Feelings that can't Ignore [D...

By nctwayzenkei

2.5K 130 89

Tagalog Fanfic of JaeYong (NCT rather) After 5 years of being together, Jaehyun and Taeyong broke up. Pero bu... More

FOREWORD
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 14

113 6 11
By nctwayzenkei

"Sino yung gusto mo?" Tanong ni Jeno kay Jaemin. Pasampung tanong na nya iyon actually.

Kanina pa nyang tinatanong si Jaemin sa kung sinong gusto nito dahil sa pag-expose ni Hendery sa kanya, at kanina pa ding tumatanggi si Jaemin na hindi kuno totoo yun pero hindi naman naniniwala si Jeno kasi mukha namang nagsisinungaling lang din si Jaemin. Sa tagal naman nilang magkasama. Paanong hindi nya malalaman?

"Wala nga, nang-gogood time lang si Hendery."

"Talaga? Eh bakit pinigilan mo syang magsalita?"

"Eh kasi baka maniwala sila. Alam mo naman ang mga kaibigan natin, ang bilis maniwala sa lahat ng bagay."

Jeno bit his lip. Mukhang wala talagang planong sabihin ni Jaemin kung sino yun.

Edi don't!

Then he realized, ano naman sa kanya? Bakit ba nya pinipilit si Jaemin?

Di nya lang matanggap kapag naglilihim si Jaemin sa kanya. Most of the time kasi wala naman silang tinatagong sikreto sa isa't isa.

"Sige bahala ka." Nasabi nalang ni Jeno saka ito tumayo at umalis. Lumipat na sya ng table kung saan andun sina Mark at nag-iinuman nanaman.

Jaemin pouted at sinundan ng tingin ang ngayo'y nagtatampo nyang best friend.

"Sana kasi ganun lang kadaling sabihin." Bulong ni Jaemin sa sarili, nakatingin pa din sya kay Jeno.

"Edi itext mo nalang." Biglang sabi naman ni Hendery na ngayon ay kakarating lang kasama si Xiaojun at Shotaro.

Binaba naman ni Jaemin ang phone nya saka lumapit kay Hendery. "Alam mo ikaw, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to. Hindi na ako tinigilan ni Jeno ng kakatanong kung sino yung gusto ko." Sabi ni Jaemin habang sinasakal si Hendery. Hindi naman yung mahigpit na sakal to the point na hindi na makahinga si Hendery.

"Alam mo naman ang bunganga nyan ni Guanheng." Xiaojun said at umiling iling naman. Hinahayaan nya lang si Jaemin na sakalin si Hendery dahil deserve naman daw nya yun.

"Hoy, dapat nga magpasalamat ka pa sakin eh."

"Na ano? Salamat sayo dahil hindi na ako pinapansin ni Jeno? Yun ba?"

"Hindi, kasi dito mo malalaman kung may chance ka sa kanya o wala." Sagot nito.

Napaisip naman si Jaemin saka binalik ang tingin kay Hendery at umiling-iling.

"Diko magets pre." Sabi ni Shotaro.

"Ako din." Sagot naman ni Jaemin.

"Take your time pre. Sanay ka naman na hindi gumalaw. Kita mo nga oh, nilayuan ka na ni hindi mo man lang sinundan. Come on man, kung di mo masabi with your words, edi iparamdam mo nalang." Sabi ni Hendery saka tinapik sya ng malakas sa balikat, tumango naman si Xiaojun bilang pag-aagree.

Naisip ni Jaemin na tama si Hendery, although may sapak yan minsan may sense din naman pala ang sinasabi.

"Most of the time hindi effective ang puro actions. Baka sabihin nun paasa si Jaemin o di kaya'y pafall." Sabi naman ni Shotaro.

"Sabi ko sayo, if di ka man magustuhan ni Jeno at nabroken ka, nandito lang kami. Lalaklak ng espresso kasama ka kung san ka masaya." Dagdag pa nito kaya naman natawa si Jaemin. Ang supportive kasi ni Hendery sa kanya eh.

Jaemin sighs deeply saka hinanap ng mata nya si Jeno. Hindi naman sya mahirap hanapin since hindi naman sobrang dami ng tao dito sa bar ngayon. Isa pa, sa hotel nag-iinuman yung iba nilang hyungs kaya sila-sila lang yung nandito.

