Kabanata 31

18.1K 610 177
                                    

Gawin 

Nagsasabay ang malamig na simoy hangin pati ang mainit na sinag ng araw sa pagtama sa aking balat. Alas siyete pa lang ng umaga. Masarap pang magpa-araw at tumitig sa mga nagsasayawang mga puno habang nagkakape.

"Mag-eenrol ka na ba, 'nak?"

Nilingon ko si Papa na nagsalita matapos sumimsim sa kaniyang kape. Sinasamahan niya kasi ako sa tapat ng bahay namin. Abala kasi si Papa sa paghahanap do'n sa tatay ni Chago... hindi pa rin kasi nila nahahanap. Kaya naisip kong makipagkwentuhan sa kaniya para makapag-refresh naman siya ng isip niya.

Nag-aalala rin kasi ako sa kaniya. Masyado siyang naggugugol ng maraming oras para sa trabaho niya at nakalilimutan na niya ang sarili niya.

Mahina akong tumawa at napanguso. "Hindi pa po... sabay po kami mag-eenroll ni Kaycee sa susunod pong linggo magbubukas 'yung enrollment."

"Ano bang course ang gusto mo?" tanong niya at nagtaas ng kilay sa akin.

Hindi ako agad nakasagot dahil sa kung anong bumara sa aking lalamunan. Naalala ko na naman kasi 'yung nangyari noon. Kung paano ako itrato sa bahay noon.

"Gusto ko po sanang maging flight attendant, kaso napamahal na rin po ako sa pagiging journalist..." tipid akong ngumiti.

Humugot si Papa ng malalim na paghinga. "Pasensiya ka na, anak. Nagkamali si Papa noon sa pagtrato at pagtingin sa 'yo. Hindi ko namalayan na nagiging masama na akong tatay sa 'yo. Masyado kong natuon ang pansin ko sa apilyido natin." Nakatingin siya sa malayo habang namumungay ang mga mata.

"Okay na po 'yon, 'Pa. Masaya naman po ako na napunta ako sa daang 'to dahil nakilala ko po si Seig. At saka nahilig na rin po ako sa mga krimen... gusto ko po kasing tumulong sa mga hindi nakakapag salita."

"Bakit hindi ka maging investigator? Tutal ay hilig mo naman pala ang mga krimen. Ayaw kitang maging detective dahil ayaw kong sundan mo ang yapak ko. Suggestion lang naman, baka gusto mo..." aniya at sumimsim ulit sa kaniyang kape.

Kumunot ang noo ko at saka siya muling nilingon. "Mukhang maganda rin po 'yan. Kasi may nabasa po ako dati na 'yung mga investigator daw po ang nag-i-interrogate ng mga suspect. Parang bagay po ako ro'n..."

Malawak ang ngiti ni Papa sa aking sinabi. "Gusto kita, anak, makasama sa pag-iimbestiga ng mga kaso. Isa 'yon sa mga gusto kong mangyari. 'Yung magkaroon ng mas maraming oras kasama ka. Nagkulang kasi ako sa 'yo no'ng bata ka pa. Ang hirap bumawi dahil napag-iwanan na ng panahon."

Suminghap ako at umiling. "Marami pang araw, 'Pa. Marami pa tayong pagsasaluhang mga alalala. Pag nakapagtapos na ako ng pag-aaral... ibibili ko kayo ni Mama ng bahay. Kahit saan niyo gusto..." ngumiti ako nang matamis.

"Talaga ba? Gusto ko 'yung maganda, ah? Ikaw pumili ng design." Humalakhak si Papa.

Inirapan ko nga siya. "Alam mo naman, 'Pa, na hindi ako magaling sa design! Si Ate na lang or magha-hire ako ng magaling na Architect."

"Salamat, anak..." unti-unting humupa ang kaniyang pagtawa. "Salamat kasi sinama mo pa rin kami sa mga pangarap mo o plano mo sa buhay mo kahit hindi kami naging mabuting magulang sa 'yo."

Kinilabutan ako sa sinasabi niya. Pero hindi ko kayang maiyak. Parang hinihipo na lang ang puso ko...

"Pamilya ko po kayo. Marami man po kayong ginawa sa aking hindi maganda... mga bagay na hindi ko malilimutan. Pero handa naman po akong magpatawad. Tatay po kita, at nanay ko si Mama. Hindi ko utang sa inyo ang buhay ko dahil responsibilidad niyong buhayin ang anak niyo. Pero... nagpapasalamat ako dahil kahit papaano napalaki niyo po nang maayos sina Ate, kahit hindi na ako."

Yielding Over the Horizon (La Grandeza Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon