Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.5M 470K 278K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 48

135K 6.2K 3.1K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG48 Chapter 48

Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. Gusto kong tumayo at sigawan at suntukin si Nick dahil sa lahat ng pinagdaanan ko dahil sa kanya... pero mas natuon iyong atensyon ko kay Nikolai sa tabi ko na mukhang mas lalong gumulo ang mundo.

Hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya.

Mas mahigpit—kung posible pa iyon.

Mahal na mahal niya iyong nanay niya... Alam na alam ko 'yon... Kaya hindi niya na kailangang sabihin pa kung gaano kahirap 'to. Na iyong tao na tiningala mo buong buhay mo... ganitong klaseng tao pala?

How do you even reconcile those facts?

That your hero turned out to be a monster?

"Can we talk?" tanong ni Nick. Saglit siyang tumingin sa akin na para bang sinasabi niya na gusto niya na silang dalawa lang ang mag-usap—na umalis ako. Ayos lang naman sa akin... ang mahalaga ay makapag-usap silang dalawa dahil higit sa lahat, pamilya pa rin naman nila 'to. Sila-sila pa rin ang kailangang mag-usap.

Pero mahigpit na hinawakan lang ni Nikolai ang kamay ko.

"Whatever you'll tell me, you can say it in front of Jersey, too."

"Niko—"

"I'm marrying her, Dad. She's going to be my wife. So, if you want to talk to me about family, she's going to be family, too, don't worry," medyo pabalang na sagot niya.

Nakita ko na nagpakawala ng malalim na hininga si Nick. Tumingin ako kay Kuya Jerry na naka-tayo lang sa tabi niya. Ang dami kong gustong tanungin sa kanya—dati pa ba niya alam? Siguro. Kaya niya ako binalaan dati. Pero kung ganoon na alam niya pero wala siyang sinasabi... ibig sabihin din ba may kasalanan din siya? Pero paano naman kaming maliliit na tao na hindi basta-basta pwedeng lumaban?

Si Nikolai, kahit hindi niya sabihin, malakas ang loob niya sa ganito kasi alam niya na kahit ano ang mangyari, anak pa rin siya ng nanay niya... Na protektado pa rin siya...

Ang unfair na hingin iyong ganong klaseng loob sa mga normal na tao.

"I understand," he replied. "But I'd really rather talk to you first."

"Why? Is it about Jersey?" tanong ni Nikolai. Bumaling saglit ang tingin sa akin ni Nick. Napaawang ang labi ko. Tungkol sa akin? Ano'ng kinalaman ko sa napaka-weird na business ng pamilya nila?

"About Jersey—" sabi ni Nick.

"What?" matalim na sagot ni Nikolai na para bang kung pwede lang ay 'wag na 'wag ng banggitin ng tatay niya ang pangalan ko.

"You got it all wrong, Nikolai," sabi niya. Diretso akong tumingin sa kanya. Gusto ko ring malaman. Kasi sa buong pinagsamahan sa amin ni Nick, wala namang nangyari na kahit ano... Minsan nag-uusap kami. Nagtatanong siya sa pangarap ko at gustong marating. Mas madalas na tahimik lang kaming pareho. Naisip ko lang na gusto niya ng kasama.

Pero ngayon?

Parang ang daming lihim ng pamilya nila.

"Jersey—" sabi niya at natigilan dahil sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Nikolai nang sabihin niya ang pangalan ko. "She's not my mistress, Niko. I don't have a mistress."

Agad na kumunot ang noo ni Nikolai. "What?"

Alam ko na walang namamagitan sa amin ni Nick dahil nandoon ako mismo—pero sinabi sa akin ni Nikolai dati na maraming kabit ang tatay niya. Kaya nga galit na galit siya dito. Kaya nga isang tawag lang ay sumasagot siya agad dahil sa takot niya na baka kapag na-disappoint 'to ay bigla na lang silang iwan... Na ayaw niyang mangyari dahil alam niya na mahal ng nanay niya ang tatay niya.

"Those... girls. They're too young for me, Nikolai. I just wanted to help them. In the way I know how."

Ramdam na ramdam ko iyong bigat ng paghinga ni Nikolai.

"I tried giving anonymous donations, but your mom—she's always in my business. She hates me interfering in the family business. She knows how much I hate it."

"Just... tell it to me straight, dad. I've had enough of the secrets in this family," mahina, pero seryosong sabi niya. Ramdam ko iyong pagod ni Nikolai. Na wala naman siyang ginawa, pero parang siya iyong nagdadala ng guilt...

