Pagsinta (Unang Tamis)

By isipatsalita

266K 16.6K 8.5K

Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita. More

TEASER
TAMIS 1
TAMIS 2
TAMIS 3
TAMIS 4
TAMIS 5
TAMIS 6
TAMIS 7
TAMIS 8
TAMIS 9
TAMIS 10
TAMIS 11
TAMIS 12
TAMIS 13
TAMIS 14
TAMIS 15
TAMIS 16
TAMIS 17
TAMIS 18
TAMIS 20
TAMIS 21
TAMIS 22
TAMIS 23
TAMIS 24
TAMIS 25
TAMIS 26
TAMIS 27
TAMIS 28
TAMIS 29
TAMIS 30
TAMIS 31
TAMIS 32
TAMIS 33
TAMIS 34
TAMIS 35
Mensahe para sa inyo
Special Mamon
Reference Image
Huling Sirit
Devin Francisco 1
Devin Francisco 2
Devin Francisco 3
Devin Francisco 4
Devin Francisco 5
Devin Francisco 6
Devin Francisco 7
Devin Francisco 8
Devin Francisco 9
Devin Francisco 10
Devin Francisco 11
Devin Francisco 12
Theme Song
Reprint? Yay or nyay?

TAMIS 19

5K 350 224
By isipatsalita

Kung puwede lang manapak si Devin dahil sa inis at panghihinayang ay kanina pa niya ginawa. Kung kailan namang seryoso siya at nagkakaroon na ng moment kasama ang asawa ay saka naman talaga saktong tumawag ang customer niyang naroon sa talyer at hinihintay ang kaniyang pagdating.

Sa lahat naman talaga ng oras!

Wala naman siyang nagawa kung 'di magmadaling umalis at iwan muna si Aurea sa kaniyang apartment pero plano din naman niyang umuwi agad.

Naisip nga niyang dumaan muna sa isang flower shop para bumili ng isang bouquet ng bulaklak pero kinilabutan siya sa ideya kung kaya't napadpad siya sa isang sikat na café malapit sa talyer para bumili ng strawberry shortcake.

Mahilig kasi ang kaniyang misis sa strawberries kaya 'yon ang napagdesisyunan niyang bilhin.

Hindi man nito aminin sa kaniya'y halata niya ang pagkadismaya sa reaksyon nito bago siya hinatid palabas ng apartment kanina.

Kung siya nga ay nabadtrip, malamang ganoon din si Aurea.

Magbabayad na sana siya nang biglang may umakbay sa kaniya at nagpadagdag pa ito ng order kaya nabuhay na naman ang inis sa kaniyang sistema.

"'langya, bakit nandito ka?" tanong niya bago nag-abot ng one thousand peso bill sa kahera.

Kung kailang nagmamadali siya ay saka pa dumarating ang mga taong kakilala niya.

Hindi rin naman niya inaasahang makikita niya roon ang katropang si William Angeles.

"Si Ice kasi nagpabili ng frappe," sagot nito. Sumipol pa habang nakatitig ito sa kaherang hindi naman kagandahan.

Maganda pa si buntis, pagmamayabang niya sa isipan.

"Sino naman 'yong Ice?" Napaisip siya kung may kakilala rin siyang Ice ngunit wala talagang mapiga ang utak niya. "Panibago mo na naman?"

Sa kanilang tatlo nina Yuan, ito ang pinakamatulis na nilalang. Kahit pa tumitikim-tikim siya noon ay hindi naman lantaran at mas lalong hindi linggo-linggo 'yon.

Hindi na siya magtataka kung magkaroon ng tulo ang kaibigan balang araw.

Ngumisi ito bago tumango.

"Peyborit ko ngayon." Napailing na lamang siya sa isinagot nito. "Ikaw? May pa-cake ka ngayon, ah? May kasalanan ka kay Au?"

"Tanga, wala, pero kailangang bumawi," nayayamot niyang salita.

Naalala na naman kasi niya ang pagkapurnada ng kanilang painit na sanang sandali. Hindi pa nga nagsisimula, natapos na kaagad.

"Uuwi na ako, hintayin mo na lang 'yong frappe mo para sa yelo mo. Manigas ka sana," sabi na lang niya.

"Tigas na tigas, p're," lokong sagot nito.

Nagpasalamat naman ito sa kaniya at nakipagkamay pa bago siya lumabas ng café.

Hindi na niya namalayang ang bilis na nang pagpapatakbo niya sa kaniyang oto dahil sa pagmamadaling makauwi.

Normal naman sa kaniya ang mabilis magmaneho lalo na kung maluwag ang daan pero ngayo'y iba ang dahilan nito.

Iba na talaga kapag may naghihintay sa kaniya sa bahay.

'yong dating tahimik at payapang unit ay nagkaroon ngayon ng buhay at sigla dahil kay Aurea.

Dumodoble man ang kaniyang pagod sa bawat araw ay hindi na niya masyadong iniinda dahil sulit naman ang pagpapagod niya para rito.

Bumusina siya nang mahaba na may iba't ibang tono pa dahil 'yon ang hudyat ng kaniyang pagdating sa JQ Building.

Nasanay na rin siya na sa tuwing ginagawa niya 'yon ay awtomatikong bumababa ang misis para salubungin siya o 'di kaya nama'y sumisilip mula sa balcony ng ika-tatlong palapag.

Ipinarada niya muna nang maayos ang kotse bago naghintay ng ilang minuto. At sakto namang nakita niyang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan niya ang babaeng nakasuot ngayon ng Hello Kitty na bestida.

Napangisi siya nang kumatok ito sa kaniyang bintana at idinikit pa nito halos ang mukha roon.

Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita ang pink box na nasa passenger seat kaya kinuha niya agad 'yon bago bumaba ng kotse.

Agad naman siyang niyakap ng asawa at may kasama pang halik sa magkabila niyang pisngi.

"Thank you sa cake! Kanina ko pa nga gustong kumain ng something sweet. Thank you!"

Para 'tong batang tuwang-tuwa sa pasalubong ng magulang habang tinitingnan ang nasa loob ng kahon.

"Kanina pa kita hinihintay. Hindi ka kasi nagtetext o tumatawag kaya hindi ko alam kung nasaan ka na."

Napangiti siya. Inakbayan niya pa ito habang sabay silang naglalakad paakyat sa building.

"Miss mo agad ako?" ngising tanong niya rito.

Hindi na niya kasi nagawang mag-update dito dahil sa pagmamadali kanina.

"Hindi kaya!" pagtanggi nito sa kaniya. "Nag-alala lang ako nang very very light kasi baka mahimatay ka na naman at mapaano ka sa labas."

Napasulyap siya sa itsura ng katabi at kita niya kung paano ngumuso ito habang nakatingin sa hagdang inaakyatan nila.

"Ayos lang naman ako. Kaya pa nga kitang paungulin mam—aray! Huwag mo akong sikuhin, parang nangangasim tiyan ko ngayon."

"Baka gutom lang 'yan? Huwag ka kasing magpapalipas ng gutom lalo na kapag nasa labas ka. Kumain ka kahit pakaunti-kaunti. Dapat mayro'n kang biscuits man lang doon sa talyer or maglagay ka roon sa kotse mo. 'di bale, pagbabaunan kita ng pagkain starting tomorrow para hindi mo makalimutan."

Napangiti siya bilang tugon sa mga sinabi nito.

Aminado siyang isa ito sa mga dahilan kung bakit panatag na ang kaniyang loob kay Aurea. Alam niyang may naitatago itong kabutihan kahit madalas ay parang pagalit itong magsalita.

Sa maikling panahong magkasama sila'y unti-unti na rin itong lumalambot sa kaniya.

Pero siya naman ang patuloy na naninigas, biro niya sa isipan.

Nagpalit muna siya ng pambahay dahil gusto muna niyang magpahinga bago maligo ulit. Si Aurea naman ay abala sa kusina sa pagluluto ng kanilang hapunan.

Bilin kasi nito sa kaniyang huwag nang bumili palagi sa labas ng pagkain dahil magagalit daw si Mrs. Velasco kapag nabalitaan 'yon.

Pabor naman sa kaniya dahil mas gusto niya ang lutong bahay kaysa lutong karinderya o restaurant.

"Ay, nag-chat pala si Tita Lallie sa akin kanina. Doon tayo pinakakain sa Saturday sa bahay niya," pagkukuwento ni Aurea.

Naglakad siya papunta sa dining table at pumuwesto ulit sa madalas niyang inuupuan.

"May lakad ka ba no'n, Dev?"

"Check ko na lang schedule ko. Sasaglit na lang din ako sa talyer bago tayo pumunta roon. Bakit pala roon tayo pinakakain ni Mameh? Ano'ng mayroon?"

Imbis na sa mga mata ng misis ay napako ang tingin niya sa umbok ng tiyan nito. Bigla na lamang pumasok sa kaniyang isipan ang ideya na baka mahirapan ang misis niya kapag sila ay

Chill, Devin, saway niya sa sarili.

"Hindi pa raw kasi tayo nakabibisita roon nang magkasama. Gusto ka rin sigurong makita ulit."

Napatango lang siya. Puwede naman siyang mag-half day muna sa talyer tutal tapos na rin naman ang iba nilang mga proyekto roon.

"Huy? Bakit parang ang lalim n'yang iniisip mo?" pagpukaw nito sa kaniyang atensyon.

Nangunot ang noo niya. Hindi naman sa malalim ang kaniyang iniisip pero naghuhuramentado na siguro ang kaniyang tiyan dahil sa gutom kaya natutulala na siya.

"Tagal kasi ng adobo mo, misis. Marami 'yang toyo, ano? Taktak mo lang ulo mo, kumpletos rekados na 'yang ulam natin," nakangisi niyang sagot.

Tinaasan siya nito ng kilay bago inirapan.

"Weekly na nga yata akong nagluluto nito. Hindi ka pa ba nauumay?"

Pansin nga niyang paborito nitong iluto ang adobo. Para bang hindi makukumpleto ang linggo na wala 'yon sa menu nila.

Iyon daw kasi ang matagal masira o hindi mabilis mapanis na ulam. Puwede pang ulitin kinabukasan kapag tinamad na silang magluto.

Ngumiti siya, "Basta ikaw ang nagluto, hinding-hindi ko pagsasawaan."

Nagsasabi lamang siya nang totoo. Masarap ang adobong manok at baboy ng asawa, lalo na kapag may patatas at itlog 'yon.

Hindi naman siya mapili sa pagkain. Kahit nga itlog lang sila araw-araw ay hindi siya magrereklamo.

Mabuti nga't may kinakain sila kaysa sa ibang pahirapan makakain ng isang beses man lang sa isang araw.

Sumilay ang ngiti sa labi ng babae, "May reward ka sa akin mamaya pagkakain natin ng dinner."

Siya naman ang parang siraulong nakangiti nang marinig 'yon. Kung ano-anong pumasok sa imahinasyon niya dahil doon.

"Masarap ba 'yan?" pagtukoy niya sa reward.

"Masarap at nakatatanggal ng pagod."

Tumawa pa ito na mas lalong ikinagigil niya. Iba kasi ang tunog ng tawa ng misis niya ngayon. Parang nang-aasar na nang-aakit.

Tila panandalian niyang nakalimutan ang gutom na nararamdaman.

"Devin kasi! Hindi kasi bastos 'yon!" pag-agap pa nito na para bang alam kung ano'ng iniisip niya.

"Wala naman akong sinasabi, ah? Bakit ang defensive mo?"

Naaliw tuloy siya sa itsura ni Aurea ngayon. Ang cute kasi nito kapag nahihiya at naiilang sa kaniya.

Kanina'y hindi niya ito inaasahang magtatanong kung ayos lang ba ang makipagsiping kahit buntis ito.

At tinanong pa talaga siya kung bakit hindi niya ginagawa 'yon sa ibang babae.

Hindi naman kailangang college graduate para malaman ang sagot doon.

Simpleng 1 + 1 lang naman 'yon, katuwiran niya.

Pero kung gusto nito nang seryosong sagot, simple lang naman ang kaniyang sasabihin.

Mahalaga si Aurea para sa kaniya at wala siyang pakialam sa ibang babae.

Gusto niya sanang isipin ang batang nasa sinapupunan nito ang dahilan kung bakit pinahahalagahan niya ang asawa.

Sa katunaya'y pinakamadaling idahilan 'yon pero hindi niya rin kasi maitatanggi sa sariling may iba pang mas malalim na rason.

Kung ano man 'yon ay sa kaniya na lamang 'yon.

Pinagmasdan niya ito kung paano maghanda at mag-asikaso sa kusina. Nagpresinta siyang tumulong kahit man lang sa paghahain sa mesa pero pinigilan siya nito.

Siya naman daw kasi ang nagtatrabaho nang maige para sa kanila kaya hayaan na lang daw niyang mapagsilbihan siya nito.

Hindi naman siya humihingi ng kapalit o serbisyo. Ikatutuwa niya 'yon kung magkukusa ang babae pero simula't sapol ay hindi niya ito inobligang kumilos para asikasuhin siya.

Hindi naman siya nag-asawa para gawing katulong 'yon.

"Tikman mo na, dali," masiglang sabi nito sa kaniya.

Para bang pers taym itong nagluto ng adobo. Gusto lang naman siguro nitong makarinig ng pambobola mula sa kaniya.

Sumandok siya ng ulam at inihalo iyon sa kanin. Sumubo pa siya nang pagkalaki-laki. Umungol pa nang may kasamang pagpikit para mas convincing.

"Shet, puwedeng-puwede ka na talagang mag-asawa, Auring!"

Pareho silang natawa sa banat niya.

"Walang kupas mga luto mo," paglalambing naman niya rito. Pinatong pa niya ang kaniyang palad sa kamay nito.

Bigla itong tumitig sa kaniya, "Araw-araw kitang ipagluluto nang masasarap. Kahit paulit-ulit na 'yong ibang ulam, ang importante kasabay kitang kumain."

Kung puwede lang mapasigaw ng "Yown!" ay gagawin niya talaga pero wala siyang ibang inisip ngayon kung 'di hagkan ang misis.

Puwede bang makuha na ang reward niya ora mismo?

"Suwerte naman namin ni baby sa 'yo," nakangiting sabi niya bago sumandok ng pagkain mula sa pinggan at itinapat 'yon sa bibig ng asawa.

"Isubo mo, Mommy," makahulugang banat niya pero natawa na lang ito bago tuluyang kinain ang laman ng kutsara.

Hindi niya lubos akalaing masarap pala ang magkaroon ng sariling pamilya.

Alam niyang kaakibat no'n ang hirap, sakit at pagod pero handa niyang harapin ang lahat ng 'yon basta kapiling ang kaniyang mag-ina.

Mas malinaw na sa kaniya ngayon kung ano ang papel niya sa mundo. Iyon ay ang maging mabuting asawa kay Aurea at ama sa kanilang anak.

Hindi man ideal para sa iba ang kanilang relasyon at sitwasyon, sisiguraduhin naman niya ang pagiging tapat at totoo kay Aurea.

Hindi naman niya kailangang magpanggap at magpakitang gilas dito para lang manatili ito sa kaniyang tabi.

Hindi niya kailangang makipagkumpitensya sa ex-boyfriend nito o sa kahit kanino man para lang makuha niya nang buong-buo ang asawa.

MAGKATULONG silang nagligpit at naglinis sa kusina pagkatapos nilang kumain. Hinayaan din muna niyang gumawa ng ilang kabanata sa istoryang isinusulat ng misis sa Wattpad habang siya ay may ginagawa ring artwork.

Ganito naman madalas ang sistema nila sa araw-araw. Binibigyan nila ang bawat isa ng pahinga at alone time para makapagpokus sa mga kailangan nilang gawin. Pagkatapos no'n, sila naman.

Katulad ngayon.

Marahang hinahaplos ng asawa ang kaniyang kaliwang braso habang nakahiga silang nanonood ng pelikula sa Netflix.

Nararamdaman niya rin ang pasimpleng pagkuskos ng paa nito sa kaniyang paa sa ilalim ng kumot.

Walang sabi-sabi niya itong hinapit padikit sa kaniyang katawan habang nakatutok ang kaniyang mga mata sa telebisyon. Kusa rin siyang napapikit nang bigla nitong himasin ang kaniyang puson.

"Dev?" pagtawag pa nito sa kaniyang pangalan.

Tanging hmm lang ang naisagot niya rito.

Hinayaan lang niya ang paghaplos nito sa kaniya. Ito na siguro ang sinasabi nitong reward kanina.

Kung ganito ba naman gabi-gabi ay baka malagutan siya ng hininga sa kapipigil sa pagnanasang matagal na niyang iniipon.

Impit ang kaniyang pag-ungol nang bigla itong umayos ng puwesto, lumuhod at umibabaw sa kaniya. Yumuko pa ito nang kaunti para abutin ang kaniyang mga labi.

Isang dampi lang ginawa nito pero parang may kung anong sumilakbo sa loob niya.

Sunod niyang naramdaman ang paghalik nito sa kaniyang pisngi, pababa sa leeg, paangat nang kaunti hanggang sa marating ang kaniyang tainga.

"Daddy, miss kita," malambing nitong bulong.

Halos maulol siya sa narinig kaya inayos niya ang pagkakaupo bago inalalayan pahiga ang misis at saka siya pumuwesto sa ibabaw nito.

Marahang paghaplos ang ginawa niya sa makikinis at mapuputing hita nito bago inangat ang laylayan ng bestidang suot hanggang sa lumantad sa kaniyang harapan ang pagkababae nito.

"Shit, wala kang panty kanina pa?" mamaos-maos niyang tanong, hindi makapaniwala sa nakita.

Ilang segundo silang nagkatitigan bago sumilay ang ngiti sa labi nito.

"Gusto ko kasing alisin ang pagod mo," sagot nito kaya napakagat labi siya bago napangiti nang todo. "Basta gentle ka lang, ha? Baka mahilo si baby sa loob."

Hindi pala bastos ang reward ng misis niya, ha?

"Tangina," mura niya bago isinubsob ang mukha sa leeg nito, "love you."

Mahina man ay sapat na siguro para marinig iyon ng kaniyang asawa.

Hindi na niya kailangang ulitin pa dahil hindi na kagulat-gulat ang bagay na 'yon. Hindi na kailangan nang mahabang litanya, gusto na lamang niya itong daanin sa matinding perpormans.

Continue Reading

You'll Also Like

51.7K 1.3K 37
How long could you endure the pain for someone you love? A painful past once led her to question herself. Is she worthy to live? Or to fight for her...
1.4M 43.9K 44
Rich and rebellious, Euphemia Villasenor only wishes for her father's attention and love. But when things get out of hand and she's finally pushed to...
24.5K 1.7K 42
Dalawang milyong barya ang kailangan niyang ipunin para mabawi ang nakasanglang lupain ng kanyang mga ninuno. Magtatagumpay ba siya kung ang bawat...
1.6M 30.4K 15
"You are mine with or without my mark, the moment my heart beats for you I already know that you're my ever after." Everyone thought that Allyxadrei...