Watermelon Dreams

By infinityh16

47.4K 4.8K 1.2K

After reading Wizard of Oz, seven-year old Olivia fell asleep only to be awakened by invisible melodious wind... More

Dedication
Watermelon Dreams
Falling
Erin
Watermelon Tree
The Thief
Fireflies
First Friend
Tree Planting
Angel
Into the Woods
Beyond the Woods
Taro Leaf
Mirror
Willows
Kontaminados
Time Off
Stranded
Prey
Grego Farm
Bus Ride
Daughter of Nature
Kampilan
Savior
Wind Chimes
The Volunteer
Bonfire Story
Mandurugo
Aboard the Sea Dragon
Keithia
History
Osculation
Aurora
New Breed
Hope
Babe
Birthday Eve
Arrow
Eighteen
Home of the Winds
Bodyguard
***
Trap
Island in the Sky
Red and Gold
Erin & Olivia
Balance
Emptiness
The End
Useless Information
Cursed
Grim Future
Falling
Mirror, Mirror

Verona

604 73 17
By infinityh16

CHAPTER THIRTYFOUR

SUMMER OF 2005

Ex- girlfriend. Erin had girlfriend before her. Olivia was immediately jealous upon hearing that. Instantly reminded that despite being an enemy, the green eyed woman was irritatingly beautiful. It didn’t bother her that the woman almost killed her. Her mind focused on the fact that she’s Erin’s ex.

“Erin’s not a nun or a hermit,” her mind pointed out. Hindi lang naman ito makatagal sa siyudad. Hindi lang naman sa Kontaminados at kalikasan umiikot ang buhay nito. Even Greek Gods and Goddesses had lovers.

Marami syang hindi alam tungkol kay Erin. Ganunpaman, mahal nya ito kahit hindi pa nya lubusang kilala. Nag-uumpisa pa lang sila. May panahon pa sila para mas makilala ang isa't- isa.

“She tried to kill me because she’s jealous. Is that it?” Tanong nya kay Erin, na tumango. “Sorry sya, akin ka na.”

“I don’t think you realize how in danger you are.” Erin stared at her gravely.

“You said, you love me,” pagdidiinan ni Olivia.

“Yes, I did. But…”

“No buts. Yan lang ang importante sa’kin, Erin. Kahit ilang beses nya akong pagtangkaan, I still love you. Hindi magbabago yun.” Diretso syang tumingin sa mga mata ni Erin. Sana makita nitong seryoso sya. “Ako naman na ang Babe mo di ba?”

Erin took a deep breath and rolled her eyes. “You really are something, Olivia.” Napailing na lamang ito at napangiti.

“Do you happen to know the secret of the Bermuda Triangle?” Hindi na nya napigilang itanong dahil sa ngiti nitong may bahid lagi ng misteryo. “Never mind,” she quickly added when Erin’s face was suddenly plastered with confusion.

Pagkatapos ng huling enkwentro sa mga Kontaminados, nagkaroon ng agarang pagpupulong ang mga Kampilan. Agad na gumawa ng mas maigting na imbestigasyon ang mga ito.

“The problem we have now, is that we can’t detect Kont-X. It’s a term we use for the Kontaminados who can possess humans. Hindi lang iisa ang nilalang na iyon. Siguradong marami sila. Naniniwala kaming bukod sa malakas na kapangyarihan, katulad din sila ng mga Kampilan na nakikisalamuha sa mga tao. They promote the opposite of what we are fighting for.” Erin looked troubled.

Naiintindihan ni Olivia ang pag-aalala nito. Kung may mas nagpapalaganap ng polusyon, lalong manghihina ang kapangyarihan ng Inang Kalikasan.

“Who’s controlling them?”

“Seeing Verona with a Kont-X, we have a suspicion who but it’s not yet confirmed.” Napatingin si Erin sa mga pagkaing hinain sa harapan nila. “Kumain ka muna. Kailangan mong bawiin ang lakas mo. Bukas, ihahatid ka na pauwi.”

Napatigil sa pagsubo ng salmon si Olivia. “Can’t I stay here with you?” Umiling si Erin. Kahit hindi nito sabihin, alam nyang magiging abala ito lalo na at nag-iimbestiga ang mga ito tungkol sa mga Kont-X. “Kailan kita ulit makikita?”

“On your birthday.”

Hindi na nagreklamo pa si Olivia. Pinili nyang magmahal ng isang mandirigma at anak pa ng Inang Kalikasan. Ngayon pa lang dapat na syang masanay na hindi nya ito makikita lagi. May malaki itong ginagampanan at dapat maging malawak ang pang-unawa nya.

“Aurora!” Olivia hugged the woman tightly the moment she saw her. Pagkatapos nilang kumain, dinala sya ni Erin sa underground basement ng bahay kung saan naroon ang Training Room.

Medyo nahihiyang yumakap sa kanya pabalik si Aurora dahil pawisan pa ito matapos ang basic training ng babae sa paggamit ng espada.

Lihim na nainggit si Olivia nang sinabi ni Aurora na nagsasanay ito para maging kabilang sa mga Kampilan. Sa ngayon hindi muna nya pipilitin si Erin. Darating din ang panahon na papayag itong maging isa syang mandirigma ni Inang Kalikasan.

“Kailangan ng mga Kampilan ang tulong ng bawat nilalang na kampi sa kalikasan para malabanan ang mga Kontaminados.” Tumingin sa kanya si Erin habang pinapanood ang sparring nina Aurora at ang trainer nito. “Kahit anong lahi ka pa. Aswang man, duwende, lambana, kapre o tikbalang, basta’t may hangaring ipagtanggol ang kalikasan, maaaring maging Kampilan.”

“Then why won’t you…”

“You don’t have to literally fight using swords or have powers,” Erin interrupted. “Now that Kontaminados are more powerful and can influence human, we need people like you out there. People like you and your grandmother. Kung may mga taong gumagawa ng mga bagay na makakasira sa kalikasan, ang mga katulad mo ang tutulong sa amin para maimpluwensyahan ang mga taong aalagaan ito.
Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Olivia?”

“Naiintindihan ko na.” Isinumpa ni Olivia sa loob nyang gagawin ang lahat para makatulong. Maraming ideya at proyekto na agad ang pumasok sa isipan nya. She couldn’t wait to see and talk to her grandmother about them.

“Aside from that green- eyed woman, do you have any other psycho ex- girlfriends that I should know about?”

Tumaas ang kilay ni Erin. “Nagagawa mo talagang isingit ang mga ganyang tanong.”

“Dahil gusto kitang makilala. I don’t know much about you. It’s normal for me to ask questions. So, any crazy exes aside from her?”

Hindi ito sumagot. Nainis sya dahil nagkunwaring focused ito sa sparring nina Aurora.

“Erin…” She tried to get her attention.

“I had five…ten…I’m not sure,” Erin said softly not looking at her.

Hindi makapaniwalang napatitig si Olivia rito. Naghahamong tingin naman ang ibinato sa kanya ni Erin.

“I had a lot of friends when I was in college,” medyo defensive nitong sabi. “Most of them flings. Some are serious. I always fall for straight girls. During that time, coming out is very difficult. Kaya sa huli, iniwan din nila ako. Mas pinili nila kung anong tama.” Sadness and pain flashed briefly on her eyes.

Hearing that, Olivia was reminded that Erin might be Keithia’s daughter, possessing other-worldly beauty and immortality but still vulnerable.

“Did you like boys?” She asked and Erin shook her head. They were both sitting on the soft grass behind the house, beneath the Watermelon tree. “Kailan mo nalaman na babae ang gusto mo?”

“When I met Verona. She was my first love.”

Umusbong na naman ang selos sa kalooban ni Olivia. Naghahabol pa ba ang babaing iyon kay Erin? Nakakaselos ang nakaraan ng mga ito pero gusto pa rin nyang malaman. Mukhang wala ring balak ilihim ito ni Erin sa kanya.

