Pagsinta (Unang Tamis)

By isipatsalita

267K 16.7K 8.5K

Ikaw ang tahanan. Ā© 2021 isipatsalita. More

TEASER
TAMIS 1
TAMIS 2
TAMIS 3
TAMIS 4
TAMIS 5
TAMIS 6
TAMIS 7
TAMIS 8
TAMIS 9
TAMIS 10
TAMIS 11
TAMIS 12
TAMIS 13
TAMIS 14
TAMIS 15
TAMIS 16
TAMIS 17
TAMIS 18
TAMIS 19
TAMIS 21
TAMIS 22
TAMIS 23
TAMIS 24
TAMIS 25
TAMIS 26
TAMIS 27
TAMIS 28
TAMIS 29
TAMIS 30
TAMIS 31
TAMIS 32
TAMIS 33
TAMIS 34
TAMIS 35
Mensahe para sa inyo
Special Mamon
Reference Image
Huling Sirit
Devin Francisco 1
Devin Francisco 2
Devin Francisco 3
Devin Francisco 4
Devin Francisco 5
Devin Francisco 6
Devin Francisco 7
Devin Francisco 8
Devin Francisco 9
Devin Francisco 10
Devin Francisco 11
Devin Francisco 12
Theme Song
Reprint? Yay or nyay?

TAMIS 20

5.1K 366 198
By isipatsalita

Nakipagtagpo si Aurea sa kaniyang kaibigan na si Phoebe sa isang coffee shop matapos niyang gumawa ng tatlong sunod-sunod na kabanata para sa kaniyang istorya. Nababagot kasi siya sa apartment dahil wala siyang makausap doon.

Nasa talyer si Devin at sinabi nitong gagabihin ito ng uwi dahil may tatapusin pang i-tune up na makina ng isang kakilala nilang mahilig mangarera sa Batangas.

Ang nanay naman niya ay nasa kumare nito ngayong araw sa Maynila kaya wala siyang ibang maisip na puntahan.

"O, ano naman ang kawindang-windang doon? Asawa ka naman niya, friend. 'di ba sabi ko naman sa 'yo noon na posible naman talagang mangyari 'yon lalo pa ngayong araw-araw na kayong nagkakasama?" sabi nito, sumimsim pa ng kape mula sa tasa.

Naikuwento niya kasi rito ang pagbanggit ni Devin ng "I love you" sa kaniya bago may mangyari sa kanila noong isang gabi. Hindi man gaanong malinaw ang pagkakabigkas no'n ay sapat na para marinig niya iyon.

Gusto niya sanang komprontahin ang lalaki ngunit masyado silang lulong sa sarap ng gabing 'yon. Inabot pa nga sila nang madaling-araw dahil parang hindi ito nauubusan ng lakas.

"What if nasabi lang niya 'yon kasi pumayag akong makipag-ano sa kaniya?"

Siya naman itong napainom ng mango shake na inorder niya at sumubo pa ng fries pagkatapos.

Nilunok muna niya 'yon bago nagsalitang muli.

"Never siyang nagkaroon ng seryosong girlfriend, Phoebe. Never nga yatang na-in love 'yon. So baka panibago sa pakiramdam niya 'yong setup namin ngayon kaya niya nasabi 'yon."

"Alam mo, ang shunga mo rin, ano? Sobrang nega lang, Au?"

Kumuha muna ito ng chips bago luminga-linga sa paligid at muling tumingin sa kaniya.

"Iyon na nga mismo! Hindi naman inosente 'yang asawa mo para hindi ma-distinguish ang libog at pagmamahal, 'no? Saka sa lahat ng in-ay lab yu-han, ikaw ang pinakatakang-taka."

Napahaplos siya sa buhok niya bago huminga nang malalim.

"Nakatatakot kasi. Alam mo 'yon? Ngayon ko lang naiisip na what if pagkalabas ni baby, ma-realize niyang hindi pala talaga siya prepared at hindi niya pa pala gustong umalis sa pagiging binata talaga?"

Narinig niya ang pag-tss ng kaibigan bago umiling-iling.

"What if your face. Kung tutuusin nga, si Devin pa ang lugi sa 'yo. Imagine, inanakan ka na, pinanindigan ka na, pinakasalan ka na't lahat, tapos ngayon sinabi pang mahal ka niya pero ikaw, ano'ng ginagawa mo ngayon? Nagpapaka-nega!"

Napalakas ang boses nito kaya tinakpan niya ito gamit ng tissue pero agad naman nitong tinabig ang kaniyang kamay.

"Ito nga, ikaw naman ang tatanungin ko. Sumagot ka nang totoo, ha? Mahal mo rin ba?"

Napatingin siya sa paligid, iniisip kung an'ong dapat niyang isagot dito. Uminom ulit siya mula sa baso bago tumingin nang diretso sa kaibigan.

"Masaya siyang kasama, inaalagaan niya ako, pinatatawa niya ako, sweet siya kay baby, masipag din siya, ma-diskarte. Hindi ko sigurado kung mahal na ba ang tawag doon. Ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala. Hindi ko—"

"Wala sa tagal o ikli 'yon, 'di ba? Gaga ka ba? Walong taon nga kayong nagsama ni Pierre noon pero ano'ng nangyari?"

Pinagkrus nito ang mga braso habang nagtataas-baba ng kilay.

"Kaya nga parang natatakot ako. Ayaw kong maulit 'yon, siyempre," pangangatuwiran niya.

Magsasalita pa lang sana siya nang makitang pumasok mula sa glass door ang katropa ni Devin na si William Angeles. May kasama itong matangkad at maputing babae na halos pumutok na ang katawan sa sobrang fit ng suot nito.

Nang magtama ang tingin nila ng lalaki, kumaway ito at ngumiti pa.

"Oh, my, golly. Look at that macho papa."

Nabaling ang tingin niya kay Phoebe na nakatingin na rin kay Willilam.

Bumalik ang tingin niya sa gawi ni William at nakita niya rin itong nakatitig sa kaniyang kaibigan kahit may kasama itong babae ngayon.

"Oh my gosh, Aurea V. Francisco. He's looking at me," pabulong nitong sabi na may halong panggigigil pa, parang pigil na kilig.

Napailing na lamang siya. Alam niyang mahilig ang kaibigan sa mga moreno pero hindi niya akalaing kursonada nito ang katropa ng kaniyang asawa.

In-add pa nga raw nito ang lalaki sa Facebook noong nakaraang linggo.

Sanay naman siya sa pagiging agresibo nitong kasama niya. Iyon nga siguro ang pinagkaiba niya rito. Samantalang siya'y pinoproblema ang pag-a-I love you ng mister.

"Huwag ka nga masyadong pa-obvious," saway niya.

Bumalik naman ang tingin nito sa kaniya bago kumain ng pasta. Nakita na rin naman niyang lumabas sa garden ng café sina William at ang babaeng kasama bago roon pumuwesto at umupo.

"In fairness, malakas talaga ang sex appeal ng William na 'yon. Kahit ako, willing akong makipag-one-night chorva doon kapag niyaya ako," malanding sabi nito habang kumakagat-kagat pa sa labi. Sinamaan niya ito ng tingin. "Oo na, jusko, Au, akala mo nama'y hindi mo nagawa dati 'to!"

Lalong nanlaki ang kaniyang mga mata. May punto naman ito pero hindi na para ipamukha pa sa kaniya. Isang beses niya lang namang nagawa 'yon at itong tiyan na nga niya ang resulta no'n.

"Ibang usapan naman 'yon. Iba naman si Devin kay William. Si William, sobrang babaero."

Base sa mga kuwento ng kaniyang asawa tungkol doon at base sa mga nakikita niya, talagang malikot ang isang 'yon.

