Yielding Over the Horizon (La...

By JosevfTheGreat

1.2M 42.3K 19.5K

Born in a strict and ambitious family, Syerana cannot handle the pressure that her family gives. As her famil... More

Yielding over the Horizon
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Bonus Chapter
Wakas
La Grandeza Series #5
Special Chapter 1

Kabanata 37

16.4K 730 475
By JosevfTheGreat

Marami 

"Attorney, ako lang ba nakapansin na iba 'yung sinabi ni Kim kanina at no'ng nasa school?" Nilingon ko si Seig na tuwid lang ang mga mata sa daan matapos naming ma-interrogate si Kim.

Tumikhim siya at saka ako nilingon. "Exactly, Detective. Nagsisinungaling siya no'ng nando'n tayo sa school. She was telling the truth now. She was pressured."

He successfully indicted Kim. Magkakaroon na ng trial sa susunod na linggo. Ang daming nabago sa mga sagot ni Kim tulad na lang ng kakilala niya raw si Gail pero no'ng nasa school kami ay sinasabi nilang hindi nila kakilala dahil college na 'yon. Ibig sabihin may dahilan talaga kung bakit sila nag-usap no'n sa CR at sa library. Hindi puwedeng nanghiram lang sila ng power point presentation.

"Attorney," pagtawag ko sa kaniya kaya napatigil siya sa paglalakad.

Tinaasan niya ako ng mga kilay. "What is it?"

"I'll be going. Paki sabi na lang po kay Tita na nauna na ako. Tapos na rin naman po ang interrogation kaya magpapahinga po muna ako..."

Hindi siya nakasagot agad. Binasa niya muna ang kaniyang labi bago napatango at tipid na ngumiti. "Okay, ingat ka..."

Tinitigan niya ako saglit bago umiwas ng tingin at naglakad palayo. Bakit kapag iniiwas niya ang mga mata niya sa akin nakararamdam ako ng panlalamig? Napabuntonghininga na lang ako at napailing.

Kinabukasan ay bungad sa akin ang text ni Seig.

Kupal na Attorney: Good morning, Detective. Susunduin kita ng mga around 1 P.M. Would that be all right?

Ngumuso ako. So susunduin pala talaga niya ako. Akala ko biro lang 'yon ni Tita.

Syerana: That would be all right, Attorney. Good morning.

His text was sent 1 hour ago. He woke up at 8 A.M something. Pagkauwi ko kahapon ay kumain ako at nagpahinga bago natulog. Nagising na lang ako ng alas-sais tapos kumain lang ulit at nanood bago nakatulog ulit. Puro tulog lang talaga ginawa ko kahapon. Today is July 19.

"In-invite nga kasi ako ni Tita... wala akong choice!" Pinandilatan ko si Kaycee sa screen.

Ka-video call ko siya at kasalukuyang nasa counter ang iPad ko.

Humalakhak siya. "So sasama ka talaga? Baka naman kasi gusto mo lang maki-reunite sa mga future-in-laws mo."

Nilingon ko pa siya para lang irapan bago binalikan ang niluluto kong bacon.

"Hindi ako makiki-reunite para magkaroon ulit ng koneksyon sa kanila, Kaycee. Bukod sa nawalan na ako ng choice kahapon ay aasahan na ako ni Tito. Nakakahiya naman sa kaniya... at saka ang tagal na rin naman. Wala naman sigurong masama..."

Inilipat ko na sa plato ko ang nalutong bacon bago pumwesto sa high chair para maharap na si Kaycee na kumakain din ngayon ng agahan niya.

"Malakas kutob ko na riyan magsisimula 'yan. Mahuhulog ka ulit kay Seig niyan... o ang totoo naman kasi ay mahal mo pa rin siya?" Tinaasan niya ng kilay.

Ngumiwi ako. "I don't hate him. He's just part of the pain I've experienced before. Pero tulad ng sinabi ko... hindi na ako magkakaroon ng kahit na anong relasyon sa kaniya ulit."

