His Angel Bitch (KHS#2) [COMP...

By Lyle_dreams

3K 2.4K 753

Praisey Autumn Morales, Isang bitch na babaeng pinalaki kasama ang armas at sandata. Sanay makipag laban, sa... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1 Simulan mo, tatapusin ko
CHAPTER 2 Stalker
CHAPTER 3 That's my command
CHAPTER 4 In your dreams
CHAPTER 5 Pikon si pnc
CHAPTER 6 That kiss in my dream
CHAPTER 7 Mission to Isay
CHAPTER 8 Karma
CHAPTER 9 Peanuts
CHAPTER 11 New Angel
CHAPTER 12 He's my boss
CHAPTER 13 I love you Master
CHAPTER 14 Stuck with you
CHAPTER 15 Halo-Candy
CHAPTER 16 Alagain si damulag
CHAPTER 17 Morenong Stranger
CHAPTER 18 Love triangle
CHAPTER 19 Master ko
CHAPTER 20 Heart always finds love
CHAPTER 21 Siya ang mahal ni Xander
CHAPTER 22 Kapatid ko siya
CHAPTER 23 Your dad is dead
CHAPTER 24 Girlfriend ko
CHAPTER 25 Happy heart
CHAPTER 26 Meet Santa
CHAPTER 27 Back to the past
CHAPTER 28 Are you pregnant?
CHAPTER 29 My broken heart
CHAPTER 30 Mira Yeshia Kim
EPILOGUE

CHAPTER 10 Kung gusto mo, kunin mo

79 86 4
By Lyle_dreams

Autumn POV

"Ano kamo?!" Hinde ako makapaniwala sa sinasabi ni lina.

Ghad!

"Yes, mag kaibigan sina xander at avie mo, may isang grupo sila actually sikat na sikat nga 'yon e, pangalawa si xander sa grupo."

Oo alam kong may grupo si avie ko pero hinde ko alam na kasama si xander dito! pano nalang kapag nalaman niyang mahal kosi avie?! ghad! gagamitin niya 'yon para kontrolin na naman ako.

"Ang gwa-gwapo kaya lahat ng nasa KING HEIRESS! Grabe daig pa ang mga artista!" Tili ni lina.

Napangiwi nalang ako.

Pano na 'yan?

Maging mabait naba talaga ako kay pnc? ayaw kasi ni avie na masama ang ugali e, alam ko namang 'di ako pasok sa ideal niya pero ako parin ang mahal niya diba? diba!?

Or... assuming lang ako? pero NO!

Ramdam kong may gusto siya sakin, yung mga ginagawa niya sakin diba sign yon nang love? Yung pag damay niya sakin, Yung pag aalala niya sakin, Yung pagpapangiti niya sakin, Yung nandyan siya para sakin.

"Oh, bakit mukha kang lugi d'yan?"

Umiling ako.

"Sige, kita nalang tayo sa school." Sabi ko at umalis sa harap niya.

Hinde ko alam kung saan ako pupunta ngayun, basta pumasok ako sa kotse at nagdrive kung saan.

Anong gagawin ko? Sabi kasi ni avie na ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya balang araw, kapag dumating ang oras na 'yon, pano na? Siguro naman tapos na ang mission sakin ni pnc, kaylangan kolang talagang magpakabait sakaniya para matapos na'to.

Lumabas ako sa sasakyan, nandito kasi ako sa park, medyo maraming tao pero ayos lang.

Huminto ako sa sa isang duyan at umupo roon.

Ang lakas ng hangin dito, ang sarap matulog, humiga ako sa duyan kahit tama ang araw sa direksyon ko, pinikit ko ang aking mata.

Pumasok sa isip ko kung pano ako patulugin ng nanay ko, dati non may duyan rin kami sa garden at lagi akong nandon kasi malamig ang simoy ng hangin. Lagi niya akong kinakantahan habang kandong sa kaniyang mga hita, tinatapik rin niya ang hita ko para agad akong makatulog. Wala pang isang minuto tulog na agad ako, ayon ang hinde ko malilimutang eksena sa buhay ko.

Kasi doon masaya pa kami, buo pa kami, nag mamahalan pa kami.

Ibang iba na ngayon, hinde na mabubuo pang muli.

Alam kong may pumatak na luha mula saking mata, agad ko itong pinunasan. Hinde dapat ako umiyak, galit na galit ako sakaniya, hinde siya worth it sa luha ko.

Hinde kona maramdaman ang sinag araw sa mukha ko, tila ba tinatakpan ito.

