DM #2: Dean Andrada

By jkissteen

725K 22.5K 2.6K

Dean Andrada is a man of playful charm yet unwavering principles, believing that wisdom and morals pave the p... More

Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 2

19.8K 633 81
By jkissteen

Kabanata 2

Orphan

Wala akong lakas na pumasok matapos ng mga nangyari. Hindi ko tuluyang maiproseso ang nangyari, lalo na sa katotohanang ako ang naging rason.

Hindi na nakabalik si Papa simula nang pag-alis niya kagabi. Umabot na lang ng hapon ay hindi pa siya nakakauwi. Hindi na ako mapalagay. Buong araw akong walang alam kung ano na ang mga nangyari.

Ilang buwan ang ginawang pagbabanta ni Mama tungkol sa planong pag-alis niya dahil sa akin. Nasanay na akong marinig iyon araw-araw dahil kailanman hindi niya nagagawa. Pero iba na ngayon.

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na katok mula sa labas. Hindi pa nakakapag hilamos ng mukha, diretso na akong tumakbo sa pag-asang si Papa na iyon.

Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang sumalubong sa akin ang dalawang pulis.

Napakurap ako at pasimpleng sinulyapan ang likuran nila sa pag-asang nandoon ang hinahanap ko.

"Selene Oliveros?"

"O-Opo,"

"Kailangan mong sumama sa amin," aniya saka ako iginiya papalabas ng bahay.

Wala sa sarili akong tumango. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kahit na hindi ko alam para saan ang pagsama ko. Para akong nakalutang habang naglalakad kasama ang dalawang pulis.

Diretso ang lakad hanggang sa makalabas kami ng gubat. Nagulantang ako sa dami ng tao na nasa bungad. Naramdaman ko ang panlalamig ng dahil sa kanilang atensyon na binibigay sa akin.

Tinawag ako ng isang pulis dahil sa pagtigil ko sa paglalakad. Puno na ng katanungan ang isip ko kung ano talaga ang nangyari.

Tulala ako nang pumasok sa sasakyan at hindi na pinansin pa ang pangungutya ng mga tao sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto akong wala sa sarili bago nagtanong sa pulis na nasa harapan.

"A-Alam niyo po ba kung nasaan si Papa?"

Maaaring ito ang rason kung bakit nila ako pinapasama.

Sumulyap ang isang pulis sa salamin at tumikhim. Nananatiling tahimik na nagmamaneho ang isang pulis.

"Anak ka ba talaga ni Manolo?"

"Opo,"

Tumingin siya sa harapan at hindi na ako muling sinulyapan pa sa salamin.

"Mag-isa ka lang ngayon, mas mabuting maghintay muna tayo sa DSWD."

Natahimik ako pero agad kumunot ang noo nang maiproseso ang kanyang sinabi.

"A-Anong DSWD? May mga magulang po ako,"

Umiling siya. "Pupunta tayo sa hospital para malaman mo ang mga nangyari."

Hindi ko na nagawang mapalagay sa inuupuan dahil sa kanyang sinabi. Nananatili akong tahimik sa kinauupuan pero ang utak ko ay maingay dahil sa iniisip.

Tumigil kami sa harapan ng isang public hospital na nasa lungsod. Pagbaba ko pa lang, tanaw ko na ang grupo ng mga pulis sa bungad ng hospital.

May isang pulis na napalingon sa amin dahilan nang pagtawag niya sa ibang kasamahan. Awtomatiko na dumapo ang mga mata ko sa kanilang pinuno.

Nanuyo ang lalamunan ko nang lumapit siya sa banda ko.

"Sumunod ka,"

Hindi ako nagsalita at sinundan siya papasok ng hospital. Tahimik ang mga tao sa loob pero ang isipan ng bawat isa ay halos rinig ko na. Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Sinalubong kami ng isang pulis at tinuro ang isang kwarto. Sinundan ko iyon ng tingin. Nanlamig ako nang mabasa ang nakalagay na salita sa pintuan ng kwarto. Morgue.

"Gusto mo bang pumasok?"

Napaatras ako sa sinabi ng pinuno ng mga pulis. Hindi ko makuha kung anong pinupunto niya.

"B-Bakit ako papasok dyan?"

Halos marinig ko na ang pangangatal ng boses sa pinaghalong takot at kaba. Ramdam ko ang panghihina ng katawan sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Kung ayaw mong pumasok, naiintindihan ko. Sasabihan na lang kita kung saan ang lamay—"

"Anong lamay?"

Natahimik siya, tila saka lang napagtanto ang mga katanungan ko. Wala akong alam.

