Pagsinta (Unang Tamis)

By isipatsalita

266K 16.6K 8.5K

Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita. More

TEASER
TAMIS 1
TAMIS 2
TAMIS 3
TAMIS 4
TAMIS 5
TAMIS 6
TAMIS 7
TAMIS 8
TAMIS 9
TAMIS 10
TAMIS 11
TAMIS 12
TAMIS 13
TAMIS 14
TAMIS 15
TAMIS 16
TAMIS 18
TAMIS 19
TAMIS 20
TAMIS 21
TAMIS 22
TAMIS 23
TAMIS 24
TAMIS 25
TAMIS 26
TAMIS 27
TAMIS 28
TAMIS 29
TAMIS 30
TAMIS 31
TAMIS 32
TAMIS 33
TAMIS 34
TAMIS 35
Mensahe para sa inyo
Special Mamon
Reference Image
Huling Sirit
Devin Francisco 1
Devin Francisco 2
Devin Francisco 3
Devin Francisco 4
Devin Francisco 5
Devin Francisco 6
Devin Francisco 7
Devin Francisco 8
Devin Francisco 9
Devin Francisco 10
Devin Francisco 11
Devin Francisco 12
Theme Song
Reprint? Yay or nyay?

TAMIS 17

4.9K 363 192
By isipatsalita

"Ano 'yan, banderitas?" natatawang tanong ni Devin kay Aurea habang nakatingin sa mga isinasabit nitong bra't panty sa sampayan sa loob ng banyo. "Ah, tamang-tama, gagawin ko 'yang inspirasyon habang—aray! Teka biro lang naman!"

Kinurot niya kasi ito sa may gilid ng tiyan. Katatapos niya lang kasing maglaba ng kaniyang mga underwear kaso umuulan kaya hindi niya ito maisampay sa labas.

Tinulungan siyang magsipit ng mister habang nakangisi na para bang may iba itong naiisip sa mga panty niya.

"Ako na nga riyan. Umalis ka na't walang kasama sina Kuya Paslo roon sa shop," pagtataboy niya rito.

Alas diyes na kasi ng umaga pero nangungulit pa rin ito sa kaniya. Dahilan naman nito ay hindi naman malulugi ang talyer kung wala ito roon.

"Mas gustong ko ang magsampay nito kaysa pumasok doon," sagot nito bago kinuha ang itim niyang lace panty at iwinagayway pa 'yon kaya nagtalsikan ang tubig sa kaniyang mukha. "Hindi ito 'yong suot mo noong— shet! Masakit 'yon, Auring, ha!"

Napadiin kasi ang kaniyang kuko sa may bandang utong nito habang kinukurot niya sa sobrang kagigilan. Wala yatang araw ang lumipas na hindi ito nang-aalaska sa kaniya simula noong nagsama sila.

Sa unang linggo na pamamalagi niya roon ay naging magulo't kapagod-pagod para sa kanilang dalawa.

Marami kasing isinasalansan na mga gamit, damit, sapatos at ibang kagamitang pambahay kung kaya't wala sila masyadong panahon para sa mga kalokohan.

Si Devin naman ang halos kumikilos sa apartment dahil ayaw siya nitong mapagod nang sobra. Pero kapag napapansin na niyang nangungunot na ang noo nito at humihinga nang malalim ay tinutulungan na rin niya iyon.

Muntik pa nga silang mag-away noong isang beses dahil naibagsak nito ang isang kahong punong-puno ng mga pinakaiingatan niyang mga libro.

Nagsilabasan 'yon mula sa kahon at nagkaroon pa ng yupi ang ilang bahagi ng ibang libro kaya nasungitan niya ito.

Halata n'on sa mukha ng asawa ang pagkayamot ngunit iniwasan siguro nitong mapagtaasan siya ng boses kaya idinaan na lamang sa malokong pagdarasal.

"Ama namin, bigyan Mo po ako nang mas mahabang pasensya sa araw na 'to. Kaunti na lang ay malalamutak ko na po 'tong si Aurea."

Imbis na magkainisan lalo sila'y nagkatawanan na lang dahil sa patutsada nito.

Ngayong tatlong linggo na silang nagsasama ay masasabi naman niyang hindi ito disaster. At sa loob ng mga linggong 'yon, sa folding bed ito natutulog na katabi lang din ng kaniyang kamang hinihigaan.

Siya pa nga ang nag-alok ditong tabihan siya tutal malaki naman ang kama nito. Puwede naman kasing lagyan ng unan sa pagitan para hindi sila magkadikit pero tumanggi ito sa kaniyang ideya.

Torture daw 'yon para kay Devin. 'di baleng sa labas matulog kaysa magkasala raw ito sa kaniya.

Natuwa naman siya roon dahil ramdam niyang nirerespeto pa rin siya nito kahit madalas umaatake ang pagkapilyo.

Maraming beses na kasi siya nitong simpleng na-tsansingan. Kunwari'y napadidikit ang braso sa kaniyang dibdib o 'di kaya nama'y napahahaplos ang kamay sa kaniyang pang-upo tapos sasabihin pang, "Sorry, ang sikip kasi rito. Napadidikit tuloy ako sa 'yo."

Lagi kasi itong lumalapit sa kaniyang puwesto na para bang nananadya na ito.

Napalingon silang dalawa nang biglang tumunog nang malakas at nag-vibrate pa ang kaniyang cellphone na nakapatong sa may dining table.

Pinakuha niya 'yon kay Devin para tingnan kung sino ang tumatawag.

Baka si Mama, isip niya.

"Unregistered number, Au. Sagutin ko na ba? Sabihin ko na lang sa 'yo kung sino?" tanong nito kaya sumagot siya ng oo. "Hello, good morning. Sino sila?"

Sakto namang katatapos niya lang ma-isipit lahat ng kaniyang mga nilabhan kaya lumabas na rin siya para lapitan ang lalaki.

"Ano ang sasabihin mo sa kaniya?" seryosong tanong nito sa kausap.

Napansin niyang nakataas na ang isa nitong kilay habang nakapaywang ang isang kamay at ang isa pa'y nakahawak sa cellphone niya.

Akmang kukuhanin na niya 'yon mula sa lalaki nang bigla itong umatras at tumalikod.

"Sabihin mo na lang sa akin kung ano'ng gusto mong sabihin para ma-relay ko message mo sa asawa ko."

"Dev," magsasalita pa lamang siya nang bigla nitong muwinestra ang kamay na para bang sinasabing "Mamaya na".

"Bro, pasensya na, ha? Baka hindi ka rin kasi gustong makausap ni misis ngayon kasi nagpapahinga siya. Kung gusto mo, text mo na lang siya tutal unli ka naman yata," sagot nito sa iritadong boses.

Hindi naman siya tanga para hindi mahulaan kung sino ang kausap nito. Malamang ay si Pierre iyon gamit ang ibang numero.

Wala pang limang segundo nang bigla na lang nitong ibinaba ang tawag bago iabot ang cellphone sa kaniya.

"Pupunta muna ako sa talyer. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka," seryosong sabi nito.

Maglalakad na sana ito palayo pero bigla niyang hinawakan ang braso nito.

"Galit ka, Sir?"

Unti-unti naman itong ngumiti, "Sows, para 'yon lang galit na agad ako?"

Kalmado ang boses nito kaya hindi niya mawari kung ito ba ay nagsasabi nang totoo. Wala naman itong dapat ikagalit talaga pero bilang asawa, iniisip niyang baka hindi ito komportableng malamang tumawag ang ex-boyfriend niya.

Bakit nga ba kasi tatawag pa ang isang 'yon?

At ang nakagugulat pa'y alam pa rin nito ang numero niya.

"Saan ka magla-lunch?" tanong niya. Magluluto sana siya ng kanilang kakainin para mamayang tanghali hanggang gabi na. "Gusto mong tinolang manok?"

"Hindi pa naman ako gutom," simpleng tugon nito habang naglalakad-lakad na parang may hinahanap. "Nakita mo 'yong susi ng oto?"

Nangunot pa ang noo ni Devin kaya tumulong na siya sa paghahanap. Narinig pa niyang bumagsak ang ilang gamit kaya napalingon siya rito.

"Kung kailang paalis na saka pa talaga nagpapahanap 'yong pukang amang 'yon," iritado nitong sabi.

Gusto na niya sanang magsalita pero mukhang bad timing pa kaya sinabayan na lamang niya ito sa paghahanap. Halata naman kasing nagbago ang wisyo nito.

Kung sakaling malaman niyang kinokontak pa si Devin ng ibang babae ay maiirita rin siya.

Bakit nga naman kasi may mga taong nanggugulo pa sa buhay ng magkasintahan o mag-asawa?

Sakto namang nakita niya ang susi nitong nakasabit sa likuran ng pinto. Agad naman itong kinuha ni Devin mula sa kaniyang kamay.

Palabas na sana ito ng kuwarto nang bigla itong lumingon sa kaniya para sabihing mag-lock ng pinto at screen door.

Tumango-tango naman siya habang naghihintay pa sa mga susunod nitong sasabihin pero tuluyan na 'tong lumabas.

"Baby, mainit yata ulo ng daddy mo," paghimas niya sa kaniyang tiyan bago isinara ang screen at pinto.

Hindi naman galit ang boses ni Devin pero alam niyang may mali sa inaakto nito. Hindi naman niya puwedeng balewalain dahil ayaw niyang maging awkward ang sitwasyon nila mamaya pag-uwi nito mula sa talyer.

Pumunta siya sa kusina para kuhanin ang kaserola sa cabinet nang bigla siyang nakarinig ng mga lima o anim na katok mula sa labas. Alam naman niyang si Devin iyon dahil may tono pa ang pagkakakatok nito.

Ganoon kasi ang palatandaan niya sa tuwing umuuwi ang asawa.

Kabubukas pa lamang niya ng pinto at screen ay mabilisan itong umakbay sa kaniya at hinalikan ang gilid ng kaniyang ulo, sa may sentido.

"Parang gusto ko bigla no'ng tinola mo. After lunch na lang pala ako aalis."

Kumpara kanina ay mas masigla na ang boses nito. Tinulungan pa siya nitong ilabas 'yong mga ingredients mula sa kitchen shelves.

"Puwede namang ako na lang ang magluto pero mas gusto ko 'yong timpla mo," sabi nito, may pagkindat pa.

Ngumiti siya at sinamahan pa niya nang pag-irap 'yon. Hindi siya kagalingang magluto pero sa tuwing kumakain si Devin ng putaheng inihahanda niya ay kitang-kita niya kung paano ito masarapan.

Binibigyan pa nga siya ng ratings per ulam. Minsan five stars, four stars at one star kapag hindi naman talaga masarap.

Sa tuwing nagluluto siya't naroon ang asawa ay palagi itong pumupuwesto sa kaniyang harapan. Nanonood sa ginagawa niya o 'di kaya nama'y nag-ce-cellphone at nagla-laptop.

Gusto raw kasi nitong malaman kung malinis ba ang preparasyon niya sa mga pagkain. Alam naman niyang biro 'yon pero minsan naiilang siya lalo na kung wagas itong makatitig sa kaniya.

Gaya ngayon, nakakrus pa ang mga braso nito habang nakasandal sa upuan at kita niya mula sa ilalim ng mesa ang pagde-kuwatro nito. Mistulang nasa cooking show sila at siya ang contestant doon.

"Doon ka nga sa sala. Manood ka muna ng TV or mag-Netflix ka," pagpapaalis niya rito.

Umiling ito at ngumisi, "Mas gusto ko rito. Unli ang subscription ko sa 'yo."

Napangiti na lang tuloy siya habang naghihiwa ng luya.

Magaan ang loob niya sa asawa kahit noon pa man. May pagkakataon ngang iniisip niyang masaya siguro itong maging matalik na kaibigan.

May oras namang naiisip niyang suwerte siya dahil pinakasalan siya nito.

At kapag tinotoyo naman siya'y gusto naman niyang palayasin ang lalaki sa sarili nitong pamamahay.

Wala pang sampung minuto ay biglang tumunog ng isang beses ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw lamang ng mesa.

Sakto namang naroon si Devin na abala rin sa paggamit ng sariling cellphone. Hinayaan naman niyang tingnan 'yon ng asawa dahil wala naman siyang itinatago roon.

Isa pa'y nagluluto siya kaya hindi niya maiiwan 'yon.

"O, 'yong number na tumawag kanina," kaswal nitong sinabi sa kaniya habang nakatingin sa phone niya. "Babasahin ko ba?"

Tipid siyang tumango. Alam naman nilang si Pierre 'yon. Napaisip tuloy siya kung ano ba talaga ang kailangan nito mula sa kaniya.

Alam naman ng lalaki na may asawa na siyang tao at magkakaroon na nga ng anak tapos gusto pa siyang makausap.

Para saan pa?

"Au. This is Pierre. Gusto ko lang malaman kung kailan ka puwedeng lumabas? Ibabalik ko lang iba mong gamit na nasa akin pa. Gusto ko lang ding humingi ng sorry sa personal. Kahit magkita na lang tayo sa dating coffee shop na tinatambayan natin. I'll wait for your reply."

Magre-react pa lang sana siya nang biglang ibinaba ni Devin ang phone sa mesa bago ito pumalakpak nang maraming beses.

Tumawa pa ito nang nakaloloko. Pagkatapos ay tinambol ang ibabaw ng mesa na para bang nag-da-drums ito.

"Block mo na nga 'yong number niyan," utos niya.

Wala naman kasing dahilan para makipagkita pa roon. Wala naman siyang pakialam sa ibang mga gamit na naiwan niya sa lalaki at mas lalong hindi na niya kailangan ang sorry nito.

"Ano siya, nasa teleserye? Alam na alam ko na mga style nitong ex mo," pagmamayabang pa nito.

Napatawa siya nang mahina. Ganito rin 'yong iba niyang nababasa sa mga Wattpad stories kaya hindi siya tanga para kumagat doon.

"Sorry amputa," sabi pa ng asawa. Umarte pa 'tong parang bulateng inaasinan.

"Galit na galit ka na niyan?" Siya naman 'tong nanukso rito.

Tumayo ito para maglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Ipinatong nito ang magkabilang kamay sa countertop bago yumuko at inilapit ang mukha sa kaniya.

"Dapat ba akong magalit, Au?" Napaiwas siya ng tingin dahil halos maduling na siya sa lapit ng mukha nito. "Bakit ka umiiwas?"

"Nagluluto kasi ako, Devin," agap niya habang nagpapanggap na chine-check ang nilulutong ulam.

Napansin naman niyang naglakad ang mister pero hindi niya inaasahang pupunta 'yon sa kaniyang likuran para balutin siya ng yakap.

"Alam mo ba, noong bata ako hanggang college, palagi kong naririnig sina Mameh at Dadeh na nag-aaway sa loob ng kuwarto?" pagkukuwento nito habang hinihimas-himas ang kaniyang tiyan.

"Ang hirap din maging solong anak kasi wala kang ibang makakausap. Wala kang kalaro. Wala kang kainuman man lang. Wala kang mapagkukuwentuhan sa bahay kung kumusta ang araw mo. Kaya nga lagi akong nasa labas noon. Nakipag-tropa ako kung kani-kanino. Babae, lalaki, tomboy, bakla, ex-con, drayber sa toda, babaero, saka marami pang klaseng tao. Marami akong natutuhan sa mga 'yon, Au."

Nakinig lamang siya sa kuwento nito. Kapag nagsisimula kasi itong magsalita nang seryoso, para bang lagi siyang interesado.

Para bang gusto niyang mas lumalim ang pagkakakilala niya rito.

Siguro'y malaking factor ang pagiging mag-asawa nila ngayon. Natututuhan nilang mas buksan ang sarili sa bawat isa.

"Hindi ako nag-girlfriend kasi pakiramdam ko hindi ko pa kayang magseryoso noon. Kaya hanggang tikim-tikim na lang muna."

Natawa ito nang siniko niya ang tiyan nito.

"Alam kong mali 'yong ginagawa ni Daddy dati. Galit nga ako pero hindi ko lang ipinahahalata kasi tatay ko pa rin 'yon. Hanggang sa hindi na nga kinaya ni Mommy. Nakipaghiwalay 'yon at sumama sa iba. Doon ko naisip na hinding-hindi ko tutularan ang mga desisyon nila noon," sabi nito bago inamoy ang kaniyang buhok.

"Hindi mo rin naman masasabi kasi wala ka naman sa sitwasyon nila, 'di ba?" tugon niya.

"Hindi ko nga masasabi, pero ang point ko lang, bakit ako gagawa ng isang bagay na alam kong pagsisisihan ko lang balang araw?"

Hinalikan muna nito ang kaniyang balikat bago muling nagsalita.

"Alam ko ang mga consequences kapag nagloko ako. Para akong kumuha ng bato no'n at ipinukpok sa sariling ulo."

"Hindi mo naman masasabi ang mga puwedeng mangyari balang araw. Baka mamaya ma-in love ka bigla sa iba kahit kasal na tayo."

Totoo naman ang kaniyang sinabi. Hindi naman sila ikinasal dahil mahal nila ang bawat isa kung 'di dahil gusto nilang panindigan ang mga nagawa nila.

Gusto nilang maging isa para sa magiging anak nila. Kaya hindi niya inaalis sa kaniyang isipan na posibleng mag-iba ang kanilang sitwasyon pagdating ng panahon.

"'langya, Aurea." Tumawa pa ito bago kumalas sa yakap at binuksan ang takip ng kaserola. "Hmm, bango, ah? Nangangamoy selos."

Gusto niya sana itong batukan kaso nang lumingon ito sa kaniya'y bakas ang pagkabalisa sa mukha nito.

Itatanong pa lang niya sana kung bakit nang bigla itong napakapit sa pader at tuluyan nang bumagsak sa kaniyang harapan.

Continue Reading

You'll Also Like

372K 6.6K 136
TOP DEFINITION out·of·my·league | \awt-op-may-lig\ someone you can never be with. someone you have no chance with. someone... unreachable. Epistolary...
36.7K 5.2K 37
Masarap lalo na kapag mainit. © 2022 isipatsalita.
132K 3.6K 41
RATED R18! NOT SUITABLE FOR MINORS! READ AT YOUR OWN RISK! ****** "Seeing the pain in your eyes caused by them makes me want to kill them...and so I...
175K 4.6K 200
Micolo Randler Paez Abbiera Monique Maniago Their story started when they met on Tinder. An online dating application. Micolo wasn't open to have a r...