Her expression delivered disbelief. "Sana true... baka kasi kapag kumilos bigla si Seig biglang mabiyak 'yang pinanghahawakan mo. Hindi mo masasabi. I mean sa sobrang gwapo ni Seig ngayon. 'Yung aura, 'yung pananamit, 'yung boses, pati 'yung mindset niya panalo na. Plus, the fact that he's your first love."

"Alam mo, feeling ko nga may gusto na siyang ibang babae. Sigurado akong mayroon na. Nararamdaman ko e..." Tinuro-turo ko pa si Kaycee gamit ang hawak kong tinapay.

"Paano mo naman nasabi?"

"May tinatago 'yon! Kasi no'ng pagpasok ko sa office niya kahapon ang dami niyang tinatabing gamit bigla sa table niya para hindi ko makita!"

"Baka naman assumera ka na naman ng taon kaya mo 'yan iniisip. At saka kung may gusto na siyang iba bakit hindi mo man lang nakikita? E 'di mamaya alamin mo! Pupunta ka naman sa party."

Mga around 12 P.M ay nag-prepare na ako dahil baka mag-text na lang si Seig tapos hindi pa ako handa. Sasabihin na naman no'n palagi akong late. Although hindi naman 'to work related.

Bago pa mag ala-una ay natapos na akong ayusan ang sarili ko. Simpleng V-neck white spaghetti strap dress lang ang sinuot ko, kaya bahagyang nakikita ang cleavage ko. Nagsuot din ako ng necklace na may pendant na whirl. Pinartneran ko na lang ng peach pump sandals at small shoulder bag. Kinuha ko na rin ang regalo kong rolex para kay Tito.

Mga 1:09 ay nag-text na si Seig na nasa parking lot na raw siya ng building ng condo ko. Ang galing naman... nalaman niya kung saan ako nakatira kahit hindi ko naman sinasabi.

Pagkarating ko sa parking lot ay nadatnan ko siyang nakahilig sa nguso ng kaniyang kotse. Mula sa kaniyang phone ay simple niyang pinasadahan ang suot ko bago ibinalik sa mga mata ko ang tingin.

He's wearing a much lighter nude coat and there's a white long sleeve underneath along with white pants and brown top sider. He looks so... fine. Ayos pa lang ng buhok niyang lahat ay nakapalikod at may kaonting naiiwang hibla ng buhok sa kaniyang noo ay pamatay na.

Tipid akong ngumiti. "Good afternoon, Attorney..."

"Good afternoon, Syerana. Let's go?" Tumalikod na siya kaagad para maunang pumasok sa kotse.

Sandali pa akong natigilan nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Parang tumigil saglit 'yung puso ko sa pagtibok. Bakit pakiramdam ko namumula ako dahil lang tinawag niya ako sa pangalan ko?!

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami ni Seig. Hindi niya rin naman ako nililingon. Wala rin akong balak magsalita.

"Hindi mo ba isasama si Kaycee?" This time ay nagkatinginan na kami nang nagsalita siya.

Tipid akong natawa. "Hindi na, Attorney. Nakakahiya naman kay Tito. Magkakalat lang 'yong babaeng 'yon."

He chuckled. "How's she by the way? It's been a while since I saw her."

"Buhay pa naman, Attorney. Nurse na siya. Pero walang jowa..." Natawa ako nang kusa dahil sa sinabi ko. Although hindi man lang ako kinamusta nitong lalaking 'to. Si Kaycee agad?

Wala na siyang tinanong after no'n. Bumalik na ulit ang mukha niya sa pagiging masungit. Kaya bigla akong na-awkward-an dahil ang saya-saya ko bigla tapos hindi naman pala siya masaya.

Pagkarating namin sa venue ay ginanap 'yon sa malaking garden na parang tulad lang sa La Grandeza, sa Villa Exquisite.

