WFH-2273

By MenchBela

67 6 3

Takbo. Takas. Taksil? Nang matutong magmaneho si Reline ay sumama siya sa kuya at ina sa isang "drive thru,"... More

Prologo
1 - Dalawang Litrato
2 - Dalawang Libro
4 - Dalawang Puso

3 - Dalawang Guhit

7 1 0
By MenchBela

Isang araw bago ang byahe

Tumigil ang pag-agos ng tubig sa shower.

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang nakatuwalyang si Line. Basa ang kaniyang buhok kaya't sing-itim ito ng gabing walang buwan.

Tumunog nama kaagad ang kaniyang cellphone nanakalatag sa kama. Nang lumapit siya'y kita niya sa screen ang pangalan ng tumatawag "hakdogen." Kita rin ang profile picture nito: isang maliit na babaeng nakatayo sa basketball court sa harap ng ring. Kinailangan pa nitong lumayo sa court para mapantayan ng ring ang kaniyang height at nang makita sa kamera.

Kinuha ni Line ang cellphone at Sinagot ang tawag. Isa pala itong video call. Nakita niya ang kaibigang kumakain ng barbecue sa kusina nila. Kita pa sa kamera na nasa likod niya ang dalawa pang plato ng barbecue.

"Walang hiya, nang-inggit ka pa. Katotoothbrush ko lang," saad ni Line at pinatayo ang cellphone sa mesa nang nakasandal sa dingding.

"Kaliligo mo lang?" tanong ng kaibigan nang puno ang bibig. Lumunok ito at saka nagpatuloy, " 'Di ka pa naglunch 'no? Mag-aalauna na."

"Jowa ba kita?"

"Gago ka." Tumigil ito sa pagkain ng barbecue at hinawakan ang cellphone nang maayos at halatang nagtatype. Ilang segundo lamang ang lumipas ay tumunog muli ang cellphone ni Line saka may lumabas na banner sa screen.

Bella Rodrigo tagged you in a story.

Naramdaman agad ni Line na hindi maganda ang ginawa ni Bella kaya pinindot niya agad ito. Nakita niya ang screenshot ng videocall nila nung nag-pupunas siya ng buhok at nakakagat si Bella sa barbecue niya. Mayroon din itong caption:

Yummy
Kayo maghusga kung yung bbq o si @Reline

"Walang hiya kaaaaa!"

Humagalpak sa tawa si Bella.

Ibinalik ni Line ang screen sa kanilang video call tiningnan ng masama ang kaibigang nailuwa ang ilan sa nginunguyang barbecue dahil sa pagtawa. Inirapan niya ito saka umatras ng kaunti para hindi makita sa kamera habang siya'y nagdadamit.

"Omg," excited na sabi ni Bella saka tumayo.

"Kapag nagscreenshot ka pa ulit, ipapakulong kita!" bulyaw ni Line na katatapos lang magsuot ng tshirt at nag-aayos ng kaniyang short.

Nakatingin pa rin si Bella sa cellphone at sinabing "Sure!"

Tumigil si Line sa pagpunas ng buhok at humarap ulit sa kamera sabit ang twalya sa kaniyang siko. Tiningnan niya nang masama ang kaibigan at magsisimula na sanang manermon, ngunit sa ikatlong beses ay tumunog ang cellphone niya at may panibagong video na nagplay sa screen.

Binati ni Bella ang bagong dating. "Hi Derran!"

What the hell.

Yumuko agad si Line nang makita at marinig si Derran.

"Hi Bella."

Lang 'yang boses 'yan. Parang ang sarap pa- —

Naputol ang muntik nang maselang maisip ni Line nang marinig ang sariling pangalan.

"Asan si Reline?"

"Andyan, nagtatago."

Sinilip ni Line ang cellphone niya nang hindi siya nakikita sa kamera. Pinindot niya ang turn-off cam button at pumunta sa chat box nila ni Bella.

hakdogen

Ikaw ang pinakatraydor sa lahat ng traydor sa mundo ng mga mananraydor.