First year na si Erin sa kolehiyo nang ginabi ito ng uwi dahil tinapos nito ang paggawa ng group project kasama ng mga kaklase. Tumanggi itong magpahatid sa manliligaw nito dahil nakukulitan na sa lalaki. Naglakad lang si Erin pauwi dahil walking distance lang ang tinitirhang boarding house.

Medyo madilim ang paligid at walang ibang tao sa kalsada. Tiyak na papagalitan sya ng landlady nya dahil lagpas na sya sa curfew. Mabait ito sa kanya kaya pagbubuksan pa rin sya. Iniisip nya ang aabutin nyang sermon nang harangin sya ng dalawang holdaper.

Parehong may dalang patalim ang mga ito. Agad na ibinigay ni Erin ang wallet nyang naglalaman lang naman ng kaunting halaga. Akala nito’y aalis na ang dalawa ngunit nang makita ang magandang mukha ni Erin, nag-iba ang balak ng mga ito.

Dumating si Verona bago pa man makaladkad ng dalawa si Erin. Mangha ang dalagang pinanood kung paano patumbahin at patulugin ng simpleng suntok ni Verona ang dalawang lalaki.

“Verona was beautiful. Ano nga bang term na iyon? Astig. Napaka-astig at sexy nya sa paningin ko.” There was this dreamy look on Erin’s eyes that made Olivia wonder if she still loves Verona. “She saved me that night. Ipinadala sya ni Keithia para bantayan ako. Nang mga panahong iyon, may hidwaan ang mga mabubuti at masasamang aswang. Alam ng mga masasamang grupo na pinoprotektahan ni Keithia ang mga mabubuti.”

Para siguraduhing hindi madadamay si Erin, ipinadala ni Keithia ang kanang- kamay nito para protektahan ang dalaga.

Verona usually stayed invisible except when Erin was not among friends. Dahil nagkasundo ang dalawa, madalas ang mga itong magkasamang kumain, mamasyal at magkwentuhan hanggang sa tuluyang mahulog ang loob sa isa’t- isa.

“Verona is the Keeper of the Book of Fate. Other deities don’t like her. She was believed to be a daughter of Sitan.”

Pamilyar kay Olivia kung sino si Sitan. Ito ang pinuno ng kasamaan at sabi ni Erin na ito rin ang nagtanim ng Puno ng Kasamaan kung saan galing ang Itim na Dagta. Ito rin marahil ang kumukontrol sa mga Kontaminados para maghasik ng kaguluhan at pahirapan ang mga Kampilan.

Walang ebidensya o makakapagpatotoong anak ni Sitan si Verona. Nagpakita ito ng kabutihan sa Inang Kalikasan kaya’t piniling pagkatiwalaan ito ni Keithia. Nang buuin ni Sandrea ang mga mandirigmang Kampilan, si Verona ang itinalagang unang Heneral. Sa mahabang panahon, naging tapat ito kay Keithia.

“Nang matapos ang digmaan ng mga aswang, bihira ko na syang makita. Araw- araw akong nangungulila sa kanya. Siguro hindi ganun kalalim ang pagmamahal ko sa kanya kaya nangyari iyon.” Malungkot na tumingin sa malayo si Erin. May guilt din sa mukha nito. “Our relationship lasted for a year, until I fell out of love. Sabi ni Sandrea, baka humanga lang ako sa kagandahan nya at katapangan. Siguro nga ngunit hindi mawawala ang katotohanang nasaktan ko sya.”

Nagkaroon ng ibang nobya si Erin. Hinayaan lamang ito ni Verona. “Dahil hawak nya ang Aklat ng Tadhana, sinilip ni Verona ang kapalaran ko… naming dalawa. It was written that the two of us were fated together. From time to time she’d visit me even if I was dating someone else. Sinabi nyang walang mangyayari sa magiging relasyon ko dahil alam nyang kami pa rin hanggang sa huli.”