"Hindi ka pa ba sinabihan?"

Hindi ako nakapagsalita at mas piniling hintayin ang sasabihin niya.

"Wala na si Manolo,"

Natigilan ako bago umiling. Paulit-ulit akong umiling hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan.

"H-Hindi po pwede,"

Sinundan ko ng tingin ang isang pulis na binuksan ang pintuan ng morgue. Napaatras ako sa takot nang makita mula sa kinatatayuan ko ang tatlong bangkay na may puting kumot.

"Pinatay ni Manolo si Melissa at ang lalaki na kasama niya."

Ang pangyayaring iyon ang gabi-gabi kong napapanaginipan. Ang tatlong bangkay na nakita ko ang hindi ko maalis-alis kailanman sa isipan.

Noong gabi na umalis siya ay ang gabi na pagpatay niya kay Mama at sa lalaki na kasama nito. Namatay si Papa dahil sa engkwentro na naganap sa pagitan niya at ng mga pulis. Nanlaban raw kaya para maiwasan na may masaktan ay binaril na.

Hindi lang iyon ang naging kaso ni Papa. Kasabay nang pagkamatay niya ay ang pagdakip sa malaking grupo ng mga magnanakaw sa lungsod na sinasabing pinamumunuan niya.

Maraming galit kay Papa dahil sa mga nangyari. Hindi lang sa mga tao na nanakawan niya kundi pati na ang mga grupo ng mga magnanakaw na nadakip. Pinipilit nilang si Papa lang ang nagplano at gumawa ng lahat ng mga pagnanakaw sa mga bangko.

Hindi ako makapaniwala sa mga nagawa niya kahit na una pa lang wala akong alam sa kung anong klase ang trabaho niya.

Hindi ganoon kaganda ang relasyon ko kay Papa pero siya ang maayos ang trato sa akin kaysa kay Mama. Hindi siya mabait o masama sa akin.

Hindi ko matanggap ang mga nangyari. Lalo na ang katotohanang mag-isa na lang ako simula ngayon.

Ang pulis na kasama ko sa araw na iyon ay pilit akong pinapadala sa DSWD para maalagaan dahil sa ulila na. Ilang katanungan ang mga sinagot ko galing sa pinuno ng mga pulis. Ibinalik lang nila ako sa gubat dahil sa isang tawag na natanggap.

Gulat ako nang makita si Doña Solanna sa bungad papasok sa gubat. Taas noo at prenteng nakatayo habang pinapalibutan ng mga naninirahan sa hacienda.

Dumapo ang kanyang tingin sa akin dahilan nang paglingon ng iilang tao. Agad itong nagbulungan nang makita ako.

Lumapit ang pinuno ng pulis sa Doña at nag-usap. Tahimik akong lumihis ng daan para makapasok na sa gubat.

"Ang anak ni Manolo tumatakas!"

Lumingon ako dahil sa kaba na may dadakip sa akin. Pero prenteng nakatayo lang ang pulis habang tinatanaw ako kasama si Doña Solanna.

Pagpasok ng bahay, agad kong namataan ang isang sobre na nakapatong sa lamesa na nasa sala. Mabilis ko iyong kinuha at binuksan.

Nabitawan ko iyon nang makita ang makapal na halaga ng pera. Walang sobre sa lamesa nang umalis ako.

Wala akong ideya kung para saan ang pera. Posibleng kay Papa ito na nanggaling sa pagnanakaw niya. Ang sikip sa dibdib ko ay gustong sumabog.

Umupo ako at tinitigan ang pera. Binaliktad ko ang sobre at natigilan nang makita ang pangalang nakalagay sa ibaba.

Solanna Andrada.

Sa edad na labinlima naging ulila na ako sa mga magulang at wala akong kilalang ibang kaanak na malalapitan. Sa murang edad, natuto akong mag-isa kasabay nang mga galit na natatanggap ko galing sa mga naninirahan sa hacienda.

Malalaki ang hakbang ko na nagtungo palabas ng gubat para makasakay na ng tricycle. Matagal akong nagising kaya kung hindi ako sasakay ngayon, posibleng late na ako pagdating sa eskwelahan.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang isang tricycle na dadaan. Malayo pa lang ay pumara na ako. Tumigil iyon sa harapan ko at akmang sasakay na nang itinulak ako ng isang matandang babae na nakaupo sa loob.

"Anak ka ni Manolo, hindi ba?"

Ang panlilisik ng kanyang mata ang nagpakaba sa akin. Umatras ako at lumayo sa tricycle para hindi na magkaroon pa ng gulo.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bumaba siya kasabay ng tricycle driver.