Actually, ako ang Cupid niyo.

Isaksak mo sa baga mo 'yung arrow.

Hind nagreply si Bella, ngunit narinig niya itong muling magsalita sa videocall. "Sa totoo lang medyo mahina net ko. Baka madisconnect a— ako anytime d—hil do—" saad ng kaibigan bago tumunog muli ang cellphone, hudyat na umalis na ito.

Tarantang tinali ni Line ang kaniyang buhok at inopen ang cam. Nakita niya si Bella na tahimik lamang na nakaupo roon at nakaharap sa screen. Tumikhim siya bago ito kausapin. "Sorry sa ano, do'n kay Bella." Natauhan siya na ito pala ang unang beses na kinausap niya ito. Kahapon ay hindi naman ipinakilala lang siya nito ng ina na siya ring guro nila sa asignatura.

"Okay lang," simpleng sagot nito.

Isang minuto ng katahimikan ang parang isang oras na lumipas sa pagitan nila. Hindi mapigilan ni Line na paglaruan ang mga daliri dahil sa kaba. "Um alam mo, pwede mo nang iend call kasi sayang ng oras mo haha sige sorry talaga."

"No," mabilis na pigil sa kaniya ni Derran. Parang masyadong mabilis para hindi siya magtaka. Hindi nito malaman kung saan titingin. Sa huli ay sumulyap siya kay Line at saka yumuko ulit. "Gusto... gusto rin kitang makausap."

What the hell, no.

***

Patagong nag-eempake si Lean Niel sa kaniyang kwarto habang tahimik ang bahay. Sa ganitong oras ay madalas na tulog ang kaniyang dalawang anak. Gabi nagpeprepare si Line ng mga assignments niya at gano'n din si Matteos sa sideline na trabaho niya bilang medical articles writer. Sa loob ng dalawang oras ay malaya rin si Lean na isagawa ang mga sekreto nang walang bumabagabag sa kaniya.

Habang naghahalungkat ng damitan ay nakita niya ang maliit na box sa ilalim ng tambak ng mga damit niya. Inabot niya ito at lumingon sa pinto sa paniniguradong nakasara ito. Hinaplos niya ang pulang box ngunit hindi niya ito binuksan. Nagdadalawang isip siya kung dadalhin ba uto o hindi.

"Ma?" tawag ni Matteos mula sa labas ng kwarto saka kumatok.

Ibinalik agad ni Lean ang box sa ilalim ng kaniyang damitan ngunit hindi niya na naligpit pa ang mga itinutuping damit bago pumasok ang anak. Tahimik na lamang siyang nag-antay sa sasabihin nito habang nakatining sa sariling kalat.

"Pasig?"

Napatingin siya kay Matteos sa sinabi nito. "Pa'no mo nalaman?"

Huminga ito nang malalim at umupo sa kaniyang kama. "Bakit hindi mo sinasabi sa'kin? Anong balak mo, magising na lang kami na wala ka? Pa'no ka babyahe ro'n? Lockdown, wala kang sasakyan, hindi ka marunong magdrive," sermon ni Matteos na parang isang ama sa kaniyang anak. Nakukuha niya na ang paraan ng pagpapakita ng pag-aalala ng kaniyang ina.

Nagpatuloy muli magtupi si Lean habang nagpapaliwanag. "Hindi ko alam. Basta kailangan kong pumunta—"

"Nating pumunta. Sasama kami," awtoratibong pagdeklara ni Matteos at sinalubong ang nag-aalangang tingin niya. Tumayo ito at umalis sa kwarto niya; hindi rin niya ito pinigilan.

Pagkalabas nito'y dinampot niya ang itinagong box sa tambak ng damit at isiniksik sa maleta. Sasama sila, kailangang dala niya iyon.

Hinanap ni Lean ang isa pag mahalagang bagay sa mga drawer ng kaniyang bedside table. Isa-isa niya itong binuksan at binasa isa isa ang maliliit na papel at business cards. Nahanap niya ang dalawang kulay gintong card na may parehong nakasulat:

Welcome, Niel.