Hindi naman gano'n karami ang mga tao pero may mga paparazzi na kumukuha ng litrato. Hinaharangan lang sila ng mga guards. Kaya pagkababa pa lang namin ni Seig sa kotse niya ay marami ng humarang sa amin na mga guards para makadaan kami.

"'Pa!" Napatingin agad si Tito sa gawi namin nang tawagin siya ni Seig.

Nanlaki pa ang mga mata niya ng nakita ako pero natawa rin agad. "Wow! Hindi mo naman sinabi na may dadalhin kang artista sa birthday ko..."

Tinawanan ko lang si Tito. "Happy birthday po, Tito!" sabi ko at iniabot sa kaniya ang paper bag.

"Thank you sa pagpunta, Syerana. I'm happy to see you today. Ang laki mo na. You became more mature and gorgeous."

"Thank you po, Tito. Baka sa kanonood ko po ito ng mga K-drama..." I chuckled.

"Ang ganda niya, 'di ba, Seig?"

Nilingon ko si Seig na seryoso lang kaya kusang napataas ang mga kilay at binalingan din ako ng tingin. "Uh... yeah, well."

"Sus..." umiling si Tito at mahinang binatukan si Seig.

Anong 'Uh...yeah, well'? Baka hindi kasi siya nagandahan sa akin. Baka nga hindi rin siya masaya no'ng unang beses niya akong nakita. Mukhang wala naman na kasi talagang gusto si Seig sa akin.

Pinaupo kami ni Tito sa isang table na may apat na upuan kaya ngayon ay may dalawa pang natitira.

Ilang sandali lang ay naupo na si Tita sa kaharap naming upuan. Si Tito kasi ay abala lang sa pakikipag-usap sa iba pang mga bisita. Marami sigurong sikat na mga modelo rito, kaso wala naman akong kilala masyado dahil hindi naman ako gano'n kahilig sa mga show na gano'n.

May standard serving size para sa lahat at 'yon ang inilapag ng waiter sa aming lamesa.

Tuwang-tuwa si Tita habang hinihintay matapos ang mga waiter sa paghahanda sa aming lamesa. Mukhang gusto na niya makipagkwentuhan habang kami ni Seig ay parang walang balak magsalita.

"Syerana!" bahagyang tili ni Tita nang matapos na ang mga waiter. "You look so gorgeous! Grabe. Pinapakitaan mo naman kami ng skin! I love it!" Humalakhak si Tita.

"Thank you, Tita..." I awkwardly smile and started eating my carbonara.

"So kumusta kana? Grabe. Ang tagal na rin nating hindi nagkita. Na-miss ka namin!" She slightly pouted.

"Okay naman po. May kaniya-kaniya na po kaming mga buhay ng mga kapatid ko. Si Mama po ay nasa La Grandeza kasama ang mga relatives namin."

"Oh... so mag-isa ka lang sa tinitirahan mo ngayon?"

"Opo, may unit po ako. Ang tagal ko na rin po ro'n. Hindi ko alam kung bakit nananatili ako rito sa Manila... may gusto lang talaga akong ayusin bago bumalik sa La Grandeza or mamasyal sa ibang bansa."

"Nagkaroon ka naman ng boyfriend no'ng college ka? O mas pinili mong mag-focus sa pag-aaral?" Pinunasan ni Tita ang kaniyang labi bago uminom ng wine.

"Wala po. Mas nag-focus po ako sa pag-aaral ko. Although may nanligaw po sa akin hanggang ngayon. Nagsimula po siya no'ng college pa lang." Tipid akong tumawa.

Hindi ko tinitingnan si Seig dahil kanina pa siya nakatingin sa akin mula nang magsimula ako magkwento.

"May niligawan ka ba, Seig? Wala ka naman ng pinakilala sa amin bukod kay Syerana no'ng high school." Nilingon ni Tita si Seig kaya nakisabay ako ng lingon.

Madilim lang ang kaniyang ekspresyon habang ngumunguya. Umiling lang siya.

"I was never interested with someone else," tipid niyang sagot bago ako tinitigan diretsa sa mga mata.

