The Lust Suffer

By Stoutheart

5.8M 59.1K 4.4K

This is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malama... More

The Lust Suffer
Authors Note
PROLOGO:
UNANG KABANATA
IKALAWANG KABANATA:
IKATLONG KABANATA
IKA-APAT NA KABANATA
IKA-LIMANG KABANATA:
IKA-ANIM NA KABANATA
IKA-PITONG KABANATA
IKA-WALONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKA-LABING DALAWANG KABANATA
IKA-LABINTATLONG KABANATA
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-LABINLIMANG KABANATA:
Note :
IKA-LABINGANIM NA KABANATA:
IKA-LABINPITONG KABANATA:
IKA-LABING WALONG KABANATA:
IKA-LABING SYAM NA KABANATA:
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT DALAWANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT TATLONG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA:

IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA:

97.7K 2K 153
By Stoutheart

THORIN

"What the hell we're you thinking Thorin! " Dumagundong ang tinig ni Daddy sa apat na sulok ng k'warto ko kasabay nnag malakas na kalabog ng pintuan pabukas. Ang nakayuko kong ulo ay bahagya kong iniangat upang makita ang itsura ni Daddy na ngayon ay nagtataas-baba ang dibdib.

Nakayukom ang dalawang kamay at nakunot nang mariin ang noo. Nasa tabi nito si Mommy, na hawak sa braso ni Daddy na tila pinipigilan ito sa kung anong maaring gawin.

"Dad, Mom, Hi." nakangisi kong turan. Muling lumungayngay ang ulo ko dala na rin marahil nang kalasingan. Nahihilo na ako. Nasusuka, pero nagawa ko paring ngumisi kahit alam kong hindi naman iyon mapapansin nang aking ama.

"Ganyan na lang ba ang gagawin mo sa buhay mo Thorin?" mariin at mahinang turan ni daddy na sinabayan ng mahinang pag-hikbi ng aking ina. Kahit kalmado ang pagkakasabi nun ay ramdam ko ang tapang sa salita ni Daddy. Mukhang nasagad ko na ang pasensya nya.

Tsk. 

Muli kong itinungo ang ulo ko at nginisihan sila. Kahit na gustong- gusto kong sigawan si Daddy ngayon at magwala sa kanyang harapan ay pinigil ko nalang ang aking sarili dahil alam kong wala rin iyong patutunguhan. Alam ko naman talo ako e. Talong talo.

"Hindi ka ba masaya? " diretso kong tanong. Umayos ako nang tayo at diretsong sinalubong ang matalim nyang mga tingin.

"Akala ko masaya ka kapag nakikitang nahihirapan ang mga anak mo?" Ngisi ko dito tsaka pinadausdos ang kamay sa magulo kong buhok.

"Sinisisi mo ba ako, kung bakit iniwan ka ni Johanna?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Totoo naman. Sinisisi ko sya sa nangyari sa amin ni Johanna. Pero di ko sasabihin yon. Hinding hindi ko kailanman sasabihin sa kanya na sya ang dahilan ng lahat. Bahala sya. Bahala sya.

"Of course, No! Why would I blame you dad? Asked yourself." Pabalang kong sagot dito. Ngumisi pa ako at tuluyang ginulo ang buhok.

"Why would I blame my own flesh and blood." Tila nanunuya iyong lumabas mismo sa bibig ko. Parang mapait yon na gustong kong idura sa kanyang harapan.

"Tim" mahinahong tawag rito ni mama, kasabay ng paghikbi. Ang nakahawak na kamay ni mommy sa braso ni daddy ay unti-unti nitong inalis at inilang hakbang lamang kung saan ako nakaupo.

"Ginawa ko 'yon para sa ikabubuti mo anak." mariin ngunit galit na turan nito. Tumayo ito sa harap ko. Bumuntong hininga na tila pagod nang magpaliwanag.

Tumawa ako ng mapang uyam. 