"Ang kapal ng mukha mong manatili dito," aniya habang humahakbang palapit sa akin.

Umiling ako, ramdam na ang panginginig ng katawan sa takot. Hindi ko napaghandaan ang biglaan niyang pagsugod at malakas na pagtulak.

Dumausdos ako sa gubat kasabay nang paggulong ko sa lupa. Napapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng noo sa matalas na bato.

"Huwag ka nang magpapakita dito," aniya bago ko narinig ang pag-alis ng tricycle.

Sinapo ko ang noo at tinignan ang basang bagay na nahawakan. Sa nanginginig na kamay, nakita ko ang dami ng dugo na umaagos.

Lumabo ang paningin ko pero pilit kong nilabanan ang mawalan ng malay. Walang tutulong sa akin kahit na maglupasay ako dito. Kung mawawalan man ako ng malay, mas pipiliin ko na lang na nasa gitna ako ng gubat kaysa dito sa bungad.

Nanghihina akong tumayo habang mariin na sapo ang noo para mapigilan ang pagdurugo.

Medyo malayo pa ang bahay galing sa kinatatayuan ko pero pilit kong binilisan ang lakad nang maramdaman na ang pamamanhid at panlalamig ko.

Dumiretso ako sa banyo at naghugas sa nanginginig na kamay. Ramdam ko ang matinding hilo pero hindi ko iyon pinansin. Nakapikit kong maingat na nilinis ang sugat.

Mabilis akong pumasok sa kwarto nang unti-unti nang dumilim ang paningin ko. Kumuha ako ng makapal na tela at madiin na inilagay sa dumudugo na noo.

Umupo ako sa kama at isinandal ang sarili sa malamig na semento bago tuluyan nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako nang magising ako matapos ang ilang oras. Dahan-dahan akong tumayo at tinanggal ang tela na nasa noo. Tumigil na ang pagdurugo kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Hinubad ko ang uniporme at kumuha ng damit pampalit. Mabilis akong nagbihis at kinuha ang uniporme na puno ng dugo. Hindi ko maiwasan ang matakot nang makita kung gaano iyon kadami, lalo na sa katotohanang sa akin pa iyon nanggaling.

Mahirap ang buhay ko noong nandito pa sila Papa at mas dumoble iyon dahil sa pananakit na natatanggap ko galing sa mga tao na nasa hacienda.

Sinasaktan nila ako tila ba ako ang magbabayad ng mga nagawa ni Papa sa kanila. Hindi ako kailanman nanlaban dahil sa huli, ako pa rin ang talo.

Ilang beses kong ginustong umalis pero kailanman hindi ko nagawa. Wala akong lakas ng loob, idagdag pa na wala akong mapupuntahan.

Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral, hindi ako nagkaroon ng problema sa eskwelahan dahil maliban sa mga tao na nasa hacienda, ang akala nila'y nakuha na ang anak ni Manolo ng DSWD.

Nakakaranas ako ng panginginig at panlalambot ng katawan tuwing nasa gitna ng klase. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararanasan.

Ang tanging sigurado ako kung bakit ako nagkakaganito ay dahil sa takot. Takot na may makaalam sa totoo kong pagkatao. Sasaktan nila ako kagaya nang pananakit ng nasa hacienda.

Dumoble ang kagustuhan kong hindi makagawa ng kahit anong klaseng atensyon, maliit man o malaki.

Tiniis ko ang mga araw-araw na magigising at matutulog ako sa takot. Gusto kong makapagtapos kaya kailangan ko ring magtiis.

Late na akong umuuwi para wala ng tao kapag dadaan na ako sa hallway. Hindi ko inaalintana ang madilim at masukal na daan papasok sa gubat kapag pauwi na. Hindi na ako nakakasakay ng tricycle dahil wala namang magpapasakay sa akin.

Wala akong mapagkukunan ng pera maliban sa pagtago ko sa pera na bigay ni Doña Solanna. Kaya ipinagpatuloy ko ang pagtanggap ng pinapagawa na assignments ng mga kaklase ko kahit na halos hindi ko na magawa gawa yung akin.

Lumipas ang ilang taon hanggang sa nakapagtapos ako ng grade 11. Hindi na ako nakapag enroll pa dahil sa takot sa biglaang pag-ugong ng balita na nag-aaral ang anak ni Manolo. At base sa mga narinig ko, kapag nalaman ng eskwelahan iyon ay diretso nila itong ipapatanggal.

Hindi ko man gustuhing umiyak, hindi ko pa rin mapigilan. Gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral, kahit iyon lang.

Continue Reading

You'll Also Like

852K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...