It delivered something else inside me. So hindi niya niligawan si Rain? Hindi niya anak 'yung anak ni Rain. Ako pala 'yong last niyang nagustuhan? Kaya pala pinagdadasal na ni Tita na mag-asawa na siya.

"Kulang, anak, ng 'because I was still in love with Syerana'."

Nasamid ako sa kinakain kong carbonara at walang humpay na napaubo. Uminom agad ako ng tubig dahil sa matinding pagkasamid.

"Okay ka lang, Syerana? Anong nakakagulat sa sinabi ko?" patay malisyang sabi ni Tita.

Umiling ako. "Wala po, Tita. Impossible lang po kasi na gusto pa rin po ako ni Seig. Ni wala na nga po siyang pakialam sa buhay ko..." I chuckled before turning my gaze on him.

He scoffed and shook his head a bit. "You sounded bitter, Syerana."

Nagtaas ako ng kilay. Did he just call me again by my name? Sabagay wala naman kami sa trabaho kaya tatawagin ko rin siyang Seig.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, Seig. Ano ba ang totoo? Hindi ba ang sinasabi ko?"

Nagkunot siya ng noo. "How can you be so sure about my feelings? Ikaw ang hindi na interesado sa akin dahil abala ka na riyan sa lalaki mo." May kaonting tono na akong naririnig na si Seig nga ang kausap ko. Nawawala 'yung aura niyang attorney.

Mahina akong natawa. "Paano ba naman... tina-try kong maging casual sa 'yo habang nagtatrabaho tayo tapos bigla mong sinabi na ang informal ko masyado at dapat maging professional ako. Nakaka-offend kaya 'yon. Parang walang pinagsamahan." Sumimangot ako.

"Oh, so you're talking about our past now? Hindi ba ikaw ang kumalimot sa akin? Bakit ko pa papahalagahan kung anong meron tayo noon kung ikaw mismo ang nagbaliwala no'n?" Umigting ang kaniyang panga habang may kaonting panunumbat sa kaniyang mukha.

Mas tumaas ang kilay ko. "Alam mo naman kung bakit kita hindi na kinausap, 'di ba?"

"Whatever the reason is, you should have told me about it instead of hiding it."

"Maybe I have valid reason why I hid it. Hindi mo rin naman alam ang nararamdaman ko kaya huwag mo akong kwestyunin sa pag-iwas ko sa 'yo..." Inirapan ko siya at napabaling kay Tita na dahan-dahan lang sa pagkain habang nakikinig sa amin.

"Let's just not talk about it. Tapos na ang nakaraan. Mas mabuti ng manatili na lang tayong ganito. Tutal wala ka na rin namang nararamdaman sa akin, 'di ba?" Igting nang igting ang kaniyang panga nang lingunin ko siya ulit.

"Oo, wala na. Wala na akong balak magkaroon ng kahit na anong relasyon sa 'yo. Pagkatapos din naman nitong kasong 'to hindi na tayo mag-uusap ulit. Napilitan lang talaga ako tanggapin 'tong kasong 'to dahil nagmamakaawa sa akin si Mr. Ramirez." Bahagya ko siyang sinamaan ng titig.

Binasa niya ang kaniyang labi bago unti-unting mas dumilim ang kaniyang ekspresyon. "Kung gano'n mo lang pala kadaling itatapon ang lahat, sana gano'n na lang din pala ang ginawa ko."

Tumayo siya at kusang naglakad papalayo.

Naiwanan kami ni Tita na tahimik do'n. Sa pagkakaalam ko hindi ganito kabilis masagad si Seig para magawa niyang mag-walk out. Ibig sabihin pala apektado pa rin siya sa nangyari noon. He's just pretending not to be.

Hindi niya naman hawak ang desisyon at mararamdaman ko. Desisyon ko 'yon para sa sarili ko. Mabigat 'yung nangyari sa akin. Mula sa pagdududa, pagkasira ng tiwala, hanggang sa pagkawala ng tatay ko na nagdulot sa akin nang matinding kalungkutan. Hindi niya 'yon maaring alisin sa akin para lang i-justify 'yung dapat nakinig ako sa kaniya.

It takes a lot of courage to face someone that reminds me about the death of my father. Hindi lang naman 'to tungkol sa ginawa kong biglang hindi pagkausap sa kaniya. Alam niyang hindi ako okay no'n. Kaya alam niyang may problema.

"Basta isang araw sa tuwing tumatawag siya sa amin ay hindi na siya masiyahin. Sa tuwing nakikipaglokohan si Rius sa kaniya ay sobrang tipid ng reaksyon niya. Akala ko may problema lang siya no'ng college siya, stress gano'n. Hanggang ngayon pa lang pagtanda niya ay hindi na babalik 'yong pagiging makulit niya..."

That hit me. It was disappointing to see him losing himself. Parang ang lungkot kung iisipin ko kung bakit siya naging gano'n. Dahil 'yon sa akin.

"Things happen, Tita. Hindi ko po alam kung naranasan niyo na mawalan kaya gusto mo na lang pong lumayo sa mga taong nagpapaalala sa 'yo ng pagkasira mo."

She sighed deeply. "Maraming nangyari sa akin, Syerana. Sa sobrang daming masasakit na nangyari sa akin... dumating sa puntong gusto ko na lang mawala sila sa buhay ko. Kabilang do'n si Rius."

"Ang hirap po kasi, Tita. Ang sakit. Ang bigat." Nanginginig 'yung labi ko at huminga muna ako nang malalim habang pinipigilan ang pag-iyak ko. "Gusto kong manatili si Seig sa tabi ko pero at the same time ayoko na siyang makita."

"I get it. You're encountering different emotions that makes you confuse. You should take time to control them. When you're ready you'll know what to do. It took me 7 years to rest. You can too." Hinipo niya ang kamay ko at magaan na ngumiti.

Hindi ko na napigilan ang pagtulong mga luha ko habang nakatitig kay Tita. May malaking butas pa rin sa akin na hindi ko magawang pahilumin. Kahit punan ko ng kung ano-anong mga bagay para makalimutan ko 'yung nangyari noon... hindi ko pa rin kaya. Kahit mabigyan ko siguro ng hustisya ang pagkamatay ni Papa hindi ko pa rin kaya.

Ang sakit-sakit. Pakiramdam ko kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito si Seig, kung bakit namatay si Papa, kung bakit nagkagulo sina Chago at Seig. Hindi ko magawang sabihin sa sarili kong magiging okay rin ang lahat dahil alam kong hindi kahit lumipas pa ang ilang taon.

Pinunasan ko na ang mga luha ko dahil biglang dumating si Tito. Mukhang alam niya kaagad kung tungkol saan ang pinag-uusapan namin ni Tita. Inurong niya agad ang inupuan kanina ni Seig sa tabi ko.

"Can I hug you, Syerana?" tanong niya sa malambing na boses.

Kusang bumigay ang dibdib ko at naiyak na naman ako. Those words.

Inakbayan agad ako ni Tito at sinandal sa kaniyang dibdib. Tinapik-tapik niya ang braso ko habang nakapirmi lang ang mga kamay ko sa hita ko at umiiyak. Sobrang swerte ni Tita na may ganito siyang asawa.

"It's okay. No one will judge you if you cry. You're hurting. Susuntukin ko sila kapag may sinabi silang masama sa pag-iyak." He slightly chuckled.

Matapos akong yakapin ni Tito ay kung ano-anong mga joke ang binato niya sa akin para tumawa ako. Effective naman dahil tuwang-tuwa ako sa pag-aasaran nila ni Tita. I just wish that my father is still here...

Nakita ko rin ang kapatid ni Seig. Sobrang gwapo rin jusko naman. Mas nag-matured ang kaniyang itsura at mas tumangkad. After mag-walk out ni Seig sa table namin kanina ay hindi na siya bumalik do'n. Nakikihalubilo na lang siya sa ibang bisita at hindi kailanman binaling ang mga mata sa direksyon ko.

Nagkaroon din naman ng maliit na program kaya ro'n na rin na-focus ang atensyon ko. Hindi ako iniwanan ni Tita pero kung minsan ay inaasikaso niya ang ibang bisita pero babalik din siya ulit sa table namin.

Hanggang sa pumatak na ang alas-nuebe. May mga nag-uuwian na rin pero mas marami ang nandito pa rin. May open kasing dance floor kaya nagkakasiyahan sila ro'n kasama si Tito.

Nanlalamig na rin ako at tapos na rin naman ang event kaya gusto ko na rin magpahinga. Pakiramdam ko makakatulog agad ako dahil sa pag-iyak ko kanina.

"Tita..."

"Gusto mo na umuwi?" nakangiti niyang tanong.

I awkwardly chuckled. "Opo e. Gusto ko na rin pong magpahinga. May mga aasikasuhin pa rin po akong mga kaso bukas. Next week pa naman po ang trial sa kaso kasama si Seig."

She smiled. "All right, sabihan ko ba si Seig? Kanina pa siya nakatingin dito."

Bigla akong kinabahan na kanina pa pala siya nakatingin sa amin. Nang lingunin ko ang table kung nasaan siya ay nadatnan ko siyang sumisimsim sa kaniyang wine habang nakatitig sa akin.

Nakapwesto siya sa hindi kalayuan sa amin kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Kahit nakatingin na ako sa kaniya ay hindi niya iniwas ang tingin niya sa akin. Bahala ka sa buhay mo, Seig. I didn't expect you to understand what I feel, but I just hope you did.

"Huwag na po. Ite-text ko na lang po 'yung kaibigan po namin ni Kaycee."

She sighed. "Sa tingin mo papayag si Seig na umalis ka dito na hindi siya ang naghahatid sa 'yo?"

"Galit po siya e. Nag-walk out pa. Baka suntukin ko siya kapag pinilit niyang siya maghatid sa akin." I scoffed.

Mahina siyang natawa. "Bata pa lang si Seig sobrang sungit na niyan. No'ng si Tyler pa lang ang kalaro niya, 'yung pinsan ko, ay masungit pa rin siya kahit maloko rin 'yon. Pero no'ng nakilala niya ama niya nabaliw bigla."

Natuwa naman ako sa biglang kwento ni Tita.

"Masungit talaga 'yan, pero pagdating sa 'yo nawawala 'yung pagiging masungit niya. Wala na dapat siyang pakialam ngayon dahil sa nangyari kanina pero nakatitig siya ngayon sa 'yo..."

"Masungit din ako, Tita. Kaya bahala siya. Ayaw ko pong sumakay sa kotse niya."

Nag-text na ako kay Dylan pati kay Kaycee na pauwi na ako kaya baka naman sunduin nila ako. Kahit sino sa kanila.

Dylan: Okay wait lang bihis lang ako.

Kaycee: Si Dylan na mamshie tinatamad ako bumangon. Ang bigat ng dibdib ko char.

Syerana: Gaga ka edi ikaw na malaki suso

Kaycee: HAHAHAHA sabihan mo na lang ako pagkauwi mo para makatawag ako. Luvya at ingaaaat.

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Tita habang hinihintay si Dylan. Kaya nang dumating na siya ay nagpaalam ako kay Tito bago ako hinatid ni Tita ro'n sa may labasan ng venue.

"Thank you, Syerana, sa pagpunta. Na-miss kita kakwentuhan. Sana may next time pa. Punta ka naman sa bahay..."

Tumango ako. "Oo naman, Tita. Ikaw pa ba. Next time! Ipagluluto ko kayo ni Tito."

She clapped out of excitement. "O siya! Aasahan ko 'yan, ah?"

Niyakap niya ako nang mahigpit. Pero bago pa ako makaalis nang tuluyan do'n ay natanaw ko na si Seig na bahagyang hinahangin ang malambot na buhok habang matipunong naglalakad papunta sa pwesto namin ni Tita.

"I'll drive her home, Mom," simpleng sabi ni Seig sa baritonong boses.

"Her friend just arrived to fetch her. You don't have to, son."

"We will talk, Syerana. Kaya ako ang maghahatid sa 'yo."

Napalunok ako sa tono ng boses niya. Pati ang tindig ng mga mata niya ngayon nakapanghihina sa sobrang diin.

"We don't have to talk, Seig. We shouldn't be talking about anything aside from business." Madiin ang boses ko.

His jaw chiselled as he clenched it harder. "Don't make me mad."

"Good night, Tita. I'll be going na po..." hindi ko na pinansin si Seig at nginitian na si Tita.

Naglakad ako papalayo ro'n na hindi lumingon pabalik. Tama ka, Seig... gano'n na lang din ang gawin mo. Itapon mo na lang din kagaya ng ginawa kong pagtapon.

"Dylan!" tinaas ko ang kamay ko nang natanaw ko si Dylan na naghihintay sa labas ng kotse niya.

Tatakbuhin ko na sana si Dylan nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko.

"Ako ang maghahatid sa 'yo, Syerana." Naghalo ang mint at alak sa hininga ni Seig nang lingunin ko siya.

"Bitiwan mo ako, Seig. Bumalik ka na ro'n," tipid kong sagot at sinusubukan pumiglas sa pagkakahawak niya.

"Mag-usap tayo, please." Umamo ang mga mata niya.

Napalunok ako. "Seig... magpapahinga na ako kaya bitiwan mo na ako para makauwi na ako."

"Bitiwan mo siya." Napalingon kami ni Seig kay Dylan na nasa harap ko na pala.

"Umalis ka na, kung sino ka man. Ako ang maghahatid kay Syerana." Madiin ang boses ni Seig bago ako hinila.

Napapikit ako nang mariin nang hinawakan din ni Dylan ang palapulsuhan ko sa kabila.

"Ikaw siguro 'yung Seig na palaging nagpapaiyak kay Syerana. Kung ako sa 'yo maawa ka naman kay Syerana at pabayaan mo na lang siya." Si Dylan

"Tangina mo ba?" Lalapit na sana si Seig kay Dylan pero piniglas ko ang pagkakahawak sa akin ni Dylan para pigilan siya.

"Seig! Ikaw ang susuntukin ko kapag nakipagaway ka ngayon."

Bumaba ang mga mata niya sa akin bago sinamaan ng titig si Dylan.

"Sorry, Dylan. Ako na ang bahala rito. Mauna ka na. Hindi 'to matatapos kung ganito ang sitwasyon ni Seig."

Hindi na pinagsalita ni Seig si Dylan at marahan akong hinila papunta sa kotse niya. Mula sa palapulsuhan ay bumaba ang kamay niya sa kamay ko. Mainit ang kaniyang kamay.

"Ano bang pag-uusapan natin at kailangan nakahawak ka pa sa kamay ko?" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"Huwag kang maingay, Sye. Naiinis ako sa lalaking 'yon. Gusto kong balikan para suntukin 'yung mukha..."

Halata namang wala na sa tamang pag-iisip 'tong lalaking 'to. Pero alam kong maalala niya pa rin 'to bukas.

Madilim pa rin ang ekspresyon niya habang madiin ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Marami pa tayong pag-uusapan kaya hindi muna uuwi sa unit mo." 

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 894 13
Pagtibayin ang ating samahan. Status: Ongoing / Revising © 2023 isipatsalita
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.9M 94.6K 43
SIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined rol...
87.4K 1.2K 12
SEQUEL TO Marco and Jannah's story entitled UNTIL YOU FOUND ME. Southern Fever Band Book 3. ----------- "It's not bad to fall in love with a friend...