♥Marry Me♥ [ViceRylle]

By mjalms

44.4K 682 151

A continuation of My Gay Lover. PS: I can't attach my video for this, so to those who wanted to watch their '... More

Part One
Part Two
Part Three
Part Five
Part Six
Part Seven
Part Eight
Part Nine
Part Ten
Part Eleven
Part Twelve - KakampiOKalaban?
Part Thirteen - VicePOGiNationaLHaranaDay
Part Fourteen - ViceRylleSweetREVENGEtoJhong

Part Four

2.8K 58 13
By mjalms

☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉

Matapos mabigay ang address, agad kung tinext si Vice at pumunta na sa lugar na pinagusapan namin ni Jhong.

Tahimik pa ang restaurant pagdating ko, agad kung hinanap si Jhong at nakita ko siya sa may sulok na bahagi ng restaurant. Seryoso habang umiinom ng kape.

Karylle: Hi

Di pa rin nagbago ang mood nito kahit kunting ngiti lang as a response sa 'hi' ko. Ano bang meron? Humigop muna ito bago magsalita,

Jhong: Bakit si Vice pa?

Karylle: Huh?

Nabigla ako! How did he know?

Karylle: Ano bang pinagsasabi mo?

Jhong: Wag ka ng magkaila, alam ko ng boy friend mo na si Vice..

Karylle: Pano mo nalaman?

Jhong: Di na importante kung paano o kanino ko nalaman.. Ang punto ay bakit si Vice pa.

Karylle: Bakit naman hindi?

Jhong: Marami namang lalake diyan. Ako! Alam mong gustong gusto kita! Kaya kung ibigay sayo lahat! Bakit dun ka pa sa bakla?

Nagpanting ang tenga ko sa narinig,

Karylle: PRANING ka pala eh! Anu naman ngayon kung bakla iyong napili ko! Mahal ko siya at kahit kailan hinding hindi ako magsisisi sa ginawa ko!

Jhong: Di mo kasi naintindihan,

Karylle:  Anong hindi ko naintindihan? My God Jhong, pano mo nasabi ang lahat ng iyan matapos ng lahat na naitulong ni Vice sayo!!!!!!!!! Pero kunsabagay nuon paman ay alam kung manggagamit ka lang....................... Di ko nga alam kung bakit pa ako nakikipagkita sayo ngayon kaya kung wala ka ng matinong sasabihin mas mabuti sigurong aalis nako.

Pero bago pa ako nakatayo, nahawakan na ako ni Jhong. Aakmang magnanakaw ng halik kaya sinampal ko siya ng malakas.

Karylle: Don't you ever dare do it again Jhong!

Jhong: I'm sorry Kaye di ko sinasadya... Please...

Pero mabilis na akong lumayo sa kanya. Galit na galit!

Plastic! Siya na nga ang tinutulungan ni Vice, nagawa pa niyang mang-ahas!

✂-----------------------------------------------------------------------------------------------------

JHONG'S POV

OO, alam ko, galit kayo sakin! Kasi ako lang naman ang sumisira sa moment ng ViceRylle. Anong paki ko sa inyo? Di naman kasi sila bagay! Ang babae ay para sa TUNAY na lalake.. kaya si Kaye ay para sakin lang.. Sa tagal na panahon na nagpapansin ako sa kanya, lahat ng pagpapa-impress  ginawa ko na tapos ganun-ganon na lang? Malalaman kung nagka-boyfriend na pala siya! Doon pa sa pinagsawaan ko na! HAHAHAHA! Ang babaw lang pala ng ideal boyfriend ni Kaye eh, kung sana nalaman ko iyon eh di sana matagal na kaming mag shota.. Kaya ngayon hinding hindi ako papayag na mapunta si Kaye sa BAKLANG iyon..! GAGAWIN KO ANG LAHAT MAPASAKIN LANG ULIT SI KAYE! AS IN LAHAT!!!

✂-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Di pa rin maka-getover sa nangyari kanina. Kumukulo talaga ang dugo ko!

Nag-ring yung phone ko,

Vice: I'll be there in your house in a moment..

Karylle: Okay babe...