"Her mom," sabi ni Nick sabay tingin sa akin nang saglit. "She was one of those girls."

Sumikip iyong dibdib ko.

Alam ko naman.

Pero bakit parang kasalanan ni Mama?

Feeling niya ba kung may choice, pipiliin iyong ganong buhay? Feeling niya ba masaya? Na tipong akala ng mga tao, may presyo iyong pagka-tao mo? Na tinatanong ka kung magkano isang gabi?

"I was there when Yael—"

"Yael? Tito Yael?"

Tumingin ako kay Nikolai. Sino si Yael? Siya ba iyong tatay ko?

"For years, I didn't know. I just thought that some people are unfairly rich—just like your mom. But when Jersey's mom confronted Yael and told him that she didn't have the abortion as planned, that was when I stared to ask around..." tahimik na sabi niya, pero parang sigaw iyong bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "I felt stupid, Niko. I didn't even ask why she was sponsoring all those pageants. Do you have any idea how much those rich and lonely men will pay for a night with a beauty pageant contestant?"

"Nasaan na si Mama?"

Sabi nila Tita, sumama si Mama sa kung sinuman na lalaki.

Inisip ko na lang na patay na siya.

Iniwan akong mag-isa.

"Alam mo ba kung nasaan ang Mama ko?"

Ni hindi sumagot si Nick.

Pero iyong mga mata niya...

Para akong masusuka.

"Niko, your mother didn't want us to know about this business. She just wanted you to live a normal—"

"Where is her mom, Dad?"

Nag-iwas siya ng tingin.

"She threatened Yael that she'll kill herself if Yael didn't recognize—"

Agad akong tumayo at lumabas. Hindi ko na kayang makinig. Parang umiikot iyong buong mundo ko.

Diretso akong lumakad palabas. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang maka-layo. Gusto kong huminga. Parang isang malaking joke iyong buhay ko. Na kaya pala ganoon—na kaya pala parang candy lang kung magbigay siya ng pera sa akin.

"Jersey."

Panay ang paghinga ko nang malalim. Lumingon ako kay Kuya Jerry. Inaabutan niya ako ng panyo. Napa-hawak ako sa mukha ko. Tangina, umiiyak ako?! Bakit ko iniiyakan iyong nanay ko na buong buhay pina-mukha sa akin na dapat magpasalamat ako kung bakit hindi niya ako—

Fuck.

Gusto pala ng tatay ko na ipalaglag ako.

Tangina.

'Di ba pwede na BAR exam lang ang problema ko?!

"Totoo ba lahat 'yon?" diretsong tanong ko. Gusto kong maniwala... kasi bakit sila mag-iimbento ng ganoong kwento?

Simpleng tumango lang si Kuya Jerry.

"Dapat lumayo ka na nung may pagkakataon ka pa."

"So, kasalanan ko pa?!"

Agad siyang umiling. "Jersey, nag-aaral ka pa. Kapag nagtrabaho ka na, malalaman mo lahat—kung gaano ka-corrupt ang mga tao. Kung nagugulat ka na sa nangyayari sa pamilya ni Nikolai, paano pa sa iba?"

Umawang ang labi ko. "So, kailangan ko ba'ng inormalize sa isip ko 'yung ganito, Kuya Jerry? Normal lang ba 'yung ganon? Shit. Kaya ba nasa iisang floor lang palagi dati? Nandoon pa iyong... iyong mga ginagawa nila?"

Tipid siyang tumango.

Shit.

Pareho ba kami ni Nikolai? Ni Nick? Kasi nagtaka rin ako... pero hindi ko rin pinansin. Hindi ko na masyadong inisip. Kasi bakit ko ba iisipin? Pumunta ako roon para makita si Nick. Para tuloy ang sustento. Puta naman.

"Ano'ng... gagawin ko?" mahinang tanong ko.

Umiling siya. "Wala."

Napaawang ang labi ko. "Wala?"

"Maraming pangalan at pamilya ang dawit dito, Jersey. 'Wag na kayong sumali ni Nikolai. Mapapahamak lang kayo."

Hindi ako sumagot.

Hindi ko yata kayang manahimik.

"Baka magaya ka sa kaibigan mo—"

"Si Darius?" mabilis kong tanong. "Iyong... nanay ba ni Nikolai—?"

Hindi sumagot si Kuya Jerry. Parang sasabog iyong ulo ko sa dami ng narinig ko. Sabay naming narinig iyong pagsara ng pinto. Si Nikolai. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya, pero bago pa man ako maka-layo, malinaw na narinig ko ang pagpapaalala sa akin ni Kuya Jerry na 'wag na kaming sumali ni Nikolai...

