In a REALationSHIT (Trese Ser...

Od chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH Více

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [23]

69.8K 2.1K 131
Od chiXnita

NANGINGINIG PA rin ang aking katawan. Wala ng tunog ang pag-iyak. Nakahiga kami sa kalsada. Yakap-yakap ako ng lalaking nagligtas sa 'kin.

"Shh... Heather, it's okay." Lalo akong nanigas nang mabosesan si Grant. Paano siya nakarating dito? Hinawakan niya ang likod ng aking ulo at hinimas ang buhok ko hanggang likod. Inalalayan niya akong bumangon. Malamig ang ihip ng hangin pero mas nakakapangilabot ang takot at kaba na aking nararamdaman. "Breathe, Heather. Stop crying..."

Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na dumidikit sa mukha ko. Pinunasan niya ang aking pisngi at gilid ng mga mata gamit ang mga hinlalaki niya. Natitikman ko na ang alat ng luha ko. Maliwanag dahil sa mga Christmas lights sa paligid at street lights pero hindi ko maaninag ang mukha niya sa panlalabo ng paningin.

Dinampian niya ng halik ang aking noo at nanatili lang doon ang labi niya. "I know you're not okay but please stop crying." Hinalikan niya rin ang magkabilaang talukap ko. "Stop crying, baby." Hinihimas-himas niya pa ang likod ko.

Hinawakan ko ang kanyang braso. Napansin ko na nanginginig din siya. Kanina pa niya sinisipat ang ulo at katawan ko kung nabalian ba ako ng buto o ano.

"Saan ang masakit?" Itiniklop niya ang aking siko bago dinampian ng halik. Gano'n din ang ginawa niya sa kabilang siko ko. Pati ang isang tuhod na nagalusan, hinalikan niya rin. "It's already cured. Stop crying now." Pinupunasan niya pa rin ang aking pisngi. "I'm sorry, Heather."

Kasama siya doon, hi'ja. Mag-iingat ka.

Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Grant dahil sa naalala. Bumalik na naman sa isipan ko ang mga nakakatakot na sinabi ni nanay at sa nangyari sa Trese.

Tinitigan ako ni Grant dahil sa higpit nang hawak ko. Agad ko siyang niyakap. Ibinaon ang mukha sa kanyang leeg at dibdib. Naririnig ko ang bawat pintig ng puso niya. Alam kong natakot at nag-alala siya. "N-Nasaktan ka ba?" tanong ko sa pagitan ng bawat hikbi.

"I'm perfectly fine." Nakahinga ako nang maluwag. Kumalas siya sa pagkakayakap. Hinubad niya ang suot na coat at ipinangbalot sa katawan ko. Bigla niya akong pinangko. Naglakad siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse. "We need to go to the hospital."

"W-What?" Maang na tanong ko. "N-No. I'm fine, Grant. Mag-aalala sina mommy 'pag 'di nila tayo nakita. Tatapusin natin ang party." Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.

"No. You're not okay, Heather. Nasugatan ka." May diin sa bawat bigkas niya ng kataga. Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat.

"Galos lang 'to, Grant. H-Hindi naman ako nasaktan. Tapusin natin ang party. Please..." Pinapungay ko ang mga mata. Ayokong talagang pumunta ng hospital. Hindi na rin naman kailangan. Tinitigan niya lang ako. Mukhang wala pa rin siyang balak na sundin ang gusto ko. "Hinalikan mo rin ang mga galos ko, kaya okay na ako." Nakatitig pa rin siya. Titig na titig. "Please, Grant?"

Bumuntong-hininga siya't sinipa pasara ang pinto ng pulang kotse. Hindi siya nagsalita. Naglakad lang siya patungo sa entrance ng hotel. Nilagpasan namin ang ilang mga sasakyan na maayos na nakapark. Napapatingin din ang ilang mga security guards. Nagtanong ang isa sa kanila kung ano'ng nangyari pero 'di umimik si Grant.

Malakas ang tilian sa loob. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari. Wala nga akong kaalam-alam kung bakit bigla na lang sumulpot si Grant kanina. Akala ko hindi pa tapos ang laro nila?

"'Wag mong sabihin na papasok tayo sa loob na buhat-buhat mo ako?" Umawang ang bibig ko. Agaw-eksena kami kapag nangyari 'yon. "Kaya kong maglakad, Grant. Just put me down." Nagdalawang-isip pa siya pero ibinaba rin ako kalaunan. Hinapit niya agad ako palapit. Inilagay niya ang isang kamay sa bewang ko at inalalayan ako papasok.