Sa subrang galit ko kay Jhong kamuntikan ko ng makalimutan ang date namin ni Vice. Nag-aayos nako pero 10 mins preparation lang yata iyon, dumating agad si Vice wearing a printed long sleeve unbottoned pa ang dalawang butones, red belt and new styled jeans.. Naka-shade pa and a pair of red rubber shoes 'Lakas maka Vhong Navarro outfit ah'

Karylle: Hi! akala ko mga 20 mins pa ang dating mo

Vice: Bakit? Am I too early?

Karylle: Hindi... sakto lang,

Vice: Your beautiful Karylle as always.. Bagay naman pala sayo ang kulot lang na buhok eh,

Karylle: Di ka lang pala hambog Vice, bolero ka na rin :)

Vice: At ngayon di ka na rin naniniwala sa mga sinasabi ko,

Karylle: Hehe kunti lang pero ikaw din.. Bagay sayo.. Pogi mo..

Vice: Alam ko, nakanganga ka nga kanina pagdating ko hehe

Karylle: Ang kapal kapal mo talaga (sabay kurot sa tagiliran ni Vice)

Vice: Ara-araaay! Sakit nun huh :)

Karylle: Buti nga sayo...

Ang buong pagkaakala koy pupunta lang kami sa isang restaurant pero hindi pala. Sa bahay nila ang destinasyon namin. Nang dumating kami doon naabutan namin ang nanay ni Vice.

Oh My! Di yata ako prepared nito!

Karylle: You should have told me na dito pala tayo pupunta.., ni hindi man lang ako nakahanda.. (bulong ko kay Vice)

Vice: Your perfect Karylle and believe me kahit ano pa ang isusuot mo, magugustuhan ka ng nanay ko..

Nanay: Ana..? Eto na ba iyong kasintahan mo Jose Marie?

Vice: Opo Nay si Karylle ho..

Karylle: Mano po Nay, (sabay mano)

Nanay: Napaka-gandang babae mo pala Ana, napaka-suwerte ng anak ko sayo..

Karylle: Maraming salamat naman po, swerte din naman po ako sa anak niyo..

Vice: Pag maganda Nay, swerte agad? Kung pangit, salot? (pabirong hirit nito)

Nanay: Hindi naman, talagang di lang ako makapaniwala na darating din pala ang araw na to.. Sigurado akong masayang masaya ngayon ang tatay mo.. (maluha luhang sambit nito)

Vice: Nay, mamaya na po iyang drama..

Nanay: Ay pasensiya na, o sige na.., halika Ana at ipinagluto talaga kita ng masasarap na ulam..

Karylle: Naku nakakahiya naman po pero salamat..

Nanay: Ana, dapat ngayon pa lang tatanggalin mo na iyang hiya mo.. Pasasaan ba't magiging anak din kita balang araw..

Vice: Nay wag medyong advance...

Nanay: Bakit pakakawalan mo pa ba ang binibining eto? Hay naku Jose Marie napaka swerte mo nang magiging asawa ni Ana..

Di ko tuloy mapigilan ang humagikhik sa tawa. Ngumiti na rin si Vice, tanda ng pagsang ayon sa Nanay niya. Hahaba lang ng hahaba ang diskusyon kung kukuntrahin pa. Kunsabagay mahal ko na rin si Vice at nangangahulugan iyon na handa na akong maging parte ng buhay niya habang buhay.

Masarap ang pagkain na nasa mesa. Tatlo lang kaming kumakain pero pangsampu ang pagkain na naroroon. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap ng nanay ni Vice sakin. Mas inaasikaso pa nga niya ako kesa sa anak niyang si Vice, kaya naman naparami ang kain ko...

QUOTABLE LINE ON THE NEXT CHAPTER...

"Tinanggal niya iyong mga kamay niya saking mga mata at tumambad sakin ang napakagandang singsing"

☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉

AUTHOR'S POV: asdfagagagfalaksdjgldkgjlsdg!

Hi guys! For the meantime eto lang muna last update ko for this month, may mga personal responsibilities kasi akong dapat pagtuununan.. CHAR! Pero babawi na lang ako sa next update ko PRAAAAMIS! Thanks for reading and have a great ViceRylleAddict day >3

Continue Reading