Agad na lumapit sa akin si Nikolai. Kinabig ako at niyakap ng mahigpit.

"Let's just elope, Jersey. I don't want to do with any of this anymore."

Tahimik akong tumango.

Ayoko na rin.

Gusto ko lang namang maging abogado.

Gusto ko lang maging asawa ni Nikolai.

Bawal ba?

"Ano'ng sabi ng Papa mo?"

"He told me—us—to stay away."

"Ganon na lang?"

Ang daming buhay. Inosenteng buhay. Paano kami matatahimik ni Nikolai gayong alam namin iyong ganito? Magbubulag-bulagan na lang kami?

"I don't want this, too... but they're right, Jersey. What can we even do? We can't testify—we don't know any of the dealings personally. None of what we know are admissible in court. We're of no use."

Tahimik akong tumango.

Tama naman siya.

Pero ang hirap na alam mo na wala kang pwedeng gawin kahit gusto mo namang tumulong.

* * *

Tahimik kami magdamag. Ramdam ko kung paano pareho kaming kinakain ng konsensya namin.

Sinubukan kong mag-aral, pero walang pumapasok sa isip ko. Naramdaman kong tumabi si Nikolai sa akin.

"Walang puma-pasok sa isip ko..." sabi ko sa kanya.

"You want some distraction?" tanong niya.

Tumango ako habang naka-sandal sa balikat niya. "Please..."

"Do you... want to hear about your dad?"

Umiling ako. "Lumaki naman akong wala siya. 'Di ko siya kailangan ngayon."

Hindi ko pa rin alam kung kanino talaga ako magagalit. Nakakaawa iyong nanay ko na nagmamakaawa sa kanya. Pero kasalanan din ba ng tatay ko? Kung naging malinaw naman siya in the first place na ayaw niya sa akin?

"Okay," sabi niya. "But... how about your siblings?"

Agad akong napa-tingin sa kanya. "May kapatid ako?"

"Oh, I think you have lots."

Napaawang ang labi ko. "Oh, my god. Malandi iyong tatay ko."

Napaawang din ang labi ni Nikolai bago siya natawa. Parang ngayon ko lang siya ulit narinig na tumawa kahit sigurado ako na narinig ko siyang tumawa kahapon. Para kasing ang bigat na ng mga pangyayari. Gusto ko lang sumaya. Kahit sandali lang gaya nito.

"I think you'll like this particular sibling, but I understand if you don't want to hear about this yet," sabi niya. Hinalikan niya iyong gilid ng ulo ko.

Niyakap ko siya. "Nikolai..." pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Kapag ayaw nila sa akin... nandito ka pa rin naman, 'di ba?"

"For better or for worse, I promise."

Tumango ako. "Thank you."

"Anytime," sagot niya at niyakap ako nang mas mahigpit.

"Gusto mo bang pag-usapan ulit natin iyong sa pamilya mo?"

Umiling siya. "No. Focus on reviewing. We've had enough of the family crazy today," sabi niya at bahagya akong natawa. "Just focus on getting that title, okay?"

Tumango ako. "Iyong sa kasal?"

"Maybe we should just focus on that."

"Wala talaga tayong gagawin..." mahinang bulong ko.

"They're investigating my family. What we'll do is cooperate." Napa-tingin ako sa kanya. "We'll do as they ask... we'll stay quiet... and if they need anything, we'll do our best."

"Iyong Mama mo?"

"She's not a child—she knowingly did all that," matigas na sabi niya, pero ramdam ko iyong hirap sa boses niya. Hinigpitan niyang muli ang yakap sa akin. "Can I sleep here while you review? I promise I won't snore."

Natawa ako saglit. Humiga siya sa mga binti ko habang tahimik kong sinu-suklay iyong buhok niya. Mabilis lang siyang naka-tulog. Nakaka-pagod talaga... Naalala ko iyong unang beses na nagsleep over kami para patunayan niya na hindi siya humi-hilik. Bawal ba na bumalik na lang sa panahon na 'yon?


***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 51.9K 43
Nadia de Marco knew what she wanted in life and that is to be the most powerful woman in the country. Growing up in the Philippines, she knew that it...
4K 221 10
This is a special book for all the extras and snippets of my stories.
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
24.8M 802K 58
Genesis thought she already found the love of her life. Bakit naman kasi hindi? They've been together for so long that she couldn't remember a time w...