Thai to Taoist Temple, Inc.

Naghanap siyang muli para sa mga kapares na litrato ng mga card. Nahanap niya ang isang litrato ng isang dalagang nakatalikod ngunit kita ang isang puting peklat sa likod ng tenga nito. Ang sumunod naman ay nagpapakita ng babaeng naka upo sa isang pampaaralang arm chair hawak ang cellphone. Kita sa litrato ang mapanlinlang na mga mata nitong parang singkit dahil sa magkabilang pahabang peklat.

Bumalik si Lean sa kaniyang maleta at kinuha ang pitaka. Dito niya inilagay ang dalawang card at litrato.

Nang tumunog ang door bell ay lumabas siya ng kwarto at hinayaan magulo ang kaniyang maleta. Nakita niyang naglalakad na si Line papunta sa pinto. "May bisita ka?" tanong niya kaya't napalingon ito.

Umiling lamang siya saka nagpatuloy tumungo sa pinto. Nang buksan niya ito'y nakamask at helmet na lalaki ang nagtanong ng kaniyang apilyedo. "Niel po, Madam?"

"Opo. Na-yel po."

"Delivery po."

Walang hininging bayad o pirma ang lalake. Ibinigay nito ang isang manipis na plastic kay Line at deretsong umalis sa kaniyang harapan.

Nang tumalikod si Line ay wala na sa mezzanine ang kaniyang ina. Nagmamadali ata. Dati naman ay nagtatanong ito kung sino iyon lalo na't sabi niyang wala nanan siyang inaabangang bisita.

Umupo na laman siya sa sofa at binuksan ang plastic. Iningatan niya itong huwag mapunit. Sustainability, people. Sustainability.

Ang loob ng plastic ay tatlong envelope na napakapamilyar sa kaniya. May imprint itong w" at may seal sa likuran — ang parehong invitation card sa kaniyang kuya. "Woah, baka grandball 'to. Per family?"

Nahirapan siyang buksan ang envelope dahil sa pag-iingat na hindi masira ang magandang form ng seal. Balak niya na namang irecycle ang mga bagay-bagay para sa susunod na school outputs.

Nang tuluyang mabuksan niya nga ito ay nakita niya ang pareho ring card na pagmamay-ari ng kapatid niya.

Welcome, Niel

Thai to Taoist Temple, Inc.

Nang kunin niya ang tatlong litrato sa mga envelope, makikitang ito pa rin ang babaeng may kakaibang mata. Iba ang mga anggulo at kasuotan nito. Mapapansin ding nakatingin ng direkta ang babae sa kamera sa tatlong litrato, ngunit roon sa kuya niya'y halatang malayo ang kamera at nakazoom lamang.

"Ano bang klaseng invitation 'to?" Bulong niya sa kaniyang sarili. Walang address, walang araw, walang oras. Wala ring first name niya pero baka nga pampamilyang party talaga. Walang company name, walang name nitong celebrant. Binawi lang sa gara ng pagkaimprint ng logo saka sa seal. Inamoy rin ni Line ang envelope. Aba, bawi rin sa amoy.

Tumayo siya at tumungo sa hagdan papuntang kwarto ngunit napatigil at tili siya nang mabasag bigla ang bintanang katabi ng hagdan.

"Ano 'yon?!" Atat na tanong nina Lean at Matteos matapos lumabas sa kani-kanilang kwarto dahil sa narinig na ingay.

Natagpuan nila si Line na nakahawak sa handrail at nakalingon patalikod sa basag na salamin. May piraso nitong nakatusok sa kaniyang pisngi at siyang nagsimulang umiyak nang tahimik. "Ma..."

———

A/N:

"Ma..." ma... -gvote kayo :> HAHAHA

You can also put WFH-2273 in your reading list para makita ng Watty friends niyo. And so, may makakarelate sa inyo sa comments, yeeyy!

Continue Reading

You'll Also Like

703K 47.3K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...