Watermelon Dreams

infinityh16 द्वारा

47.1K 4.8K 1.2K

After reading Wizard of Oz, seven-year old Olivia fell asleep only to be awakened by invisible melodious wind... अधिक

Dedication
Watermelon Dreams
Falling
Erin
Watermelon Tree
The Thief
Fireflies
First Friend
Tree Planting
Angel
Into the Woods
Beyond the Woods
Taro Leaf
Mirror
Willows
Kontaminados
Time Off
Stranded
Prey
Grego Farm
Bus Ride
Daughter of Nature
Kampilan
Savior
Wind Chimes
The Volunteer
Bonfire Story
Mandurugo
Aboard the Sea Dragon
Keithia
History
Osculation
Aurora
New Breed
Hope
Babe
Verona
Arrow
Eighteen
Home of the Winds
Bodyguard
***
Trap
Island in the Sky
Red and Gold
Erin & Olivia
Balance
Emptiness
The End
Useless Information
Cursed
Grim Future
Falling
Mirror, Mirror

Birthday Eve

661 69 24
infinityh16 द्वारा

CHAPTER THIRTYFIVE

SUMMER OF 2005

“I love you more than anything else, Olivia. I will walk through fire and back for you.” Those were Erin’s exact words Olivia kept replaying on her mind since.

“Nice watch.” Isang boses ang pumutol sa pag-iisip ni Olivia. Nakatingin si Pris sa wooden watch na suot nya.

“Thanks.” Olivia smiled when she remembered Erin giving it to her before they temporarily parted ways three weeks ago. She unconsciously touched it from time to time to remind herself that everything, including Erin, was real.

“Umamin ka nga,” Pris leaned forward across from her and whispered conspiratorially but enough for everyone on the table to hear, “may naging boyfriend ka sa mga volunteers noh?” She gave Olivia a teasing smile. “I won’t tell Mom and Dad about your summer romance. Promise.” She even winked at her.

Olivia tried hard not to throw the sausage she was about to bite on at Pris. She just glared at her grinning sister.

Jessica, who was sitting next to Pris, tried to hide her smile by sipping on her coffee.

“Lagi ka kasing nakangiti.” Nanunukso rin ang boses ng katabi nyang si Kristine.

“Is that a crime?” Hiniling ni Olivia na huwag sanang mamula ang pisngi nya habang pinapasadahan ng tingin ang Headline sa broadsheet na nakalapag sa mesa. She turned on the society page and saw an article about that year’s Asia’s Heroes of Philantropy. Her Lola Esmeralda was one of the awardees.

“Hindi naman. Kaso kadalasan nagde-daydream ka, Ate,” sagot ni Kristine at sabay- sabay na humagikgik ang tatlo.

Olivia tried not to mind them and went on eating. They were having their usual breakfast beneath the mango trees. Dumating sila sa Grego Farm one week ago. Sa Ilocos sya hinatid ni Erin kung saan nagbabakasyon ang kapatid at mga kaibigan.

Sumama ang mga ito sa kanya sa Grego Farm dahil doon nya gustong magcelebrate ng 18th birthday. Matagal na nyang nakumbinsi ang buong pamilya na simpleng celebrasyon lamang ang nais nya kaysa magarbong handaan. Ang perang dapat na gagamitin sa party ay idinonate nya sa Foundation nila para mas mapalawig pa ang mga proyekto para sa kalikasan.

Pupunta sila sa isang orphanage bukas para pakainin ang mga bata at magbigay kasiyahan sa mga ito. Magdo-donate din sya ng halaga para sa institusyon upang mas makatulong sa edukasyon ng mga bata. Magkakaroon naman ng simpleng dinner sa farm kinagabihan kasama ng mga kaibigan at pamilya.

Sa gitna ng Patapat Viaduct sila lumitaw ni Erin nang ihatid sya nito sa Ilocos. Walang ibang tao roon kundi sila at isang driver na nakasandal sa nakaparadang kotse sa dulo ng tulay habang naghihintay kay Olivia. Ito ang maghahatid sa kanya sa bahay-bakasyunan nila.

“Taruk is a Kampilan?” Ilang taon ng driver ng Lola nya ang lalaking naghihintay.

May mga Kampilan ang lihim na nakatalagang magbantay at pumrotekta sa mga taong tunay na kakampi ng kalikasan. Matagal ng naka-assign si Taruk para protektahan ang Lola Esmeralda nya.

“And this is me protecting you.” Inilabas ni Erin mula sa bulsa ng windbreaker nito ang isang maliit na kahong yari sa kahoy. Isang espadang kampilan na may hanging nakaikot dito ang nakaukit sa ibabaw. Isang relong yari sa kahoy ang laman niyon. “Lagi mong isusuot ito. Para alam ko kung ligtas ka. Malalaman ko kung nasa panganib ka. Darating ako agad.”

Isinuot ni Erin ang relo sa kanya. “Paano kung miss kita, darating ka ba kaagad?” Biro ni Olivia habang pinagmamasdan ang relo. The wood strap design was an intertwined vines and the clock face was like a triangular watermelon slice.

Ngumiti lang si Erin. “Gawa ang relong ito sa Watermelon tree. This is our connection.” Dinala nito ang kamay nya sa mga labi nito at hinagkan.

Bukod sa tila kuryenteng pakiramdam ang dumaloy sa kanya, nakita nyang gumapang sa braso nya at ni Erin ang imahe ng mga baging at bulaklak. Nagliliwanag ito ng iba’t- ibang kulay na parang bahag- haring nagdurugtong sa kanilang dalawa. Ilang segundo rin ang lumipas bago ito nawala.

“Bigay ba yan ng boyfriend mo?” Muli na namang pinukaw ng boses ni Pris ang atensyon ni Olivia.

“Wala akong boyfriend, Pris,” masungit na sabi nya. “Wala rin akong summer romance. Hindi kagaya ng iba dyan.” Pinamulan ng pisngi sina Pris at Jessica. Tumawa naman si Kristine. “Don’t worry, I won’t tell anyone about your summer romance. Promise.” Matapos nyang ngitian at kindatan ang kapatid, tumayo sya saka iniwan ang mga ito.

Olivia missed Erin so much, she wished she could see her anytime she wanted. “Patience, Olivia.” It’s her birthday tomorrow. Erin promised to see her.

To distract herself, Olivia wandered around the vineyard. It was her favorite part of the farm since she was a child. She loved picking grapes and she also felt comfortable and safe there.

The grapes were plump and ready for picking. Olivia plucked one. Sweetness filled her mouth when she bit on it. She was about to get another when she noticed something white on her left.

“Haraya!” Nakita nyang nakaupo ang aso sa dulo ng ubasan. Nakahilera sa likuran nito ang kasamahan nitong mga German Shepherd. Lumapit sya sa mga ito. “Anong ginagawa nyo rito?” Hinanap ng mga mata nya si Erin. Nagbabakasakaling napaaga ang dating nito.

“Nauna na kami para tiyaking ligtas ang lugar.” Sa isip nya sumagot si Haraya. Nagliwanag ang berdeng mata nito.

Sina Haraya ang nagsisilbing bodyguard ni Erin. Ito ang laging nakaalalay sa dalaga kahit saan ito magpunta lalo na sa mga labanan. Habang ang Minokawa, na kadalasang naka-anyong malaking agila, ang nagsisilbing gabay ni Erin. Ipinapahiram ng mahiwagang ibon ang kapangyarihan nito sa anak ni Keithia kung kinakailangan.

Isang hudyat lang ni Haraya, mabilis na kumilos ang ibang aso para pumuwesto sa iba’t- ibang bahagi ng farm para magbantay.
Olivia was delighted to know that Erin was really coming. “Kumusta si Erin?”

“Nasa maayos syang kalagayan. Naging abala sya sa pagtugis ng mga bagong lahi ng Kontaminados.”

“May nahuli na ba kayo?”

“Nagtagumpay si Erin na matunton ang isang Kontaminados na may mataas na posisyon sa isang pabrikang gumagawa ng plastic. Determinado si Erin na makakuha ng impormasyon tungkol sa mga Kont-X.” Alam ni Olivia na sya ang pangunahing dahilan kung bakit. The Kontaminado’s attack on her enraged Erin. “Wala kang dapat ipag-alala. Kahit ilang araw syang nanatili sa siyudad, agad nyang nabawi ang lakas nya.”

“Mabuti naman kung ganun.” Nakahinga nang maluwag si Olivia. Itatanong sana nya kung nalaman na kung sino ang kumukontrol sa mga Kontaminadps nang biglang magdilim ang paningin nya. Sunod nyang nalanghap ang pamilyar na amoy ng D&G Lightblue.

Mabilis nyang tinanggal ang mga kamay na nakapiring sa mata nya. “Rayanne!” Masayang niyakap nya ang matalik na kaibigan.

“Ohayo watashi no utsukushi tomadachi,” Rayanne said good- naturedly and hugged her back.

Olivia shot her friend a suspicious look. “Bakit ngayon ka lang dumating?” Noong isang linggo pa nya ito inimbitang pumunta sa farm pero may ginagawa raw ito. “You were with Tomoyo,” she added when Rayanne gave her a naughty smile. “Sya ang bago mong nilalandi.”

“Yes, I was spending time with Tomoyo but it’s not what you think. I’m helping her learn Filipino and improve her English. Ako ang tutor nya. You are so judgemental, Olivia.” Kunwari na-offend na sabi nito.

Bagong lipat sa Academy ang musical prodigy na si Tomoyo. Kung paano nagkakilala ang dalawa’y ayaw ng alamin pa ni Olivia. Hindi na sya masosorpresa kung nabingwit ng magandang ngiti ni Rayanne ang haponesa.

“For the record. Tomoyo flirted with me first. I’m just too polite to say no,” her bestfriend said with mock seriousness.

Olivia just rolled her eyes. “Kumain ka na ba?” Nakatingin si Rayanne sa likod nya. Tila may hinahanap ito. “B-Bakit?” Nakita ba nito si Haraya? Pagtingin nya’y wala na roon ang malaking aso.

“May kausap ka ba kanina?” Rayanne’s piercing grayish eyes were looking at her intently. “Pris said you have a secret boyfriend. Tinatago mo ba sya?” Again came her naughty smile. “Naghahabulan ba kayo sa ubasan? That’s kinky, Liv.”

“Ang bastos mo.” Pinukpok nya ito sa braso. “Huwag ka ngang naniniwala sa kapatid ko.” Hinila na lang nya ito palayo. “Wala akong boyfriend, Rayanne.” Nagdududa pa rin kasi ang tingin nito sa kanya.

“Girlfriend. You have a girlfriend.” Rayanne was looking at her with wonder. It didn’t help when Olivia felt herself blushed. “Tell me about her.” Her friend got excited.

“I don’t have a girlfriend either.” Hindi nya alam kung kailan at paano nya sasabihin sa mga ito ang tungkol kay Erin. Sa ngayon, ililihim muna nya ito. “Tigilan mo nga ako. Huwag mong ipasa sa’kin yang kalokohan mo. Ikaw ang magkwento. What have you been doing with Tomoyo aside from your so called tutorial?”
 

SUMMER OF 1995
ILOCOS NORTE

Sleep was out of reach for Olivia that night. The sudden appearance and attack of the Kontaminados were still vivid on her mind. Without knowing if Ate Umi was okay kept her awake too.

Ate Rhoda assured her that Umi was powerful enough to defeat the enemy. But Olivia wasn’t sure if the helper was convincing her or herself.

Olivia’s sister was too shocked, she kept crying. The helper had to alter Pris’ memories.  

Kagaya ni Olivia, hindi rin nais iwanan ni Ate Rhoda si Umi. At gusto man nyang balikan ang kaibigan, mahigpit na nakabantay sa kanya si Ate Rhoda. Maging ang Lola nya’y hindi pumayag na umalis sya.

Para ma-distract si Olivia, sinagot na lamang ni Ate Rhoda ang lahat ng katanungan nya tungkol sa mga Kontaminados. Nalaman na rin nyang isa itong Kampilan at ipinaliwanag ang misyon ng mga katulad nito.

Ikinuwento na rin ni Lola Esmeralda kinagabihan kung paano nito nakilala si Ate Umi. Sinubukan nitong basahan sya ng libro ngunit nauna pang makatulog si Lola Esmeralda. Nanatili si Ate Umi sa isipan ni Olivia.

Ikawalong taong kaarawan nya bukas ngunit wala syang maramdamang kasiyahan. Nang dumako ang tingin nya sa wall clock, ilang minuto na lang bago ang hating- gabi. Maya-maya’y nakarinig sya nang marahang katok.

Dahan- dahan syang bumangon para hindi magising ang Lola nya. Ang nakangiting si Ate Rhoda ang bumungad sa kanya.

“May naghihintay sayo,” bulong ni Ate Rhoda. Dali- daling kumuha ng sweater nya si Olivia at ipinatong sa pajama nya.

Tahimik silang bumaba mula sa 2nd floor hanggang sa front door. Napasinghap si Olivia nang buksan ni Ate Rhoda ang pinto at nakitang nasa bungad sila ng kakahuyan sa dulo ng farm ng Lola nya.

Nang balingan nya si Ate Rhoda, wala na ito. Wala na rin ang front door ng mga Ricamora. Tanging ang ubasan at ang kakahuyan lamang ang naroon.

“Magandang gabi, Olivia.” Isang tinig ang tumawag sa atensyon nya.

“Magandang gabi rin, Mario.” She beamed at the tikbalang. His yellow eyes glistened in the dark.

“Ihahatid na kita sa kanya.” Pagkasabi nito niyon, may lumitaw na lamp post sa bungad at syang nagbigay ng liwanag sa dilim. Hugis pakwan ang design ng lampara nitong gawa sa bakal.

Aside from the Watermelon lamp posts that appeared magically as she and Mario walked deeper into the woods, fireflies flew ahead of them and served as their guide on the right path. The dark woods looked enchanted. She wasn’t scared in the least. Excitement was suddenly present in her heart.

When they reached the end of the woods, the Watermelon tree greeted her from afar. She could see lights inside the bamboo tree house. The bright moon on the background made it mystical and fascinating. The sound of the wind chimes seemed to greet her in welcome.

Olivia heard Mario chuckled when she quickened her pace then broke into a run. “Ate Umi!” Her friend was waiting for her beneath the tree. Almost out of breath, Olivia hugged Ate Umi tight.

Ate Umi went down on her knees to hug her back. She lifted her and carried her in her arms. “I’m taking you home with me, Olivia.”
Seeing her friend safe was enough for Olivia. She didn’t care where she’d take her.

A wooden staircase materialize d, spiraling around the tree, going up to the house. Torches were attached on the thick trunk, lighting their way.

Note (May 9, 2021)

Next week na po ulit. Muntik ko pa makalimutang magpublish. Nabudol kasi akong manood ng Sau Paulo concert ng BTS. Kailangang suportahan si Rome at baka hindi ako ipagluto ng pancit canton eh.

Sana nagustuhan nyo ang tsismis ngayong weekend. Stay safe :)

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

101K 5.7K 74
(On-Going)
417K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
360° (gxg) Random Whoe द्वारा

सामान्य साहित्य

173K 6.7K 53
If yourself was turned into a whole new person opposite to whom you are, what would you do? Completed but Unedited
870K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...