DM #2: Dean Andrada

By jkissteen

722K 22.4K 2.6K

Dean Andrada is a man of playful charm yet unwavering principles, believing that wisdom and morals pave the p... More

Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 6

20K 790 114
By jkissteen

Kabanata 6

Call Me

Ilang linggo nagpatuloy ang pagpunta niya sa ilog. Apat na beses sa isang linggo siya minsan na nakakapunta. Payapa ang mga nakalipas na mga araw ko dahil patuloy ang pagdating ng mga ideya ko sa pagpipinta.

Matagal akong nagising kanina kaya hindi ko naihatid ang natapos na gawa noong nakalipas na araw. Kumuha na lang ako ng isang canvas at ipininta ang nakikita sa harapan.

Napinta ko na ang ilog at ang gubat noon pero iba ang kulay na gagamitin ko ngayon. Sinikop ko ang buhok sa gitna ng pagpinta dahil humaharang na iyon sa mukha ko.

"You do painting?"

Napaigtad ako dahil sa isang boses na nasa likuran. Mabilis akong tumingala at agad sinalubong ng nakayukong mukha ni Señorito Dean. Nakatingin siya sa canvas na nasa harapan ko.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ngayon na nandito siya.

"Just continue what you're doing," he said, like he has an idea that I'm going to stop.

Kahit nahihiya, ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Nananatili siyang nasa likuran ko at pinapanood ang ginagawa ko. Muntik pa akong magkamali sa paghahalo ng kulay.

Ilang sandali lang, bumalik ang atensyon ko sa pagpipinta. Muntik pa na makalimutan na may nanonood sa akin. Kinagat ko ang labi at sinimulang ipinta ang ilog.

Nilingon ko siya at tiningala nang hindi na kinaya. Lumipat ang tingin niya sa akin mula sa canvas.

"Hindi ka ba maliligo sa ilog?"

"No, why?"

Nag-iwas ako ng tingin at pinili muling humarap sa canvas.

"Anong ginagawa mo dito kung ganoon?" mahinang tanong ko.

"I'm bored,"

Hindi ako nagsalita, hindi naniniwala. Sa dami mong gagawin sa planta, imposibleng bored ka.

"Wala bang ginagawa sa planta?"

Matagal bago siya nakasagot. "Yes," he answered weakly.

"Wala si Señorito Declan, walang ibang mamumuno roon." wala sa sariling sabi ko.

"How did you know that?" he sounds serious.

Tumigil ako sa pagpinta at muling naglagay ng acrylic sa lalagyanan ng pintura.

"Narinig ko sa lungsod,"

"How did you know my brother?" he asked again, as if I did misinterpret his first question.

"Imposible na hindi ko siya kilala,"

"Really?" he scoffed.

Napatingin ako sa kanya at nadatnan siyang nakapameywang. Malayo na ang kanyang tingin, tila may iniisip na ngayong problema.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tahimik na ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko na maayos na mahawakan ang brush dahil sa kakulangan ng focus.

Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa lungsod. Hinatid ko lang ang painting sa shop bago naglakad muli papasok ng gubat.

Nasa gitna ako ng paglalakad nang ibinaba ko ng kaunti ang balabal. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa gilid ng noo ko. Mabilis ko ring ibinalik pagkatapos.

Malapit na ako sa planta nang napatigil ako dahil sa grupo ng mga trabahanteng nasa labas. Kung magpapatuloy ako sa paglalakad, siguradong makikita nila ako. Bumagal ang lakad ko hanggang sa tumigil na. Biglang dumalaw ang kaba sa dibdib ko.

Nilibot ko ang tingin sa gubat, may plano nang tahakin ang masukal na bahagi. Kung doon ako dadaan, posibleng hindi nila ako makikita. Matatalas ang bato pero wala na akong pagpipilian pa.

Pero bago pa ako maglakad papunta sa parteng iyon, mayroong tumigil na sasakyan sa katapat dahilan nang pagharang nito sa pwesto ko. Hindi ko na kita ang mga trabahante dahil sa sasakyan.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makalagpas sa planta. Pero bago pa ako tuluyang makatakas, nakita ko ang pagbaba ni Señorito Dean sa sasakyan.

Lumaki ang nga hakbang ko, lalo na nang marinig ang pagtawag at paglapit ng mga trabahante sa kanilang amo.

Nang tuluyang makalayo sa planta, bumagal na ang lakad ko hanggang sa tuluyan na akong nakauwi. Wala na akong ginawa buong araw kundi ang tumambay sa likuran ng bahay.

Hindi pumunta ang Señorito, siguro abala. Naubusan na ako ng gagawin dahil malinis na rin ang bahay. Naligo ako matapos kumain ng hapunan at nagtungo sa kwarto para makatulog na. Hindi pa ako inaantok kaya hindi na ako nagulat nang paghiga ko pa lang ay bukas na bukas pa ang isip ko.

Maaga akong nagising kinabukasan at plano sanang maligo ng ilog nang tumaas na ang araw. Pero nawala nang makita ang pagdating ni Señorito.

Hindi na ako mapalagay na maligo sa ilog dahil sa huling nangyari. At kung maliligo man, hindi na naghuhubad. Nakakahiyang aminin na ngayon ko lang naisipan ang maligo na may damit.

Ilang taon akong mag-isa dito ng walang taong dumadaan o naliligaw. Masyado akong nasanay na mag-isa at walang nakakakita. Nawala na sa isip ko ang posibilidad na maaari pa ring may makakita sa akin kahit na nasa gitna ako ng gubat.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil si Señorito lang ang nakakita sa ganoon na ayos ko.

"I'll take a swim,"

Bigla siyang dumating isang araw habang nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos ng pintura. Sinulyapan ko siya at tumango.

Hindi ang tanawin na nasa harapan ko ang plano kong ipinta. Pero ngayon na nasa tubig siya, parang nag-iba ang plano ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi, tahimik na nahiya sa iniisip ko.

May aksidente akong naipinta dati at kahit na hindi siya ang sadya ko nang gawin ang painting pero ang sinasabi ng isip ko ay siya iyon. Nasa kwarto ko ang painting, hindi ko na plinano na ilagay sa sala dahil nakakahiya.

Tumikhim ako at sinimulan na ipinta ang bagay na nakaplano. Iniwasan ko ang pagsulyap sa tubig kahit na halos kita ko pa rin dahil nakaharap ako sa ilog.

Pilit kong ibinigay ang buong atensyon sa pagpipinta at nagtagumpay ako. Natigil lang dahil sa nagkulang ako sa pintura.

Pasimple akong sumulyap sa ilog at nagtaka nang hindi nakita si Señorito. Sinubukan kong hindi pansinin pero natapos na lang ako sa paglagay ng pintura hindi ko pa rin siya nakikita.

Tumayo ako at iniwan ang painting. Tumapak ako sa ibabaw na bahagi ng tubig at nilibot ang tingin sa ilog. Maaga pa kaya mataas pa ang lebel ng tubig.

Biglang dumalaw ang kaba na hindi ko alam kung saan nanggaling. Minsan na akong nalunod dito pero nailigtas dahil kay Papa. Bumalik ang alaala na pilit kong kinalimutan ng ilang taon. Ang takot ko sa araw na iyon ay ang naging dahilan nang pag-iwas ko na makita ang ilog ng ilang taon.

Mukhang marunong siyang lumangoy kanina kaya imposibleng malunod siya nang ganon lang. Pero posible kung nagtungo siya sa malalim na parte ng ilog na malapit sa pinakamalaking puno dito sa gubat.

Nagsara ang isip ko at mabilis na lumusong sa tubig, hindi na pinansin ang pagkabasa ng bestida na suot.

"Señorito!"

Nakailang tawag ako pero walang sumagot. Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Tinignan ko ang malalim na parte at walang pagdadalawang isip na lumangoy papunta roon.

Ang takot sa puso ko na mailagay ang sarili sa peligro ay nawala dahil sa posibilidad na baka nalunod nga ang Señorito. Nakarating ako sa malalim at ramdam na agad ang malamig na tubig sa parteng ito. Hindi ko na abot at tanging nakalutang na lang dahil sa lalim.

"Señorito!"

Panay ang lingon ko sa iba't ibang bahagi pero wala akong nakikita o naririnig. Mas lumakas ang sigaw ko, tuluyan nang nakalimutan na baka may ibang makarinig sa akin.

Lumabo ang paningin ko, maaring dahil sa tubig o luha na hindi ko na napigilan. Nanginig ang labi ko.

"S-Señorito!"

Nanigas ako nang maramdaman ang braso na yumakap sa beywang ko galing sa likuran.  Agad kong naramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Why are you so loud?" bulong niya sa paos na boses.

Mabilis akong lumingon at agad bumungad ang seryoso niyang mukha. I saw how his eyes darkened when he met my eyes.

"S-Saan ka nanggaling?"

Tahimik kong sinuri ang kanyang mukha at saka ko lang naiproseso na hindi siya nalulunod. Basang basa ang kanyang buhok at patuloy ang pagbagsak ng tubig galing sa bawat hibla patungo sa kanyang balikat.

"May tinignan lang ako sa ilalim," sagot niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ako nakasagot, hindi makapaniwala sa sariling nagawa. Ngayon lang pumasok sa isip ko na nagtungo ako dito para lang sa kanya. At ngayon ko lang din naramdaman ang takot dahil nasa malalim ako na parte.

Napatingin ako sa lapit naming dalawa, bahagya ko siyang naitulak. Yakap niya ang beywang ko at nasa dibdib niya ang mga kamay ko, pinipigilan siya sa muling paglapit. Pero mukhang wala siyang pakialam doon.

"Babalik na ako sa bahay," mahinang sabi ko.

"We will later,"

Nanlaki ang mata ko nang sinabay niya ako sa kanyang paglangoy. Hindi ko siya mabitawan dahil hindi ko abot ang lalim. Kung bibitaw ako, siguradong diretso ako pababa.

Paatras siyang lumangoy habang dala pa rin ako at nakatitig. Umiwas ako ng tingin kasabay nang pag-init ng pisngi.

"Why are you calling me?" he asked gently.

Sinulyapan ko siya at muling nag-iwas ng tingin. Hindi ko makayanan ang intensidad ng mga mata niya.

"Hinahanap kita dahil akala ko nalunod ka," mahinang sagot ko.

"Hindi ako malulunod," he sounds comforting me.

Kinagat ko ang labi, nakaramdam ng hiya dahil sa inisip kanina.

"Akala ko lang..."

Sinubukan kong hindi magbigay ng reaksyon nang maramdaman ang kanyang palad na umakyat patungo sa likuran ko.

"You should call me by my name,"

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"I think it will sounds good if you're going to call me that." he said softly.

Nanatili akong nakatingin sa kanyang hanggang sa muli siyang nagsalita. Tahimik akong namangha sa kalmado niyang ekspresyon, tila ngayon lang iyon nakita.

"Try it,"

Umawang ang labi ko. "Dean..."

It feels like I'm hypnotized. A small smile formed on his lips because of satisfaction. Humaplos ang kanyang palad sa likuran ko hanggang sa dahan-dahan niyang hinawi ang buhok ko sa balikat.

"I like that,"

Kinabukasan, matagal akong nagising dahil matagal din ako nakatulog kagabi. Wala akong planong magpinta ngayon dahil sunod-sunod ang araw na ginagawa ko iyon. Nakatapos ako ng isa at may planong ihatid ang painting bukas ng umaga.

Kumuha ako ng malaking puting tela sa kwarto at nagtungo muli sa likod ng bahay. Naghanap ako ng parte na hindi masyado maaraw. Nang makakita, diretso kong inilapag ang tela at naupo.

Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at langingit ng puno ang maririnig. Payapa ang daloy ng tubig kahit na halatang malalim pa sa mga oras na 'to.

Ipinikit ko ang mata at dinama ang masarap na simoy ng hangin. Kakagising ko pa lang, pero nakakaramdam na ako ng kaunting antok. Hindi naman siguro masama kung makakatulog ako rito.

Nakatulog nga ako nang hindi ko namamalayan. Bumangon ako at agad narinig ang lagaslas ng tubig. Napasulyap ako sa ilog at nadatnan ang Señorito na nakatalikod.

Wala sa sarili akong napatingin sa hinigaan kanina at nagtaka nang makita ang nakatuping puting shirt. Nang magising ako, ito na ang naging unan ko.

Sinira ko ang pagkakatupi at agad nakita ang laki ng damit. Mabilis uminit ang pisngi ko nang maiproseso ang posibleng may-ari nito. 

Tahimik kong itinaas ang bumaba na strap ng dress, hindi man lang namalayan ang pagbaba nang bumangon.

Napalingon ako sa ilog at nakita siyang umaahon na. Kinuha niya ang sariling tuwalya na nasa malapit at isinampay sa balikat bago sinimulan ang pagpunas ng buhok.

Ang kanyang madidilim na mata ay hindi humiwalay sa akin, tila posible akong mawala kung maaalis ako sa titig niya. Wala siyang pang-itaas kaya pilit kong huwag tignan ang bahaging iyon. Tumikhim ako at tahimik na kinalma ang sarili.

"Kanina ka pa?" bungad ko nang makalapit siya.

"Not really,"

Umayos ako sa pagkakaupo at kinuha ang shirt na naging unan kanina para iabot sa kanya. Sandali siyang napatitig doon bago kinuha. Umiwas ako ng tingin ng isinuot niya na.

"Can I use your bathroom?"

Mabilis akong napalingon sa kanya, hindi agad naiproseso ang kanyang sinabi. 

"I will change," mahinang sabi niya.

Nakadamit na siyang pang-itaas kaya akala ko maayos na, muntik ko nang makalimutan na may pambaba pa siyang suot na kailangan palitan. Hindi ko maisip na maghubad siya dito, baka kung ano pang kakaiba ang makita ko.

"Uh, s-sige." wala sa sariling sagot ko.

Hindi na siya nagsalita pa at naglakad na papasok ng bahay. Tulala akong humarap sa ilog at hinintay ang pagbabalik niya.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya nakakabalik. Dinalaw ako ng kaba na posibleng hindi malinis ang banyo kaya siya natagalan kahit na kakalinis ko lang noong isang araw.

Tatayo na sana ako nang makita ang saktong paglabas niya sa bahay. Isinara niya ang pintuan habang nagpupunas ng buhok gamit ang dalang tuwalya.

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. Hindi ko maiwasan punahin ang bawat detalye ng galaw niya at hindi ko alam kung bakit ko ginagawa iyon.

Akala ko ay kakalma na ako dahil nakapagpalit na siya ng damit. Pero nang maramdaman ang pag-upo niya sa likuran ko, mabilis bumalik ang kaba sa puso ko.

Malaki ang tela na nakalatag pero dahil sa lapad ng katawan niya, halos hindi na ako magkasya. Maaaring kasalanan ko rin dahil panay ang galaw ko para malayo sa kanya.

"Kailan ka pupunta sa lungsod?"

"Huh?"

Hindi ko agad nakuha ang kanyang tanong. Kinagat ko ang labi at umiwas ng tingin.

"Bukas siguro..."

I heard him sighed. "Okay,"

Nilingon ko siya at nadatnan ang kanyang tingin sa akin.

"Bakit ka nagtanong?" tanong ko sa mahinang boses.

"I'll pick you up,"

Kumunot ang noo ko sa kanyang sagot. Bumaba ang kanyang tingin sa balikat ko.

"Hindi na kailangan, Señorito."

Huminga siya ng malalim kasabay nang paglambot ng kanyang ekspresyon. Yumuko siya nang ilang sandali bago inangat ang tingin sa akin. Umawang ang labi ko nang makita ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata.

"I'm Dean, baby..." he said weakly.

Continue Reading

You'll Also Like

851K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...