Confident si Verona dahil karamihan panandalian lang ang mga naging relasyon ni Erin. Hanggang sa makilala nito si Sofia noong panghuling taon nito sa kolehiyo. Iba ang dalaga sa mga naging nobya ni Erin. Handa itong ipaglaban sa mga magulang ang pagmamahal nito para kay Erin.

Nagselos si Verona dahil nakita nito kung gaano kamahal ng dalawa ang isa’t- isa.

“Verona killed Sofia.” Erin’s eyes flashed in anger. “She poisoned her.”

Ilang araw matapos ilibing si Sofia, nagpakita si Keithia kay Erin. Nadiskubreng tatlong taon ng patay si Verona. May nakatunggali itong malakas at makapangyarihang aswang.

“Verona’s life source died out on that battle. Kapag ang Puwersa ng Buhay at kapangyarihan namin ay naubos, mawawala ang aming imortalidad. Kapag nagkulay kahel ang aming mga mata, iyon ay isang babala. Hindi pa rin basta-bastang nauubos kahit ganun, but Verona battled an ancient powerful creature and died.” Muli na namang lumungkot ang mga mata ni Erin. “Kapag naabot na ng mga katulad namin ang hangganan, ang espiritu ay dapat napupunta sa Elondres.”
When Verona’s life force died, the dormant darkness within her awakened. She was Sitan’s spawn after all.

Umibig si Sitan sa isang mabuting dalaga noong unang panahon. Dahil hindi masuklian ang pag-ibig ni Sitan, sapilitan nitong inangkin ang dalaga at itinanim ang binhi ng kadilim dito. Si Verona ang binhi, ngunit mas nangibabaw ang dugo ng kabutihan galing sa ina nito.

Verona’s kindness died with her but her love for Erin remained. It became an obsession.

“Kinamuhian ko sya dahil sa ginawa nya kay Sofia. Isa pa, hindi na sya ang dating Verona. Tumiwalag na sya bilang Kampilan at sumapi kay Sitan. I rejected her over and over, but I never loved anyone after Sofia. Natatakot akong baka saktan din sila ni Verona. I focused more on my studies and later on my job so I could help Keithia.”

Naging mapayapa ang buhay ni Erin. Paminsan- minsang nagpapakita si Verona ngunit hindi pa rin bumalik ang pagmamahal ni Erin dito.

“She came to me one day. She was enraged because my fate changed. Hindi na kami ang nakatakda para sa isa’t- isa. Maybe because the Verona I knew died and so as our fate to be together.”

Erin became Verona’s fixation. Seeing her name removed from Erin’s fate, angered her. She became more obsessed when Keithia took the Book of Fate from her. Without any information who was destined for Erin, Verona swore she’d obliterate anyone Keithia’s daughter would love.

“Ngayong alam mo na ang tungkol kay Verona, pipiliin mo pa bang mahalin ako? Handa ka bang isugal ang buhay mo kung pwede ka namang lumayo at kalimutan na lang ako?”

Tumingin ng diretso si Olivia sa mga mata ni Erin. Tama ito, marami syang pangarap at gustong gawin sa buhay. Kung kakalimutan nya ito, matutupad nya ang mga iyon.

“I will stand by you, Erin. I don’t know why I feel so deeply for you. Knowing about Verona doesn’t change how I feel about you. Inaamin kong natatakot ako pero mahal kita. Gusto kong makasama ka sa mga pangarap ko.” Hinawakan nya ang pisngi ni Erin para mas tumingin ito sa mga mata nya. “How about you? Do love me enough to fight for me?”

Continue Reading

You'll Also Like

62.7K 3.2K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1M 32.7K 49
"Hey let's get married, don't assume I don't have a choice okay?" "Huh? Anong sininghot mo Ms Monster?" Alam kong gas gas na yung mag papanggap si...
197K 6.9K 21
Walang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari...