Impression on the Heart

Autorstwa _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... Więcej

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 18

5K 202 28
Autorstwa _Isabelle_

"Tuloy, tuloy kayo Rachel." Pinatuloy kami ni Nanay Melda sa bahay nila Sac. Kasama ko si Ate Magda at si Baby Andrei pero ang isa kong pamangkin ay hindi sumama. Binata na kasi.

"Ang laki ng bahay ni Daddy Sac." Bulong pa sa akin ni ate. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Tumigil ka nga sa kaka-Daddy mo." Nginitian lang ako ni ate na mapang-insulto. Simula kasi ng marinig ni ate mula sa kwarto ang pagkakamali kong tawagin si Sac na Daddy ay hindi na ito tumigil sa pang-asar.

"Tumuloy na tayo sa dining room. Para makapaghapunan na." Sabi pa ni Nanay Melda.

"Si Gracie--"

"Hi Tita Rachel!" Napatingin naman ako sa hagdanan ng makita ko sa taas nito si Gracie. First time ko lang ito nakitang nakabestida at bagay na bagay ito sa kanya. Hindi ko lang gusto ang kulay para sa kanya dahil itim pero nonetheless she still looks like a little princess.


"Hi Gracie! You are so pretty, baby." Bumaba ng hagdan ito at lumapit sa akin at yumakap. "I missed you, Gracie. Where is Milky?"

"Ate Lana bring her to walk." Kinuha nito ang kamay ko at tumingin kay ate at kay Andrei. "Who are you and what are you doing in my house ugly, fat stranger with the baby?" Natawa ako ng malakas sa sinabi ni  Gracie.

"Pigilan mo ako, Rachel kung ayaw mong tampalin ko ang bibig niyan."

"Ate." Umiling ako. "Ate Magda this is Gracie, Sac's daughter and Gracie this is my Ate Magda." Sinimangutan lang ni Gracie ito.

"At talaga naman."

"Ate..." Umiling lang si ate.

"And this little guy here is Andrei." Bubuhatin  ko sana si Andrei pero hinawakan ni Gracie ng mahigpit ang kamay ko.

"Don't carry him!" Galit na sigaw pa nito. Tumingin ako kay ate at ngumiti lang sa akin si ate. Mukhang naiintindihan na ni Ate Magda ang sitwasyon.

"Nasaan na kayo? Halika na kumain na tayo." Sumilip si Nanay Melda mula sa dining area at sumunod na kami.

"Nasaan po si Sac?" Tanong ko dahil kami lang ang nasa hapagkainan.

"Sinundo niya si Ms. Estelle. Parating na din iyon." Ngumiti ako kay Nanay Melda matapos ay tumingin kay Gracie. She doesn't seem happy.

"Can we eat now Nanay Melda? I don't want to wait to that ugly lady. And I have a lot of things to show Tita Rachel."

"O sige anak kumain na tayo. Hindi na rin nagpapahintay ang Daddy mo. Kain na." Katabi ko si Gracie at sinandukan ko siya ng pagkain. Napakaraming handa.

"Kayo pong nagluto? Mukha pong masarap."

"Iyon iba lang anak. Iyon iba inorder na ni Sac. At nandiyan ang version ko ng fried rice mo." Napangiti ako.

Kumain na kami at pinasalo ko na ang mga kasama sa bahay. Sabi naman ni Nanay Melda na kapag wala raw bisita ay pinapasabay din sila ni Sac kumain pero ngayon lang sila nag-alangan kasi bisita kami. Sinabi ko na lang na wala naman pinagkaiba kung may bisita o wala. Mas masaya kaya ang maraming kasalo.

"Sorry we are late." Napalingon naman kami sabay-sabay sa may pinto ng dining area. Nakita ko si Sac at Estelle na magkahawak ang kamay. Pareho pa sila ng kulay at design ng polo shirt. "Gracie, Tita Estelle brought you something. It is in the sala. Do you want to see it with Tita Estelle?" Tumingin ako kay Gracie at nagdilim ang mukha nito. "Gracie?"

"Let's go Gracie." Lumapit pa si Estelle kay Gracie at naglahad ng kamay pero tinabig lang iyon ni Gracie.

"Gracie!" Salita ni Sac. Tumingin si Gracie kay Sac at galit na galit ito. Kunot ang noo nito.