Matapos nyang makita si Jeno, kaagad syang lumapit dito at umupo sa lap nito. He also wrapped his arms around him and looked at Jeno.

Hindi naman inaasahan ni Jeno ang pagdating ni Jaemin.

"Galit ka?"

Tiningnan sya ni Jeno saglit at hindi sumagot pero nakaalalay kay Jaemin yung isa nyang braso.

"Jeno...."

"Hindi."

"Bakit ayaw mo kong tingnan?"

Hindi sumagot si Jeno atsaka kumuha ng shot at uminom.

"Galit ka eh."

"Para yun lang? Bakit naman ako magagalit? Wala akong magagawa kung ayaw mong sabihin. Okay lang."

"Eh nang-gogood time lang kasi talaga si Hendery. Kung may gusto man ako, sayo ko yun unang sasabihin." Palusot pa ni Jaemin at dahil doon, Jeno looked at him and shook.

"Hindi moko maloloko Jaemin. Kilala kita at alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Okay lang naman, it's up to you. Ayaw lang kitang pilitin."

"Eh baka pagsinabi ko sayo magalit ka at iwasan mo ako."

"Oh edi meron nga." Umigting ang bagang ni Jeno saka inagaw ulit yung baso kay Mark na malapit nang pumikit dahil sa kalasingan. "Tama ka na Mark. Kanina ka pa dito eh." Sabi ni Jeno kay Mark.

"Yoko. Isang bote pa nga ng black label!"

"Jeno..."

"Mm?"

"Galit ka talaga."

"Bakit nga ako magagalit?"

"Eh kung di ka galit, bakit ganyan ka makatingin sakin?"

"Anong gusto mong gawin ko?"

Jaemin caressed Jeno's nape gently and gave him a peck on his cheek. Curious naman syang tiningnan ni Jeno dahil doon.

"Sorry ah, hindi kasi ganun kadaling sabihin yun eh. Pagready na ako baka sabihin ko sayo."

"Wag na. Baka masapak ko pa yang gusto mo." Seryosong sabi ni Jeno.

"Hala sya."

"Okay lang ako. Bumalik ka na sa hotel, hindi ka naman umiinom eh."

"Eh tara balik na tayo. Gusto ko kasama ka."

"Umiinom pa nga kami, kausapin mo yung gusto mo."

"Eh Jeno naman eh."

"Alam nyo, kung maglalandian kayo dito itigil nyo na. Kita nyong may pusong sawi dito oh tapos maglalampungan pa kayo." Saway naman ni Renjun sa kanila at umiling-iling pa.

Sinandal naman ni Jaemin yung katawan nya sa katawan ni Jeno at dumako ang tingin kay Mark.
"Bakit? Anong nangyari?" Jaemin asked.

"Sana pala sinabi ko nalang agad na gustong-gusto ko sya." Mark cried habang mahigpit ang kapit doon sa black label na kakaserve lang sa kanila.

"Huh?"

"Wala na, wala na si Donghyuck ko. Wala na akong iuuwi tuwing saturday sa bahay. Wala na akong kasamang magmovie marathon." Dagdag pa ni Mark habang umiiyak.

Tinatapik naman sya ni Chenle at Yangyang sa likod. Kahit naman sila nagulat sa biglang pag-amin ni Mark kanikanina lang eh.

Hindi naman nagulat si Jeno at yung iba dahil alam naman nilang may gusto sadya si Mark kay Donghyuck. Parang tanga kasi hindi agad umamin. Naunahan tuloy ni Sungchan, tapos tinatanggi pa nya na hindi naman talaga nya gusto pero umiiyak dito.

"Tanga mo naman kasi hyung. Nasa iyo ang boto ko eh." Sabi naman ni Chenle at kunwaring nakiiyak din.

"Ang tanga mo nga Mark. Kung umamin ka sana edi kayo na dapat." Gatong pa ng bagong dating na si Hendery at kasama si Xiaojun at Shotaro. So, silang youngsters and nandidito maliban kay Sungchan at Hyuck na hindi malaman kung san pumunta.

"Alam nyo, ang plastic nyo. Alam kong yung iba dito kay Sungchan ang boto eh." Sabi ni Jisung.
"Hoy walang ganon ha. Hindi kami ganon Jisung Park, wala kaming kinakampihan." Sabi ni Yangyang.

"Woi bigyan nyo ng shot si Shotaro senpai. Broken hearted din kaya yan." Sabat pa ni Chenle kaya lahat sila napatingin kay Shotaro na nananahimik.

"LUH?" - Hendery sabay tingin kay Shotaro.

"Hoy Chenle parang sira to." Alanganing sagot naman ni Shotaro at kinuha yung shot na inabot ni Renjun sa kanya.

"Gusto mo si Hyuck hyung?" - Jisung.

"Si Sungchan kasi bobo naman." - Chenle.

"Malay ko ba! Makabobo ka jan. Wasakin kita eh." Direchong sabi ni Jisung na nagpatawa kay Renjun. Tumayo pa ito para batukan si Jisung.

"Shuta ka kanino mo natutunan yan?"- Renjun.

"Baka sayo? Gusto mo maging fubu ni Mark diba?" - Jaemin.

"Tanga joke lang yon ha!" Sinamaan nya ng tingin si Jaemin sabay peace sign kay Yangyang. "Oh loko, wag kang ano jan. Hindi pa tayo non." Sabi nya kay Yangyang bago ito makapagsalita.

"Ayoko ng mabuhay." Sabi ni Mark na nagpukaw ng atensyon nila. "Iniwan na ko nung mahal ko. Pakisabi nalang na mahal ko sya... Di na baleng may mahal syang iba..." Sabay kanta pa nito ng naiiyak na parang bata.

"Mahal ka din naman nun. Di nga lang ako sure kung ikaw pa din hanggang ngayon." - Yangyang.

"Gago ano daw?" - Xiaojun.

"Inom mo lang hyung." Tinapik ni Chenle yung likod nya.

"Huy tama na naman. Kanina pa yan dito oh." Saway ni Jeno at kay Xiaojun binigay yung shot. Nakakandong pa din si Jaemin sa kanya hanggang ngayon. Ayaw nyang umalis eh, edi hayaan nalang nya. He don't mind naman.

"Bakit? Akin yun ah. Pangit mo kabonding Jeno!" Malumanay na sabi ni Mark but nagtatampo dahil kinuha yung tagay nya.

"Tama na Mark Lee. Kahit umiyak ka jan hindi mo yun makukuha sa ganyan kung hindi ka kikilos." Sabi naman ni Renjun na tagakain ng pulutan nila. Hindi naman ginagalaw eh. Edi sya nalang ang kakain.

"Ayoko syang guluhin. Masaya na sya sa iba."

"Ampota."

Inakbayan ni Jisung si Shotaro at binigyang muli ng tagay. Hindi na naman ito tumanggi.

"So Shotaro, since when?" - Renjun.

"Ang alin?"

"Yung pagkagusto mo kay Sungchan?"

Napakagat ng labi si Shotaro at isa-isa nyang tiningnan ang mga kaibigan. Hindi naman kasi sya vocal about sa taong gusto nya eh kaya paano nila malalaman?

"Pinagmamasdan kita hyung. Madalas din kitang nakikitang nakatingin kay Sungchan. Kapag bumabanat sya kay Donghyuck hyung nakaiwas ka lagi ng tingin. More like, patay malisya pero deep inside nasasaktan na." - Chenle.

"Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya... Mo akong masaktan paminsan-minsan, bawat sandali nalang...." - kanta pa ni Jisung para kay Shotaro at Mark.

"Dali na, huli ka na sa akto. Nilaglag ka na ni Chenle oh." - Mahina syang kinalabit ni Hendery.

"Galing mo naman Chenle." Sabi ni Shotaro. "Matagal na. Baka nga unang kita ko palang sa kanya eh. Hindi ko palang narerealize."

"Ayy sad."

"Pero ayos lang. Maganda na din na hindi nya alam. Wag na tayong manggulo Mark." Sabi ni Taro at tinapik si Mark sa balikat na sya namang nagpaiyak kay Mark again.

"Hindi na ba to pwedeng ipilit Taro?" Naiiyak na tanong ni Mark. "Kung pwede ko lang talagang baliwalain yung nararamdaman ko eh, gusto ko syang maging masaya."

"Ano ba yan. Iyakin, pahuli-huli kasi. Yung iba jan na nakakandong umamin na din at baka mahuli ka din. Gawin mong aral yung nangyari dito sa dalawa oh." Sabi ni Hendery sabay tingin ng nakakaloko kay Jaemin.

Seryoso namang tiningnan ni Jeno si Hendery at binalik ang tingin kay Jaemin na nakayakap na kay Jeno.

"Problema mo nanaman jan?"

"Oo nga Nana umamin ka na. Seryoso, baka magkamisunderstanding." - Yangyang.

"Hindi. Wag kang umamin. Magsama tayong tatlo nila Shotaro!" -Mark.

"May alam ka Yangyang?" Jeno asked and Yangyang nodded.

"Alam ko din." - Shotaro.

"Pati ako." - Chenle.

Wala na, masama na ulit ang mood ni Jeno. Bakit kasi alam nila at sya hindi?

Sinaway naman sila ni Jaemin saka bumalik ang tingin nito kay Jeno na direcho nanaman ang kilay. Ngumiti sya ng slight dito pero hindi yun magawa pabalik ni Jeno.

---

Umaga nanaman at ito na ang 5th day nila sa beach nila Chenle. Sabay-sabay silang kumakain ng breakfast at nagtataka pa ang iba sa kanila bakit mugto ang mata ni Taeyong. Mukhang hindi din maganda ang gising nito kaya naman kaagad syang binigyan ni Doyoung ng tea.

Sa ibang hotel nagcheck in si Autumn pero sumabay pa din sya sa kanilang breakfast samantalang sukang-suka syang tinitingnan ni Taeyong dahil kung makangiti sa mga kaibigan nya ay akala mo'y walang masamang sinabi.

Mukhang wala pa sa sarili si Mark dahil sa hang over nya at napansin naman ni Donghyuck yun kaya inabutan nya ito ng tubig. Another thing, lahat ng sinabi ni Mark sa kanila kagabi ay tandang-tanda pa nya. Napaamin sya ng wala sa oras.

Hindi naman nya ginustong umamin, tinatago na nga nya eh kasi ang buong akala nya, kaibigan lang talaga ang tingin nya dito at wala ng hihigit pa.

Ginusto ba naman nyang magising isang araw na gusto na pala nya si Donghyuck pero naunahan na sya ni Sungchan na umamin.

"Bangag tayo ah." He teased Mark.

"Ayan, tequila pa." Napailing si Hendery sa kanya.

"Shuta naglasing ka? Sayang hindi ko nakita!" Dismayado namang sabi ni Donghyuck and he pouted.

"Buti nga hindi mo nakita." Sabat ni Renjun sabay lagay ng pagkain sa harap ni Mark.

"Saka panong makikita mo? Busyng busy ka sa manliligaw mo." Mahinang sabi ni Mark pero narinig naman ni Donghyuck. Binatukan naman sya ni Hendery.

"Ano?"

"Hatdog. Kain na shuta. Wag na magtanong." Sagot nalang ni Mark saka bumanat ng kain.

Umiling-iling naman ang iba pa nyang kaibigan na nakawitness ng drunken confession nya at hindi nalang din nila inungkat.

"Hi Sungchan." Bati ni Autumn kay Sungchan na kakarating lang.

As usual hindi sya pinansin nito at kahit matingnan ay hindi nya magawa.

"Babe, bat ganyan yung kapatid mo sakin? Noon pa ako di pinapansin nyan ah!" Madramang sabi nito at nakapout pa.

"Kapatid?!" - Gulat na tanong ni Lucas sabay duro dun sa dalawa.

"Hoy! Anong kapatid? Magkapatid kayo? Tangina?!" - Si Yuta naman at dinuro din sila.

"Hala?" - Jungwoo.

Iba-iba sila ng reactions maliban kay Taeyong na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Wala sya sa mood makisali pero alam nya naman yung about doon. Most of them syempre nagtataka.

"Hala si gaga hindi nashock. So alam pala." Ten said, pertaining to Taeyong.

"It's not my story to tell." Sagot naman ni Taeyong na hindi nakatingin sa kanila.

"Bakit ba ang ingay mo? Napakabida-bida eh." Hindi napigilan ni Sungchan ang bibig nyang sinabi yun kay Autumn na ikinagulat nya.

"Oh, I'm sorry. Akala ko alam nila eh." Autumn said at naupo sa tabi ni Jaehyun.

"So ano nga? Pano kayo naging magkapatid? Akala ko isang lalaki ka lang?"- Tanong ni Taeil.

"Step-brothers kami and sabi nya ayaw nyang ipasabi sa inyo." Sagot ni Jaehyun.

"Bakit naman ayaw mo?" - Jungwoo asked Sungchan.

"Si Jaehyun hyung, planado. Ako hindi." Sabi ni Sungchan saka naupo sa tabi ni Donghyuck na nagtatakang tiningnan sya. "My own mother abandoned me at iniwan ako sa kanila." Sagot pa nya at sinamaan ng tingin si Autumn. "I hate that fact kaya nakiusap akong wag nya munang sabihin."

"But my mom loves him and treat him like her real son." Jaehyun said.

"Wala naman kayong samaan ng loob?" Tanong ni Doyoung at parehong umiling ang dalawa.

"Bakit hindi nyo nga sinabi samin? Grabe, di nyo kami friends? Nakakagulat tuloy." - Jungwoo.

"He's shy lang siguro." Sagot ni Autumn.

"Manahimik ka please." Sabi ni Sungchan sa kay Autumn. Bias na kung bias pero ayaw talaga ni Sungchan sa kanya una pa lang. "I didn't know na mahalagang sabihin yun eh. Sorry."

"Di, baka nahihiya yan sa ginawa ni Jaehyun." Sabi ni Yuta.

"Gago. Kumain ka na nga." - Jaehyun.

---

So, hindi ulit nagpapansinan si Taeyong at Jaehyun, hindi naman na bago yun pero may kakaiba kasi sa katahimikan nila kaya napilitan nalang ding manahimik ang iba kesa macurious pa.

While Autumn, ayun pinipilit pa din ang sarili na makipagclose sa kanila at panay din ang dikit kay Sungchan pero as usual, tinataboy lang sya nito.

Napapailing lang si Taeyong habang pinapanood sya.

Pagkaplastic nga naman talaga.

"May gusto ba yan kay Sungchan?" Tanong ni Ten na pinapanood din pala si Autumn.

Nasa may coconut tree sila nila Doyoung, Ten, Taeil at Winwin while nagtatampisaw naman yung iba sa dagat at naglalaro. Binabakbakan nila yung buko juice na dala ni Winwin.

"Grabe? Nakikipagclose lang eh." Sabi naman ni Doyoung. "Apaka ano ng utak nito."

"Paanong hindi ko yun maiisip? Tingnan mo ngang ginagawa ng bruha? Kung makadikit at makahaplos sa braso ni Sungchan eh kala mo linta."

"Inggit lang yan." Taeil teased him. Binato naman sya ni Ten ng nakita nyang coral sa harap lang nila.

"Tingnan nyo kasing mabuti."

"Ayoko nga. Isipin pa nyan minamanyak natin sya." Sabi naman ni Winiwin.

"Gross, pero may point." Ten rolled his eyes.

"Hyung, nakita ko pala kayong nag-uusap kahapon." Winwin said kaya napatingin si Taeyong sa kanya.

"Nakita mo lahat?"

"Hindi naman. Napalingon lang ako saglit."

"May hindi ba dapat makita Lee Taeyong?" - Taeil asked at agad namang umiling si Taeyong bago uminom ng buko juice.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanila sina Jeno, Jaemin at Shotaro para humingi ng buko juice. Mukang may tampuhang nagaganap kay Jaemin at Jeno ngayon kaya taka silang tiningnan nila Taeyong.

"Eh Jeno naman eh."

"Bakit ka ba sumusunod sakin? Dun ka sa gusto mo pumunta. Baka malaman pa nun na ganito ka sakin at magalit sakin baka masapak ko pa yun. Lalong sasama ang loob mo." Sabi ni Jeno kay Jaemin pero nakakapit pa din ito kay Jeno.