Minulat ko ang aking mata, agad tumama ang tingin ko sa isang kamay na nakaharang sa sikat ng araw, hinde ko makita ang mukha niya kasi tinatakpan ng malaking kamay niya pero alam ko ang presensya niya, kaya kilalang kilala ko ito.

"Iitim kaniyan, sighe ka." Wika niya.

Napako ang tingin ko sakaniyang mukha na ngayun ay maliwanag ko nang nakikita.

Ang ganda pala ng itsura niya kapag tinatamaan ng liwanag, para siyang diamond na kumikinang, bakit ganito ang itsura niya?

Ngumiti siya kaya maslalo kong pinuri ang itsura niya, parang nalulusaw ang puso ko! ghad!

Ano ba itong sinasabi ko!?

Agad akong tumayo at inayos ang buhok kong medyo gulo, pati ang damit kong nakusot ay inayos kona rin.

Tska kolang narinig ang isang malambing na boses.

"Zhi!" Zhi?

Isang babaeng lumalakad papunta sa aming direksyon, nililipad ng hangin ang buhok at dress niyang hanggang tuhod.

Si belle, ang mukhang anghel.

"Oh, hi autumn! nandito ka pala!" Masayang bati niya sakin.

"Hello." Tipid kong sabi.

Mag kasama sila ni pnc? di ba halata autumn? tsk.

"Ikaw lang mag isa?"

"Siya lang mag isa." Si pnc ang sumagot sa tanong ni belle.

Malawak na ngumiti si belle.

"I see, tara sumama ka nalang samin! kakain kasi kami ng ice cream!"

Oh sorry girl but I don't like sweets.

"Okay lang ba isay?" Si pnc.

Maging mabait kanga diba autumn?

Kahit ayaw mo.

Matamis akong ngumiti
"Sure!"

Kaya lang may napansin ako, nung ngumiti ako may kakaiba sa mata ni pnc, parang kuminang? hayy ewan.

Kinuha ni belle ang braso ko at niyakap ito at hinitak.

Feeling close talaga siya.

"Kumakain kaba ng dirty ice cream?" Tanong niya, nasa likod lang namin si pnc.

Ano daw? dirty!?

"Ha?"

Napangisi siya.

"Mukhang 'dimo alam yon ah, masarap naman iyon ayon kasi ang favorite ko e. Lika!" Hinitak niya ako hanggang sa nagtitinda ng ice cream.

Eto ba ang dirty ice cream? bakit dirty?

"Manong tatlo pong ice cream, anong flavor gusto mo?"

"Ah, kahit ano." Sabi ko, wala akong alam dyan kasi di naman ako mahilig dyan.

Si pnc ba hinde niya tatanungin?

Isang ube at dalawang chocolate ice cream ang binili niya.

Inabot niya sakin ang ube.

"Alam mo talaga ang paborito ko," Ngising sabi ni pnc sakaniya at hinawakan ito sa buhok.

Biglang pumasok sa isip ko ang ginawa ko kay pnc, hinawakan korin ang buhok niya. Pero siya hinawakan ang buhok ni belle.

Mukhang date nila ito, dapat umuwi nako.

"Tara duon tayo!" Hinitak na naman niya ako.

Umupo kami sa damuhan. Nasa gitna namin si belle.

Tumikim ako ng ice cream, unang higop ko palang ay nasarapan nako. hinde naman siya ganon katamis e.

(A/N: Hi my beautiful readers, papalitan kona yung grade ni autumn, College na siya next year)

"Gusto kong mag aral sa school mo autumn, kinuwento kasi sakin ni zhi kung saan ka nag aaral, grade ten kana pala, so college kana next year. Ako kasi grade ten na'ko this year."

Mas matanda pala ako ng isang taon sakaniya.

"Ah, wala nako don kapag lumipat kapa sa ibang school nako." Sabi ko, nag pout siya.

"Kaya nga hinde nalang," Aniya at humarap ulit kay pnc.

Nakita ko kung paano sumulyap si pnc kay belle, halatang gusto niya nga ito dahil kumikinang ang mga mata niya, tapos ibang iba ang trato niya kay belle, malayo sakin.

Tumawa si belle sa sinabi ni pnc at hinampas ito. Ang labi ni pnc kung paano ito kumurba tuwing ngingiti siya, ang mga mata niyang sumisingkit lalo. Hinimas ni pnc ang buhok ni belle at tumawang muli, kahit nasa tabi nila ako ay parang wala naman ako dito.

Para akong hangin. Ngayun lang ako na awkward ng ganito, feeling ko may nakabara sa lalamunan ko hinde ako makapag salita kahit gusto kong sabihing aalis nako.