"Hoy, hindi ka rin naman sure kay Devin. Baka mamaya tuwing nasa labas 'yon at hindi ka kasama, baka may ibang inaano 'yong asawa mo," pang-aasar naman nito.

Hindi na lang siya sumagot dahil hindi niya rin alam ang sasabihin. Sa ilang buwan namang magkasama sila, hindi pa naman niya nahuhuli itong may kausap, ka-chat o may ibang babaeng kasama.

Lagi rin itong nagkukuwento sa mga kaganapan buong araw lalo na kapag hindi sila magkasama.

Pero hindi nga rin siya sigurado dahil baka magaling lang itong magtago.

"Sinabi niyang mahal niya ako, so wala 'yon. Kung mayro'n man, problema na niya 'yon. Puwede naman kaming umalis ng anak niya sa apartment niya," kumpiyansa niyang sagot.

Tumawa si Phoebe nang marinig 'yon.

"Wow, brave naman pala 'tong hot momma ni Devin!"

Inirapan niya na lang ang patutsada nito. Kumain na lang ulit siya dahil lapsed na ang mga pagkain nila sa kakakuwento nila.

"Friend. Shocks, wait. Is that your ex-jowa?"

Napaangat siya ng tingin at para siyang naestatwa nang biglang nakita ang pagpasok ni Pierre sa café.

Nag-ayos pa iyon ng buhok bago tumingin-tingin sa paligid at sumakto namang tumama ang tingin nito sa kaniya.

Gusto niya sanang umalis dahil hindi siya komportableng makita 'yon.

Pero bakit siya ang aalis kung nauna naman sila rito? Hindi ba dapat ito ang umalis at mahiya?

Bumaba ang tingin niya sa basong nasa mesa bago sa labas ng glass window para makaiwas, pero huli na ang lahat nang marinig niya ang boses nito sa bandang gilid niya.

Tinapunan niya ito ng tingin at ngumiti ito sa kaniya na para bang tuwang-tuwa itong makita siya.

"It's been a while, Au," bati nito sa kaniya bago tumingin sa kasama niya. "Hi, Phoebe. How are you?"

Ngumiti ang kaibigan niya't nakipag-kamay pa sa lalaki.

Siya naman ay nagpanggap na may ginagawa sa phone ngayon.

"Ay, friend, wait lang, ha?" Napatingin siya kay Phoebe. "Nagtext pala 'yong kapatid ko sa akin, nandiyan lang daw siya sa may BDO na kalapit. Pupuntahan ko lang saglit, ha? Text na lang kita later. Bye!"

Aapela pa lang sana niya pero bigla nitong kinuha ang bag at nagpaalam sa kaniya pati na rin kay Pierre na nakatayo sa may gilid. Naglakad pa nang mabilis palabas ang traydor niyang kaibigan.

Tatayo na sana siya nang biglang naalalang hindi pa nga pala bayad ang mga kinain nila. Gusto niyang murahin at sabunutan si Phoebe dahil sa pag-iwan sa kaniya rito.

Ano tuloy ang gagawin niya ngayong nakaupo na ang ex-boyfriend niya sa kaniyang harapan?

"Ayos lang bang dito muna ako? Oorder lang ako ng coffee. Ikaw ba? Do you want anything?"

Napatingin pa ito sa mesa.

"Oh, sorry. Busog ka na pala." Tumawa pa ito. Sasagot na sana siya pero bigla itong nagsalita ulit, "Ten minutes. Just let me talk to you."

"Paalis na rin ako, magbabayad lang ako," sagot niya bago sumenyas sa waiter.

"Please, Au. Gusto ko lang mag-explain. Gusto ko lang sabihin 'yong side ko," pakiusap nito sa mababang tono. "Alam kong wala nang magagawa ang sorry dahil sa ginawa ko sa 'yo. Alam kong"

Naputol ang sasabihin nito nang biglang ipinatong ng waiter ang lagayan ng resibo sa mesa.

Agad naman siyang nag-iwan ng dalawang libong piso roon bago nagpasalamat sa waiter.

"Hindi mo na kailangang mag-explain, Pierre. Okay na ako. Matagal na rin naman 'yon. May asawa na ako't magkaka-baby na nga kami, oh?" pagturo niya sa kaniyang tiyan.

Uminom din muna siya ng tubig bago tumayo pero natigilan siya no'ng sinabi ng lalaking nagkasakit ito noon kaya pumunta ito sa Singapore para magpagamot dahil mas okay ang health system doon.

Muli siyang napaupo para makinig sa susunod pa nitong sasabihin.

"I'm sorry for not telling you. Sorry hindi ako naging honest sa 'yo noon. Sorry hindi kita kinontak dati. Sorry kung ngayon lang ako bumalik. I thought you're going to wait for me. Hindi ko ine-expect na mag-aasawa ka rin agad."

Napabuntong-hininga ito.

"Tayo dapat 'yon. Ako dapat daddy niyan." Itinuro nito ang kaniyang tiyan. "Pero mali ang ginawa ko, nakipaghiwalay ako instead of telling you the truth."

Mapait itong ngumiti sa kaniya na para bang punong-puno ito ng pagsisisi.

"Hindi ko alam lahat 'yon. Kung sinabi mo sa akin noon, baka naintindihan ko pa. Baka hinintay pa kita. Baka naging maayos pa rin tayo," sabi niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

"The fact na pinili mong iwan ako, ibig sabihin hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Akala mo ba iiwan kita dahil lang may sakit ka? No. Hindi ako ganoong kababaw. Baka nga mas kumapit pa ako kasi alam kong kailangan mo ako n'on. Pero ano'ng ginawa mo? Kahit isang message, kahit isa lang para may assurance man lang ako mula sa 'yo pero wala, 'di ba? Tapos ngayon? Ngayon ka lang magpapaliwanag at magpaparamdam kung kailang may asawa't buntis na ako?"

Tumingin ito nang diretso sa kaniya.

"Are you happy with him?" pagbabalewala nito sa mahaba niyang sinabi.

Umiwas siya sa ginawang pagtitig nito sa kaniya't minabuti niyang tumingin na lamang sa labas.

Nanliit ang mga mata niya para tingnan nang mabuti ang nakaparadang itim na BMW sa 'di kalayuan. Naalala niya bigla ang asawa dahil ganoon ang pinapangarap nitong kotse.

Sunod niyang tiningnan ang nasa driver's seat at hindi siya makapaniwala sa nakita. Naghalo ang kaba, takot at konsensya sa buong sistema niya.

Umilaw ang headlight no'n ng mga tatlong beses, senyales na nakita siya ng driver.

At hindi nga siya nagkamali dahil si Devin ang nasa driver's seat. Alam na alam niya dahil kabisado na niya ang hulma no'n kahit sa malayo pa lang.

Napalingon siya kay Pierre na parang naghihintay sa kaniyang isasagot.

Gusto niya sanang tumakbo para puntahan ang asawang nasa parking lot ngayon pero kapag ginawa niya 'yon ay magmumukha siyang guilty kahit wala naman siyang ginagawang masama.

Napalunok siya dahil hindi niya alam kung mali ba ang hinayaan niyang kausapin siya ng dati niyang nobyo o mas mali ang hindi pag-u-update sa asawa niya tungkol doon.

Mas lalo pa siyang nataranta dahil nakita siya mismo nito na nasa loob ng café na may kasamang ibang lalaki, at si Pierre pa.

"Are you okay? Bakit parang kinakabahan ka?" malumanay na tanong ni Pierre sa kaniya.

"Kailangan ko nang umalis. Hinihintay na ako ng asawa ko."

Tumayo siya agad at naglakad nang mabilis para hindi na rin magkaroon ng tsansa para habulin siya nito. Sakto namang naglalakad na rin sina William at ang babaeng kasama palabas ng café.

Shit, mura niya sa isipan. Makasasalubong pa niya ang mga 'to.

"Uy, Au. Kausap ko kanina si Devin. Sabi ko kasi kanina nandito ka kasama 'yong kaibigan mo." Tumingin pa ito sa puwinestuhan nila kanina. "Sino 'yong lalaki? Kasama n'yo rin ba?"

Ngiti na lang ang tangi niyang nasagot sa mga katanungan nito bago siya nagsalita.

"Sinusundo na nga yata ako. Nandoon na sa parking." Tinuro pa niya ang BMW sa labas.

"Tangina? Naka-BMW na pala 'yon?"

Tumawa naman ang babaeng kasama nito.

Nginitian na lang din niya iyon. Hindi naman kasi iyon ipinakilala ni William kaya mabilisan siyang nagpaalam sa dalawa, pero sumunod naman ang mga 'to sa kaniya kaya mas lalo siyang kinabahan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang bumaba si Devin sa kotse pero kumalma naman siya nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay.

Nakipag-fist bump din naman ito kay William at tinanguan ang kasama nitong babae.

"Pauwi na rin kayo?" tanong ng mister niya rito.

"May dadaanan pa kami," nakangising sagot ng katropa. "Sige, sige, alis na kami. Humayo kami't magpapakarami! Ingat!"

Tinuro pa ni William ang BMW bago nag-thumbs up kay Devin.

Hinintay muna nilang makaalis ang dalawa bago sila pumasok sa loob ng kotse. Narinig pa niya ang malakas na pagbagsak ng pinto pero agad itong humingi ng sorry na parang sinasabing hindi 'yon sinasadya.

"Kanina ka pa?" mahinahon niyang tanong sa asawa.

Tumango lang ito sa kaniya bago yumuko papalapit sa puwesto niya para abutin ang seat belt at isinuot nang maayos sa kaniya.

"Dev, si Phoebe kasama ko kanina pero—"

"Au, okay lang," simpleng tugon nito.

Tumingin pa ito sa kaniya't ngumiti pero alam niyang hindi ganoon ang tunay nitong ngiti. Alam niyang hindi okay. Alam niyang may gusto itong itanong at sabihin sa kaniya.

"Galit ka ba sa akin?"

Nag-aabang siya ng sagot mula rito pero bigla nitong tinapik ang manibela ng dalawang beses.

"Pogi, 'no? Secondhand lang ito pero wasari pa." Bakas ang sigla sa boses nito pero alam niyang umiiwas lang ito sa usapan. "Hindi na maiinitan ang reyna at prinsipe ko rito. Eksekyutib na eksekyutib pa datingan natin dito."

"Dev," paghimas niya sa braso nito. Lumingon naman sa kaniya ang asawa. "Sasabihin ko naman sa 'yong kinausap ako ni Pierre pero hindi kasi ako nagkaroon ng chance kanina—"

"Pagod ako. Ang lagkit ko pa dahil sa sobrang init sa talyer tapos nabalitaan ko nga kay William na nandiyan ka sa café kaya pumunta ako para makita ka saglit. Alam kong kasama mo si Phoebe kanina. Alam ko ring hindi mo gustong makita 'yong ex mo riyan pero sana tinawagan mo ako para napuntahan kita agad kung hindi ka komportable roon," sabi nito bago napahilamos sa mukha.

"Mommy, ang sama ng mood ko ngayon. Puwede bang mamaya na natin 'to pag-usapan?Ihahatid muna kita sa apartment."

Continue Reading

You'll Also Like

727K 26.6K 35
Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tearing down those walls for anyone again. S...
35.8K 1.5K 19
Ganoon na lamang ang galit ni Jill sa ex-boyfriend niyang si Jack dahil after their so-called "cool off," bigla na lamang niyang nalaman na may bago...
144K 4.8K 43
[ TO BE PUBLISHED ] He painted her soul with the colors of the rainbow, and she cherished his heart with her painted soul. Muriel desires the true m...