Alluring Innocence (Seven Dea...

By EsorNori

1.1M 42.1K 12.3K

Seven Deadly Sinners Series #2: PRIDE [Parixia Ingrid Cohen] "I will sin for you. I will die for you. I will... More

Author's Note
Alluring Innocence
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
A Love That Defies The Odds
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Author's Note

Chapter 4

23.4K 956 307
By EsorNori

UNIQUE

IT'S BEEN days since Professor Cohen started to live with us.

So far, so good naman. Wala naman siyang ibang ginagawang kakaiba bukod sa mga matalim na titig niya sa akin na parang lalapain ako. Pero, syempre hindi ko na siguro maiaalis ang pagkailang ko sa kan'ya.

Mabait naman siya at hindi na nabuksan 'yung topic nung nangyari sa bar. Ayoko namang sabihin kay ate dahil baka biglang palayasin si Miss Cohen sa bahay nang dahil sa'kin. Nakakahiya naman. Wala naman siyang ibang ginagawang masama ngayon.

The somehow-unbelievable rumors made her justice. Magaling nga siyang magturo. Talaga namang dinedetalye niya ang bawat lecture at kino-correct kami minsan sa recitation. Even the right pronunciations to those deep words, she's always careful with it. Teaching is her passion, I must say. Lahat ay ginaganahang mag-aral, pero at the same time ay nakakatakot din siya kapag pumasok kami sa room nang hindi nag-aral.

Also, there's something off at the way she look at me with a suppressed yet agonizing bright emotion that held mine in the opposite way. It is as though she's trying to be careful with herself to not commit the unimaginable... to me.

"Kakaiba!"

Napakurap ako dahil sa lakas ng boses ni Sunny na tumawag sa akin kaya binalingan ko siya ng tingin. Naniningkit ang mga mata niya sa akin pero nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya na parang may ginawa akong masama.

"Bakit ba sumisigaw ka?"

"Kinakausap kasi kita." Masungit na sabi niya at humalukipkip sa harapan ko. "Ikaw nga, umamin ka nga."

Natigilan ako. Anong aaminin ko naman? 'Yung mga tingin niya ay parang naghihinala pa. Bakit naman? Anong ginawa ko?

Nandito pala kami sa hallway at naglalakad para sa huling subject namin kay Miss Cohen. Parang ayaw ko na ngang pumasok, kaso malalaman 'yon ni ate at ang malala pa ay sermon ang aabutin ko. Wala kasi ang parents ko, at laging busy sa mga sarili nilang buhay.


"May nangyayari ba na hindi ko alam? Simula nang magpasukan, parang laging ang lalim ng iniisip mo lagi."

Ang dami niya palang napapansin. Totoo naman kasi na madami ang iniisip ko. Pakiramdam ko kasi ay wala akong takas kay Miss Cohen na parang alam lagi kung nasaan ako. Nakikita ko na nga siya rito sa University, pati ba naman sa bahay?

"Wala naman." Nakayukong sagot ko kaya rinig ko ang paghinga niya nang malalim.

"Yeah, right." Walang ganang sagot niya. "Anyway, pupunta pala ako sa bahay niyo mamaya." Paalam niya kaya natigil ako sa pag-inom ng tubig.

P-Pupunta siya?!

"H-Hindi pwede, Sunny." Agad na sagot ko kaya nagtataka niya akong tinignan.

Inayos niya ang dalang bag dahil nahuhulog ang strap. Sinuklay niya na rin ang buhok pataas gamit ang mga daliri niya. She even ecastatically waved her hand to those students who are greeting her.

"Bakit naman? Magpapaalam naman ako kay ate Avery. Minsan na nga lang ako makagala sa inyo." Kunwari pa siyang nagtampo kaya parang nakonsensya naman ako.

Pupunta siya? Eh, paano kung maabutan niya si Miss sa bahay? Anong sasabihin niya? Si Miss naman kasi ay hindi ko nakikitang umiiba ng landas. Madalas ay nasa bahay lang din na parang sinusundan ako.

Hindi naman kami sabay pumapasok kasi mas nauuna siya, pero sa pag-uwi ay halos sabay kami pero may sundo naman ako at may sarili siyang kotse. Minsan nga ay inalok niya ako na sumabay na sa kan'ya, pero tinatanggihan ko lagi. Malay ko ba kung saan niya ako dalhin.

"Sunny... m-may ano... may lakad kami mamaya." Nahihirapang pagsisinungaling ko at masasabi kong hindi talaga ako komportable sa ginawa ko.

Natahimik siya at tinignan niya ako sa naghihinalang paraan, pero kalaunan ay ngumiti nang matamis. "You're not good at lying." She pointed out with confidence. "Basta, pupunta ako mamaya." Pagtatapos niya at wala sa sariling tumango na lang ako.

What should I do? Alangan namang kausapin ko si Miss tungkol doon? Si ate naman kasi ay busy sa trabaho kaya late pa siya makakauwi sa bahay.

Nakakabaliw naman.

LUMIPAS PA ang mga oras at namalayan ko na lang na tapos na ang lunch. Sa ngayon ay naglalakad ako papunta sa office ni Miss Cohen dahil sa inutos sa'kin.

Sakto kasi na nasa library ako kanina para may hiramin, at may pinabibigay ang librarian kay Miss. Itong mga libro daw 'yung hinihiram niya na ngayon lang naging available. Binasa ko ang title. Pride and Prejudice, Sense and Sensibility, Emma, Mansfield Park. Lahat ay iisa ang author na si Jane Austen.

Ang dami-daming estudyante at guro sa buong university, pero ako pa talaga ang nautusan. Para namang nananadya ang pagkakataon nito.

Pero, saan ang office niya? Sabi ay may sarili siyang office. Nandito na ako ngayon sa Harmonica Building. Dito nakalagay lahat ng may kinalaman sa arts, music, theatre, dance, and etc.

Tinitignan ko ang pangalan ng bawat room. Madali lang naman daw makita kung alin ang room ni MISS kasi kulay black and white daw ang pinto, pero sliding door. 'Yung automatic---

BLAG!

"Ay! Sorry, miss!"

Hindi agad ako nakatayo mula sa pagkakaupo sa lapag dahil parang umikot pa ang paningin ko mula sa pagkakabunggo. Tumabingi din ang suot kong salamin kaya napakurap ako bago ayusin 'yon at pinulot 'yung mga libro na dala ko.

Nag-angat ako ng tingin sa nakabangga sa akin dahil mas matangkad siya sa akin. Para siyang natataranta kung hahawakan ba ako o ano. Bahagya akong nahilo kaya hindi ako agad nakabawi.

"Sorry, miss. Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong kaya tumango na lang ako.

"A-Ayos lang po ako." Sagot ko at nagpagpag ng damit nang makatayo ako.

"I-I really need to go. I'm sorry again. See you around!" Nagmamadaling paalam niya bago tumakbo ulit palayo.

I gently caressed my back and heaved a deep sigh. Parang nagising buong pagkatao ko dahil sa sakit.


Pero, sino ba 'yon? If I'm not mistaken, only those who are a part of our Student Council can wear a red mark in their uniform. I'm not familiar with them, since I'm also not interested.

Sakto naman na nahinto ako sa paglalakad sa tapat ng nag-iisang pinto na may kakaibang kulay.

COHEN

Binasa ko ang nakasulat, at hindi ko pa man nakikita si Miss ay kinakabahan na ako. Here's the unusual heartbeat inside my chest because of nervousness, making me feel inferior. Ang laki ng pagkakasulat at kulay ginto na kumikinang sa liwanag. Dito pala si Miss sa 5th floor.


Dahan-dahan akong kumatok kung tama nga ba ang ginagawa ko dahil sliding door. Sound proof din ang room at siguradong matibay ang pagkakagawa. Ang ganda naman nitong pinto.

Nagulat pa ako nang dahan-dahang bumukas ang pinto sa harapan ko kaya napalinga ako sa paligid---

"G-Good afternoon po." Utal at magalang na bati ko nang bumungad sa paningin ko si Miss.

Ayan na naman 'yung mariin niyang titig sa akin na parang pinag-aaralan ako nang maigi. Prenteng nakaupo siya sa swivel chair at may babaeng nasa harapan niya at nakaupo din habang kausap niya. Siya 'yung kakwentuhan ni ate noon sa bar.

Ang ganda ni Miss kahit na ang seryoso niyang tignan mula sa kinauupuan. Nakabukas din ang ilang butones ng suot niyang polo kaya nakikita ang collarbone niya. She has the beauty that is utterly incomparable, and her overwhelming superiority is unmatched.

"Come here." Kalmadong utos niya kaya dali-dali akong sumunod.

Nakalapit ako sa harapan niya at ang lamesa lang ang pagitan namin. Hindi ako mapakali at gusto ko na lang na magpalamon sa lupa. Naiilang ako na nahihiya sa hindi ko maintindihan na dahilan. Every time she's near, my body automatically recognizes her dreadful presence and it's rejecting her in all ways that I know.

Her undeniable beauty is truly bewitching, because behind her gorgeous chocolate brown eyes lies a shattered yet nefarious soul that is desirous of people's despair.

"P-Pinapabigay po ni Mrs. Roque, 'y-yung librarian po." Nakayukong sabi ko at nilapag ang mga libro sa lamesa. "U-Una na po ako---"

"Aren't you Avery's sister?" Nagsalita na 'yung isa pang babae na kahit na mukhang mabait at friendly ay madilim ang kislap sa mga mata.

Prente siyang nakaupo at may hawak na ball point pen sa kamay at nilalaro iyon. Her playful personality doesn't match her ominous aura emanating from where she's sitting. The both of them feels dangerous.

"Opo."

"May pinagmanahan ka naman pala. You look gorge---"

"Fin." May himig ng pagbabanta na tawag sa kanya ni Miss.

"What? Masama na bang kausapin siya?" Depensa nitong babae na may pangalang Fin. She's feminine, and a beauty with her simplicity.

"I'm Finnly Silvius, but you can call me Ate Fin." Malambing ang paraan niya ng pagsasalita kaya tumango ako. Nabawasan din ang kabang nararamdaman ko dahil mukha naman siyang walang gagawing masama.

"Sige po." Magalang na sagot ko at napakagat ng ibabang labi dahil sa kaba. "U-Una na po ako---"

"Wait, Ms. Vander." Tawag sa akin ni Ma'am Cohen nang akmang aalis ako kaya binalingan ko siya ng tingin.

Napansin ko din 'yon. Kapag nasa school ay Ms. Vander ang tawag sa akin, pero kapag sa labas o bahay lang ay first name ko na. Hindi naman kami close ni Miss, pero mukhang komportable naman siya.

May kinuha si Ma'am sa drawer ng desk niya at inabot sa'kin. Her soft skin touched mine and it brought an electrifying sensation to me, that made me gasp a little. She may feel like an evil person, but whenever she tries to talk to me, it is as though her iniquitous demons were tamed.

"Nakalimutan kong ibalik sa'yo." Malambing pero may halong ngisi na sabi niya nang kuhanin ko 'yung salamin ko na naiwan ko sa kanya sa bar.

"T-Thank... you?" Patanong at alanganin na sagot ko at narinig ko ang mahinang pagtawa ni ate Fin.

"Sorry, sorry. You're cute---"

"Finnly." Naiiritang tawag sa kanya ni Miss. "You may leave, Ms. Vander." Marahan na sabi ni niya kaya agad akong sumunod.

Para saan 'yon?

Nakahinga ko nang maluwag nang makalabas sa loob ng office niya. I thought I'll die inside, I almost forgot how to breathe properly. Tinignan ko ang hawak kong salamin at tinago na lang sa bulsa ko. Itatabi ko na lang siguro dahil nakapagpalit naman na ako. Talagang ibinalik niya pa sa akin.

Napailing na lang ako habang naglalakad paalis. Napansin ko rin na iba makipag-usap sa akin si Miss. She's always careful with her words, and she treats me with gentleness that she seems to be still trying to learn how. It's not impulsive this time; it is rather patient.

Tinignan ko ang relo ko habang naglalakad sa hallway. Malapit na palang mag-time at ngayon ko lang naalala na may subject pala kami kay Miss Cohen mamayang hapon. Siya ang last subject namin ngayong araw.

Maganda ang araw ngayon dahil hindi masyadong mainit, pero naiisip ko pa lang na makikita ko na naman siya ay pinagpapawisan na ako sa kaba. Maaga pa yata akong magkakasakit.

Frustrating, yes.

_____

"CAN ANYONE tell me what's the longest english word known in Oxford English Dictionary?" Professor Cohen asked with a serious expression and that accent that is nice to hear.

I gulped in nervousness. Bakit parang lumalayo ang topic namin? Longest word daw. Alam ko naman kung ano 'yon pero ayokong magsalita. Nakakailang kaya at nakakatakot.

'Yung pakiramdam na gusto kong sabihin ang laman ng isip ko pero hindi ko magawa dahil sa pagkailang. I am also afraid. Pakiramdam ko ay mali ang sasabihin ko.

I lack confidence. Alam ko naman ang bagay na 'yon, at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin na baguhin dahil college na ako, at hindi naman pwedeng palagi na lang akong nagtatago sa dilim. I have to be able to stand on my own ground.

But, I, myself, is the absolute pitch black shadow, and darkness is my strong fortress that holds me safe.

Natural na yata sa kan'ya ang bahagyang magkasalubong ang kilay sa tuwing papasok siya sa loob ng classroom namin. Parang lagi siyang naiirita sa mga bagay. Pero, kahit na gano'n ay hindi 'yon nakabawas sa kagandahan niya.

Her aristocratic features that as though perfectly molded by the Gods themselves, always leaves me in awe. She reminds me of the violence I've been through.

"Anyone?" Pag-uulit niya at parang nag-uumpisa na siyang mairita ulit. May sinabi noon si Sunny tungkol sa gan'yan. Angry bird yata. Angry bird si Miss.

It's also difficult for me to figure out her personality, because it's like a dangerous shapeshifter; One moment, it is an adorable kitten, then the next moment, it is an untamed wolf.

Pero, kapag nasa bahay naman ay parang napakahaba ng pasensya. Therefore, in my conclusion, she purposedly made that kind of beguiling facade to let the people see what she wants them to see. It's a matter of entertaining manipulation.

Napakurap ako mula sa pag-iisip nang malalim. Conclusion? Wow, pwede na siyang topic sa Research.

"Didn't I tell you before that you should come into my class with knowledge?" Madiin na tanong niya nang walang sumagot pero nag-iwas na lang ako ng tingin.

With knowledge? Kasalanan ba ng estudyante na hindi nila alam ang longest english word in Oxford dictionary? I mean, hindi naman lahat ay mahilig sa facts and trivias.

Hindi ako sasagot kahit na alam ko. Ayaw ko, lalo na't halatang naiinis na siya. It's a no, no.

"Professor." May isang babae ang bumasag sa katahimikan at naglakas ng loob na magtaas ng kamay para salubungin ang pagkairita ni Miss.

'Yung babae na katabi ko ngayon na may pangalang Sunny Lazaro.

Anong trip 'yan? Kakaiba talaga ang lakas ng loob niya. That's really admirable because she's always willing to learn, and she's not afraid to make mistakes in front of the apathetic professor.

"Yes, Ms. Lazaro?" Ma'am Cohen asked and I swear, nakita ko ang saglit na pagsulyap niya sa akin

Sa akin nga. Nagtama ang mga tingin namin sandali pero siya ang unang nag-iwas. Pakiramdam ko talaga ay target ako ni Miss lagi. Sino namang hindi matatakot?

"Alam po ni Unique." Turo niya sa akin kaya agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat!

B-Bakit ako?!

"Ms. Vander?" Tawag sa akin ni ma'am kaya napatingin ako kay Sunny na bahagya lang ngumiti sa akin! "Your answer?" Marahan pa na tanong niya.

Kanina ay naiinis na siya, tapos ngayon ay kalmado na ang tono ng boses niya. I don't get it at all.

Dahan-dahan akong tumayo at ramdam ko din ang titig ng mga kaklase ko sa akin. I felt pressured at the thought but I just gulped to remove my nervousness. Bakit naman kasi ako ang tinuro? Pahamak talaga!

Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko sa kaba pero nagtakip lang ng bibig si Sunny habang masaya ang mga titig na binibigay sa akin.

"I-I... t-the longest english word in Oxford dictionary is... P-Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis w-which refers to a lung disease, a-also known as silicosis that c-contains fourty-five letters." Utal-utal na sagot ko dahil sa kabang nararamdaman. Para akong hihimatayin na hindi ko maintindihan.

"Correct, Ms. Vander." Sinenyasan niya pa akong maupo na agad ko namang ginawa.

Napahinga ako nang malalim at sinamaan ng tingin si Sunny na nakakaasar ang mga ngiting binibigay sa akin. Pinagt-trip-an niya ako at hindi 'yon nakakatuwa.

Marami pang diniscuss si Miss na mga new word for us, works of literature, and etc. Sa loob ng dalawang oras na klase namin sa kan'ya ay marami naman akong natutunan dahil sabi ko nga, magaling siyang magturo. Masungit lang.

"Sunny naman. Bakit mo ginawa 'yon?" Ungot ko kaya natawa siya nang mahina.

Naglalakad kami paalis na ng school. Uwian naman na kasi at siguradong nand'yan na ang sundo ko na si Mang Bert. Until now, it's still unbelievable for me that I survived another day in her class.

"Kasi alam kong alam mo. At saka para naman magsalita ka. Lagi ka kasing tahimik." Nakakalokong dahilan niya pero biglang napangisi na parang nakakatuwa ang ginawa niya. Bakit ko ba 'to kaibigan?

Sumimangot ako at humalukipkip. "Paano kung hindi ko alam? E, 'di napahiya ako?"

Agad siyang umiling sa sinabi ko at tinapik ako sa balikat. "Hindi, ah. Kilala kita. Ang hilig mong magbasa ng libro." Confident na sabi niya at inakbayan ako. "Ang talino mo kaya."

Ngumiwi ako dahil doon. Hindi rin naman ako matalino sa tingin ko. Sakto lang para sa akin, kahit na nakakakuha ako ng mga awards noon. I don't want to categorize myself to someone who's bright and smart at the same time. I know basic knowledge, and maybe some things that they're not aware of, but, that doesn't make me bright.

"Sige na, sige na. Punta ako sa inyo mamaya. Pahanda ng meryenda. Bye!"

Tsup!

Lumabi ako nang bigla na lang siyang sumakay sa sarili niyang kotse at umalis na. Hinalikan pa ako sa pisngi na madalas niyang ginagawa kapag nagpapaalam o bumabati.

Pero, anong gagawin ko?

"Hello, Ma'am Unique." Bati sa akin ni Mang Bert kaya binati ko rin siya kahit na pagod ang pakiramdam ko.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse at agad naman akong sumakay. Tahimik lang ang buong byahe. Nakakaantok na naman. Wala naman akong ginawang nakakapagod sa buong maghapon pero pagod ako. I don't get myself either.

Everything feels draining. What am I even living for? Feels like I'm only surviving the days, and I'm not actually living. Is there ever a chance for salvation in my life seemingly-normal life?

Payapa naman kaming nakarating sa bahay at agad akong umakyat sa kwarto ko para makapaglinis ng katawan at magbihis. Si Miss kaya? Anong oras uuwi? Sana ay hindi siya maabutan ni Sunny.

Bumaba na ako para maghanda ng meryenda namin. It's the usual mango cake in the fridge. Favorite kasi ni ate kaya lagi siyang gumagawa o bumibili para sa amin. Kinakain ko naman dahil gusto ko ang matamis. Parehas nga sila ng favorite ni Sunny.

Siguradong parating na din 'yon. Basta na nga lang sumusulpot si Sunny na parang mushroom. Kinuha ko sa ref 'yung apple juice din at sakto na sinara ko na 'yung ref nang---

"Ah!"

Napatalon pa ako sa gulat nang makita si Miss na nasa likod ko pala! Ang lakas ng tibok ng puso ko na para akong aatakihin pero parang siya pa ang galit dahil sa naging reaksyon ko.

B-Bakit nandito na agad si Miss? 'Eto 'yung sinasabi ko na halos sabay kaming umuuwi, eh. Ang bilis niya. Ni hindi ko man lang narinig at naramdaman ang mga yabag ng paa niya. It's really dangerous.

"S-Sorry po, Miss. S-Sorry." Nahihiyang paumanhin ko bago yumuko at hawakan nang mahigpit ang pitsel. Muntik pang matapon.

"Am I unsightly?" She asked after a few seconds of intently staring into me, and I was left speechless.

"H-Hindi po. Nagulat lang t-talaga." Nauutal na sagot ko habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso. Ano namang naisip niya at nagtanong siya ng gan'yan?

Humakbang siya ng isa palapit sa akin kaya wala sa sariling napaatras ako. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan nang hakbangin niya ang natitirang pagitan namin at hinawakan ako sa likod ng ulo habang halos magdikit ang mga katawan namin!

My eyes grew wide at our closeness with each other. I can feel her warmth and gentleness with the way she held me, as though it's trying to calm me down but it's honestly the contrary because I felt an enormous chaos inside my system. I can smell her feminine fragrant scent. Nakayuko siya sa bandang tainga ko kaya nararamdaman ko ang mainit niyang hininga.

"You're so lovely, Unique." She whispered with a low tone. Shivers run down my spine when I felt her thumb gently caressed my cheek.

Unti-unti na siyang lumayo sa akin pero naiwan pa rin akong hindi makagalaw sa kinatatayuan. Namalayan ko na lang na nakaalis na siya, habang ako ay nagpipigil pa rin ng hininga.

What... w-what was that?

I did some breathing exercises to calm myself. Minutes after, I finally heard someone knocking at the door. Siguradong si Sunny na 'yon dahil lagi naman siyang nakakapasok sa gate namin.

Nataranta ako dahil wala na rin si Miss sa kusina! B-Baka siya ang magbukas ng pinto!

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa pinto at nanlaki ang mga mata ko. Parang nag-slow motion ang lahat dahil sa pagbukas ng pinto ni Miss.

Sakto na nakatakbo ako hanggang sa gilid niya pero huli na ang lahat dahil bumungad na sa amin si Sunny na bakas din ang gulat sa mukha nang makita siya.

"S-Sunny!" Agad na tawag ko pero napatulala pa siya kay Miss---na mukhang walang pakialam na nakahalukipkip lang.

Napakurap siya bago binaling ang tingin sa akin at bakas ang pagtataka sa mukha niya.

"G-Good afternoon po, M-Miss." Magalang na bati niya pero tumango lang siya bago kami talikuran parehas.

Rinig ko pa ang tunog ng takong niya hanggang sa makalayo na sa amin, pero naiwan naman akong hindi pa ma-proseso sa isip ang nangyari.

"Mukhang may pag-uusapan tayo, Unique." Pagdidiin ni Sunny sa pangalan ko kaya alanganin akong napangiti.

_____

"AH, I SEE. gets ko. Hindi mo kasi agad sinabi." Natatawang sabi ni Sunny habang kumakain nung mango cake.

Kumunot ang noo ko. Kinuwento ko na sa kan'ya ang dahilan kung bakit nandito si Miss pero parang wala lang sa kan'ya.

"Ayos lang sa'yo?" Nagtatakang tanong ko at agad naman siyang tumango at nagthumbs up pa.

"Oo naman. Hindi naman ako ang nakatira at may ari ng bahay niyo." Natawa ulit siya at napalinga sa paligid dahil nandito kami sa likod ng bahay nagpapahangin. "Pero, hindi ba awkward sa'yo?" Bulong niya kaya napahinga ako nang malalim.

"Sobra." Sagot ko at kumain na lang din dahil sa panlulumo.

Nandito kami sa likod ng bahay at nagme-meryenda dahil maaga pa naman para sa dinner. Si Miss naman ay nasa loob at may ginagawa yata na tungkol sa trabaho niya. Si ate naman ay mamayang gabi pa ang uwi.

Totoo naman 'yung sinabi ko. Sobrang awkward at nakakailang. Buti na nga lang at nakakasabay namin si ate kahit sa pagkain lang dahil kung hindi, baka hindi na ako nakalabas ng kwarto. Kung bakit naman kasi ang daming ipagkakait sa akin, confidence pa.

I'm actually living with my frightening professor. Tapos, 'yung nangyari sa bar ay parang wala lang sa kan'ya, paano naman ako? Ilang araw kaya akong hindi pinatulog no'n. Hanggang ngayon din naman kasi sa totoo lang ay nakakatakot.

"Pero ano nang gagawin mo ngayon?" Interessdong tanong ni Sunny matapos uminom ng juice at pati sa kinakain ko ay humiwa na rin siya.

"Anong gagawin ko?" Balik tanong ko kaya napahinga siya nang malalim na parang na-stress din. Mag-best friend naman kami, kaya dapat share din kami ng stress.

"So, hindi mo iiwasan? Kakausapin?" Paliwanag niya pero umiling lang ako. I don't like the idea of talking to her.

"Para saan pa? Kakausapin kung kailangan talaga at 'yung sa iiwasan? Hindi naman siguro." Nakangusong sagot ko at wala sa sariling napatingala.

Ang lamig ng hangin at maulap ngayong hapon. A sudden thought came crashing into my mind, like a violent wave of painful truth. Kumusta na kaya si ate? 'Yung mga magulang ko? I wonder... are they happy, even without me?

"Kakaiba, masaya ka ba ngayon?" Pag-iiba niya sa usapan habang may kislap ng lungkot sa mga mata niya.

Inayos ko ang suot kong salamin at tumango. "Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Naisip ko lang kasi 'yung tungkol sa parents mo." Diretsong sagot niya at kahit na natigilan ako ay ngumiti na lang ako nang tipid pabalik.

Wala talagang preno si Maaraw.

Sabagay. Alam niya kasi ang nangyari sa akin noon. Buti na lang talaga at nand'yan sila para sa akin. Kasama na si ate. They know my pain and trauma that I'm still trying to escape, up until now.

"It's fine. Matagal na 'yon. Hindi naman nila kasalanan." Sagot ko at pasimpleng bumuntong-hininga.

Hindi nga ba nila kasalanan? They should be responsible for their child. To me.

Ngumiti siya sa akin pero hindi ko makita ang kislap sa mga mata niya. She seems to be sad for a reason. It's a smile of sympathy. Ayoko na rin alalahanin 'yung mga nangyari noon. That won't do me any good but still, I can't erase it in my memories. All I can remember is the fear I got to develop, that made me feel safe in the arms of darkness.

"The people doesn't deserve your kindness, Unique."

Continue Reading

You'll Also Like

386K 11.7K 45
Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical student and the eldest Tuazon suddenly...
1M 50.8K 46
Cee lives her life hiding her true identity as a woman just to be accepted into the Seriantel family. She may be pretending as a man, but she is cert...
357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...