"I hate you ugly lady with big lips!" Sigaw ni Gracie kay Estelle. Nagulat ako ng lumapit sa akin si Gracie at hinila ang kamay ko. "Tita Rachel, let's go in my room. I don't want to eat anymore." Tumingin ako kay Sac at nakatingin rin siya sa akin. Mukhang inis ito pero tumango ito sa akin. Kinuha ko ang  kamay ni Gracie at naglakad kami palabas ng dining area. Naglakad muna ito sa sala at nakita ko ang doll na bigay ni Estelle. Halos magkamukha sila ni Gracie. Kinuha ito ni Gracie at napangiti ako. Nagandahan din pala siya.

Umakyat na kami sa taas at sa ibang kwarto ito nagpunta. Natanto ko na lang na toilet pala iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa di ko inaasahan ginawa ni Gracie sa manika. Nilublob nito ito sa inidoro at talagang nagflush pa.

"Gracie?"

"I don't like dolls and I don't like her."  Kaagad kinuha ulit ni Gracie ang kamay ko at ang lakas ng pwersa ng bata sa paghila sa akin. Natunton na namin ang kwarto niya.

"I have new drawings Tita. Please look at them." Binigay nito sa akin ang sketchpad niya at binuklat ko iyon. May drawing siyang mukha ng babae. Hindi man ganoon kadetailed pero as a four year old this is way too advance for her. "That is you Tita Rachel. See the mole near  your cheek." Napangiti ako.

"I see it baby. Thank you. Ang ganda- ganda ko naman dito."

Sumampa si Gracie sa kama at lumapit sa akin ng malapit. Hinawi niya ang buhok ko at hinawakan niya ang mukha ko.

"I think you are very pretty Tita." Pakiramdam ko naman ay nagblush ako sa sinabi ni Gracie.

"Ikaw talaga, Gracie! Kaya love na love ka ni Tita kasi nagsasabi ka ng totoo."

"Of course. You really love me Tita?" Para bang gustung-gusto niya ang sinabi ko.

"Of course, baby. But your Dad loves you more!"

Umalis na ulit si Gracie sa kama na tila nagmumukmok.

"Daddy doesn't love me, Tita Rachel. Love niya yun panget na yun." Napangiti ako. Subjective talaga ang pagkocompliment ni Gracie.

"Why do you call her panget Gracie?"

"Because  she is ugly and I don't like her."

"I think Tita Estelle is very pretty. She looks like a model."

"What is a model, Tita?"

"Ahm paano ba... Siya iyon nagsusuot ng iba't ibang damit tapos naglalakad sila ng ganito." Nagmodel-modelan ako kunwari at tumawa ng tumawa si Gracie.

"You walk funny." Tawa ito ng tawa.

"That's how a model walks baby. Come, follow me how to walk."

Sumunod naman sa akin si Gracie at tawa pa rin ito ng tawa. Mukha naman talaga kasing awkward ang paglalakad ng mga model o kung paano ko lang ba sila i-imitate. Nakailan paglalakad kami ng mapagod rin ito. Nahiga na ito sa kama niya at nahiga ako sa tabi niya.

"I dreamed of Mommy." Napatingin ako sa bata. "Mommy said she would never leave me..." Kumirot naman ang puso ko sa sinabi ni Gracie. "Pero paggising ko wala naman si Mommy. I want to see her again. I want to see Mommy again. I want Mommy!" Umiyak bigla si Gracie at kahit ako ay hindi ko napigilan umiyak. Nasasaktan ako para kay Gracie. Niyakap ko ito.

"Baby, your Mommy never left you. She is always here."

"Mommy is a ghost?" Napangiti ako sa sinabi nito.

"Hindi ganoon, baby. Meaning kahit wala si Mommy mo dito sa Earth nakikita ka pa rin niya kasi lagi siyang nakatingin sa'yo."

"How?"

"Ahm...Sa heaven kasi kung saan nandoon si Mommy Hannah mo may napakalaking tv."


"Bigger than Daddy's tv?"

"Yes bigger." Ngumiti si Gracie na tila amazed na amazed ito. "Doon sa malaking tv na iyon pinapanuod ka ng Mommy mo. Everyday, every hour and every minute your Mommy is watching you and sending kisses from the sky."

"Mommy kissing me?"

"Yes, baby. She usually do that when you are asleep, when you are sad and crying  and when you are happy. I know she kissed you jusg now because you were crying." Hinawakan ni Gracie ang pisngi niya at ngumiti itong tumingin sa akin.

"Tita, where is your Mommy?" Napatingin naman ako ng matagal sa sinabi ni Gracie.

"My Mommy and Daddy is in heaven also like your Mommy Hannah."


"Hindi ka nasad dahil wala sila?" Natigilan naman ako.

"Malungkot ako noon nawala siya. I cried and cried and cried until there is no tears left." Tumingin naman sa akin si Gracie na tila naawa. "But then my Ate Magda told me of the big tv in heaven where they are watching me and then I stopped crying."

"Siguro si Daddy rin alam na may big tv sa heaven because he didn't cry when we buried Mommy."

"Hindi umiyak si Daddy mo?" Umiling si Gracie.

"Yeah, I think he knows about the big tv in heaven." Ngumiti ako sa bata kahit naman napapaisip ako sa sinabi nito na hindi umiyak si Sac sa libing ni Hannah. "Hi Nanay at Tatay and hello Mommy Hannah I know you are watching us." Ngumiti si Gracie.

"Hello po Nanay and Tatay ni Tita Rachel. Hi Mommy!" Kumaway pa si Gracie towards heaven.

"Baby, pwede bang nice na tayo kay Tita Estelle?" Singit ko pa. Naalala ko naman ang manika na nilunod ni Gracie sa inidoro.

Umiling lang ito. "Ayoko Tita kasi sabi ni Lola ipapalit siya ni Daddy kay Mommy. Ayokong palitan ang Mommy ko. Iisa lang Mommy ko. Ayoko!" Nangingilid na naman ang luha sa mga mata niya.


"Okay, baby. That's okay." Mukhang malayo pa si Estelle na makuha ang loob ng bata. Sana unti-untiin niya si Gracie.

...

"Hindi na talaga, Sac. Tatawag na lang ako ng taxi." Nag-insist na naman ito na ihatid kami. Umalis kasi ang driver nila dahil na rin sa nanganak ang asawa nito kaya siya na ang nagprisinta.

"Paano ka tatawag ng taxi dito sa subdivision? Tumigil-tigil ka nga Rachel." Tiningnan ko si ate at sana naintindihan niya ang gusto kong sabihin. "Tulog na si Andrei kapag nagbyahe tayo mahihirapan ako kapag nagising ito."

"Sige na, Rachel." Sabi ni Sac at hindi na ako nakapagsalita. "Gusto mo sumabay ka na rin Estelle?" Tumingin ako kay Estelle na tila gulat sa sinabi ni Sac.

"Hi-hindi na. Unahin mo na sila. I'll wait for you here. We still need to talk." Nagkatinginan pa sila ni Sac matapos ay ngumiti ito. Nagulat ako nang siniko ako ni ate. Tumingin ako sa kanya at kakaiba ang tingin ni ate tapos salit-salitan ang tingin niya kay Sac at Estelle.

"Let's go."  Hinalikan muna si Sac sa pisngi ni Estelle bago ito nanguna sa amin. Nagpaalam na rin kami sa kanya.

Naupo ako sa unahan dahil doon ako pinaupo ni ate. Tahimik lang ang byahe namin dahil ayaw namin magising si Andrei. May mga small conversation lang matapos ay titigil na. Mukha rin ngang pre-occupied si Sac ng kung ano.

Nakarating na kami sa bahay at kinuha ko na ang mga gamit at ibang pauwi nila Nanay Melda pati na ang eclair na binili ni Sac. Talagang tinotoo niya.

Bumalik ako sa kotse ni Sac sa may unahan ng bahay para magpaalam at magpasalamat pero nakita ko naman itong  mukhang malayo ang tingin.

"Boss, saan na ba umabot iyan tingin mo?" Sabi ko sabay silip sa bintana. Ngumiti ito sa akin. "Salamat ulit Sac. Ingat ka."

Lumayo na ako sa kotse at kumaway sa kanya. Pero hindi pa rin siya umaalis at mukhang may iniisip.

Nabigla naman ako ng pinatay niya ang makina ng kotse at lumabas dito.

"Pwede ba kitang makausap?"

"O-okey...tungkol saan?" Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"About Gracie."

"Okey, tara, tuloy ka sa bahay--"

"Dito na lang tayo sa labas. Ayokong maabala ko sa pagtulog si Magda." Natawa ako sa sinabi niya.

"Ahm okey." Naghanap naman ako ng maari niyang maupuan. Wala kasi kaming terrace sa first floor ng bahay. Nakita ko naman ang hagdanan. "Okey lang ba sa'yo maupo sa hagdanan?"

"Sure." Nauna na itong naupo sa akin at  naupo rin ako sa may babang baitang ng hagdan.

"Anong gusto mong pag-usapan tungkol kay Gracie?" Tumingin lang sa akin si Sac.

"Did Gracie tell you something that I should know of?" Napabuntong hininga ako. "Gracie seldom talks to me now. Siguro dahil late na rin ako nakakauwi at minsan naman kapag maaga mas gusto niyang makipaglaro kay Milky o kay Lana pero hindi sa akin."

"Ganoon ba...Konting kiliti pa, Sac. Dapat alamin mo kung anong bagay siya interesado."

"I know she loves to draw and paint. And her love for dogs. I gave her all the things she needed to draw and paint and even send her to an art school. Tapos bumili rin ako ng mga gamit ni Milky at pagkain niya."

"About sa mga drawings niya, nakita mo ba ang drawing niya? Pinakita niya ba sa'yo gaya noon pinakita niya sa'yo ang stick figures ko?"

"Iyon ang una at huling nakita ko ang sketches ng anak ko. Dati naman...hay...parang mas naging withdrawn siya sa akin ngayon."

"Siguro Sac try a little harder. Sorry sa panghihimasok pero advice lang...minsan siguro samahan mo siya sa art school niya. O kaya minsan naman magpadrawing ka sa kanya ng kahit na ano o kaya ng sarili mo. Tapos minsan makipaglaro ka sa kanila ni Milky o kaya paliguan mo si Milky kasama siya. Iyon mga ganoon ba." Ngumiti si Sac sa akin.

"I...I will try that." Tumango-tango pa ito. "Nagseselos pa rin ba siya kay Estelle?" Hindi ko naman alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang sinabi ng anak niya. Pero sabagay siya ang ama, dapat alam niya at para makatulong na rin na maging okey ulit sila.

"Palagay ko wala na masyado ang selos. Mukhang nasolusyunan mo na ata ang bagay na iyon." Huminga naman siya ng malalim. "Alam mong iniisip ng anak mo ngayon Sac, iniisip niya na papalitan ang Mommy niya ni Estelle. At ayaw niya na mangyari iyon. Iisa lang daw kasi ang Mommy niya at hindi si Estelle iyon." Tiningnan lang ako ni Sac na para bang iniintindi ang sinabi ko. "Pero kaya niyo naman ayusin yon Sac. Pagtulungan niyo ni Estelle. Kung may balak na kayo..." Natigilan naman ako sa pagsasalita.

"Continue." Tiningnan ko lang siya dahil hindi ako mapakali sa sasabihin ko. Tumikhim muna ako.

"Kung may balak na kayong magpakasal o magsama o anuman sana kuhanin niyo muna ang loob ni Gracie. Nakakaawa kasi ang bata, Sac. Mahirap makapagmove on sa pagkawala ng magulang lalo na sa edad ni Gracie ang bata pa niya. Alam mo bang umiyak kanina si Gracie kasi napanaginipan niya raw ang Mommy niya. She misses her...so much." Napatungo naman ako dahil naluha ako sa di ko malaman dahilan. Kaagad kong pinunasan ang mata ko. "Ba-baka kasi kapag hindi niyo kinuha ang loob niya sa una palang tapos nagsama na kayo baka maramdaman niya na mag-isa lang siya..." Lumingon ako kay Sac dahil tahimik lang ito. Nakatingin lang itong mabuti sa akin at kaagad ako nag-iwas ng tingin baka kasi mahalata niya na naluha ako.

"Do...ahm...Do you think Estelle would be a good mom to Gracie?"

"I think Estelle is a nice person. Pero kung magiging mabuting mom ba siya kay Gracie hindi ko masasagot, Sac. Ikaw dapat ang makasagot niyan."

"Ako?" Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ikaw dahil mas matagal mo siyang nakasama. She was you fiancee before, right?"

"And how did you know that?" Natigilan ako. Oh no! Ito na talagang sinasabi ko. Nasasabi ko ang hindi ko dapat sabihin.

"So-sorry..."

"Tsk! That Aaron." Tumingin ako ng bahagya sa kanya. Tinitingnan ko kung galit ba siya pero mukhang hindi naman. "Anyway, yes she was my fiancee before but she was younger and different way back then. Hindi ko na siya kilala masyado ngayon. I mean things changed between us when our engagement broke up. Tapos ngayon..."

"Then try to know her now. Iyong nagbagong Estelle. Hindi naman mahirap iyon 'di ba? Palagay ko naman kahit papaano may natira ka pang pagmamahal  para sa kanya." Umiling siya at di ko alam kung di ba siya sumasang-ayon sa sinabi ko.

"Can I be honest with you?" Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya at tumango. "I want someone that can be a good mother to Gracie but not a wife." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "I really like Estelle to be Gracie's stepmom but a wife? No. I don't have any intention of loving her. "

"What?!" Hindi ko makapaniwalang balik sa kanya.

"Halos lahat naman ng taong kakilala ko at malapit sa akin ang bukambibig ay mag-asawa na ulit ako para may katulong na ako kay Gracie at para magkaroon na siya ng ina ulit. Mukhang iyon nga ata ang tamang solusyon sa sitwasyon ko ngayon. I'm a problem solver, Rachel, kung kayang solusyunan ngayon, solusyunan na kaagad." Napahiya ako sa sinabi niya. Isa ako sa nga nagsabi noon sa kanya at hindi ko alam na pressured na pala siya. "That is seems the practical way to do." Tiningnan ko lang si Sac at tinimbang ang mga sinabi niya. Pero kahit anong timbang ko hindi ako sang-ayon dito.

"That is unfair to Estelle and Gracie, Sac. Unang-una, papakasalan mo siya dahil gagawin mo lang nanay ng anak mo at hindi bilang asawa? Anong klaseng kasal iyon? Anong klaseng pamilya iyon? Ang labo mo! Hindi sasaya si Gracie sa plano mo na yan at magiging miserable si Estelle. At ikaw mukha kang heartless na tao. Wala kang pinagkaiba sa...sa lalake na iyon! Kay Dave... Manggagamit! Ganoon ang mangyayari sa'yo sa balak mo." Bumilis ang pagpintig ng puso ko dahil sa sinabi ni Sac. Maling-mali iyon sa palagay ko. Naiinis ako sa sinabi niya. "Hindi praktikal na gawin iyon, Sac. Isa iyon sa pinakanonsense na bagay na narinig ko. Lalo na galing sa'yo. That is so cruel."

Hindi na ako nagsalita at tumigil rin siya. Wala na akong masabi. Nadismaya ako ng sobra sa sinabi ni Sac.

"I know that it is cruel and heartless, Rachel but what can I do?" Sinamaan ko siya ng tingin. "I...I really cannot bring myself to love again. I just can't.." Tumungo si Sac pero kaagad rin umahon ang mukha nito at halata ko ang pagtiim ng panga niya. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha niya. Kung galit ba siya o malungkot pero mas halata ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Then  ano pala ang pinapakita mo kay Estelle simula doon sa event na sobrang sweet niyo hanggang kanina may pahawak-hawak kayo ng kamay at pareho kayo ng polo-shirt. Huwag mong sabihin for a show lang iyon. It is way to low for you Sac, way too low."

"Maybe, Rachel, maybe." Napatayo na ako sa inis sa kanya. Gusto ko siyang itaboy palabas ng bahay namin dahil sa mga pinagsasabi niya. "I don't want Gracie to suffer growing up without a mother to look up to because of my selfishness and inability to love." Tumititig ako sa kanya. Bakit ko naman ramdam ang torment sa sinabi ni Sac? Pakiramdam ko na there is so much pain sa loob niya at kung bakit ko nararamdaman iyon hindi ko rin alam.

"Huwag kang magmadali at magpadalos-dalos sa desisyon mo. Hinding-hindi iyon makakatulong sa inyong mag-ama." Naupo ako sa tapat niya. "Sabi mo nga sa akin 'the wind will change eventually'. At naniniwala ako na one day magiging okey rin ako. At magiging okey ka rin. At siguro we will learn to know how to love again like how we loved before."











Czytaj Dalej

To Też Polubisz

853K 20.2K 25
(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally crashing the wedding of the Philippine pre...
65.2K 1.2K 53
Roa, a designer and boutique owner, wanted to move on from the man whom she courted and rejected her when she was in college. But years later, Nixon...
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
6.9K 453 31
Maya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya...