THE S CLASS PROJECT

Galing kay princesscelin

10.7K 553 81

The Villanueva group established this initiative to provide 100% support to the selected members of the S cla... Higit pa

TSCP
CHARACTERS WMNMMH
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 : SECOND
CHAPTER 3: THE "S CLASS" STUDENTS
CHAPTER 4 : THE PERVERT slash STALKER JERK
CHAPTER 5 : DAMN! WHAT'S HAPPENING?
CHAPTER 6 : TIMOTHY VS. ICE
CHAPTER 7 : THE BEST DUO
CHAPTER 8 : WE'RE PARTNER , RIGHT?
CHAPTER 9 : TIMOTHY'S HAPPINESS
CHAPTER 10 : THE SMILE
CHAPTER 11 : FOUNDATION DAY
CHAPTER 12 : MAID CAFÉ
CHAPTER 13 : MR.VILLANUEVA
CHAPTER 14 : UNO CARDS
CHAPTER 15 : LAST DAY
CHAPTER 16 : QUIZ BEE
CHAPTER 17 : DRY ICE
CHAPTER 18 : RYUU AND AVERY
CHAPTER 19 : 15 MINUTES
CHAPTER 20 : I'M NOT ICE
CHAPTER 21 : THE TRUTH!
CHAPTER 22: BUNNY COSTUME
CHAPTER 24: THE BEST VACATION EVER!
CHAPTER 25 : THE INVITATION
CHAPTER 26: ACCEPT OR DECLINE
CHAPTER 27: UNKNOWN FEELINGS
CHAPTER 28 : KERBIE'S NIGHTMARE
CHAPTER 29: FAMILY DINNER
CHAPTER 30: THEIR WARM HEARTS
CHAPTER 31: COME BACK
CHAPTER 32: TWO MONTHS
CHAPTER 33: FIRST DAY TRAINING
CHAPTER 34: BARBEQUE PARTY
CHAPTER 35: ROYAL BLUE ENVELOPE
CHAPTER 36 : THE EMBLEM
CHAPTER 37: AN UNFAMILIAR PLACE
CHAPTER 38: SUNRISE
CHAPTER 39: MUSIC FESTIVAL
CHAPTER 40: THE SPIRIT OF MUSIC FESTIVAL
CHAPTER 41: JEALOUSY CONFESSION
CHAPTER 42 : OFFICIAL OPENING

CHAPTER 23 : FINALLY

104 12 0
Galing kay princesscelin


CIERIN'S POV

"B-Ba-Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa amin ICE?" Nakatulalang tanong ni Adrian sa akin. Tinignan ko sila isa-isa at nakita kong pare-pareho silang nakatulala sa akin. I just flashed him a bitter smile and took a deep breath.

"I think you don't trust us, are we really your friends?" Tanong din ni Kerbie. Hindi din ako nakaimik doon. Nabalot ng katahimikan ang buong silid , I don't even know what to do. Nasabi ko na sa kanila ang totoo, buong detalye pero bakit gano'n?

Wala pang ilang segundo nang biglang. "Are you crazy?! HUWaaaaahhhhh! All this time tinatago mo sa amin ang pagiging Cutiepie mooo! Waaahhh! Ang coool! Excited na'kong makita ka na naka Maid Outfit!" Napakunot noo ako sa mga sinabi ni Adrian, hindi lang 'yon dahil mas lalo akong nagtaka dahil sa reaksyong ipinakita ni Adrian ngayon, he is being hyper and excited?

"Baliw , nagsuot na din ng Maid Outfit si ICE." Natatawang sabi ni Kerbie. "Remember noong Foundation Day, Right Avery?" Dugtong nito.

"T-teka? Nagsuot na ba siya nun, Babe?"

"Yeah, At pwede ba wag kang sumigaw Adrian"

"Waaaahh! Ikaw parin naman mas CUTETIEPIE Babe~"Pasigaw parin na sabi ni Adrian at tsaka niya niyakap ng sobrang higpit si Avery.

Natawa nalang ako at marahan din akong yumuko para pasimpleng punasan ang aking luha na tumulo. Pagkatingin ko sa kanilang lahat ay nakangiti lang sila sa akin. Napaawang konti ang bibig ko dahil sa nasaksihan kong reaksyon nila. "H-Hindi kayo galit sa akin?" Nauutal kong tanong sa kanila. Lumapit sa akin si Avery at Astrid and i didn't expect what happened next, niyakap nila ako ng mahigpit and they both laughed while saying "Actually we are so proud of you, ICE"  Napakagat ako sa pang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko, hindi ko na din namalayang tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "I'm so sorry" Paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

Marahang napunta sa gawi ni Timothy ang atensyon ko, nakasandal lang ito sa pinto habang naka halukipkip. He gaved me a look saying : Finally. Tumango ako dito at ngumiti.

"ICE! Excited na akong makita kang nakasuot ng Maid Outfit" Nakangiting Sabi ni Justin. Napailing nalang ako at kinuha na ang Maid Outfit ko sa trolley bag ko.

"Magbibihis kana ba, ICE? Waaaahhh! Sa wakas!!!" Pasigaw na sabi ni Adrian.

"Pwede ba wag kang sumigaw? Nakakabingi kana" Sita ni Kerbie kay Adrian.

Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay aakto na sana akong lalabas ng bigla akong pinigilan nila Avery at Astrid.
"ICE , pwede ba kaming sumama sayo?"

"Sure!" Nakangiti kong sabi.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang papunta kami sa kabilang kwarto, doon kasi ang naging pansamantalang dressing room namin for the stuff na kinuha ni Manager. Napagkwentuhan din namin ang nangyari kung bakit kasama nila ngayon si Timothy at kung bakit dito sila dumiretso. Di naman kalayuan ang kwartong 'yon kaya naman mabilis kaming nakarating dito. Pagkapasok namin sa kwarto ay naupo na muna sa sofa sina Avery at Astrid.

"I'll be right back, mabilis lang naman 'to" Paalam ko sa kanila at dumiretso na 'ko sa CR para magbihis. Napatigil ako saglit nang may napagtanto ako. Nabitawan ko ang paper bag na hawak ko at mabilis kong naitakip ang kanang kamay ko sa bibig ko. "H-Hindi" Hindi makapaniwalang sabi ko. Paano na 'yan! Paano kung pagtawanan nila ako mamaya dahil sa Bunny Costume na 'yon.

"ICE?" Tawag ni Manager Rica sa Pangalan ko. Agad kong binuksan ang pinto ng CR at sumilip.

"Eto pala yung costume mo , nakalimutan mo kanina sa Room ko. Kaya dinala ko nalang dito... Take time! Byeyie!" Nakangiting sabi ni Manager Rica. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Manager Rica at marahan kong kinuha ang inabot niyang paper bag. Pagkasarado ko ng pinto ay napasuklay nalang ako sa buhok ko gamit ang kamay ko.

"Bakit ko ba kasi nakalimutan ang tungkol doon, makikita tuloy nila akong naka Bunny Costume, Haisstt!"
Napailing nalang ako and i took deep breath. Twenty-minutes ang ginugol ko sa pagpapalit at nang matapos nakong nagbihis ay lumabas na ako. Napakunot noo ako nang makita kong nakasuot din ng Bunny Costume sila Avery at Astrid. "Avery? Astrid? Bakit kayo nakasuot ng Bunny--"

"Cute! Right?" Sabi ni Astrid tsaka siya ngumiti. Napangiti nalang din ako nang makita ko ang napaka cute niyang ngiti.
"We asked your manager if meron pa siyang extra costume. Me and Avery decided na tumulong sa inyo ni Manager Rica" dugtong nito at muling nagbigay ng isang matamis na ngiti.

"So? Let's take a selfie muna bago tayo bumaba?" Excited na sabi ni Avery tsaka ito pumwesto sa gitna namin ni Astrid at kumuha na ng litrato.

Pagkababa namin ay madami nang tao ang nakaupo sa kanya kanya nilang mesa. Nag umpisa na din kaming kumuha ng order ng mga bisita.

"Young Master , Here's your Om-Num Nomu Rice and Hot Chocolate. Enjoy!" Nakangiti kong sabi sa isang bisita at marahan kong ibinaba ang kanyang order sa mesa.

Napunta sa gawi nila Avery at Astrid ang atensyon ko at hindi ako makapaniwala sa nakita ko...they're having fun. Nagkasalubong ang tingin namin ni Astrid na ikinagulat ko, dahil hindi ko inaasahang titingin din siya sa direksyon ko. Ngumiti ito sa akin At kumaway na para bang ngayon lang kami nagkita. Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na ako sa counter para ibigay kay Manager Rica ang iba pang order ng mga bisita.

Papunta na ako sa table ng isang bisita para ibigay ang order nila nang biglang may lalakeng nakaputing suit akong nakasalubong. Nanlaki ang mata ko at Humigpit ang pagkakahawak ko sa tray na hawak ko nang sandaling maramdaman ko ang kakaibang prisensya galing sa kanya.
"Manager Rica , Ako nga pala ang yung nagpaservice sa Café niyo."

"Mr.Silver Villanueva? Nice to meet you" Nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang pangalang 'yon.

"Hmmm. i think my guests are having fun... Everything went according to my plan. Thank you, Manager Rica." Napaka lamig ng kanyang boses. I really don't know what's happening. Bakit ba ako nagkakaganito!

"You okay , ICE?" Tanong ni Avery. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit ni Avery sa akin dahil doon.

Marahan kong naipikit ang aking mata at bumuntong hininga.  "I'm fine"  Tipid kong sagot sa tanong ni Avery at muling naglakad.

"ICE! DITO NAMAN SA TABLE NAMIN" Nakangiting sabi ni Adrian habang nakataas ang kanyang kanang kamay. Dali-dali akong lumapit sa kanila at nagtataka ko silang tinignan.

"Nababaliw na ba kayo? Bakit kayo nandito?" I asked them. Pero isa isa silang nagtinginan kay Timothy.

"You're so beautiful and adorable, Erin" Sabi ni Timothy habang kumikinang ang kanyang mga mata. Napangiwi ako sa ipinakitang reaksyon ni Timothy. Hindi naman ganon ang usual reaksyon niya sa tuwing nakikita niya ako. Teka! Hindi yata siya naka take ng gamot! -,-

"ICE! Papicture naman! Please?" Nakangusong sabi ni Justin. I flashed him my poker face na ikinatigil naman niya.

"Hanggang ngayon wala pang nakakasagot sa tanong ko, Pwede bang--"

"It's me...I actually invited them" Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. "Kilala ko si Mr.Perez  and the truth is... his family and my family are business partners. Any problem?"

"N-Nothing , Sir " nauutal kong sabi at madali akong umalis at agad akong nagtungo papuntang Comfort Room. Narinig ko pa ang pagtawag ni Timothy sa pangalan ko pero hindi ko nalang ito pinansin. Pagkapasok ko sa loob ng CR ay tuluyan nang bumigay ang tuhod ko , mabuti nalang at nakakapit pa ako sa lababo kaya di ako tuluyang bumagsak sa sahig. Di nagtagal ay lumabas din ako ng CR at pagkalabas ko nakasalubong ko ang nag aalalang si Timothy.

"ERIN , What's wrong?" Nag aalala nitong tanong sa akin. Umiling lang ako at unti unti akong lumapit sa kanya tsaka ko siya niyakap ng sobrang higpit. Naramdaman ko ang pag pat niya sa ulo ko kaya naman di ko napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko.

Apat na oras ang nakalipas sa wakas natapos din. The party ended smoothly, kasalukuyan na kaming nagiimpake nang bigla akong hinatak ni Ryuu papuntang Rooftop.

"ICE , Kanina ko pa 'to gustong sabihin sa'yo" Makahulugang sabi ni Ryuu sa akin. Napalunok nalang ako dahil doon.  "I... Uhhh? I wanted to take a picture with you" Napabuntong hininga ako tsaka ako natawa. Pumayag nalang ako. Matapos kaming magpicture ay nagtitigan lang kami hanggang sa bigla nalang ako nakaramdam ng awkwardness.

"Hindi ba weird na nakasuot ako ng ganito?"

"Nope! At sino namang nag sabing Weird ka, Actually... Humprey is Right. You look so Adorable with that--"

"Stop! Tara na! Kailangan ko ng mag impake, i mean magpalit!" I really need to change my clothes!  Hindi na ako natutuwang suot ang costume na 'to.

Nauna nang bumalik sa Manila si Manager Rica at ang iba pa. Kasama ko na sila Avery ngayon at papunta na kami ngayon sa isang island na pagmamay-ari mismo ng pamilya ni Ryuu. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit nasa tabi ko si Timothy ngayon... -,-

"I'm sorry ICE , Hindi kasi ako sanay sa loob eh. I prefer sa tabi ng bintana, nakakahiya naman na palipatin kita kaya si Humprey nalang pinaupo ko diyan sa tabi mo" Paghingi ng paumanhin at paliwanag ni Avery sa akin.

"Ang sabihin mo gusto mo lang akong katabi , babe"

"Pwede ba tumahimik ka!" Inis na sabi ni Avery kay Adrian. Napailing nalang ako at tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Tanging mga ulap lang ang nakikita ko. Kaya napagdesisyonan kong umidlip nalang.

"Erin ,  i know you're tired. Sleep well" Rinig kong sabi ng isang boses at Alam ko kung kanino yun galing. Napangiti nalang ako at tuluyan ko nang nakuha ang tulog ko.

Pagkalapag ng Airplane sa Island ay Isa isa kaming bumaba dito. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang sariwang hangin na nagmumula mismo sa dagat na nasa paligid mismo ng isla. Nakangiti ko itong sinalubong. 

"Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Tanong ni Avery sa akin.

"Mabuti nalang hindi ka inistorbo ni Humprey" Nakangiting sabi ni Astrid.

Napaisip ako at nang marealize kong hindi nga natawa nalang ako.
"Hindi naman , tara na?"

"Babeee! Halika ditooooo! Sakay tayo sa Yate~" Sigaw na sabi ni Adrian Kay Avery. Nasa malayo na nga ito sobrang lakas pa din ng boses.

"Tumigil ka! Magluluto pa ako ng pagkain natin! Sumakay ka diyan ng mag isa mo."

"I'll help you, Avery" Astrid Volunteered.

"Ako din"

"No , ICE. You need to take some rest"

"B-But--"

"Get some fresh air. Kaya na namin 'to ni Astrid.  Kung tatanggi kapa gugulpihin kita"

"Okay okay, Pupunta na. Kung kailangan niyo ng tulong tawagin niyo lang ako, oke?"

"Go! Punta na" Nakangiting sabi ni Astrid. Tumango nalang ako at naglakad na ako papuntang dalampasigan.

"Kerbie , anong ginagawa mo diyan?"

"I'm looking for hybrid plants"

"Don't tell me , may balak kang mag uwi ng halaman?"

"Sssshhh! Secret lang natin 'to , ICE! OK? And For your information hindi lang basta halaman ang hinahanap ko, it's hybrid plants."

"Owwww i see" Naiiling kong iniwan si Kerbie na abala paring naghahanap ng "Hybrid Plants" na maiuuwi niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang makita ko si Timothy na nakatayo sa isang malaking tipak ng bato na nasa bandang medyo gitna ng dagat. Lumapit ako sa kanya at nang makalapit ako dito ay Napakunot noo ako dahil sa hawak niyang hairpin , medyo lumapit pa ako sa kanya para malapitan kong makita ang hawak niyang hairpin nang bigla ako nakagawa ng ingay kaya mabilis niya itong naitago sa suot niyang jacket.

"Bakit ka nandito?"

"Bakit bawal?"

"Namiss mo na naman ba ako , hah? Ms.Rank number two?"

"Tch! Nag uumpisa ka na naman ba?"
Nakangisi kong sabi at tsaka ako tumingin sa ibang direksyon.

"Nah! I'm just saying the truth"

"Well , Timothy... Alam kong lahat ng ginagawa mong kabaliwan ay plano mo yun para ma-distract ako at makalimutan kong mag ka tunggali tayo. Sa tingin mo mahuhulog ako sa walang kwenta mong plano? Nagkakamali ka dahil di ako--"
Muling napunta sa gawi ni Timothy ang atensyon ko nang may narinig akong nahulog sa tubig.

"Yaaahhh! Timothy!!" Sigaw ko nang mapagtanto kong nahulog siya sa tubig. Dali-dali akong tumakbo at lumusong sa tubig, nakita ko siyang palubog na at hindi gumagalaw kaya naman binilisan ko ang pagsisid papunta sa kanya.

"Kailangan mo ng mabura sa mundo dahil malas ka sa pamilya namin!"  Rinig kong sabi ng boses ng isang babae. Napahawak ako sa ulo ko at di ko natuloy ang paglangoy ko papunta kay Timothy. Napabuga ako ng hangin dahilan para mawalan ako ng ere sa ilalim ng tubig , pilit akong umaahon pero diko magawa.

"TulongSabi ko sa isip ko.

"Tulong!!! Tulongggg!" Napangiwi ako dahil sa narinig kong boses ng isang bata na humihingi din ng tulong.

"Walang tutulong sayo, at papalabasin Kong nahulog ka lang sa Pool , at Walang nakaligtas sayo... Conclusion Aksidente lang ang lahat"

Di nagtagal ay lumalabo na ang paningin ko at nang sandaling 'yon ay nakita kong papalapit na sa akin si Timothy. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagyakap ni Timothy sa akin. Naramdaman ko pa ang pag angat namin dalawa sa tubig bago ako tuluyang nawalan ng Malay.

"ERIN! WAKE UP!" Rinig kong sabi ni Timothy. Naramdaman ko ang ibang pagtapik ni Timothy sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong bumalik sa suwisyo. Parang may kung anong pumatak na mainit na likido sa pisngi ko kaya naman marahan kong pinagmasdan ang mukha ni Timothy. He's crying?! Napangisi ako dahil doon.

"Wait? Are you crying?"  Yun talaga ang bungad ko sa kanya.

"Nah"

"Yes...you are"

"Fine , Ano ba kasing ginawa mo at napunta ka doon?!" Medyo iritado pa nitong sabi.

"Scared ,huh?"

"Hell no!"

"Kung ganun , ayaw mo lang mawalan ng karibal? Ng Katunggali? Ganun?"

"Stop saying nonsense , Erin" Natawa nalang ako at Tumayo na. Tinulungan niya akong tumayo kaya di naman ako nahirapang tumayo. Napagdesisyonan naming pumunta na ng Cottage at para makapag pahinga. Nang nasa harap na kami ng Cottage ay sinalubong kami ni Ryuu. "Bakit basa ang mga damit niyong dalawa?"  Nagtataka nitong tanong sa amin. Nagtinginan lang kami ni Timothy at Pumasok na kami sa loob ng Cottage. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape.

"ICE, Anong nangyari" pangungulit ni Ryuu. Di ako umimik at kumuha nalang ako ng mainit na kape sa Coffee maker. "Nag talo na naman ba kayo ni Humprey?"

"Hinde , Ryuu. I'm sorry pero kailangan ko na munang pumunta sa kwarto ko. Magpalit lang ako ng damit ko, Para di kana ma-bother sa basa kong damit" I said at naglakad na ako papuntang kwarto ko.

MADAME VICTORIA'S POV

"Madame Victoria , Masyado naman yatang mahabang bakasyon ang ibinigay mo para sa S Class?" Nagtatakang tanong ng isang Professor ng mga taga S class.

Napahilot ako sentido ko at tumayo tsaka ako humarap ang malaking glass window na nasa likod ng office table ko.
"Sinadya kong habaan ang bakasyon nila dahil kailangan na muna nilang mag enjoy bago sila mag prepare para sa nalalapit na Labyrinth Competition..." Tumango ako at diko mapigilang mapangiti. Natutuwa ako dahil kakaibang grupo ng S class ang nabuo ngayon. Hindi sila basta basta at alam kong ibang iba sila doon sa naunang grupo ng S class.

"Kailangan niyo na ding maghanda , dahil kayo ang susubok sa kanila... Lalo na pagdating sa larangan ng academic"

"Makakaasa ka sa amin , Madame Victoria"
Sabi ng isa pang Professor ng S class. Tahimik kong pinagmasdan ang litrato nilang Anim. Unti unti kong nakikita ang hinaharap na sila ang makakapagpatunay na mas mahalaga ang kaibigan kaysa ang katalinuhan at ranking bilang isang estudyante.

- -

- A/N : Here's our update for the CHAPTER 23!!! ENJOY READING! MUAPPPSSS! 😘 THANK YOU FAIRIES 💖... P.S YUNG PICTURE NA NASA ITAAS OR NAKA POST WITH THE CHAPTER YUN YUNG NAIMAGINE KONG BUNNY COSTUME NI ICE 😁😁😁-

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

3.1K 213 17
Ang pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral doon dahil sa mga...
104K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
771 52 48
Mayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan...