BABY ON BOARD

By the_innocent

658K 8.7K 2.1K

Isang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Ar... More

PROLOGUE
CHAPTER I the past
CHAPTER III PARA KAY ANDREW
CHAPTER IV PARA KAY KIM
CHAPTER V REALITY
CHAPTER VI The Plan
Chapter VII Andrew's girl?
CHAPTER VIII Bantay Sarado
CHAPTER IX DEBUT
CHAPTER X tuwing umuulan at kapiling ka...
CHAPTER XI I'm Back!
Chapter XII date with him
CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER XIV FIGHT
CHAPTER XV NAG IBA KA NA
CHAPTER XVI DATE AGAIN
CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK
CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY
chapter xix i love you
CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO
CHAPTER XXI I'M SORRY
CHAPTER XXII UMUWI KA NA PLEASE
CHAPTER XXIII The Proposal
CHAPTER XXIV The Wedding
CHAPTER XXV A DAY WITH HIM
CHAPTER XXVI REVELATIONS
CHAPTER XXVII NIGHTMARE
CHAPTER XXVIII I LOVE YOU HUBBY.. FOREVER
CHAPTER XXIX FAREWELL
EPILOGUE
Important Note

Chapter II PARA KAY JANSEN

32.8K 350 32
By the_innocent

Si Jansen --->>

Jansen's POV

Tumayo na agad ako ng marinig ko ang tunog ng alarm clock ko. Sa wakas monday na! Magkikita ulit kami ni kim.

Sa school na lang ako magbebreakfast. Tamang tama 8am free time ni sweety. 7-8am lang kasi yung 1st subject nya eh. Nag text muna ako sa kanya para sabihin na hihintayin ko sya sa canteen ng school para naman sabay na kaming mag breakfast. Madalas din kasi na sabay kaming mag almusal ni Kim.

Mabilis naman akong nakarating ng school dahil umaga pa lang naman at walang traffic. Pagdating ko sa school ay dumiretso na agad ako sa canteen. Wala pa ngang gaanong tao, kaya masarap talaga sa canteen kapag umaga kasi hindi gaanong matao at mas tahimik.

Pinili ko yung table sa sulok. Para mas malaya kaming makapagkwentuhan at makapaglambingan ng girlfriend ko.

Mga ilang minuto lang ay nakita ko na ang paparating na si Kim. Pero habang papalapit pa lamang sya sa akin ay may napansin na akong kakaiba sa kanya. Dati kasi kapag nakita na nya ako ay agad na syang ngingiti at tatakbo papalapit sa akin. Pero ngayon, hindi.. Napakaseryoso ng mukha nya at mukhang may problema syang dinadala.

Nang makalapit sya sa akin ay agad syang umupo sa tabi ko.

"hello sweety" kiniss ko sya sa pisngi.

Ngumiti naman sya, pero mahahalata mo na pilit lang yung pag ngiti nya. Ano kayang nangyari? Sana pala humabol ako sa debut ng kaibigan nya. Baka kasi may nangyaring hindi magandan kaya Nagkakaganyan sya ngayon.

"ok ka lang sweety?" hinawakan ko yung kamay ni Kim.

Napapitlag sya ng hawakan ko sya sa kamay.

"h-ha? Oo okay lang ako tara bili na tayo ng food" bigla syang umiwas ng tingin.

May mali talaga eh. Alam ko na may gumugulo sa isip nya kaya parang tuliro sya ngayon. Siguro mamaya ko na lang sya tatanungin kapag tapos na kaming kumain.

"ahm, sweety dito ka lang ha. Ako na lang bibili ng food natin ok?"

Tapos umalis na ako. At bumili na ng pagkain namin., Sa totoo lang medyo kinakabahan na ako sa mga ikinikilos ni Kim. Kapag may problema naman kasi sya ay nag sasabi sya agad sa akin. Pero.. Ngayon iba. Parang mas gugustuhin na lang nya na ilihim sa akin ang lahat.

Pabalik na ako ng table namin. Bale yung likod nya lang ang nakikita ko. Pero kahit nakatalikod sya feeling ko talaga may mali eh. Parang may problema sya at yun ang dapat kong alamin. Kahit ano pa yang problema nya. Handa akong tulungan sya. Mahal na mahal ko talaga si kim.

"sweety eto na oh." pag kasabi ko noon ay parang nagulat pa sya o guni guni ko lang? Ewan hindi ko rin maintindihan. Pati tuloy ako ay napapraning na rin sa kaiisip.

Nagkatinginan kami. Tama nga ako, nagulat sya. Pero mabilis na iniwas nya yung tingin nya sakin.

Hinawakan ko yung kamay nya.... Mahigpit na hawak. Gusto kong iparating sa kanya na nasa tabi nya lang ako.

"sweety, ok ka lang ba mukhang maputla ka ah?" mahina kong tanong.

Damang dama ko talaga na may problema sya di lang nag sasabi. Di sya sumagot. Dahil bigla syang tumakbo. Honestly, naguguluhan na ako sa ikinikilos nya.

Sinundan ko kung san sya nag punta. Sa CR lang pala. Pero mula sa labas. Alam ko na sumusuka sya. Gusto ko sanang hagurin yung likod nya para naman gumaan pakiramdam nya, pero syempre hindi pwede! Nasa girls cr kaya sya. Syempre hindi naman ako pwedeng pumasok doon ng ganun ganun na lang.

Wala akong ibang dapat gawin kundi ang mag hintay. Hindi kaya napaparanoid lang ako? Baka naman kasi may sakit lang sya kaya sya nag kakaganyan. Minsan talaga Oa rin ako eh baka naman kasi puyat lang sya at sumama ang pakiramdam. Sana nga, yun lang ang dahilan kung bakit may kakaibang ikinikilos si Kim.

Nag hintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa marinig ko ang pag hikbi nya. Hindina maganda ito, alam ko na umiiyak sya sa loob. Pero ano naman kaya ang dahilan at bakit sya umiiyak? Hindi ko malalaman ang dahilan kung hindi ko sya papasukin sa loob.

Bahala na.

Pumasok ako sa loob ng cr at nakita ko syang nakaupo sa sahig. May hawak syang kulay puti di ko gaanong nakita kasi bigal nyang tinago.

"sweety, bakit? " tanong ko sa kanya, tama ako. Umiiyak nga sya.

Hindi sya sumagot. Instead, umiyak sya ng umiyak habang nakayakap sakin. Sobrang higpit ng yakap nya. Basang basa na nga yung polo ko ng luha at sipon nya eh. Pero okay lang.

"sorry jansen, sorry.. " nag sorry sakin si kim. Pero bakit? Naguguluhan na talaga ako.

"sweety, di kita maintindihan? Para san yang sorry mo?" hinawakan ko yung mukha nya, at tinitigan ko sya.Grabe, pulang pula na yung mata nya sa kaiiyak.

"sorry Jansen. Di ko to ginusto, di ko to sinadya. Sorry.. Sorry.. Sorry."

Medyo naiinis na ako ha, hindi ko kasi alam kung bakit sya nag sosorry. Malamang na may ginawa syang mali pero hindi ko alam kung ano man yun.

"look kim, kung sorry ka lang ng sorry, eh wala akong maiintindihan. Sabihin mo sakin ang dahilan pls. Ano bang problema? Wag kang mag-alala I'm here for you." nakaramdam na rin ako ng awa sa kanya dahil mukhang wasted na talaga yung mukha nya. At sa kilos nya ay mukhang malaki nga ang nagawa nyang pagkakamali.

"jansen, ngayon palang nag sosorry na ako. Di ko to ginusto. Ikaw lang ang mahal ko. Jansen....." iyak pa rin sya ng iyak

Tapos pinakita nya sakin yung pregnancy test. Dalawang guhit ang nakalagay doon, isa lang ang ibig sabihin noon na buntis ang girlfriend ko.

Nanlaki yung mata ko s nakita ko, malaking problema nga ito! Karapat dapat ngang iyakan ang sitwasyon na ito.Nabuntis ko sya?!!!!! Pero kelan? Saan?

I mean, saan at kailan namin ginawa? Wala talaga akong matandaan. Hala, Ano ba? Ang alam ko talaga wala naman kaming ginawa.

Tinitigan ko si kim.

"I'm Pregnant, sorry Jansen pero break na tayo."

Tapos tsaka tumakbo palayo si kim.

Break? Bakit? Eh nabuntis ko nga sya di ba? Nabuntis ko nga ba? Aah. Ewan!syempre ako ama nun ako lang naman Boyfriend nya eh!

Sinubukan ko syang habulin pero di ko na sya inabutan. Di na nga rin ako pumasok sa buong klase ko eh. Di ako maka move on kasi sa sinabi ni kim.

Buntis sya . At ako ang ama?!

Siguradong malaki ang magiging epekto nito sa buhay at kinabukasan namin ni Kim. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano na 'to? Sigurado ako na isusumpa ako ng pamilya ni Kim kapag nagkataon. Hindi lang yun eh, sigurado ako na sobrang magagalit sa akin ang pamilya ko.. Pinagkatiwalaan nila ako pero ito sinayang ko lang.

Pero sa isang banda,masaya pa rin ako ng malaman ko na mag kakaanak na kami ni Kim.

Bakit?

Kasi kami ang nagkatuluyan.

Magkakaroon na kami ng family

Masaya ako na si kim ang makakasama ko Habang buhay. Alam ko na hindi magiging madali para sa amin ito pero sigurado ako na malalampasan din namin ang problema na 'to.

Haharapin naming dalawa to.

Pero paano? Eh yung nabuntis ko tumakas na.

Teka, parang baliktad yata. Yung nabuntis pa yung tumakas imbis na yung nakabuntis.? Sira talaga yan si kim.

Hahanapin ko sya. Kahit nasan pa sya.

Umuwi muna ako sa amin at nag ipon ng lakas ng loob. Pupunta ako sa bahay nila kim at handa akong humarap sa pamilya nya, papanagutan ko ang anak namin. Papanagutan ko silang dalawa. Hindi ako magpapaka duwag. Gagawin ko ang makakaya ko para humarap sa mga magulang ni Kim.

Pagkatapos 'kong mag ipon ng lakas ng loob ay pumunta na ako sa bahay nila Kim. Aaminin ko sobrang kinakabahan ako, alam ko kasi na magagalit sa akin yung Mama at Ate nya. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na si Kim ang umako ng lahat ng responsibilidad, kailangan na tulungan ko syang mag tapat sa mga magulang nya.

Pikit mata akong nag doorbell. Maya maya lang ay bumukas na ang gate ng bahay. Sumalubong sa akin yung kasambahay nila Kim parang nag tataka pa nga sya ng makita nya ako eh. Pero binalewala ko na lang yun at ngumiti na lang ako sa kanya.

"goodevening ate, si kim po?" Ayan, eto na talaga sigurado ako na papapasukin na ako sa loob ng bahay. Hindi ako dapat na kabahan.

"ay sir. Pumunta po sila dun sa nakabuntis kay maam kim. Kay andrew? Oo! Tama! Andrew yung pangalan nun. Narinig ko kanina sa usapan nila ex boyfriend daw ni maam kim yun eh. Bat ganun sir? Di ba ikaw ang bf ni maam kim? Pero iba ang nakabuntis? Sayang sir. Ang tagal nyo na ni maam. Ngayon pa kayo nagkahiwalay." kung di lang babae to. Sasapakin ko tong maid na to!

Sumakay ako sa kotse ko. At tsaka ko pinaandar. Di ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko sa sobrang malayo. Malayo sa lahat.

"bakit kim? Bakit si Andrew? Bakit si Andrew Barredo pa?! Bakit yung ex mo pa?! Bakit mo ko ginanito?! Anong ginawa ko sayo?!!!!!!!!!!"

Pinaghahampas ko yung manibela ng kotse ko.Sobrang sakit lang talaga ng nararamdaman ko ngayon.

Di ko na namalayan...... Tumutulo na pala ang luha ko. Di ko na mapigilan. Ang bilis ng pag patak.

"putek! Ayokong umiyak!"

Galit ako! Galit ako sa lahat! Bakit ganito ang nangyari? At paanong si Andrew ang nakabuntis kay Kim?!

Mas lalo kong binlisan ang pagmamaneho. Mabilis na mabilis..

Hanggang sa... Nawalan ako ng preno. Sakto nga naman oh. May kasalubong akong kotse.

Pinilit kong iligtas ang sarili ko. Pero..... Too late.

Naaksidente na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
124K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
4.9M 319K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...