"Aalis nako, may emergency kasi. Excuse," Pilit kong sabi, tumayo ako at dire-diretsong nag lakad palayo.

Ayaw kolang makaabala sakanilang dalawa, yun lang 'yon, dapat kung anong time nila para sa isa't isa ay sakanilang dalawa lang.

Pinilit kong ubusin ang ice cream kahit malamig ito, ang sakit sa lalamunan.

Pinaandar ko agad ang sasakyan ko at dumiretso nalang sa school.

MAGHAPON akong tulala, hinde ko na nga alam kung anong nangyayari sakin e.

"Zeb, tignan mosi autumn ngayun kolang siya nakitang nagkaganyan, may problema ba siya?" Narinig ko ang boses ni lina.

"Kahit naman may problema siya hinde rin naman niya sasabihin, pero tingin ko meron."

Tumingin ako sakanilang dalawa. Nag iwas sila ng tingin.

"Wala akong problema, kayo ba meron?" Tanong ko.

Nanlaki ang mata nila at nag katinginan pa.

"Oh my... may problema nga talaga siya. Ahh wala naman hehe,"

Inalis ko ang tingin ko sakanila.

Ayon nga din ang tanong ko sa sarili ko e, may problema ba'ko? Simula nung dumating si belle ay lagi akong ganito, minsan tulala at maraming iniisip. Para bang may nakabaon saking matigas na bagay na hinde ko mahugot sa buhay ko.

"Autumn, kung may problema ka nandito lang kami, alam kong mag kakaibigan tayo dito kahit hinde tayo ubod ng close sa isa't isa pero... kung kaylangan mo kami, nandito lang kami para sayo," Sabi ni lina at tumango si zeb.

Natigilan ako at tanging sa pen ko inubos ang pagtitig ko.

I don't know.

Siguro kaylangan kolang uminom.

"Inuman tayo," Sabi ko kaya napangisi sila.

--

"Alam niyo ba ang dami dami ko nang naging ex! lahat puro gwapo!"

"--Yun nga lang hinde mayaman!" Dugtong ni zeb sa sinabi ni lina.

Humalakhak kami.

Mukang may tama nasi zeb.

"Nag tatanong si mama kung baket hinde ka pumunta sha birthday party ko, e nag tatampo sha shayo!" Lasing na sabi niya.

Hinde ako pumunta sa birthday ni zeb last week kasi trip kolang.

"Bakit pako pupunta, binati narin naman kita." Kalmado kong sabi.

"Kahit na! tsk! tapos di mo manlang ako binigyan ng regalo!" Maktol niya.

"Bakit pa kita bibigyan ng regalo e hinde naman ako pumunta at nakikain sa handa mo."

Ngumuso siya.

"Ano ba kayo! tagay pa!" Hiyaw ni lina at lumagok ng alak.

Hulaan niyo kung nakakailang beer na kami? Si lina naka apat na baso palang, si zeb nakakadalawa palang pero lasing na, siya kasi ang pinaka mahinang uminom, At ako nakaka tatlo na. At may tama nako, Konti palang naman.

"Si zeb nakaka-anim na jowa na! ikaw autumn? kaylan ka makakarami? hahaha," Sabay silang humalakhak "Hinihintay niya kasing manligaw si avie niya! kahit imposible!"

Napantig sa tenga ko ang sinabi ni zeb.

Inilapag ko ang baso at tumingin sa malayo. Hinde ako galit dahil tama sila pero nakakainis parin kasi e. Araw araw nalang kasi siya lagi ang naiisip ko, gusto kong pumunta sakaniya pero pinagbabawalan ako ni papa dahil ayaw niya sa isang Montenegrin.

Kapag college nako mag aaral ako sa pinag aaralan ni avie para makikita kona siya lagi. I can't wait. Isipin mo palang na siya ang magiging una mong boyfriend, ang saya saya na pano pa kaya kung naging fiance niya ako and soon to be his wife.

"TAGAY PA!!" At nang gabing iyon bawal matumba, kung lasing ka agad talo ka.

--

"Ang shaket ng ulo ko.."

"Ahh! buhay paba ako? nasa heaven nako?"

Nagising ako sa mga sigaw nila, napatayo ako kahit nakapikit ang mata ko, napahawak ako sa ulo kong napakasakit! parang binibiyak ito.
Amoy na amoy korin ang mabahong amoy dito, amoy alak! takte!

Binuksan ko ang aking mata nakita ko kung paano nakahiga ang dalawa kong kasama, Si zeb ay naka baluktot at gusot gusot ang damit samantalang si lina naman ay nakatihaya at ginugulo ang buhok niya.
At ang nasa paligid namin ay lahat ng gamit ay nakatumba at gulo gulo! the f*vk!

"Tumayo kayo d'yan! ligpitin niyo lahat ng 'yan," Sabi ko.

Pinagsisipa ko sila para gumising, at inis silang bumangon.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng mapatingin ako sa salamin, nalaglag ang panga kosa nakita ko. THE HECK!!!

"ANONG NANGYARI SA MUKHA KO!!?" Galit na galit kong hiyaw.

Hinde sila kumibo at tumakbo palabas.

Hinawakan ko ang mukha ko, kaya pala malagkit ang mukha ko! punong puno ng lipstick at make up! Ang buong mukha ko ay puting puti, ang kilay ko napaka-kapal at itim na itim, napakalaki ng mata ko dahil nilagyan ako ng makapal na eyeshadow at ang bibig ko ang napakalaki dahil sa kapal ng pulang lipstick na nakakalat dito. WTF!!!!

MAPAPATAY KO SILA!!!

Padabog kong sinarado ang pinto at bumungad sila sakin na naka luhod at naka pray sign pa.

"B1tchpren! sorry... la-lasing kami non e... sabi mo kasi make up-an ka namin eh..."

"Oo n-nga autumn... sorry!" Nakapikit nilang sabi.

Umirap ako at dumiretso nalang sa lababo.

Hinilamusan ko ang mukha ko, f*ck! napakahirap matanggal! napakakapal!

Pagkatapos kong maghilamos ay naabutan ko parin silang nakaluhod.

"Tumayo kayo, mag linis kayo ng buong bahay, tutal bahay mo naman ito lina." Sabi ko at pumuntang banyo para maligo.

BIRTHDAY ngayun ni margoe at wala akong balak pumunta kung 'di lang ako pinuntahan ni pnc dito sa bahay ni lina.

"TEKA LANG! KUNG HINDE KA MAKAPAG INTAY UMALIS KANA LANG!" Hiyaw ko, pano ba kasi pinag mamadali ako ni pnc.

Tumingin muna ako sa salamin, I'm wearing a gray vintage dress.

"Why?" Tanong ko kay pnc ng makalabas nako ng bahay ni lina.

Imbitado din pala sila zeb and lina kaya nauna na sila kanina pa.

Hinde makapag salita si pnc, pangit ba tong suot ko?

"Wala, let's go ang tagal mo." Aniya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, napangisi ako.

Gentleman huh.

Hanggang makarating kami sa venue ay tahimik parin si pnc, may nagawa bakong masama? lately nga mabait nako sakaniya e.

Hinde niya na'ko pinagbuksan ng pinto ng kausapin siya ni margoe sa labas.

"Hi autumn!" Bati niya agad sakin. "Buti nakaattend ka."

"Sana nga 'di nalang," Bulong ko, ngumiti ako at inabot sakaniya ang regalo ko. "Here, my gift happy birthday." Ngiti ko.

Tinanggap niya ito at ngumiti. Inabot din ni pnc ang regalo niya.

"Bubuksan ko ito mamaya, tara sa loob!"

Pumasok na kami sa bahay nila, diko akalaing makakaapak ako sa teritoryo ng mga fuentes.

Nakita ko agad si lina at zeb kaya kinawayan nila ako.

"Autumn! ang ganda natin ha!" Bungad nila.

Tinignan kosi pnc, umalis siya sa tabi ko at pumunta sa daddy ni margoe.

Close sila? siguro business partner.

"Bongga talaga ang birthday niya huh, dati kaaway ngayun kaibigan na." Wika ni zeb.

"No, She's not my friend, she's still my enemy." Saad ko.

Tama naman e, kaylan man hinde ko siya magiging kaibigan, ayaw kosa ugali niyang plastik. At kahit maging mabait man siya ay still 'NO' parin, Thanks but no thanks.

"Enjoy the foods! enjoy the party!" Sabi samin ni margoe.

Tumango kami.

"Autumn let's go, gusto kang makausap ni daddy." Sabi niya.

"Bakit daw?" Tamad na sabi ko. Ngumisi siya.

"Oh come on, saglit lang 'to." Hinitak niya ako pero tinanggal ko ang kamay niya.

"Kaya ko," Ngumisi siya.

"Dad!"

"Oh, daughter. How are you Ms, morales?" Baling sakin ng ama niya.

"Fine." Tipid kong sagot.

Nagsitawanan sila.
"I'm glad you're fine, Thanks for coming to my daughter's birthday, hope you enjoy this party. And muka namang close nakayo ng anak ko."

Kumunot ang noo ko at ngumiwi.

"Ano bang sasabihin niyo?"