Biglang hinawakan ni Grant gamit ng kabilang kamay ang likod ng ulo ko at idinikit ang mukha ko sa dibdib niya. Kahit na nakaheels ako ang tangkad niya pa rin talaga. Umamba akong lalayo pero hindi niya ako hinayaan.

"What happened?" Narinig ko ang boses ni Brix. Sa tembre ng boses niya alam kong nasa tapat namin siya. Gustuhin ko man siyang tingnan hindi ko magawa dahil sa higpit nang pagkakayapos sa akin ni Grant. Nahihirapan na nga akong huminga. Ang bilis din ng kabog ng dibdib ko kasi naririnig ko ang tibok ng puso niya.

"Nothing," malamig na sambit ni Grant at nagpatuloy kami sa paglalakad. Mukha na akong tanga dahil wala akong nakikita. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naririnig ko ang mash-up songs na kasalukuyang pinapatugtog ng DJ kahit patuloy pa rin sa kasasalita ang host. Mukhang natapos na nga ang game ng group 2. Hindi ko alam kung kami na ba ang susunod o sina Kuya Xyrus at Angel muna para sa kanilang special game.

"Dude, what happened?" Boses naman nina Cyclone at Jerson. Saan ba kami pupunta?

"Wala nga..." Muling sagot ni Grant na mas malamig pa yata kumpara kanina.

"Geez! Calm down," boses naman iyon ni Zyle.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami. "Drink this!" Inabot sa 'kin ni Grant ang isang basong puno ng malamig na tubig. Nasa tapat kami ng waiter. Kinuha ko ang baso at uminom. Nakalahati ko lang 'yon. Iaabot ko na sana ang baso pero kinuha ni Grant at inubos ang laman.

Muli niya akong iginaya papalakad hanggang sa huminto sa tapat ng female's comfort room. Kumunot noo ko. "Let's go." Pumasok siya at hinila rin ako papasok. Sinarado niya ang pinto. Nilock. Natulala ako. Mabuti walang ibang tao.

"Grant?" Hinawakan niya ako sa bewang at binuhat. Pinaupo ako sa sink. Nakatalikod sa malaking salamin at nakaharap naman siya sa 'kin. "W-What are you doing—"

Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha ko. Napahawak ako sa coat at iniyakap sa katawan ko. Malamig dito sa loob pero malapot ang pawis ko. Hindi ako mapakali. Damn my uncontrollable heartbeats.

Pinunasan niya ang noo kong basa sa pawis. Ang gilid ng mata ko, tuktok ng ilong, pisngi. Lahat ng sulok ng aking mukha. Siguro nagkalat ang make-up ko dahil sa pag-iyak. Nakoconscious tuloy ako dahil alam kong hindi kaanya-anyaya ang itsura ko ngayon. Paniguradong malaki rin eyebags ko. At naamoy ko ang bango ng panyo niya.

Amoy Grant! Mabango.

Ano ba naman, Heather!

Lumunok ako, bahagyang ipinilig ang ulo. Ang gaan ng kamay niya na parang sinasadya niyang 'wag akong masaktan.

Tinitigan ko ang mukha ni Grant. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko. Palagi ko na siyang nakikita sa malapitan ngayon. Noon, pahirapan pa para makanakaw ako ng magandang kuha niya sa camera.

Pinagsawa ko ang paningin. Sa noo niyang bahagyang natatakpan ng iilang hibla ng buhok. Sa makakapal niyang kilay na hindi ko alam kung nagpaamo ba o mas nagpamisteryoso lang lalo sa aura niya. Bahagyang salubong ito ngayon kaya nagkaroon ng maliliit na linya sa kanyang noo. Sa kulay abo na mga mata na namumula ang gilid ngayon. Sa mahahabang pilik na kina-iinggitan ko. Sa matangos na ilong. Sa makinis at bahagyang namumulang pisngi. Hindi ko nakikita ang maliit na dimples niya dahil 'di siya nakangiti. Sa pekpektong panga. Hanggang sa labi niyang bahagyang gumalaw na parang nanghihikayat na halikan ko siya. May iilang patubong whiskers din siya. Pati ba naman 'yan asset niya?

Muli kong ipinilig ang ulo pero hindi pa rin nilulubayan ang labi niyang bahagyang gumalaw. Muli akong napalunok nang kinagat niya ang ibabang labi. Tumigil din siya sa pagpunas sa mukha ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanyang mga mata at nakatitig siya. Titig na titig... ulit.

"Stop staring. You're making me anxious, Heather..." mahinang sambit niya. Bigla akong napangiti.

"Do I?" Itinaas ko ang kanang kamay at hinawakan ang labi niya gamit ang hintuturo. Dahan-dahan kong pinagslide ang daliri pababa ng kanyang baba. I love this cleft chin.

Napapiksi siya. 'Shit!' kita kong bigkas ng kanyang bibig dahil wala lumabas na tinig. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa itaas ng aking tuhod. "Keep still. Don't move." Hindi ko alam kung banta ba iyon. Humalukipkip ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata para hindi na ako matemp na muling tumitig sa kanya.

Muli niyang pinunasan ang aking mukha. Nang matapos, dumilat na ako. Tinanggal niya ang pagkakabutones ng dalawang button sa long sleeves na suot at pinunasan ang noo niya gamit ang braso. Pinagpapawisan siya. Malalim siyang huminga kalaunan. Binasa niya ang panyo sa sink at pinunasan din ang siko ko, gano'n din ang tuhod.

Sinuklay ni Grant ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. Gano'n pa rin ang kabog ng dibdib ko. Inilagay niya sa kaliwang balikat ang buhok kong ngayon ay medyo umalon-alon dahil sa pagkakabun kanina. Tinitigan ko siya pero hindi niya ako tinitingnan. Halatang iniiwasan niya ang mapatitig sa 'kin.

Muli niyang binasa ang panyo. Lumapit siya sa hand dryer para patuyuin. Tinititigan ko lang siya sa ginagawa. Namamangha pa rin ako sa mga ikinikilos niya. Nang matuyo ay itiniklop niya ang panyo at ibinalik sa bulsa ng trousers. Kumunot ang noo ko.

Nagdadalawang-isip na talaga ako kung si Grant ba talaga ang kasama ko. Baka kasi naghahallucinate lang ako. O baka pinapaasa niya lang ulit ako?

'Tapos ako ito... mas lalong nahuhulog. Sana naman saluhin niya ako, 'di ba? Kasi masyado nang malalim at hindi na ako makakaahon pa.

Lumapit siya at binuhat ako para ilapag sa sahig. Nang dumikit ang balat niya sa 'kin, hindi ko maiwasan ang makiliti dahil sa kuryenteng dumaloy mula sa kanyang mga daliri. Inayos niya ang coat sa balikat ko at hinapit ako palapit sa kanya.

Naglakad kami papalabas ng CR.

Nabungaran namin sina Caleigh at Vlaire na naghihintay sa may pinto. Madilim ang aura at matalas ang mga titig. Mukhang kanina pa sila nag-aabang. Nakalock kasi ang pinto. Napaiwas agad ako ng tingin. Uminit ang pisngi. Nahihiya ako sa kung ano'ng pwede nilang isipin kung bakit nasa loob si Grant ng CR ng mga babae.

Hindi sila pinansin ni Grant. Dinaanan lang namin sila. Tumungo kami sa nagkakasiyahan. Nasa harapan sina Angel at Kuya Xyrus. Nasa kalagitnaan na yata ang kanilang special game. Nacurious agad ako. Naglalakad kami patungo sa pwesto ng mga organizers na nakapwesto sa tapat ng isang malaking fountain cake, pero panay ang lingon ko kay na Gel. Hanggang sa mawindang ako sa sinabi ni kuya.

"Be my girlfriend, Angel Faith."

Natigil ako sa paglalakad, gano'n din si Grant. Sabay kaming napatingin sa pwesto nila. Dilat na dilat ang aking mga mata.

Mas naalarma ako nang makitang hinawakan ni Angel ang braso ni Kuya Xyrus. Kitang-kita ko kung paano niya ibinalibag pabagsak sa sahig si kuya. Napatayo ang lahat at nagulat sa nangyari. What the hell is happening?

Napabaluktot si Kuya Xyrus at gumulong sa sahig. Tumalikod si Angel at naglakad papalayo. Sinundan ko siya nang nag-aalab na mga titig. What the hell, Gel?!

Tinangka kong sumunod pero pinigilan ako ni Grant. Hinila ako sa harapan ng mga natulala ring organizers. Napapalingon pa rin ako sa harap. Dinaluhan nina Zyle at Serg si kuya. Pero si Zyle tumatawa pa. Hindi inabot ni Kuya Xyrus ang kamay nila. Tumayo siya at umalis sa harap.

"We can't stay here any longer to finish the event. We need to go." Napatingin ako kay Grant nang magsalita siya. Kausap niya ang isa sa mga organizers na nagpapabalik-balik ang tingin sa harap bago sa kanya. Kumunot ang noo ko. We need to go... where?

"But, Mr. Loriete, Ms. Roa is one of the participants for the charity game. We need her for the bidding."

Humigpit ang hawak ni Grant sa kamay ko. Napangiwi ako. "I don't care. How much money do you need for the charity?" Naalarma ang mga organizers sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Pati ako natataranta na.

"But we need to play the charity game fair, Sir," ani ng isang organizer na babae. Hindi ko nga alam kung ano ba'ng ipapagawa nila sa laro. Hindi ko rin alam kung bakit bidding ang tema ngayong taon. Dati naman hindi.

"The bidding starts from fifty thousand pesos," singit naman ng lalaking may suot na eyeglasses. "The bidders will play to win 'date for a month' with one of the participants who'll get the highest bid, Sir." Tumaas ang kilay ko.

No way! Sino namang magbibid sa 'kin para makadate sa loob ng isang buwan? Sino'ng organizer ang nag-isip ng larong 'to? Kalokohan, eh.

Kumuyom ang kamao ni Grant. Napapaigtad na ako sa higpit nang hawak niya. Dumukot siya sa bulsa ng pants. Inilabas ang itim na pitaka. Umawang ang bibig ko pagkalabas niya ng tseke. Kinuha niya ang ballpen na nakalapag sa harap ng isang organizer. Sumulat siya, pumirma at padabog na inilapag sa harap ng limang organizers na napanganga. "Is that enough?"

Tiningnan ko ang tseke. Natulala ako pagkakita ng number two at anim na zero.

Tumalikod si Grant. Napasunod lang ako sa kanya na natatanga. Hindi pa rin nakakabawi ang mga organizers at pulos nakanganga. Kahit ako. Nakalimutan ko na ang ginawang eksena ni Angel. Sasabog yata ang puso ko. Shit, Grant!

Lumabas kami ng hotel. Walang nakapansin sa pag-alis namin maliban sa mga organizers. Nawiwindang pa rin kasi ang lahat sa nangyaring eksena sa pagitan nina Kuya Xyrus at Angel.

Lumulutang ang pakiramdam ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng pulang kotse ni Grant. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat. Tinititigan ko siya dahil wala akong maintindihan. Pero hindi siya makatingin sa 'kin.

"W-Where are we going?" Nagpapawis ang mga palad ko.

"To the hospital," simpleng sagot niya. Hindi pa rin magawa ang tumingin sa 'kin o ang kahit sumulyap man lang.

Kinagat ko ang labi. "I told you, there's no need. I'm okay. We need to finish the event, Grant."

"No, Heather!" Pinal na desisyon niya at tumingin sa 'king mga mata. Nanikip ang dibdib ko. Kanina ko pa gustong tingnan niya, pero ngayong nakatingin na siya ako ang napapabawi ng tingin. "No, Heather... please." Napahilamos siya sa pisngi. Nakaawang ang bibig na tipong ang dami niyang gustong sabihin. "I..." Kinagat niya ang labi nang mariin at ilang beses huminga nang malalim.

Why, Grant? Why can't you open up to me? Bakit parang ang dami mong gustong sabihin sa 'kin na hindi mo masabi?

Sinapo niya ang pisngi ko. Marahang hinaplos. Ayan na naman siya sa mga kilos niyang kinakabahan ako nang sobra.

Gusto kong sabunutan ang sarili para alamin kung nananaginip ba ako. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko man lang magawa ang kumurap.

I'm afraid that in just a blink Grant might disappear.

Napapiksi siya pagkahawak ko sa braso niya. Kita ko ang ginawa niyang pagngiwi. Nagtatakang napatitig ako sa kanya at sa kamay ko. Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata't napanganga pagkakita ng dugo.

"O-Okay!" Tarantang usal ko. "W-We're going to the hospital, Grant."


Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
2.2K 32 4
Baguio Series #6 [on indefinite hiatus] Aira Karen Romualdo hated her life for having a very strict family, so when her brother, Giovanni, has alread...