pumasok sa Kingston company.

"Tell Narouje to meet me at my office after five minutes." pormal na sabi ko sa isang staff.

"Yes, Mrs. Lim." sabi nito at nag-bow bago umalis.

Nagpunta na ako sa office ko at umupo sa swivel chair. Agad kong binuklat ang mga nakita kong folders at nanlaki ang mga mata sa updates na naroon.

'What the...'

Nang matapos ko itong basahin ay ang siya namang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Narouje bitbit ang mga folders.

"How did this happened?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya.

"It happened yesterday, Zahara. Our transaction with the Karein has been sabotage. They took the money. We lost not just millions but billions." sabi niya at napasapo ako ng noo.

"Why didn't you called me?" tanong ko.

"You are nowhere to be found and we also cannot contact your phone." sabi niya at napapikit ako sa inis.

'Dalawang araw lang akong nawala!'

"Zahara, do not stress yourself too much." paalala niya.

Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili at tumayo. Napatingin ako sa glass window habang nag-iisip ng maaring gawin.

"Tell them to meet me at the conference room after one hour. I needed some time to think." sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

"Copy." sabi ni Narouje at dinig ko naman ang mga yabag niyang papalayo na.

Napasapo ako ng noo ko at umupo sa swivel chair. Muli mong tinignan ang folder at muling nagbasa.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang isang pamilyar na pangalan.

Angeline Vougn Weston

"Posible bang si Angeline 'to o nagkataon lang?" tanong ko sa sarili ko na ang tinutukoy ay ang nakasama na namin.

Malaking palaisipan sa'kin na kung ang Angeline Vougn Weston na 'yon at ang Angeline na nakilala namin ay iisa. Ngunit kung alam niyang isa akong Kingston at Kingston ang magiging ka transact nila, hindi niya ba naisip na posible kong malaman na nandoon siya dahil isa akong Kingston? Ito rin ba ang dahilan kung bakit bigla nalang siyang nawala kahapon?

Nalukot ko ang papel sa gigil. Kung ito ang Angeline na kilala namin ay hindi ako magdadalawang isip na pabagsakin ang base nila at kunin lahat lahat ng mga ari-arian nila.

'Are you trying to take away MY Allistair from me so you can start your bloody war? You've done a wrong move, darling.'

Tinapon ko ang nilukot kong papel. Sigurado namang may kopya pa sila noon.

Tumayo ako at tinignan ang orasan. Malapit na ang sinabi kong oras kung saan kami magkikita sa conference room.

Naglakad na ako palabas ng opisina ko at tinahak ang daan papuntang conference room.

'Try to ruin our trust and you will regret it. Because a trust would break and a war would rise.'

Napangisi nalang ako sa sunod na naisip kasabay ng pagngitngit ng ngipin ko.

'You are no match to the queen of trouble... And you will never have a chance to match me... I am much more better than you...'

***

"The report has come to me, we lost billions of money." panimulang sabi ko at habang patuloy na pinaglalaruan ang ballpen sa kamay ko.

Napayuko naman sila.

"I don't really give a shit about the money. Compare sa kinikita natin kada segundo ay maliit na halaga lang 'yon. My concern here is the group that tried to compete with us." seryosong sabi ko.

Totoo ang sinabi ko. Para sa kinikita namin ay maliit na halaga lang 'yon. Hindi lang ito ang company ng mga Kingston. Mayroon sa kada bansa sa buong mundo. At ito ang pinaka base namin kaya rito kami nanirahan sa Pilipinas.

Binaba ko ang folder na hawak ko. Katulad din ito ng binasa ko kanina.

"Xiomara, I want you to find and give me Angeline Vougn Weston's picture with the whole information about her. I'm giving you three days to finish the task." pormal na sabi ko.

"Navaeh, Mics, and Franzen, I want you to go back where the transaction happened. Find some information as more as you can. I'm giving you one week to finish the task." muling utos ko.

"Staycey, I want you to give me the exact list of the names of the people who came at the transaction. I want the full list. Kahit pa nasa mababa o mataas na posisyon. Seirene, you will accompany Stacey. I am giving you both two weeks to finish the task." sabi ko.

"Kaizer and Zyellie, higpitan niyo ang security sa loob at labas ng Kingston company." utos ko.

"Atasha and Kylle, make sure our system is stronger than before that no one can able to hack it. I repeat, no one." patuloy na pagbibigay ko ng utos.

"Spade, Meryl, Aimee, Irish and Leavell, sasama kayo sa lahat ng transaction na mangyayari. Make sure when I ask for the details of every transaction you will discuss every detail to me. Every details." seryosong sabi ko.

"As for me, I have something to confirm. My sister and brother will temporary handle the company hangga't wala ako." pagtatapos ko ng usapan.

"Any suggestion and violation reaction? Make sure it makes sense." seryosong tanong ko. Nang walang magsalita ay tinapos ko na ang meeting at lumabas ng conference room.

Naglakad ako palabas ng Kingston's Company.

"Let me guess, you didn't bring your car again." dinig kong sabi ni Narouje. Napangiti naman ako ng malaki.

"Can I use yours?" tanong ko at ngumiti ng malapad.

"The last time you borrowed my car, you gave it back to me destroyed. But yeah sure, you can have it. Ibalik mo lang ng maayos." sabi niya kaya napatalon ako sa saya.

"Thank you!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kotse niya matapos niyang ihagis sa'kin ang susi. Binuhay ko ang makina at pinaharurot ito.

'Now... Time to do my job.'

***

Nandito ako sa isang café habang hinihintay ang update kay Narouje. Napanguso ulit ako ng maalala ang halakhak nito ng sinabi ko sa kaniyang hindi ko alam ang address kung nasaan ang pupuntahan ko. Sinabi pa nitong sugod ako ng sugod ng hindi inaalam ang pupuntahan sabay halakhak na naman. Kung nasa harap ko lang siya ay baka kahalikan niya pa rin ang simento hanggang ngayon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate ito. In-open ko ito at binasa ang message.

Allistair:
Where are you? You were not in the company, baby wife.
9:00 a.m

Nagsalubong ang kilay ko.

'Paano niya nalaman?'

Nag-isip naman ako ng pwedeng dahilan.

Rain:
Ah nasa isang café lang. May hinihintay. ^___^
9:02 a.m

I didn't actually lie. Nasa café naman talaga ako at hinihintay ko ang update mula kay Narouje.

Allistair:
And may I ask who is that asshole you were waiting for?
9:03 a.m

Napanguso naman ako ng mabasa ko ang reply niya.

Rain:
Message ang hinihintay ko, Allistair, hindi tao.
9:04 a.m.

Allistair:
So, you go in a café to wait for a message when you can do it in your office or somewhere in Kingston company? I hate lies, Rain.
9:06 a.m

Mas lalo akong napanguso.

Hinihintay ko naman talaga yung message ni Narouje ah!

Rain:
Wahhh! Hinihintay ko naman talaga yung message ni Narouje ah! Hinihingi ko kasi yung address kaya nasa café ako dahil umalis ako at nakalimutan kong hindi ko pa pala alam yung address ng pupuntahan ko. Huhuhu sorry na. Hindi naman ako nagsisinungaling eh. T___T
9:08 a.m

Allistair:
Okay, okay. And you will go where, baby wife? Do you need some accompany? Tell me where you are. I'm coming.
9:09 a.m

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang text niya.

'Hindi pwede! Si Angeline ang pupuntahan ko!'

Rain:
I will just pay a visit to a friend. Kaya ko na, Allistair, hehe. ^___^
9:10 a.m

Allistair:
No. Send me the address.
9:11 a.m

Rain:
Kaya ko naman eh!
9:11 a.m

Tinignan ko ang isang message na bagong pasok. Napangiti ako ng masend na ni Narouje ang location kung nasaan si Angeline ngayon. Nagpasalamat ako rito. Muli kong in-open ang messages ni Allistair. Napangiwi ako ng makita ang sobrang daming messages nito.

Allistair:
Rain, send the location where you are. Now!
9:12 a.m

Allistair:
Baby wife!
9:12 a.m

Allistair:
Are you still there?
9:13 a.m

Allistair:
What happened?! Wife, answer me!
9:13 a.m

Allistair:
That's it. Wait for me, wife.
9:14 a.m

Agad naman akong kumilos at nagreply agad bago pa ako matunton ni Allistair.

Rain:
May pupuntahan lang ako, Allistair. Babalik din ako. Iloveyouuu! Mwah!  Hehehe ^___^
9:14 a.m

Pinatay ko na ang cellphone ko at agad kumilos.

Continue Reading

You'll Also Like

251K 8.6K 70
* I am Princess Nathalie Amethyst Hiyera. The powerful princess of Amethyst Kingdom. By the use of all my powers. I command you to destroy the Dark K...
1.5M 90.2K 38
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.7M 178K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
30K 1.7K 37
She loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the o...