Tumingin siya sa paligid at ngumisi.
"Nothing, I just want to say welcome to you in my mansion, again thank you for coming." Iniwan niya kami dahil may dumating na business partner niya.

Ayon lang? alam kong may sasabihin pa siya e.

"Mamaya kana bumalik, let's talk first." Pigil sakin ni margoe.

Nasa pool side kami ngayun, medyo malayo sa bisita.

"You know what, I like xander." Sabi niya, hinde nako nagulat pa.

"I know naguguluhan ka dahil kanina lang xandie ang tawag ko sakaniya pero I think masyadong pang cute ang tawag na'yon, mas bagay sakaniya ang xander. Mature."

Gusto kong tumawa sa sinasabi niya, Mature? Kaylan pa naging Mature ang isang Immature.

"I like him, I really like him.. I think I love him, naguguluhan ako."

"Bakit moba sinasabi sakin iyan?" Sabi ko, ngumiti siya.

Nakakairitang ngiti.

"Lagi kayong mag kasama ni xander, Close kayo and I know na matutulungan mo'ko, Cheap ang salita pero alam kong makakatulong ka sakin ng malaki."

Ginalaw ko ang panga ko.

Hinde ako makapaniwala.

"You are my enemy not my friend, bakit ko naman gagawin iyon?" Matabang na sabi ko.

Ngumisi siya.

"I know na nasamaan kasa ugali ko but I truly want you to be my friend, Anong masama don?"

Hinde ako naniniwala.

"Ang masama ayokong maging kaibigan ka, Isa pa marami kang alam sa mga techniques to how to get a boy, ba't hinde mo gamitin?" Sabi ko na ikinangiwi niya.

Wag mo'kong pag mukaing tanga babae ka, alam na alam ko ang pagiisip mo.

"Meron ngang kasabihang, 'Kung gusto mo, makukuha mo' Hinde moko kaylangan." Pagmamarunong ko.

Para namang napaso siya sa sinabi ko.

"Tama ka naman, gusto ko siya kaya kukunin ko siya, okay lang sayo hinde ba?" Nagulat ako sa tanong niya.

Ngumisi ako kahit naguguluhan ako.

"Oo naman, hinde naman siya sakin."

Lumawak ang ngiti niya.

"Good!"

"Pero sigurado akong mahihirapan ka, Kasi ang isang gaya mong babae kaylanman hinde niya magugustuhan, At the end sa iba siya mapupunta, hinde sayo." Nakangising sabi ko, nalaglag ang panga niya.

Nag bago ang mukha niya, kanina parang maamong pusa pero ngayun ay parang tigre na.

Tumayo siya at hinampas ang lamesa, nakangisi parin ako.

"You b1tch! sakin siya! at ikaw! feeling mo naman maganda ka kaya ka nilalapitan ni xander? may mission siya sayo right? wag kang umasang magugustuhan kaniya o kahit na sino! I know Marie belle Alonzo, siya ba ang sinasabi mong nagugustuhan ni xander? oh, madaling kalaban, cuz she's nothing compared to me!" Naginit ang dugo ko.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"First of all b1tch talaga ako matagal na, Maganda ako hinde ako feelingera, Hinde ako umaasa katulad mo at OO siya ang nagugustuhan ni pnc at higit sa lahat you're NOTHING compared to her." Taas noo kong sabi at nag smirk.

Namumula siya sa galit.

"B1tch! walang wala ka sakin, pati siya!"

"Bakit? matagal na kitang nahigitan, and kung ipagpapatuloy mo 'yan, ikaw rin mapapahiya kalang." Tumalikod ako sakaniya at nag lakad palayo pero sumigaw siya.

"Hinde pa tayo tapos! pababagsakin kita autumn! at siya magiging akin siya!"

Baliw na nga ang babaeng ito, siguro akong matagal na niyang gusto si pnc, hinde naman siya mababaliw ng ganito kung ilang linggo palang niya ito nakikilala.

"Kung gusto mo, kunin mo." Bulong ko.

Nagtaas ako ng tingin at nakita ko agad ang lalaking nakangiti sakin, ngumiti rin ako sakaniya.

Hinde ko alam pero bakit parang sakin lang niya pinapakita ang ngiting ito? ibang iba kasi.

Siguro nga, sakin lang.

---

*Pinky_lyle*

Continue Reading

You'll Also Like

190K 226 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
139K 7.4K 59
[ Gay x Straight | Romace | Comedy ] Inis, irita, kapre, lucifer, masama, iyong lahat nalang ng puwede mo masabi kapag nakaharap mo sila? Iyong mapap...
65.4K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...