Napapailing nalang si Shotaro sa kanila at naupo sa tabi ni Doyoung. Kasi naman parang mga ewan eh, yung isa manhid, yung isa naman torpe. Kung nagsasabihan sila ng feelings nila edi tapos na.

Iba kasi ang kaso nung kay Shotaro eh. Hindi naman sya gusto ni Sungchan, eh itong dalawa?

"Ayoko."

"Hyung pagsabihan nyo nga to." Sabi ni Jeno sabay abot nung buko juice na binigay ni Winwin sa kanila.

"Anong nangyayari sa inyo?" Taeyong asked.

"Si Jeno kasi nagseselos." Natatawang sabi ni Shotaro.

"Hoy anong nagseselos? Bakit ako magseselos don? Bakit? Kilala ba nya si Jaemin ng buong buo?" Sabi ni Jeno at napatingin kay Jaemin na ngayon ay seryosong nakatingin din sa kanya.

"Oo, kilalang kilala ako nun." Sabi ni Jaemin at muntik na syang batukan ni Shotaro doon.

"Ay tanga." Nasabi nalang ni Shotaro.

Jeno rolled his eyes at tumayong muli.

"San ka pupunta."

"Kahit saan, and don't follow me. Please lang." Seryosong sabi nito bago umalis.

Napatingin naman sila Taeyong kay Jaemin. Nagtataka lang sya sa pinag-aawayan nila. Jeno is obviously jealous nga naman, pero ano tong sinasabi ni Jaemin?

"Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya?" Tanong ni Taeil.

"Eh hyung natatakot nga ako." Sagot naman ni Jaemin kaya tinapik tapik sya ni Shotaro. "I don't think he likes me that way din."

"Sinabi nya yun?" Tanong ni Doyoung.

"Nag-ooverthink lang yan." - Taeyong.

"Wag kang matakot Nana. Yung reactions nya, hindi pa ba sapat yun?"

Jaemin pouted. "Natatakot pa din ako eh. Kasi naman tong Hendery na to napakadaldal eh. Gusto atang matapon sa Macau pabalik ng wala sa oras."

"Hindi ka kasi gumagalaw. Naiinip yata." Shotaro said while chuckling. Nilingon sya ni Taeyong at nacute-tan pa sabay pisil sa pisngi nito.

"Palibhasa kasi sya, lakas ng amats nya eh."

"Bakit mo ba sinabi kay Hendery?"- Winwin.

"Hindi ko sinabi hyung. Inaasar nya lang ako nung una, akala ko alam nya talaga ayon napaamin ako bigla."

"Tanga. Kakakape mo yan." - Shotaro.

Ginulo ni Winwin ang buhok ni Jaemin and the latter rest his head on Winwin. Malungkot nyang pinapanood ngayon si Jeno sa malayo. He's now playing with Xiaojun, Sungchan, Mark and Lucas.

He's smiling but not really smiling kaya mas sumimangot pa si Jaemin. Mukhang buong araw syang lalayuan ni Jeno dahil nga dun sa gusto daw nya. Kasi naman tong si Hendery ang ingay eh.

Hindi pa naman sya sanay. Elementary palang ata sila dikit na sila ni Jeno eh. Kung nasaan si Jaemin, naandon din si Jeno.

"Ano bang kinakatakot mo Nana?" - Doyoung.

"Rejection?" - Taeil.

"Mm." Jaemin nodded.

"Sure kang irereject ka nya?" - Taeyong asked.

Jaemin shook at siniksik pa ang sarili kay Winwin. "Diko alam hyung."

"Hirap talagang mainlove." Bulong ni Taeyong saka uminom ng buko juice. Maya-maya pa dumating na din ang ibang tropa nila para makahingi ng buko juice nila.

Continue Reading

You'll Also Like

127K 7.5K 92
"Great news! Wei WuXian has died!" "Wait- WHAT?!" "But I'm still here." The juniors (Lan Sizhui, Lan Jingyi, Jin Ling, and Ouyang Zizhen) accidentall...
369K 32.1K 91
Sequel to my MHA fanfiction: •.°NORMAL°.• (So go read that one first)
1.4M 32.1K 60
In which Daniel Ricciardo accidentally adds a stranger into his F1 group chat instead of Carlos Sainz.
1.5M 26.1K 53
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...