Part Nine

2K 33 1
                                    

☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉-☉

Madilim. Di ko alam kung nasaan ako. Kinapa kapa ko ang paligid ko pero di ako makagalaw. Sinubukan kung tumayo pero wala akong sapat na lakas. Para akong isang tuyong dahon na nagpapadala lang sa ihip ng hangin. Nakaupo lang ako sa gilid ng isang mabahong kuwarto, isang lumang kuwarto na punong puno ng agiw.

Napansin ko ang isang taong papalapit sakin... Vice? Anong ginagawa niya rito? Lumapit siya sakin... Seryosong seryoso...

Karylle: Vice, tulungan mo 'ko? Ilayo mo ko dito... Ayoko dito...

Pero imbis na tulungan niya ako... Tumalikod eto at lumayo...

Karylle: Vice! Huwag mo kung iwan dito! Vice please!

Pero di na siya lumingon sakin. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa nararamdaman kung unti unti akong nahuhulog...

PLAK!

Karylle: Aray... Ang sakit ng pwet ko...

Nakasimangot na hinawakan ko ang sumasakit kung pwet bunga ng pagkahulog ko sa kama.

Karylle: Panaginip lang pala.

Tiningnan ko ang orasang nakasabit sa dingding. 1:35 am. Nasa kabilang room ako malapit sa kuwarto ni Vice. Lumabas muna ako para uminom ng tubig.

Vice: Ba't ka bumangon?

Nakaupo ito sa isang couch, umiinom ng kape...

Karylle: Nightmare...

Vice: Sabi sayo eh... Di ka dapat nanunuod ng horror movies bago matulog...

Tugon nito habang inaalalayan niya akong kumuha ng tubig sa ref.

Karylle: Ikaw ba't di ka pa natulog? Madaling araw na.

Vice: Di pa kasi ako inaantok.

Karylle: Pano ka naman aantokin niyan kung panay ang inom mo ng kape..

Vice: Okay lang... Ikaw ayos ka na ba?

Niyakap niya ako mula likoran at ipinatong ang baba sa shoulder ko.

Karylle: Hmmm.

Tumango lang ako. Nag flashback sakin ang panaginip ko.. Nakakatakot.. Humarap ako kay Vice at niyakap ko siya ng mahigpit.

Karylle: Wag mo kung iwan Vice ha?

Vice: Bakit ko naman gagawin iyon? Babe... (seryosong tinitigan niya ako sa mga mata) I will never ever leave you... Tandaan mo iyan.

Hindi na ako sumagot. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

♥Marry Me♥ [ViceRylle]Where stories live. Discover now