"Nakabuti ba Dad?" nanghihina kong tanong. "Look at me now Dad. I am mess. I am mess because of what you did. You hurt me big time." ngisi ko rito sabay nang pag alpas ng luha ko sa magkabilang mata. Hindi ko alintana kung makita nila akong ganito ngayon. Wala akong paki alam kung makita nilang nasasaktan ako!

Hindi nila alam kung gaano ako kadurog sa mga nangyari. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong namamanhid. Para akong Wala sa sarili. Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako o kung ano.

Nakatayo lamang si mommy sa may pintuan, si Daddy ay nakatayo sa harapan ko habang nakayukom nang mahigpit ang dalawang kamay.

"Ni minsan hindi mo tinanong kung ano ang makakapagpasaya sa akin." nanlulumo kong saad sabay sapo ng mukha.

"Hindi mo man lang akong tinanong kung okay ako. Kung ano talaga ang gusto ko--"

"You never deserved a woman like that son." pinal na turan nito. Hindi na nito pinatapos kung ano ang sasabihin ko. Ang nakayuko kong mukha ay dahan-dahan kong iniangat at sinalubong ang mga mata n'ya.

"At sa tingin mo Dad, sinong karapat-dapat sa akin? " diretso kong tanong. Tiningnan ko s'ya pabalik. Hindi natinag ang galit n'yang tingin hanggang iniangat n'ya ang kanyang kamay at iwinagayway ang isang folder na ngayon ko lamang napagtuunan ng pansin.

"See for yourself." turan nito bago tumalikod at iniwan akong nakapatulala sa folder na ngayon ay nasa sahig. Nagkalat din ang ilang picture na naroon na nakasabog sa sahig ngunit, ang nakaagaw ng atensyon ko ay isang picture na naroon. Isang Ultra sound picture.

Akmang pupulutin ko iyon nang magsalita si mommy sa may pintuan.

"Thorin." tawag nito na hindi ko pinansin.

"I'm sorry." turan nito. Napapikit na lamang ako ng mariin kasabay nang malakas na pagsarado ng pinto.

_________________________________

JOHANNA

Nagising ako sa bahagyang pagdunggol ng matigas na bagay sa bandang likuran ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at hindi na nagtaka kung nagising ako sa ibang kwarto. Madilim pa sa labas, at sa tant'ya ko ay wala pang alas singko. Nanatili lamang akong nakatitig sa salaming bintana. Walang nangyari sa amin kagabi. Natulog lamang kaming magkayakap na tila sabik sa isa't- isa. At masasabi kong kahit papaano ay naging panatag ang loob ko. Sa loob ng ilang taon, nakaramdam ako nang kapanatagan sa yakap ni Thorin.

Napabuntong hininga ako ng maisip kong katabi ko si Thorin na parehas kaming nakatalikod sa isa't isa. Ang nangyari kagabi ay hindi ko inaasahan. Akala ko pa naman, masasabi ko na sa kanya kagabi ang totoo. Nagkamali ako.

Hindi pa s'ya handang tanggapin ang katotohanan. Hindi pa handang harapin ang totoo. He need's time, kahit ako ay kailangan din ng panahon para paghilumin muna ang mga sugat na gawa ng kahapon. Mga sugat na nag-iwan ng marka sa aming mga puso.

Bumiling ako at hinarap ang kanyang likuran. Pinaglandas ko ang hintuturo sa matipuno n'yang likod na tila doon ko sinusulat ang mga gusto kong sabihin.

Hindi ko alam kung nakabuti ang pag-uusap namin, dahil sa totoo lang, wala namang napag-usapan kung hindi ang kagustuhan n'yang bumalik kami sa dati-- na dapat ko nga bang ipagpasalamat?

"Mahal parin kita Thorin."mahinang usal ko bago ko idinikit ang noo sa kanyang likuran.

"Mahal parin kita, sa punto na natatakot akong mahalin ka pa. Natatakot ako na pandirihan mo ako sa bandang huli. Na kapag nalaman mo ang katotohanan, awa na lamang ang maramdaman mo sa akin at hindi na pagmamahal-- kung meron man." usal kong muli.

Niyakap ko na ang braso ko sa katawan n'ya na parang doon ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng kaya kong ibigay at lahat ng mayroon ako.

Ganoon lamang ang naging p'westo namin hanggang maramdam ko ang paggalaw ng kanyang katawan paharap sa'kin. Nanatili akong nakapikit hanggang maramdaman ko ang kanyang pagyakap sa katawan ko at ang mainit n'yang hininga sa aking pisngi.

"You're awake now." paos ang kanyang tinig na turan 'nya. Napangiti ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata para lang masalubong ang kanyang malamlam na tingin. Tila mayroon sa mga matang iyon na hindi ko mabasa. Tila kay raming sekreto ang nasa likod noon. Sa abuhing mga matang iyon na tila nais nagsusumigaw ng katotohanan.

Humigpit ang yakap n'ya sakin at ibinaon ang mukha sa aking leeg.

"I dream of this moment for a long time now. That I will hug you so tight, that all of your broken pieces will stick back together." turan nito na nagpangiti ng bahagya sa akin sabay nang pagganti sa  kanyang mahigpit na yakap. Nanatili kami sa ganoong posisyon na walang nagsasalita. Kung alam lang nito kung gaano rin ako kasabik sa kanyang mga yakap. Kung alam lang nito kung ilang beses kong hiniling na sana ay maramdaman ko muli ang presensya n'ya na kagaya nito. Kung alam lang nito ang lahat.

Ngunit hindi. Hindi nito alam ang kahit na ano. Wala itong ideya sa nangyari noon. Wala itong alam sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon, at  wala akong balak balikan pa ang sakit na iyon. At kahit alam kong mahal ko si Thorin, dapat mauna munang maintidihan nito ang lahat. Lahat nang nangyari noo. 

Maari nga sigurong, hindi pa ngayon ang tamang panahon upang masabi ang lahat ng dapat at kailangan kong sabihin. Hindi ito ang tamanag panahon upang buksan muli ang sugat na gawa ng nakaraan. Ang kailangan muna naming gawin ay patawarin ang isa't-isa. Kailangan munang ang bawat isa sa amin ay mapatawad ang isa't-isa. Kailangan namin ng panahon para doon.

Sa kalagitnaan nang katahimikan iyon ay nabasag  ito nang pagtunog ng telepono ni Thorin. Naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng kanyang mga braso sa aking katawan at ang pag-upo nito sa aking tabi. Nakakunot noong umupo ito at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng side table.

Bumangon na rin ako Inayos ko ang mga unan at tiningnan si Thorin na sinagot ang tawag, ngunit nagulat ako ng biglang sumigaw ito.

"What?!" sigaw nito. Lumingon ito sa akin at tumango. Gusto ko sanang magtanong dahil kita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata.

"Don't you fucking dare come in here Ian." Gigil ulit nitong bulyaw. Doon ako biglang kinilabutan. Ang buong katawan ko ay bigla nabalutan ng kaba nang marinig ko ang pangalang iyon. Ang pangalang hindi ko yata kayang kalimutan.

Ian.

"Ako ang pupunta d'yan!" Mariin ulit nitong saad. Napaatras na ako at parang nablangko.

"Hindi ka maaring pumunta dito Ian! Hindi pwede!" Gigil ulit na bulyaw ni Thorin.

Hindi talaga pwede. Hindi pwede si Ian dito. Hindi ko kaya.

_______________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

90.7K 2.5K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
10.4K 318 35
FAR IN TIME (Completed) Romance/Teen & General Fiction Language : Tagalog-English "You are the sun that light up my life, but can be the heat that w...
3.2M 42K 27
Si Monique Gabriel ang nag-iisang apong babae sa buong angkan ng Torralba dahilan kung bakit nasasakal siya sa atensyong nakukuha sa pamilya. Bukod p...